Chapter 21: The Prey
A/N: Sa nakakakilala sa magandang bisita sa update na ito, cameo lang siya. Pati na ang organisasyon. Romance ang genre nito guyth kaya wag na umasa <3
CHAPTER 21
CHIANTI'S POV
Nananatiling nakapikit ang mga mata na nag-inat ako. Automatikong inabot ko ang espasyo sa tabi ko ngunit napamulat ako nang hindi ko maramdaman si Gaige roon. Dahan-dahan akong bumangon at inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto. Huminto ang mga mata ko sa kulay pulang rosas na naka patong sa ibabaw ng unan ng lalaki at katabi niyon ay isang maliit na papel.
I'm out for a swim. Kapag nakabalik na ako at tulog ka pa, I'll wake you up with kisses...and what this rose signify. But If you wake up before I come back, just take this with you and I'll pay my debt later.
G.H.
Nangingiting kinuha ko ang rosas at inamoy iyon. He gave me a sunset rose before...now he gave me a red one. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga rosas na ito. But for now, I will just put it in a closet in the back of my head. Just for now.
Inabot ko ang papel na pinagsulatan ni Gaige at muling binasa iyon. Should I stay in bed then?
Naiiling na hinila ko ang kumot at ipinalibot ko iyon sa katawan ko bago ako tumayo. I should replenish my strength first. Hindi ko na alam kung anong oras kami nakatulog...dahil...
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Sinundan ko ng tingin ang mga nakakalat kong mga damit sa sahig. Damit ko lang dahil in the first place...wala naman na talagang suot si Gaige kahapon.
Nilagpasan ko ang mga damit ko at tinungo ko ang kabinet rito sa kwarto. Binuksan ko iyon at kaagad na dumapo ang tingin ko sa mga damit ni Gaige na maayos na nakatiklop at nakasabit doon.
Sa Exquisite, may dalawa lang akong choice. Mabilis suotin ang mga damit ko at umalis o hintayin kong maunang umalis ang kliyente. There's no emotion and no cliche talks like 'That was the best night of my life'. Except to those few men who think they own me after having me. Na animo nakakalimutan nila na trabaho lang ang dahilan kung bakit kami nagkasama.
But right now...it feels different. Na para bang hindi ko kailangan magmadali at hindi ko kailangang matakot sa kung anong aasahan ko kay Gaige. Because he made it clear. He will come back.
Kinuha ko ang puting polo ni Gaige na maingat na nakasabit. Binitawan ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at isinuot ko iyon. Lagi kong nakikita ito sa mga pelikulang napanood ko. Noon hindi ko maintindihan kung nao bang purpose nang pagsuot ng damit ng kapareha mo. Pero ngayon ay naiintindihan ko na iyon. There something...romantic about it. To be wrapped with your partner's clothes as if he's still embracing you just after a night full of passion.
Sinarado ko ang kabinet at tinignan ko ang sarili ko sa salamin sa pintuan niyon. Malaki sa akin ang damit pero komportable ako ro'n. I can imagine Gaige's big built consuming me...literally and not.
"Ang aga-aga Chianti ah." bulong ko sa sarili ko.
Naglakad ako palabas ng kwarto. Nagpalingon-lingon ako ngunit walang tao roon. Hindi ko din makita si Duane. Tahimik na tinungo ko ang daan papunta sa kusina ngunit napatigil ako ng may mapansin ako sa labas ng bahay.
Dahil sa salamin ang nakapalibot sa sala ay kita ko mula sa kinatatayuan ko ang labas kung saan ngayon ay may mga lalaking nakatayo roon at nakatalikod sa akin.
Napakunot ang noo ko. Bodyguards? Naiintindihan kong mayaman si Gaige at kailangan niya ng bodyguards. Pero ngayon ko lang sila nakita na nakabantay talaga at na bungad. Idagdag pa na madami sila hindi katulad kapag kasama ko si Gaige na kaunti lang ang nakasunod sa amin.
"Hi!"
Marahas na napasinghap ako at nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. May katangkaran siya, mahaba ang kulay tsokolate na buhok at hindi katulad ng karamihan sa babae ngayon ay may laman siya at makurba ang katawan. Naghuhumiyaw ang 'front bumper' niya sa suot na hapit na itim na blouse na may medyo mababang neckline at ang kurba niya naman ay lalong naemphasize dahil sa suot na leather pants. May suot din siya na boots na mataas ang takong. She looks like the epitome of badass woman.
"Sino ka?" kunot noong tanong ko. Kung isa na naman ito sa mga nag hahangan kay Gaige ay hindi pa ako handa na makipagbatuhan ng linya o makipagsabunutan. Not like I will ever stoop that low. Hindi pa ako nag-aalmusal at bukod sa polo ni Gaige ay wala na akong ibang suot. At all.
Nakangiting itinaas niya ang mga kamay niya. "Harmless ako. Maliban na lang sa gwapo, macho, oozing with sex appeal, magandang ngumiti-" lalong lumawak ang ngiti niya nang makita niya ang lalong paglalim ng gatla sa noo ko. "At ang pangalan ay nagsisimula sa F. Meaning, hindi ako nandito para sa hottylicious na si Gaige Hendrix, Mrs. Hendrix. Taken na po ang puso ko."
This woman is weird...in a good way I think. Confidence is radiating around her. Tuloy-tuloy din siyang magsalita na para bang wala siyang pakielam kung maintindihan ng kausap niya ang sinasabi niya.
"I'm an assistant for a security agency. Sinamahan ko lang makarating dito ang mga professional bodyguards namin at para na rin makausap si Mr. Hendrix dahil hindi available ang boss ko. By the way, 'wag kang matakot sa mga body guards na nasa labas. They're part of the junior team in our org- company and their just here to do their job."
"And what is that exactly?" I asked.
Iwinagayway ng babae ang isa niyang kamay sa harapan ko na para bang sinasabi na normal happenings lang ito. "Just the usual."
Umiling ako. May kung anong kaba ang namumuo sa dibdib ko. "I don't think so."
Nanatiling nakangiti ang babae at diretsong nakatingin sa akin. "Naninibago ka lang siguro dahil visible sila ngayon. Hindi mo na rin naman sila makikita later on at babalik na sila sa palihim na pagbabantay kay Mr. Hendrix."
"Ano ang iba ngayon? May kailangan ba akong dapat ipag-alala?"
"Not at all, Mrs. Hendrix! Pabalik na kasi kayo sa Luzon world kaya on alert sila. I hope this won't make you uncomfortable. Hindi naman sila manggagambala."
"Of course." I whispered.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. This feeling...it was something that's been bothering me for quite some time. Natatabunan lang iyon at nakakalimutan pero nararamdaman ko iyon. Na para bang may kailangan akong asahan...na pangambaan.
"Mauna na ako, Mrs. Hendrix. It's nice meeting you." Sa pagkagulat ko ay lumapit sa akin ang babae. Automatikong napaatras ako. Huminto siya at hindi napapalis ang ngiti na itinaas na lang niya ang kamay niya at bahagyang kumaway. "I'll get going then."
Tumalikod siya at naglakad paalis. Napabuntong hininga ako. She seems like a nice woman. Hindi lang kasi talaga ako sanay na basta nilalapitan kung wala namang kinalaman sa akin ang taong iyon. "Miss?" tawag ko sa babae.
Lumingon siya sa akin. "Yes, Mrs. Hendrix?"
"You can call me Chianti."
Nakangiting tumango siya. "I'm Athena."
GAIGE'S POV
UMAHON na ako mula sa paglangoy sa dagat. Hindi ako sigurado kung gising na si Chianti ng mga oras na ito pero mas mabuti kung hindi muna. I would love to do the privilege of waking her up with kisses.
Last night changed a lot of things in our relationship. I know that we won't have an easy ride starting from today...but I know that it will be worth it. It's not just about the sex. It's about claiming her and belonging to her at the same time. It's about giving her all that and seeing her take it.
Alam ko na hindi pa rin nawawala ang takot ni Chianti. Na hindi pa rin tuluyang bumabagsak ang mga pader na nakapalibot sa paligid niya. Nagawa man tibagin niyon ang ilan ngunit may mga harang pa rin na natitira. But I also know that I'm half way in there.
Tinungo ko ang kinaroroonan ng tuwalya ko at kinuha ko iyon at sinimulang punasan ang katawan ko. Napahinto lang ako ng mapansin ko ang isang babae na nakasandal sa isang puno at nakatingin sa akin. I don't recognize her but I have an idea who she is.
"They sent you?" I asked as a greeting. Ang tinutukoy ko ay ang organisasyon na sinabi sa akin ng detective na kinuha ko para sa sitwasyon ni Chianti. They're not a security agency but rather a secret organization who in this world of pretend black and white can be considered as gray.
"Yes. I'm Athena." she said and approached me. Inilahad niya ang kamay niya at inabot ko iyon. Kaagad din siyang bumitaw at nakangiting humalukipkip. Wala na siyang ibang sinabi na kahit na anong detalye tungkol sa kaniya o sa organisasyon na kinabibilangan niya. "Everything is settled."
Like Detective Dalton said, the organization he referred is different from the others. Mas high tech ang mga kagamitan nila at mas mahigpit ang seguridad nila. It was the reason they refused on taking our case. Napapayag lang ang head nila ng malaman niyon ang tungkol kay Chianti. I even have this inkling feeling that they are more interested in Chianti than on settling an account with me.
"And the payment?"
Umiling siya. "Pagkatapos ng maayos ang problema ni Mrs. Hendrix." Nag-inat siya at nakangiting inilibot ang tingin sa paligid. "Parang ang sarap naman na magbakasyon dito." Hindi ko siya kilala ngunit hindi naman siya mukhang masamang tao. To show courtesy I asked her if she wanted to stay. Muling umiling lang ang babae at ngumiti. "I can't. Naghihintay kasi ang fafable ko sa pag-uwi ko. Di bale next time bibilin ko ang isla malapit dito. Anyways, nice meeting you Mr. Hendrix. Mauna na akong umalis para mag-report sa head namin. Mainitin ang ulo no'n eh at kahit ang kadyosahan at beautiful presence ko hindi napapakalma 'yon."
Nagtatakaman man at naaaliw sa kilos niya ay kinamayan ko siya at sinundan na lamang ng tingin nang tinalukuran niya na ako at pakanta-kantang naglakad paalis.
Kinuha ko ang mga gamit ko at tinahak ko ang daan pabalik sa villa. Since everything is settled with the security team...I guess I have to settle my debt to my lovely wife.
CHIANTI'S POV
NAGHIHIKAB na binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko at lumabas. Madaling-araw na kami nakabalik ni Gaige ng Luzon. Imbis na ihatid ako sa condo ko ay sa bahay niya kami tumuloy. Ang layo pa tuloy nang binyahe ko para lang makarating dito sa Aroma Cafe kung saan nakaschedule kaming magkita ng mga kaibigan ko.
Pinagbuksan ako ng pintuan ng security guard na kilala na ako dahil sa ilang beses na pabalik-balik ko rito at pagkatapos ay tuloy-tuloy akong pumasok at tinungo ang kadalasan naming kinapupwestuhang magkakaibigan.
Kaagad ko silang namataan at napailing na lang ako ng makita ko na kumpleto na sila. "Yes, yes, I know. Late na naman ako. Did you order for me?" sumusukong sabi ko ng makalapit ako sa kanila. Umupo ako at nag-angat ng tingin sa mga kaibigan ko. Sa pagtataka ko ay lahat sila nakangiting nakatingin sa akin. "What?"
"She's wearing a dress, girls." Rousanne whispered to Asti and Syrah as if I wasn't there.
"Oo nga. At wala ni isang patak ng pintura. Malinis din ang mga kamay." sabi naman ni Syrah.
"And she looks like she got some." Asti finished.
"Asti!" namumula ang mukha na saway ko sa babae. "Pagbuhulin ko kaya kayong tatlo? Pagkatapos niyo akong ipagpalit sa trip to Hongkong aasarin niyo pa ko."
"Sa pagkain kita pinagpalit." sabi ni Asti.
"Sa shopping spree." pakanta namang sabi ni Rous at Syrah.
Panaikot ko ang mga mata ko. Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang mga ito ay baka nag walk out na ako. Iyon nga lang alam ko na sila lang ang nakakatagal sa kaabnormalan ko at ako lang din ang nakakatagal sa mga kaweirduhan nila sa buhay.
"Sayang talaga hindi ka namin nakasama, Chi. Ang ganda-ganda doon! Tas ang dami pang pwedeng kainan." nakatingin sa alapaap na sabi ni Syrah.
"At iyong mga damit. To die for." sabi naman ni Rous.
Ngumiti si Asti. "At iyong mga pinamili ko na pagkain at products nila. Ayon, bumebenta na. Nakapagbayad na nga ako ng kuryente eh."
"Dapat talaga sumama ka!" nakangusong saad ni Syrah.
Sinundot siya sa tagiliran ni Rousanne. "Hello? Honeymoon po nila ng Gaige Hendrix niya. For sure naman nag-enjoy 'yan."
Nag-iwas ako ng tingin at umakto akong napakaimportante ng design sa ceiling ng coffee shop na iyon. Ilang sandali lang ay ibinalik ko ang atensyon ko sa kanila ng impit na magtilian ang dalawa at parang inaasinan na bulate na nangangaligkig sa kinauupuan.
"Mga baliw." bulong ko.
"So saan ka ngayon tutuloy? Your condo or his house?" tanong ni Asti pagkaraan na nakatutok ang mga mata sa cellphone niya at sunod-sunod na tumitipa roon.
Siguradong may kausap na naman 'yan na may kinalaman sa trabaho, bayarin sa bahay o sa bago niyang pinagkakakitaan. Ganiyan naman iyang si Asti. Basta may silbi sa kaniya at saka lang niya pinagkakaabalahan. Kami lang ata na mga kaibigan niya ang nagsisilbing taga-balanse para manatili siyang tao at hindi maging paper bill.
"His house since we're supposed to be husband and wife. But during my 'day off' I can stay at my house."
Tumaas ang kilay ng babae at binaba niya ang cellphone niya. "And will you?"
Bumuntong-hininga ako. "To be honest, I don't really know. He's still my client-"
Pinutol ni Syrah ang sasabihin ko. "Technically he's your husband."
"And my client." I said again. "Exquisite-"
"Fuck Exquisite." Rousanne said in my surprise. Mukhang nagulat din ang iba pa naming mga kaibigan. Sa lahat kasi, bukod kay Syrah, ay si Rous ang pinakalevel headed sa aming lahat. "Gaige bought your remaining years. Kahit siguro triplehin pa nila ang kabayaran sa bagay na iyon ay hindi aangal si Gaige. They have no hold when it comes to you now, Chianti. Formalities na lang kaya ka nagrereport sa Exquisite. That commitment you thought that will imprison you is actually what set you free from the cage we're all into. You got out first and you deserve that. And someday that luck will turn to us and when that happens, we will fight tooth and nail to get out too."
Hindi ako sumagot at nanatili akong nakatingin sa kaniya. Walang emosyon ang mga mata niya ngunit bumalik na ang ngiti sa mga labi niya. Saglit na nagkatinginan kami ni Asti at ni Syrah na kita din ang pagtataka sa mukha. Ngunit sa kabila niyon ay sa unang pagkakataon ay may napansin akong pare-pareho sa kanilang tatlo. They look guilty. Like they're hiding something from me...and from each other.
Nitong mga nakaraan buwan ay tanging mga pangyayari sa buhay ko ang nagiging sentro ng mga usapan namin. But now that things are becoming clearer and clearer with me and Gaige, I'm starting to notice things. Katulad ng hindi lang sa buhay ko may nagbabago ngayon.
I'm sure of it.
"Anyways!" pumapalakpak na sabi ni Rousanne. "How was it?"
"How was what?" I asked.
Umirit din si Syrah at ginaya si Rous. "The ultimate gift of the heaven! The big thing! Ang sandata ni Adan!"
Bumuka ang bibig ko para magsalita ngunit muling sumingit si Rous. "Was he huge?! Gigantic?!"
Naniningkit ang mga matang itinikom ko ang mga labi ko. Kasabay niyon ay may narinig kaming mahinang pagtikhim. Sabay-sabay na nag angat kami ng tingin sa waiter na dala-dala ang apat na inumin. Namumula ang mukha ng lalaki pati na ang mga tenga niya.
"H-Here's your orders. Two venti green tea frapuccino, shot of espresso and one g-giant...I mean grande, java chip frappuccino."
Nagmamadaling inilapag ng waiter ang mga inumin at dali-dali rin siyang umalis. Painikot ko ang mga mata ko at kinuha ko ang java chip. Imbis na uminom roon ay tinatago ang ngiti na hinintay ko muna silang sumimsim sa mga sarili nilang inumin. Nang makita kong tahimik silang umiinom ay nagsalita ako.
"He was so huge I thought he could lift me and shoot me in space."
Sandali lang ang itinagal ng pagbubunyi ko ng mabulunan sila dahil nagtalsikan kung saan-saan ang mga inumin nila na bigla na lang nilang ibinuga. And one, directly hit me. "Aray! Asti ang init!"
Katulad ng mga nakaraang beses na nagtutungo kami sa lugar na ito ay riot na naman ang naging kaganapan. Mas naging magaan ang pag-uusap at bahagyang nawala ang tensyon sa paligid.
Ngunit sa kabila niyon ay nakakaramdam ako ng kakaiba sa kanila. Hindi sa pagkakaibigan namin kundi sa kanila bilang indibidwal. And I'm hoping...I'm hoping with all my heart that what ever changed in them, in their lives, is a good thing.
Lagi nilang sinasabi sa akin dati na sa lahat sa amin ay dapat ako ang unang makakawala sa Exquisite. That I deserve it...to live a life not being scared. Pero para sa akin, lahat kami ay may karapatang makalaya mula sa Exquisite. Lahat kami makakaalis. And then maybe one day, Exquisite will no longer exist on this world.
Some may think that I should be thankful. Iyon ang paulit-ulit na pinaparating ng three founders ng Exquisite. But I can't. Because Exquisite is not just a horrendous cage...but also a trap. And like a spider's prey we couldn't escape easily. Hindi lang dahil sa sapot na nakapalibot sa amin...kundi sa pangamba sa kayang gawin ng gagamba. Because a prey wouldn't just fear being trapped. Of course not. It would fear getting eaten.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na natili sa Aroma Cafe. Naghiwalay-hiwalay lang kami ng makatanggap si Asti ng tawag mula sa boss niya. Nagpasya na rin kami nila Syrah na umuwi na tutal ay kinakailangan ko pa rin ng sapat na tulog.
Bumalik ako sa sasakyan ko at imbis na tahakin ang daan pauwi sa bahay ni Gaige ay dumaan muna ako sa condo ko. Kukuha muna ako ng ilang damit at pagkatapos ay dadaanan ko si Mr. Snipes sa clinic ni Rousanne.
Nang makarating sa condo ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid. I always love my space. Pero hindi ko itatanggi na bahagya na akong nasasanay sa lugar na hindi lang kama at sofa ang meron.
Pumasok ako sa kwarto ko at nag impake ng ilang damit at pagkatapos ay muli akong bumalik sa sala. Ipapatong ko sana ang bag sa sofa ng matalisod ako sa kung anong bagay dahilan para bumagsak ako sa upuan.
Natatawang napailing ako ng makita ko na paint brush pala ang nakatisod sa akin. "I think I should clean first before I die because of a paint brush."
Tatayo na sana ako para ayusin ang mga nakakalat na gamit pati na ang sofa na nausog ko dahil sa pagkakatulak ko roon ng may mapansin ako sa paanan ko. Kinuha ko iyon ng makita ko na isang sobre iyon.
Binaligtad ko iyon para tignan kung kanino galing ngunit walang nakasulat na pangalan. Nagtatakang binuksan ko ang sobre at kinuha ko ang maliit na papel mula roon.
Pakiramdam ko ay may kung anong sumaklot sa dibdib ko ng mabasa ko ang nakasulat roon.
Little Chianti,
I finally found you.
________End of Chapter 21.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top