Chapter 2: The Angel

CHAPTER 2

CHIANTI'S POV

Sumimsim ako sa hawak ko na martini glass habang tahimik na pinagmamasdan ang nangyayari sa paligid. Nandito kami ngayon sa bahay ni Lindsey. Puno ang bahay niya ng mga tao na karamihan ay ngayon ko lang nakilala. Mabuti na lang at malaki ang bahay niya kung hindi ay nakatayo na siguro kaming lahat.

Ito na ata ang isa sa pinakamarangyang party na napuntahan ko. Well kung ang tutukuyin ay party na isa sa mga katulad ko ang nag-ayos. Kung sabagay, sa kaunting pagkakakilala ko kay Lindsey mukhang isa siya sa mga taong sanay sa karangyaan.

Hindi ko na sana talaga gustong tumuloy dahil may mga tatapusin pa akong trabaho pero alam kong hindi ako titigilan ng mga kaibigan ko na hindi naman si Lindsey ang pinunta talaga dito. Katulad kasi ng inaasahan ay may ipinakilala sa amin ni Asti sila Syrah na dalawang lalaki. But as always, nagawa naman naming takasan ni Asti ang mga ito na ngayon ay paniguradong nakahanap na ng ibang babaeng pagtutuunan ng pansin.


Wala ng nagawa ang mga kaibigan namin dahil kilala naman nila kami ni Asti. Hindi nila kami mapipilit kung ayaw namin. Besides from work, wala akong balak makipagassociate sa mga lalaki. Hindi kasama ang pag-ibig o ang pakikipagrelasyon sa mga plano ko sa buhay.


Napatingin ako sa komosyon at napangiti ako nang makita ko ang agaw pansin na mga babae na nandoon. Ngayon sa dance floor ay kasalukuyang sumasayaw si Roussanne at Syrah kasama ang ilan sa mga kakilala namin. Kung titignan sila animo pinaghandaan nila ang ginagawa nila. Pero ang totoo niyan ay talagang kabisado na nila ang mga galaw nila. Years of practice.


"O, Chianti, Asti, wala ba kayong balak sumayaw? Nagkakasiyahan doon sila Syrah ah." sabi ni Gina, isa sa mga kakilala namin nang mapadaan siya sa harapan namin.


It's Ki-Yan-Ti. "We're okay here. Mamaya na lang siguro kami makikigulo sa kanila."


"Okay! Paano, mauna na ako ha? Nautusan akong kumuha ng drinks eh."


Nakangiting tinanguhan ko na lang siya. Nang makaalis siya ay tumingin sa akin si Asti at nagsalita, "Hindi mo ba gustong sumama sa kanila?" tanong niya na ang tinutukoy ay sila Syrah na nasa dance floor.


"Alam mo naman na ibang sayaw ang kaya kong gawin."


"Do you always need to bring it up?" She asked, sighing.


"If I won't then what would I say? Lahat naman ng sinasabi ko katotohanan lang."


Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Alam naman niya kung ano ang tinutukoy ko. Mahirap naman talagang ialis sa pagkatao namin ang katitohanan.

Ilang sandali ang lumipas bago siya muling nagsalita, "Hindi ka ba naiinggit sa kanila?"


Napalingon ako sa kaniya. "What?"


She nodded towards the dance floor. "They can dance. Hindi nila kailangang gawin kaagad ang bagay...ang bagay na iyon. Maraming alternatibo, h-hindi-"


Naputol ang sasabihin niya ng tawa ko. "Bakit ba hirap na hirap ka sabihin? You're older than us."


"You're older than the three of us in many ways."


"Asti, pareho lang ako sa kanila. Ang pagkakaiba lang namin ay hindi sila kaagad sumabak sa 'bagay' na sinasabi mo. Though we all started young, they started different. Some shared it with someone special...by choice. Ang iba sa kanila ay nakaranas pa na mainlove, sumubok na maghanap ng ibang trabaho, hanggang sa nauwi sila sa kung ano sila ngayon."


"And you don't envy them?"


"No." I said quickly.

"You don't envy me?"


A soft smile curved my lips. "No."


"Why?"


"Ano naman ang mangyayari kung maiinggit ako? May magbabago ba? Iisa lang ang kinabagsakan nating lahat. Lahat tayo nakakulong sa isang lugar na hindi natin gusto." Mapait ang ngiting tumingin ako sa harapan namin sa mga taong nagkakasiyahan. "Parehas nating hindi maikukubli ng pekeng saya ang mga bagay na gusto nating itago."

Umiling siya at inisang lagok ang natitira sa hawak niyang kopita. "You're different."


"I'm not."


"Chianti-"


"I was raped when I was fifteen. Iyon ba ang difference na sinasabi mo? O ang iba na sinasabi mo ay dahil sa mula ng mangyari iyon ay iyon na ang kinamulatan ko hanggang sa naging trabaho ko na ang pagbenta sa sarili ko?


"Chi..."


Nakangiting sumandal ako sa kinauupuan ko at itinaas ko ang mga paa ko sa mesita sa harapan namin. "O ang iba na tinutukoy mo ay dahil sa lahat sa atin, ako ang walang pakielam sa sarili ko noon? I was ready to die, Asti. Exquisite found me and now here I am. Walang pinagbago maliban sa tumaas na ang sell price ko."


"I'm sorry, Chi." she whispered. "I shouldn't have brought it up."


Kumilos ako hanggang sa nakasandal na ako sa kaniya at nagpatuloy, "I never been touched with someone who really cared, or held by someone who loves me. Not even with my parents. Alam mo na naman di ba? Maaga silang kinuha sa akin. But even before, they didn't really cared about me. Dahil hindi ako planado...not like the plans they already set for their lives. But that doesn't make me any different. Iba-iba lang tayo ng naranasan."


"Iba-iba pero sa iisa din tayo nauwi."


I smiled bitterly. "Sa Exquisite."


I'm a painter, Asti's a call center agent, Roussanne's a Veterinarian, and Syrah's a dance instructor. Bukod pa sa mga trabaho namin, may isa kaming bagay na itinatago sa iba. We're all working for Exquisite Company. It's a well known hotel here in Ternate, Cavite with a great facilities. But the luxurious rooms, fancy bar and massive casino are not the only reason for it to skyrocket. Dahil ang kompanya na ito ay may isa pang specialization.


It sells pleasure.


That's where we come in. Exquisite Co., have four different departments. And I belong to one of them. I work for them as an escort...or what people know as, a call girl.


Kahit na ngayon ay may sarili na akong kabuhayan, hindi ako maaaring basta-basta na lang umalis kahit gustuhin ko man. Because I need to finish my ten year contract with them that I signed when I was eighteen.


Tatlong taon na lang. Tatlong taon na lang, makakakawala na ako.


Iba't-iba ang kaso naming magkakaibigan. Si Roussanne, bumagsak ang negosyo ng pamilya nila. Then came the offer of Exquisite and she accepted. Dahil wala na siyang ibang option para sa buong pamilya niya. Her father's a mess for losing the business, her mother can't do anything but be a housewife and her siblings are too young. She tried to do descent jobs but for some reason, nothing worked out. Laging nagkakaroon ng dahilan para tanggalin siya sa trabaho. Hanggang sa pumasok siya sa Exquisite kung saan hanggang ngayon ay nagtatrabaho siya bilang show girl para sa mga stag party.


Si Syrah, masyado na raw malaki ang pamilya nila, idagdag pa na iba ang tatay ni Syrah, so her mother sold her to Exquisite Corporation when she was just five years old. She signed a contract when she was eighteen years old and became a pole dancer and a stripper for the company.


Halos kapareho ng kay Asti, she's just year older than us at siya din ang pinakamatagal sa Exquisite. Ang pagkakaiba lang niya kay Syrah ay sa ampunan kinuha ng Exquisite si Asti nang sanggol pa lamang siya. The orphanage was burned to the ground and Asti was left along with the orphanage's head pero may sariling pamilya ito kaya hindi maaaring kupkupin si Asti. One of the big boss of Exquisite found out about her and decided to take her in. Lumaki siya hotel ng Exquisite, binibigyan siya ng sapat na budget, pinag-aral, at nang nasa tama na siyang edad ay binitawan na siya at pinapirma ng kontrata upang magtrabaho sa Exquisite. And now Asti's a telephone sex operator. The only one in the four of us who is still holding her V-card.


Kung sino ang isa sa tatlong founder ng Exquisite ang umampon sa kaniya? Walang nakakaalam. Dahil walang kahit na sino man sa amin ang nakakita na sa mga founders.


"Asti." tawag ko sa atensyon niya.


"Yes?"


"Ikaw, hindi mo ba gusto na lumipat ng ibang department?"


"No."


Nag-angat ko ng ulo at nginitian ko siya. "Good. Nandito naman kami. Hindi mo na kailangan gawin ang mga ginawa namin. Basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami."


Matamang tinitigan niya ako at pagkaraan ay mahinang nagsalita. "I know."


"Hey girls!" patakbong lumapit sa amin si Syrah na hila-hila si Roussanne. "Anong drama 'yan at bakit hindi kami kasali?"


"Moment namin 'to kaya lumayas na kayo. Shoo!" pagtataboy ko sa kanila.


"Ah ganon." pagkasabi niyon ni Syrah ay sa panggigilalas ko ay bigla na lamang siyang kumandong sa akin at gumiling ng gumiling. "Roussanne tulungan mo ko at ng mapilitan ang dalawang 'to na isali tayo sa mga pangarap nila."


"Ayoko na, tinatamad na'ko. Isa pa walang surprise kaya hindi ko trip."


"So hahanap pa ako ng gigantic cake para lang sayawan mo ang dalawang babaitang ito?"


Ngumiti ng matamis si Roussanne. "Pwede din. Ikaw? Hindi mo ba kailangan ng pole mo?"


"Shhh!" saway ko sa kanila. Bahagya kong itinulak ang kumekendeng-kendeng pa rin na si Syrah hanggang mapaupo na siya sa kabilang side ko sa kinauupuan namin na sofa ni Asti. She looks really hammered. "Ilang galon ng alak ang nainom mo?"


"Too!"


"Dalawa?"


"Hindi. Too! Too many to mention!" sagot niya na napapahagikhik pa.


Tinaasan ko ng kilay si Roussanne. "At ikaw?"


"Four lang."


"Four hundred?"


"Funny. Hindi naman. Mga four times four lang." sabi niya at nakipag-appear kay Syrah na muntik pang sumubsob dahil hindi sumakto ang kamay sa babae.


Napahilot ako sa sentido ko. Buti na nga lang pala at sumama kami nila Asti kung hindi ay hindi ko alam kung paano makakauwi ang dalawang ito. Tumayo ako at tumingin ako kay Asti. "Bantayan mo muna ang dalawang pasaway na iyan. Kukuha lang ako ng kape."


"Pakikuha na rin ako. Ako na ang maghahatid kay Roussanne dahil malapit lang naman siya sa amin. Ikaw na kay Syrah."


Tinanguhan ko siya at pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa malaking kusina ni Lindsey. Hindi ko lang alam kung gising pa ang kasambahay niya na nakita ko roon kanina.


Nang makarating roon ay napabuntong-hininga na lang ako ng makita ko na wala na doon ang kasambahay. Mukhang ako talaga ang gagawa ng kape. Mabuti sana kung may instant coffee dito.


I opened the cupboard ang groaned when I saw the coffee containers. Definitely not instant. I grabbed one of it then my eyes fly to the coffee maker at the corner of the kitchen island. "This is why I hate brewed coffee. What's wrong with instant? I can't even taste the difference."


"Problem?"


Hawak pa rin ang container ng kape na nilingon ko ang nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa pintuan ng kusina. Muntik ko pang maihulog ang hawak ko kung hindi ko lang iyon naagapan.


Marami na akong nakilalang lalaki sa buong buhay ko. Iba't-ibang klaseng itsura, ugali...but I never met someone who looks like him. Someone who looks like as if he's a sculpted image of an angel that was made by the most talented artist.


Pero hindi iyon ang labis na ikinabigla ko kundi ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng buto sa katawan ko. Na pakiramdam ko ay naririnig niya ang sunod-sunod na pagdagundong sa dibdib ko.


"Miss?"


"W-What?"


Itinuro niya ang hawak ko. "Problem with that?"


Nagbaba ako ng tingin sa hawak ko na kape bago ko siya muling tinignan. "Wala naman. Hindi ko lang kasi alam kung paano gamitin ito."


Dumaan ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya. Maybe because of how fluent I am with the language even though I don't look like a Filipina. "Akala ko may problema ka sa kape."


Napaatras ako ng humakbang siya palapit sa akin. Umangat ang kilay niya dahilan para mapatigil ako sa muling pag-atras at tuluyan na siyang lumapit sa akin. Napahugot ako ng hininga nanc umangat ang kamay niya.


"Are you really okay, Miss?" he asked with a knotted forehead and took the container from my hands.


"I-I'm fine."


Ilang sandaling pinagmasdan niya ako bago siya nagsimulang kumilos. Lumapit siya sa coffee maker at may kung anong ginawa roon. "Lindsey's best friend is my sister. We owned a company that handles beverages, especially coffee." itinaas niya ang container. "This is a free sample."


"Oh." I whispered.

I tried to appear nonchalant even though my entire system are going hay-wire inside of me. Hindi ko alam kung anong meron siya at ganito ang nararamdaman ko.

Get a grip, Chianti.


"Pang-ilan ang kailangan mo?" tanong niya dahilan para mapapitlag ako.


"Umm. What?"


Muling kumunot ang noo niya. "Na kape?"


Get a grip Chianti Callahan. "Para sa apat. Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang gagawin ko. Baka makaistorbo pa ako."


"No, it's okay."


"But-"


Nag-angat siya ng tingin mula sa ginagawa. "I already got it."


Hindi na ako umimik at hinayaan ko na lang siya. He's just making a simple coffee but for some reason, I can't take my eyes off him. Pakiramdam ko hindi lang isang kape ang kailangan ko kundi isang dosena para mahimasmasan ako sa mga kakaiba kong narararamdaman.


"So, do you work with Lindsey?"


Nafreeze ang nagkakagulong sistema ko. "Anong ibig mong sabihin?"


"Ngayon lang kasi kita nakita kaya baka isa ka sa mga kinukuwento ni Lindsey na katrabaho niya sa isang hotel."


"Well...yes."


"Oh, so you're a chef too? What's your designation station?"


Napakurap ako sa sinabi niya. Ano daw? Chef? "Designation? Erm...ano kasi-"


"Chi!"


Napatingin ako sa pintuan ng kusina nang sumulpot roon si Lindsey. Lihim na napabuga ako ng hangin. Saved by the bell. "O, bakit?"


"Tawag ka na nila, Sy. Dadaan na lang daw kayo sa drive thru para bumili ng maiinom na kape. Nabanggit ko kasi na brewed coffee lang ang mayroon dito kaya baka matagalan pa."


"Sige." nilingon ko ang lalaki. "U-Una na ako."


Tumango siya at inilahad ang kamay niya. "Gaige Hendrix. Nice to meet you...Miss?"


"Chi-"


Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko na hinila na ako ni Lindsey at humahagikhik na iginaya niya ako palabas ng kusina. Nakaangkala sa braso ko na naglakad kami ng babae papunta sa kinaroroonan nila Syrah.


"He's hot right?" she asked.


"What?"


"Gaige."


Nag-iwas ako ng tingin. "Okay lang."


Humagikhik na naman siya. Her giggles makes me want to scratch my ears out for some reason. "Oh come on, he's hot. As in smoking hot. It's a good thing isn't it?"


"Good thing?"


"Yes." she beamed at me. But her eyes are sharp like she's trying to read something in my eyes. "It's a good thing that he's mine."

_______End of Chapter 2.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top