Chapter 19: The Woman



A/N: Special mention to Itsmyballpen na kada update ng Exquisite ay tinatadtad ako ng comments :) Thank you so much for the support! Ipagpatuloy ang pagpuso sa #GAIANTI #ExquisiteSaga <3

At para sa lahat~ Soloomooooot!

CHAPTER 19

CHIANTI'S POV


"So ano nga? Ang tamad mo talagang magkuwento Chianti, no? Ang mahal mahal ng pag tawag tapos wala ka namang sinasabi na kahit na ano."


Pinaikot ko ang mga mata ko. Kasalukuyan kong kausap si Roussanne na nag-iisang sumagot ng tawag ko. Sa pagkakaalam ko ngayon ang araw na uuwi sia pabalik sa Pilipinas.


"Kanina pa kaya ako nagsasalita. Tatawag ba ako ng wala akong sasabihin? And it's Ki-Yan-Ti not Chi-Yan-Ti."


Pakiramdam ko past time na ng mga kaibigan ko na maliin ang pagbigkas sa pangalan ko para lang asarin ako. Sa ilang taon ba naman na itinatama ko sila imposibleng hindi nila matandaan ang pronunciation ng pangalan ko.


"Whatever. Ano na nga? Nagamit niyo na ba ni fafa Gaige ang mga ibinigay ko? Remember. It's better to be protected than juntis."


"Rousanne!"


Nilingon ko si Gaige ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Inismiran ko siya at matalim na tinignan ko ang cellphone na nakapatong sa center island ng kusina. Naka loud speaker iyon dahil natatakot ako na masira iyon ngayong hindi naman akin iyon.


Unfortunately, bumigay na ang cellphone ko at hindi ako nakapagdala ng bago. Kaya nga pinahiram na lang ni Gaige sa akin ang kaniya.


"What? Aba siyempre tatawag ka na lang lubusin mo na."


"Nasaan ba si Asti? Siya na lang ang kakausapin ko dahil mas matino siya kesa sa'yo."


"Hindi mo siya makakausap ngayon dahil busy siya sa pagkausap sa mga non living things niyang pinamili. Hindi na ako magtataka kung ilang buwan hindi kakailanganin ni Asti na mag grocery."


Napabuntong-hininga ako. Of course. Malamang sa hindi, hindi nakakakilala ng tao ngayon si Asti. "Si Syrah?"


"You only got me, dearest Chianti. Pagod ang lola mo dahil sumali sa flash mob 'yan. Ako lang ang normal pa rin ngayon dahil ganoon ako ka-gifted, you know?"


"Ewan. Magkita na lang tayo pag-uwi ko at baka sakaling maayos na kayong kausap ng mga oras na 'yon. Kiss Mr. Snipes for me."


Mas mauuna pa rin silang umuwi dahil wala pang balak umalis si Gaige sa kinaroroonan namin. Through email na lang ako nagrereport sa Exquisite pero hanggang ngayon wala akong natatanggap na reply mula kay Diane.


"Enjoy kayo ni delicioso! Gamitin niyo na ang regalo ko dahil sayang ang flavors no'n. Unlimited pa naman-"


Ako na ang nagpatay ng tawag bago pa may sabihin na namang kakaiba si Rousanne na lalong magpapalawak sa pagkakangiti ni Gaige na tahimik na nakamasid lang sa akin. Nakasimangot na pinagpipindot ko ang screen ng cellphone. Tumagal pa ng ilang sandali ang paglilitanya ni Rous dahil hindi ko pa rin iyon mapatay hanggang sa tuluyan ng maputol ang tawag.


"You really have a weird aversion to phones. Mas madali naman gamitin ito kesa sa laptop." sabi ni Gaige na nakapalumbaba pa habang nakatingin sa akin.


"Kelan lang ako pumayag na magka-cellphone. I even hate emailing through laptop. I hate any technology that hinders human natural communication. Naiintindihan mo?" masungit kong balik sabi sa kaniya.


Imbis na sagutin ako ay tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin na kasalukuyang nakaupo sa ibabaw ng center island. Akmang tatalon ako sa kabilang panig para maiwasan siya ngunit kaagad niya akong napigilan.


Sa pagkagulat ko ay bahagya niyang ibinuka ang mga hita ko dahilan para lalo siyang mapalapit sa akin. "A-Anong ginagawa mo?"


Hindi siya sumagot at sa halip ay nagtanong lang din siya, "Anong gusto mong gawin ngayon?"


"M-Magtatanong lang kailangan pa ng body contact?"


"Anong gusto mong gawin ngayon?"


Kahit hindi tumingin sa salamin ay alam kong kasing pula na ng mansanas ang mukha ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. I never have this kind of reaction with any other man. Ano bang meron kay Gaige na dahilan ng pagkakagulo ng buong sistema ko. "Lumayo ka muna."


Hindi niya ginawa ang sinabi ko at mas lalo pang inilapit ang sarili niya sa akin hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. I was instantly mesmerized by his expressive light brown eyes. And again...I was trapped.


Emotions surged into me...feelings that I don't want to acknowledge before. Pero sino bang niloloko ko? Ang tanging nagpapagulo lang sa sitwasyon namin ay ako. Dahil natatakot ako. Dahil pinipigilan ko ang sarili ko.


I want to stop it. Gusto kong makakawala sa pagkakatali ko sa mga emosyon ko. But now, I don't think that's possible. The only thing that is separating us now is fear

.

Hindi lang naman sarili ko ang iniisip ko. More than anyone I know Gaige will be the one to suffer and not me. Ano na lang ang magiging tingin sa kaniya ng mga tao na kilala ako? Paano kung malaman ng mundo kung sino talaga ako?


"Wish number two." bulong ko dahilan para bumadha ang pagtataka sa mga mata niya. "Remember? Kapalit ng pagpapakita ko sayo ng nude painting ay bibigyan mo ako ng tatlong kahilingan."


Umangat ang sulok ng labi niya. "No."


"No what?" I asked, my forehead knotted in confusion.


"Hindi iyon ang eksakto kong sinabi. At that time you said you don't have nude paintings. So I told you to make me as your mode."


Napaatda ako sa sinabi niya. "N-Nakita mo na ang nude painting na ginawa ko." Pakiramdam ko ay lalong nag-init ang mukha ko sa ala-ala. "Ikaw ang model no'n."


"But during the deal I didn't knew that. Ibig sabihin lang ay kailangan mo pa rin akong ipinta." May pilyong ngiti na sumilay sa mga labi niya. "Anong wish number two mo?"


"Gaige Hendrix!"


"What?" he asked, feigning innocence.


Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Ano pa bang ineexpect ko? Business tycoon ang kaharap ko. Mas tuso pa sa matsing ang isang ito. "The deal wasn't sealed."


"Yes, it is. You made your first wish right?"


Pakiramdam ko ay nag teleport ang kaluluwa ko patungo sa gabi na iyon kung saan naisihan ako ni Gaige at nagawa pang halikan. "Argh! Fine!"


Nangingislap ang mga matang nagtanong siya muli, "So what's your wish?"


"I want you to step back."


"No."


Muli ko siyang pinaningkitan ng mga mata pero hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Gaige can really be annoying if he wants to. "Ipikit mo ang mga mata mo."


Hinintay ko siyang tumutol ngunit sa pagkabigla ko ay sumunod siya sa sinabi ko at pumikit. His eyes were distracting. Pero bakit ngayon na nakapikit siya ay naririnig ko pa rin ang malakas na pagtibok ng puso ko?


"You deserve so much better." I muttered under my breath, not intending for him to hear.


"You're not the judge of that."


"I pity you." I said, still whispering. "For being with the woman like me."


"I pity them. They couldn't have you because you're mine."


Tila may sariling buhay na umangat ang kamay ko at marahang humaplos iyon sa mukha niya. Nanatili siyang nakapikit at hinayaan lang ako. I traced the bridge of his nose, the outline of his jaw...and down to his lips.


"They already had me."


"They didn't." he said and opened his eyes. "And they never will."





NAPANGIWI ako habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Gaige. I appreciate art even the piece that is hard to understand. Katulad ng abstract. Pero hindi ko talaga mapigilang hindi maawa sa pobreng canvas na nasa harap ngayon ng lalaki.


Parehas kaming nakasalampak sa sahig kung saan may mga dyaryo na nakalatag. Sa ibabaw niyon ay may nakakalat na mga lalagyanan ng pintura at dalawang canvas. Isa sa akin at isa kay Gaige.


"Ano bang ipinipinta mo?" tanong ko.


"Your cat." he answered, not looking at me. Tutok na tutok ang mga mata niya sa canvas na para bang lumilikha siya ng obra maestra niya.


Poor Mr. Snipes. It looked like a deform black object with two green dots at the center. Malamang ay mga mata ni Mr. Snipes. "Abstract?"


"No."


Pinigilan kong mapatawa sa masungit niyang pagsagot. Tinignan ko ang sarili kong canvas. Wala pa akong naipipinta roon dahil abala ako sa pag-alalay kay Gaige sa paggamit ng mga materials ko. Kung hindi ko siya tinulungan baka kulang na lang ibuhos na niya ang lahat ng pintura sa canvas sa harapan niya. Kung makakuha kasi ng pintura ay para iniiscoop niya lamang iyon. Nakabali na rin siya ng dalawang brush. At nabutas niya ang first canvas niya. Canvas, Rest In Peace.


Sinimulan ko ng magpinta. Hindi katulad noon ay aware ako na kasama ko si Gaige sa kabila ng ginagawa ko. Kalahati ang ata ng diwa ko ang nakapokus sa pinipinta ko. Simple lang ang ginawa ko dahil wala naman ako sa mood ngayon at wala din akong subject na maisip. Isa pa, maliit lang na canvas ang gamit namin ni Gaige kaya limited lang ang pwede kong gawin.


"Is that my eyes?"


Nag-angat ako ng tingi kay Gaige. "Oo."


"How can you even paint it that fast?"


Naiiling na pinagpatuloy ko ang ginagawa. "Pintor ako. Kung gaano ka kabilis makaisip kung paano mo ako iisahan ganoon din kabilis ang mga kamay ko sa pagpinta."


"Point taken."


Muli akong nag-angat ng tingin at nilingon ko ang ginagawa niya. Now Mr. Snipes looks fat, deformed and with a pink party hat.


"I can feel your silent judgement." Gaige said, squinting his eyes at me.


Tinaasan ko siya ng kilay. "Mag-ani ka na lang ng kape."


"Hmm."


Bago ko pa siya tanungin kung anong ibig sabihin ng 'hmm' niya ay napatili na lamang ako ng hilahin niya ako at biglang kubabawan. Lalo akong napairit ng ipinahid niya ang mga daliri niya na puro pintura sa pisngi ko.


"Gaige! Omg stop!" I shrieked.


Hindi pa nakuntento ang lalaki at bumaba ang mga kamay niya sa bewang ko. Sa pagkabigla ko ay sinundot niya ako doon dahilan para makakawala and hindi sinasadiyang pagtawa mula sa bibig ko.


"No! Stop!" I shouted between laughter. "I'm sorry! Hindi na kita aasarin! Sobrang galing mo na sa lahat ng bagay!"


"What? I can't hear you."


Pumainlang sa paligid ang palakas ko na palakas na pagtawa. Nangingilid na ang mga luha ko sa ginagawa niya habang patuloy ako sa pagpasag. Ilang sandali lang ay tumigil na rin siya ngunit nanatili siya sa ibabaw ko.


Hinihingal na tinapik ko siya sa dibdib. "You're crazy!"


Imbis na sumagot ay nanatili siyang nakatingin sa akin. Sinalubong ko ang mga mata niya at akmang magsasalita ako ngunit tila nalunon ko ang mga salitang kakawala sa mga labi ko.


"So beautiful..."


Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. I can move away. Pero wala akong ginawa. It's like I'm waiting...like I want it too. Na gusto kong maramdaman ang mga labi niya sa akin.


I can easily stop him but I didn't. Because I'm far too deep in this quick sand. Wala na akong magawa kundi ang manatiling maghintay na tuluyan na akong lumubog.


Kaunti na lamang ang pagitan ng mga labi namin ng mapatigil si Gaige sa isang malakas na pagtikhim. "Mr. Hendrix, you have a call."


Kita ang pagtatalo sa mga mata ng lalaki. Ilang sandaling nakatingin lamang siya sa akin hanggang sa mapabuntong-hininga na lamang siya. Umalis siya mula sa pagkakaibabaw sa akin at marahang tinulungan niya akong makaupo.


"I'll be back." he whispered and kissed the top of my head.


Hindi na ako umimik. Hindi ako nagtitiwala sa boses ko na tila tuluyan ko na atang nalunon. Tumango na lamang ako at nag-iwas ng tingin sa matiim at puno ng intensidad na tingin ng lalaki.


Nagbaba ako ng tingin at tila tukso na nakita ko ang kanina ay ipininta ko. Kung saan doon ay nakalarawan ang mga mata ni Gaige na nangungusap.


Eyes that is telling me what I already know.






GAIGE'S POV


"I want the list of her past clients."


Bumakas ang hindi pagkapaniwala sa mukha ng kausap. Hindi madali ang pinagagawa ko sa kaniya. Ang mga impormasyon na hiningi ko ay nasa pag-aaari ng Exquisite. Hindi magiging madali ang pagkuha niyon.


Hindi madali pero hindi din imposible. I need to see her records. Walang patutunguhan ang pag-iimbestiga kung hindi iyon titignan.


"Mr. Gaige-"


"I'll pay you."


Bumuntong-hininga ang lalaki. He's private detective Dalton. Siya ang pinakamagaling na detective sa ahensiya nila. "This is out of my capabilities, Mr. Hendrix. Hindi ko makukuha ang mga impormasyon na iyon sa Exquisite. "


Napatiim bagang ako sa narinig. We can't stop now. Hindi maaaring wala kaming magawa. We need to continue investigating about Chianti for her to be safe.


"May nakita bang fingerprints sa ipinadala na bulaklak?"


Umiling ang lalaki. "Katulad ng dati, wala pa rin, Sir. Just a bouquet of black rose and a note with drippings of blood. Iisa lang ang sinasabi sa note. 'I'll get you little Chianti'."


Mahina akong napamura sa narinig. Pangatlong beses ng may nagpadala sa condominium ni Chianti ng itim na mga rosas at sulat. Nagsimula iyon ng maikasal kami. The concierge called the head of my security when he received the roses intended for Chianti.


Since what happened with my cousin, Enzo, palihim ko ng pinababantayan ang babae. Alam kong hindi siya papayag na magkaroon ng bodyguards kaya patago ko na lang iyong isinagawa.


"Mr. Hendrix, I really can't-"


"The do you know someone who can?"


Sandaling natigilan ang lalaki ngunit pagkaraan ay tumango. May sumilay na ngiti sa mga labi niya. "I know someone. A secret organization. Mas malaki ang fee-"


"Give them my number so they can call my assistant."


Hindi problema ang pera pagdating kay Chianti. Lahat gagawin ko para hindi siya malapitan ng kung sino man ang nanakot sa kaniya. Alam ko na wala pa siyang alam. My security asked the concierge at hindi pa ito nangyayari kahit kailan.


But I will end this. I won't let anyone touch my wife.


Umiling ang detective at nanatiling may ngiti sa mga labi niya. "I'll give them your contact number but you need to be the one to talk to them. Katulad ng sabi ko, it's a secret organization."


"Fine. Whatever I need to do stop this threats."


"Mr. Hendrix?" Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya. "You need to inform Mrs. Hendrix about this."


"She'll know soon."


Tinapos ko na ang tawag. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at lumapit ako sa bintana ng library. Tinanaw ko ang labas at mula sa kinatatayuan ko ay namataan ko si Chianti na naglalakad sa labas.


As always, the moment my eyes found her, I couldn't look away. It wasn't just her beauty...but also the way she carry herself. Sa lahat ng ibinigay sa kaniya ng buhay na ito, nakakabilib na makita na nananatili siyang nakatayo.


I know her fears...and doubts. But I want to prove to her that she's not just a woman with a dark past. Na pwede din siyang mahalin. That she can be safe and happy.


With me.


Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya na sa unang kita ko pa lang sa kaniya ay hindi ko na siya magawang kalimutan. And even knowing about her connections with Exquisite, that didn't changed. Dahil iisa lang ang nakikita ko.


Dahil sa kabila ng Chianti Callahan na nakikipag-usap sa kape, sa mga walang buhay na libro, a stunning Chianti on the elevator, and Chianti that is Exquisite's Cyan...she's still the same woman in my eyes.


The woman that I love.



______End of Chapter 19

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top