Chapter 18: The Tears




CHAPTER 18

CHIANTI'S POV


"What are you doing here?!"


Dumadagundong ang boses ni Gaige nang hinarap niya ang dalawang babae. Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanila. Ang kapatid ni Gaige ay inismiran ako habang si Lindsey ay nagniningning ang mga mata na sa lalaki lang nakatingin.


"Get out." madilim ang mukhang sabi ni Gaige sa kani;a.


"Kuya kararating lang namin kaya! Besides, hindi ka ba masaya na nandito si Lindsey? Ang tagal niyo na kayang hindi nagkita."


Bumaling kay Guillana ang mga mata ni Gaige. "At bakit ako matutuwa?"


Bago pa makasagot si Guillana ay naunahan na siya ni Lindsey na lumapit sa lalaki at kaagad na lumingkis. Kulang na lang ay sampahan niya si Gaige para makuntento siya sa pagkalapit nila.


"Gaige alam ko na ang totoo. Of course you wouldn't want me troubled by your family kaya..." tumingin sa akin si Lindsey at nginitian ako ng matamis. "Kumuha ka ng magpapanggap bilang asawa mo. Hindi totoo ang kasal, hindi ba?"


Inalis ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bukod sa sinabi ni Gaige wala naman akong alam kung ano talaga ang meron sa kanila. Malay ko ba kung may dahilan naman si Lindsey para akalain niya na may iba pa sa relasyon nila.


I don't even know Gaige that much. Samantalang sila ay di hamak na mas matagal ng magkakilala kesa sa amin.


"Sigurado naman na hindi totoo. Bakit mo naman ibibigay ang pangalan mo sa ganiyan lang na klaseng babae?" dugtong pa ni Lindsey.


Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko sa sinabi niya. Ikinuyom ko ang mga kamay ko ngunit nanatili akong hindi nakatingin sa kanila. Hinanap ng mga mata ko ang munting 'regalo' na ipinadala nila.


I'm not scared of it. Nagulat lang ako kanina. Pero kung may isang bagay na dapat katakutan sa mundo ay hindi ang nanahimik na ahas kundi ang ahas na nagpapanggap bilang tao.


"Don't wait for me to drag you out of this place, Lindsey. 'Wag mong hintayin na mawala ang natitirang respeto ko sa'yo bilang kaibigan ng kapatid ko. Chianti is my wife and I married her because I want her. Walang tayong relasyon at hindi tayo kailan man nagkaroon ng relasyon."


"Kuya!" narinig kong angal ni Guillana. "Bakit ka ba ganiyan magsalita kay, Lindsey? She really cares for you. Hindi katulad niyang babae na kinaladkad mo dito. She's just after your money-"


Hindi na natapos ang sasabihin ng babae ng lumapit ako sa kanila dala-dala ang kanilang regalo. Ipinaskil ko ang pekeng ngiti sa labi ko at inilapit ko sa kanila ang ahas. "Salamat sa regalo niyo pero may alaga na ako. And he hates snakes."


Kulang na lang ay mabasag ang ear drums ko ng sabay nag iritan ang dalawa. Umatras sila ng ilang hakbang habang nahihintakutan na nakatingin sa hawak ko.


"Duane. Send them back and call my grandfather about this." Tiim ang bagang na nilingon niya ang kapatid. "I can't believe that you will stoop down this low for this."


"It wasn't us!"


"Duane." Gaige said instead of listening to his sister.


Akmang kikilos na sana ang assistant ni Gaige ngunit humarang ako sa dadaanan niya. Nakangiting binalingan ko si Duane. "I got this."


"Mrs. Hendrix-"


Tinalikuran ko na siya at muli akong humakbang palapit kaila Lindsey na automatikong umatras habang nakatingin sa ahas na gumagalaw sa kamay ko. Hindi ako tumigil hanggang hindi kami nakarating sa pintuan ng bahay.


Naunang nakalabas si Guillana habang si Lindsey ay nasa baitang pa palabas. Bago siya tuluyang makaalis ay hinila ko siya palapit sa akin.


"Let me go you freak!"


"Listen" I whispered. "Alam kong ikaw ang may kagagawan nito. You did this once to one of the Exquisite girls. If you pull another stunt like this, you will leave me no choice but to report to Exquisite. Mahalaga para sa kanila si Gaige and I am the one bringing money to the corporation. Kapag nalaman nila na hinahadlangan mo ang plano nila, hindi ko alam Lindsey, kung anong magagawa nila sa'yo."

Nawalan ng kulay ang mukha ng babae. Muli siyang pumiglas ngunit hindi ko siya pinakawalan. "L-Let me go."


"And, Lindsey? Itigil mo ang pagmamalinis mo. We both know how you enjoy working for Exquisite. Dahil ikaw kung hindi ka nakakita ng mayaman na lalaki na pwede mo na puntiryahin ay hindi ka pa ata papayag na umalis sa Exquisite. Don't get me wrong. Pareho tayong madumi. Pero 'wag na 'wag kang magmamalinis sa harapan ko dahil alam nating pareho ang totoo."


Pagkasabi ko sa kaniya niyon ay hinila ko ang damit niya at walang salitang ipinasok ko doon ang ahas at pagkatapos ay itinulak ko siya. Kasabay ng nakakabinging tili niya ay pabalibag na isinarado ko ang pintuan.


Ipinagpag ko ang kamay ko at hinarap ko ang mga kasama ko. Nakanganga Si Duane habang nakatingin sa akin at si Gaige naman ay hindi kababakasan ng emosyon ang mukha.


Sa kabila niyon sa hindi malamang kadahilanan ay gusto kong payapain ang kalooban niya. I know that I'm treading on dangerous water here. I shouldn't care. I should just do my job.


But I don't understand myself anymore.


"What's for breakfast?" I asked.


Finally, Gaige lips crept into a smile. "Anything you want, Angel."




















NILANGHAP ko ang sariwang hangin at nakangiting idinipa ko ang mga kamay ko. Nililipad ng hangin ang buhok ko katulad ng mga puno sa paligid na sumasayaw sa simoy ng hangin.


Mula sa kinatatayuan ko kita ang malinaw na tubig ng dagat na yumayakap sa dalampasigan sa bawat paghampas ng mga alon nito.


"Dito ko na lang ba ibababa ang mga ito, Mrs. Hendrix?"


Nilingon ko si Duane na siyang nagsalita. Dala-dala niya ang mga painting materials ko pati na ang easel. Sa isa niyang kamay ay may malaking beach umbrella. Napakunot muli ang noo ko katulad ng ginagawa ko kanina kapag napapatingin ako sa kaniya. He's still wearing his corporate suit. Ang jacket niya lang ang tinanggal niya.


"Hindi ka kaya himatayin, Duane?"


Umiling siya at ngumiti. Itinayo niya ang beach umbrella at pagkatapos ay naglatag siya doon ng blanket kung saan niya pinatong ang mga materials ko. "Hindi naman po, Mrs. Hendrix."


"You can call me Chianti, you know."


Hindi na siya nagsalita ngunit alam ko na hindi pa rin niya ako susundin. Sa tingin ko naman hindi siya inutusan ni Gaige sa itatawag sa akin. Kaya lang, halata naman kay Duane na malaki ang respeto niya sa asawa ko.


Asawa? Goodness Chianti!


"Maiwan ko na po kayo. I'll be back to bring your refreshments."


Tumalikod na ang assistant at tuloy-tuloy na naglakad pabalik sa vacation house. Nang makaalis siya ay ibabalik ko na sana ang tingin ko sa dagat ngunit naramdaman ko ang paghawak sa baba ko ng kanina ay hindi ko pinapansin na si Gaige.


"Why are you not looking at me?" he asked.


"I'm looking at you."


"You're looking at my forehead."


Napalunok ako sa sinabi niya. I was acting normally. That was before I saw him wearing a piece of board short and nothing else.


Ang ipininta ko na larawan ni Gaige gamit lamang ang imahinasyon bilang basehan ay walang sinabi sa totoong katawan niya. Behind those stuffy formal suits, he have a body that can make a straight guy switch team.


"I'm looking at you." I said again as I moved my eyes.


"You're looking at my lips. That's fine with me only if you want to get kissed."


Naniningkit ang mga mata na sinalubong ko ang sa kaniya. Ngunit bago pa ako makapagsalita ay tinakpan niya ang bibig ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata para bitawan niya ako ngunit hindi niya inalis ang kamay niya.


"Don't be ashamed that you admire my body. You can look all you want, Chianti. After all, I'm your husband. My body is your property."


Inangat ko ang mga kamay ko at pilit na tinanggal ko ang kamay niya. Lukot ang mukha na nameywang ako at tinaasan ko siya ng kilay.


"Stop flirting with me. Kung gusto mong mag swimming, mag swimming ka na at pabayaan mo na ako dito."


"Sure. But I want to ask you a question first."


"What?!" I hissed.


"Should I keep this?" He asked. His hands touching the waist band of his board shorts. "Or should I take it off?"


"Gaige!"


Umangat ang sulok ng labi niya at sa pagkagulat ko ay bigla niya akong hinalikan sa labi. Saglit lang iyon dahil pagkatapos ay nagniningning ang mga mata na tumalikod siya at tinungo ang dagat.


"You didn't asked for my permission!"


Lumingon siya sa akin at imbis na sumagot ay kumindat lang. Humalukipkip ako at matalim ang mga mata na sinundan ko siya ng tingin. Ngunit iilang sandali lang ay nawala ang talim sa mga mata ko nang makita ko na lumublob na sa tubig ang lalaki at muling umahon.


Napalunok ako ng makita ko ang suot niya na pang-ibaba na humakab sa katawan niya dahil sa pagkabasa niyon. Sana tubig na lang ako...o kaya ako na lang sana ang shorts niya. Ipinilig ko ang ulo ko at tinampal-tampal ko ang pisngi ko. Wake up, Chianti Callahan...Hendrix.


Pilit na inalis ko ang tingin ko sa kinaroroonan ni Gaige at hinarap ko na lang ang mga painting materials ko. Iniayos ko ang mga iyon at ilang sandali lang ay nagsimula na akong magpinta.


As I always, I get lost with the world that I'm creating. Parang may sariling buhay ang mga kamay ko sa ginagawa nila. Sa bawat hagod, bawat kulay na nabubuo, unti-unting nawawala ang pagod at stress sa katawan ko.


When I'm painting, I don't really think about what it's gonna look like, the meaning behind it or what it's about. When I hold a brush, I just do what my body wants me to do. That's art. Hindi laging kailangan na planado ang lahat. You can just go with the flow and let your mind wander and your hand dance with each stroke of the brush.


At kapag natapos doon mo makikita ang kahulugan ng nabuo mo.


"Hindi ka ho ba lalangoy, Mrs. Hendrix?"


Bahagya kong nilingon ang ibinaba ni Duane sa tabi ko. May pagkain at inumin. Muli kong ibinalik sa canvas ang tingin ko at nagpatuloy sa ginagawa. "Hindi. Mamaya na ako at maaraw pa, ayokong umitim."


"Tinatawag ka po ata ni Mr. Hendrix."


"Tell him I'm busy."


Naramdaman ko ang bantulot niyang pagsunod ngunit ilang sandali lang ay naglakad na siya patungo sa kinaroroonan ni Gaige.


"Nakita ng dala ko ang mga painting materials ko tapos kukulitin pa ko. Hindi ba alam ni Gaige na gumagawa ako ng pera ngayon? Hindi naman ako kasing yaman niya kaya kahit pwede ko ng matawag na bakasyon ito ay kailangan ko pa ring magtrabaho." bubulong-bulong na sabi ko.


Muli akong naging abala sa ginagawa ko. Hindi ko na pansin ang paminsan-minsan na pagtawag sa akin ni Gaige. Nanatiling nasa canvas ang konsentrasyon ko, ang mga kamay ko ay mabilis na kumikilos.


Hindi ko alam kung gaano na akong katagal sa ginagawa ko. Napatigil lang ako ng maramdaman ko na may palapit sa akin.


Nag-angat ako ng tingin at kulang na lang ay mahulog ang panga ko ng makita ko si Gaige na nakatayo na sa harapan ko. Sinundan ko ng tingin ang tubig na tumutulo sa katawan niya mula sa dibdib...pababa ng pababa.


Pakiramdam ko ay pigil ko ang hininga ko ng tumigil ang tingin ko sa naghuhumiyaw niya na abs at ang V ng kaniyang katawan na parang tinatakam ang tumitingin na malaman kung saan iyon patungo.


My eyes widened when I heard a chuckle. Puno ng kapilyuhan ang mga mata na sinalubong ni Gaige ang tingin ko.


"I-I...I was just concern." I whispered.


"For?" he prompted.


"For your abs- I mean...for your...umm. Konsern na ako na baka magka-pneumonia ka, jeez! Magdamit ka nga!"


Naiiling na umuklo siya at inabot ang tuwalya niya na nasa tabi ko. Hindi mapigilang pinanood ko siya habang tinutuyo niya ang katawan niya. "Ano ba?!" sigaw ko.


"What?" he asked, clearly confused.


"Wag ka ditong magpunas! Doon ka na lang sa bahay!"


"Tuyo na ako bago pa ako makarating doon."


Binitawan ko ang hawak ko na paint brush dahil baka mabali ko pa 'yon sa sobrang pagtitimpi ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at walang babala na tinanggal ko ang suot na shirt. Sa loob niyon ay suot ko na ang asul na bikini top ko.


"What are you doing?" gulat na tanong niya. Bumaba ang mga mata niya sa dibdib ko ngunit kaagad din niyang inalis ang mga mata niya mula roon.


"Mag su-swimming hindi ba obvious?" asik ko.


"Malapit ng magdilim."


Tumingin ako sa langit. Tama siya, malapit na ngang bumaba ang araw. Matagal-tagal na din pala ang ginawa kong pagpipinta. "Basta!"


"Chianti!"


Hindi ko pinansin ang pagtawag niya at patakbo kong tinungo ang dagat. Kailangan kong magpalamig dahil pakiramdam ko umuusok ang buo kong katawan.


Warning. Looking at Gaige Hendrix' body can burn you.




















NIYAKAP ko ang sarili ko pero hindi pa rin sapat iyon para mawala ang panginginig ko. Hindi ko naman kasi akalain na lalamig ng ganoon sa lugar na ito. Malamig na ang tubig kanina ng lumusong ako pero nang umakyat ako sa dalampasigan ay pakiramdam ko nagyelo lahat ng tubig sa katawan ko.


Lumakas ng sobra ang hangin. Ang sabi ni Duane mukhang may parating daw ng bagyo kaya ganoon na lang ang pagbabago ng panahon.


"Here."


Nag-angat ako ng tingin at inabot ko ang ibinigay ni Gaige na mug. Inipit ko iyon sa dalawa kong kamay. I sighed in contentment when I felt the warmth from the mug of chocolate drink.


Naramdaman kong umupo si Gaige sa tabi ko pero hindi ko siya nilingon. Ipinako ko na lang ang tingin ko sa fire place sa harapan ko.


Akala ko talaga dekorasyon lang ito. Bagay kasi sa interior ng bahay. Pero may purpose din pala dahil pakiramdam ko sasambahin ko ang fire place na ito sa oras na maramdaman ko na ang dugo sa mga paa ko na nilalamig pa rin.


"Okay ka na?"


"Malapit na." sagot ko sa lalaki at humigop ako sa hawak ko na mug.


"Nakumpirma ni Duane na may bagyo nga na dumating. Looks like we need to stay coop up to this house for the mean time."


Nagkibit-balikat ako habang nakatingin pa rin sa apoy na mabining nagliliyab sa harapan ko. "Okay lang. Hindi rin naman ako mahilig mag swimming. I just love looking at the view."


"And painting."


"Yes. And painting."


Muling nangaligkig ang katawan ko. Ilang sandali lang ay nawala iyon ng sa pagkagulat ko ay ipinalibot ni Gaige ang mga braso niya sa katawan ko. Ang likod ko ay nasa harap niya habang yakap niya ako mula sa likod.


"Better?" he whispered.


"Y-You don't need to do this-"


"I want to."


Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. And while he's holding me, it felt like emotions suddenly stabbed me from different places. Habang ang utak ko ay parang ay mga pintuan na nagsibukasan at doon ay pumasok ang mga bagay na itinatanggi ko sa aking sarili.


As he hold me tight it feels like the pieces that I thought I lost before was suddenly swirling around me. And his hold...is the only thing that is keeping those pieces together. Like he's stopping me from falling apart.


"I don't know what to do anymore." I whispered. "Hanggang maaga pa, umatras ka na. Habang maaga pa...lumayo ka na."


"What do you mean?" he whispered back.


"I'm always in control. Wala akong takot sa mga naging kliyente ko dahil alam ko sa sarili ko na trabaho lang ang ginagawa ko. I was not afraid...not until I met you. And now I don't know anymore. I don't know how I will keep myself on holding on."


"Then let go."


Tinangka kong lingunin siya ngunit hinapit niya lang ako palapit sa kaniya. Naramdaman ko na sumubsob siya sa leeg ko at doon ay mahina siyang nagsalita.


"You don't need to be afraid, Chianti. You're not gonna fall and get hurt."


"I always get hurt." I said, my voice getting distant. "Fate has never been fair to me. Matagal ko na iyong tinanggap. Sa buhay na mayroon ako, sa klase ng pagkatao na meron ako...hindi ibibigay ng tadhana ang isang katulad mo para lang sa akin."


"All I can see is a beautiful woman who loves life even though life has been hard to her. I can see a woman who can create beautiful things. I can only see you, Chianti. Not the person you think everyone sees in you."


I want to believe his words. Gusto kong maniwala sa nararamdaman ko. Gusto kong maniwala pero natatakot ako. Dahil ayokong humakbang sa daan na gusto ko para lang muling umatras kapag nakita ng tahana na naghahangad ako ng hindi dapat sa akin.


Because fate can be really a bitch. And when it drag me back I know that it would bruise me...wound me, and that type of wounds will never heal.


"Men just want me for that 'other person'. Kapag nakuha mo na ang gusto mo, malalaman mo na may 'mas' pa kesa sa akin. That you deserve better more than just a piece of used toy."


Pagkasabi ko niyon ay tinangka ko na makakawala mula sa pagkakayakap niya ngunit hindi niya ako hinayaang makaalis. "I do want to be inside you, Chianti. But more than that...I want to be inside your heart."


Inangat ko ang kamay ko ng maramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. I touched the wet on my cheeks and looked down on my hand and see my fingers glistening...with tears.


Tears.


I can almost hear the cracking sound from my walls. I can almost feel my heart opening a little. But more than the feelings that is starting to infiltrate me...my fear is greater than before.


Because if this would end badly...I won't just break.


It will end me.





_________End of Chapter 18.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top