Chapter 16: The Kiss
CHAPTER 16
CHIANTI'S POV
"Chianti."
Napakurap ako at nahugot ang diwa ko mula sa paglipad niyon sa kung saan-saan. Binalik ko ang atensyon ko kay Victoria na ngayon ay nakaupo sa harapan ko at kumakain.
"May problema ka ba? Kanina ka pa tulala." nag-aalalang tanong niya.
"Wag mo na akong intindihin Vicky. I'm fine. Kumain ka na lang dahil namamayat ka na. Hindi mo ata sinusunod ang nurse mo."
Pinaikot niya ang mga mata niya at nagpatuloy siya sa pagkain. Dinalaw ko siya dahil tumawag ang nurse niya para magsumbong na pinapagod daw ni Vicky ang sarili at laging nakakalimutan ang kumain. Minsan ayaw pa nga daw.
"Kuwentuhan mo naman ako." sabi ni Victoria pagkaraan. "Kamusta ang gallery?"
"Okay naman. Mabenta dahil walang ibang mapagtapunan ng pera ang mga mayayaman kong kliyente."
"O dahil sadiyang magaling ka?"
I rolled my eyes at her. Mataas pa ang kumpiyansa ni Vicky kesa sa akin pagdating sa mga painting ko. She's been supportive of my craft ever since I started. Kahit pa nga noong mga panahon na daig ko pa ang color blind sa pagpipinta.
Nangingiting inusog ko sa kaniya ang plato na may hiwa ng mga prutas. Sinenyasan ko siyang kumain at kaagad naman siyang sumunod. Sa kabila ng pinapakita niyang sigla, alam kong nahihirapan siya sa sakit niya.
Siguro iyon din ang dahilan bakit pinapagod niya ang sarili niya sa ibang bagay. Para makalimutan ang sakit niya. God knows I could force myself to paint non stop if that would mean that I can erase Exquisite from my mind.
Bukod pa sa sakit niya alam kong inaalala ako ni Vicky. At iyon ang dahilan kung bakit nagpasya akong hindi sabihin sa kaniya ang tungkol sa kasunduan namin ni Gaige. Ayoko na siyang bigyan pa ng alalahanin.
"Vicky?"
Nag-angat siya ng tingin mula sa kinakain. "Ano 'yon?"
"Baka mawala ako saglit. May importante lang ako na kailangang asikasuhin. Pero kung may kailangan ka o kailangan mo ako, tawagan mo lang ako at pupuntahan kita agad. And your nurse will update me about your health kaya wag kang magpapasaway."
"Kung makapagsalita ka parang mas matanda ka pa sa sakin ah?" natatawang sabi niya. Saglit lang nanatili ang ngiti sa labi niya ngunit pagkaraan ay unti-unti rin iyong nawala. "Pero paano ang trabaho mo sa Exquisite?"
Napalunok ako, "A-Ano...pinayagan naman nila ako. Matagal na rin ako sa Exquisite kaya maluwag ang pagkakahawak nila sa akin."
"Mamaya dagdagan pa nila ang tagal mo sa korporasyon na iyon."
Pilit na ngumiti ako. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling ako, "Stop worrying. Nag-usap na kami ni Diane. Hindi naman niya ako pababayaan. " nginitian ko siya at hinawakan ko ang kamay niya. "Isa pa, wala naman sa kontrata ng Exquisite na hindi ako pwedeng kumuha ng bakasyon at mawala saglit." pagsisinungaling ko.
"Basta mag-iingat ka."
Tumango ako. "I'll be fine. Ako pa ba?"
Ibinalik niya ang ngiting ibinigay ko sa kaniya. Ngunit katulad ng sa akin...sa likod niyon ay makikita ang kinukubling pangamba.
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Lumapit ako sa kaniya at bahagya akong umuklo para halikan siya sa pisngi. "Mauna na ako. Magpakabait ka, okay?"
"Opo, nanay."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata na ikinatawa niya lang. Nanghihinang nagtangka siyang tumayo mula sa pagkakaupo pero pinigilan ko siya. Bumuntong-hininga siya at nangingiting pinagpatuloy na lang ang pagkain.
Kinuha ko ang shoulder bag ko at isinukbit iyon sa aking balikat. Muli akong nagpaalam kay Vicky at pagkatapos ay sa nars nito na si Rita na nakangiting inabot sa akin ang pet carrier kung saan nandoon si Mr. Snipes. Kinuha ko iyon sa babae at tuluyan na akong lumabas at tumungo sa kinapaparadahan ng kotse ko.
Nang makasakay roon ay mabilis na pinasibad ko iyon. "Are you sleeping Mr. Snipes?"
"Meow!"
Sandaling tinignan ko ang pet carrier na nasa passenger seat bago ko ibinalik ang tingin sa daan. "Wag ka ng magalit. Kay Tita Roussanne ka naman tutuloy eh. Di ba enjoy ka nga doon dahil maraming toys?"
"MEOW!"
"Oo, alam ko. Talagang hindi ka bibigyan ng maraming treats ng Tita mo dahil doktora 'yon hello? Siyempre iba ako. Pero tiisin mo na lang, okay? Para maging healthy ka. Ang taba taba mo eh."
"MEOOOW!"
"Kahit konti lang ang treats na ibibigay niya sa'yo marami namang chix na pusa roon. Ayaw mo no'n?"
"Meow."
Napangisi ako ng marinig ko ang mahinang pag 'meow' ni Mr. Snipes. Kahit anti-social siya kagaya ko alam ko namang hindi siya immune sa iba pang pusa. Lalo na kapag sa babae. Bakit naman ako anti-social din pero naakit ako kay Gaig- Erase! Shut down, shut down!
Sa inis sa sarili ay lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho. Hindi nakakapagtakang hindi pa umaabot ng trenta minutos na narating ko ang bahay ni Roussanne. Ipinarada ko ang sasakyan at kinuha ko ang pet carrier ni Mr. Snipes.
"Rous?" sigaw ko sa tapat ng gate habang pinipindot ang doorbell. Nang hindi pa rin niya binuksan ang gate ay pinindot ko ulit ang doorbell.
Bumukas ang pintuan at ang nakasimangot na mukha ni Rousanne ang bumungad sa akin. Mukhang kagigising niya lang dahil nakasukbit pa sa ulo niya ang eyes mask niya.
"Hapon na natutulog ka pa?"
"Uso ang beauty sleep." tinuro niya ang mukha ko. "Pero obviously hindi pa uso sa'yo."
Pinaingkitan ko siya ng mga mata bago tuloy-tuloy na pumasok ako sa loob ng bahay niya. Bago pa ako tuluyang pumasok ay nagmamadaling nilagpasan niya ako at pumasok sa loob. Pagdating roon ay naglabas siya ng house slippers at maayos na ibinaba niya iyon sa harapan ko.
"Neat freak." I muttered and entered the house. Inangat ko sa tapat ng mukha niya ang carrier. "Hindi ako magtatagal. May isa pa akong appointment kaya kailangan ko na ring umalis."
Ngumisi siya. "Oo nga pala, busy ka. Ganiyan talaga ang mga soon to be married."
"Yeah right."
"Best wishes!" sabi niya at idinipa pa ang mga kamay.
Binigyan ko siya ng matalim na tingin bago ako tumalikod at pumunta sa kotse ko. Binuksan ko ang trunk ng kotse at kinuha ko doon ang iba pang mga gamit ni Mr. Snipes bago ako bumalik sa bahay ni Rousanne. Ibinagsak ko sa isang tabi ang mga gamit at lihim na napangiti ako ng makita ko si Rousanne na nakatingin sa mga iyon na para bang gusto niyang ayusin ang mga gamit na basta ko na lang ibinaba.
"Pag aalis ka pwede mo namang iwan na lang si Mr. Snipes. Pero dahil alam kong OCD ka, dalin mo na lang siya sa clinic mo kapag aalis ka. May pet boarding naman kayo eh."
"May bayad." sabi niya.
Ako naman ang ngumisi. "What are friends are for? In good times, in bad times, I'll be on your side-"
"Oo na!" sabi niya at itinaas pa ang isang kamay para patigilin ako. Tagumpay na ngumiti ako. Madalas kasi nilang kantahin ni Syrah ang kantang iyan kapag may gusto silang hilingin sa amin ni Asti. Lalo na kapag binablack mail nila kami para makipag blind date. "Pagbibigyan na kita dahil alam ko namang magiging busy ka na sa pagiging isang Mrs. Hendrix."
Nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Ewan ko sa'yo." umuklo ako at tinignan ko ang pet carrier. "Be good, Mr. Snipes. I'll be back."
"Meow!"
BAHAGYA akong napapitlag sa paglikha ng ingay ng nagkapira-pirasong baso. Pilit na pinatili ko ang pagkakatingin sa matanda kahit gusto ko ng tumayo at umalis. Hindi dahil sa natatakot ako ngunit dahil sa sobrang bigat ng tensyon sa paligid na animo sinasakal ako.
"Are you out of your mind?!" sigaw ni Devin Hendrix na matalim ang pagkakatingin kay Gaige na kalmadong sinalubong ang tingin ng matanda.
"Alam niyong fiancee ko si Chianti. Of course we'll get married. Ano pa ba ang inaasahan ninyo?"
"We barely know her."
"And I love her."
Napalunok ako sa narinig kong sinabi ni Gaige. Alam kong kasinungalingan lang ang lahat ngunit hindi ko maitatanggi na may kung anong pakiramdam na bumalot sa akin dahil sa katagang iyon.
"Kailan mo lang siya pinakilala sa akin at ngayon ay inaasahan mo na basta ko na lang tatanggapin na magpapakasal na kayo? Nahihibang ka na ba Gaige?"
"I think you're mistaken lolo. Hindi ako nandito para magpaalam para pakasalan si Chianti. Pakakasalan ko siya kahit ano pa ang sabihin ninyo."
Dumako sa akin ang matalim na tingin ng matandang Hendrix. Pinigilan ko ang mag-iwas ng tingin at sinalubong ang mga iyon habang nanatiling tikom ang bibig. Pagkaraan ay tumingin siya kay Gaige. "Is this about the will?"
"No."
"If you're doing this for the will then stop. This is outrageous, Gaige. For you to go this far just for the company-"
"I'm marrying her."
"I don't approve of her. Isang tingin pa lang sa kaniya alam kong gulo lang ang dadalin niya sa pamilya. You need a wife that would follow you and doing that with her mouth shut." muling tumingin sa akin ang don. "Not a wife with a pretty face and a raging mouth ."
"Too bad I like her mouth." Gaige answered back. Tumingin rin siya sa akin at sumilay ang ngiti sa mga labi niya dahilan para mamula ang mukha ko nang maisip ang nais niyang iparating.
Namayani ang katahimikan sa paligid namin. Ngunit hindi din iyon nagtagal ng tumayo si Devin Hendrix mula sa kinatatayuan at dinuro si Gaige. "I can easily take everything away from you."
Nagkibit-balikat si Gaige. "If that would mean I can marry the woman I love and be happy with her, then okay, take everything. Just as long that it's not her that you're gonna take."
Pagkasabi niyon ay tumayo din si Gaige at hinila ako para sumunod sa kaniya. Walang salitang iginaya niya ako palabas ng bahay ng mga Hendrix. Nilingon ko ang matandang lalaki ngunit imbis na galit ang makita ko sa mga mata ng don ay may kung anong emosyon ang naroon na hindi ko mapangalanan.
"Gaige, let me go."
Imbis na bitawan ako ay lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Gaige. Napapabuntong-hininga na sumunod na lang ako sa kaniya hanggang makarating kami sa kotse niya.
Nang huminto kami ay kaagad na hinila ko ang kamay ko mula sa kaniya. "Tama ang lolo mo. Nababaliw ka na. Okay ka lang? Anong silbi ng ginagawa natin kung aalisan ka lang din ng mana ng dahil sa akin?"
Umangat ang sulok ng labi niya habang ang kamay niya ay dumako sa buhok ko na kumawala sa pagkakatali at inipit iyon sa likod ng tenga ko. Nang hindi siya nagsalita ay pinameywangan ko siya at tinaasan ng kilay. "Ano? Magtititigan na lang ba tayo dito?"
"Cute."
"Gaige!"
He chuckled. "What?"
"Stop flirting with me when I'm being serious!"
Muli siyang natawa sa sinabi ko. Naiiling na marahan niya akong itinulak sa direksyon ng kotse. "Get in."
Pumiksi ako at nagpalakad-lakad habang hinihilot ko ang sentido ko. "Start explaining so I can convince myself that I hadn't made a huge mistake." itinuro ko ang kinaroroonan ng animo mansyon nilang bahay. "What the hell happened there? Itutuloy pa ba natin ang pagpapanggap na 'to? Oh God, he disowned you!"
Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa nangyayari. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Gaige at pinatulan niya ang lolo niya. His grandfather is a tyrant! Hindi na ako magtataka kung sa oras na ito ay pulbos na ang lahat ng ari-arian ni Gaige.
"You don't have a job, you might be homeless, and the only thing that is left to you is your inhumanly beautiful looks. Pareho nating alam na walang mararating ang pagkakaroon lang ng magandang mukha sa mundong ito." napatigil ako at napasinghap. "Magiging gigolo ka. Pagsasamantalahan ka ng mga matrona at mga bading. Mawawalan ka ng motivation para mabuhay...magpapakamatay ka-"
Bago ko pa matapos ang pagpapanic attack ko ay natatawang puwersahang ipinasok niya ako sa loob ng sasakyan. Nagpapasag ako ngunit wala din iyong silbi dahil wala akong laban kay Gaige. Nang tuluyan niya na akong maipasok sa loob ay nangingiting isinarado niya ang pintuan at umikot para sumakay.
"I'm serious. We should talk about your future-"
Napaatda ako ng dumukwang siya sa puwesto ko hanggang halos ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa. Nangungusap ang mga mata niya na kahit anong pilit ko sa sarili ko ay hindi ko magawang alisin ng tingin. Pigil hiningang hinintay ko ang paglalapat ng mga labi namin pero...
"Seatbelt." sabi niya at inabot ang seatbelt ko para ikabit iyon.
"Gaige!"
Tuluyan ng sumilay ang ngiti sa mga labi niya dahilan para saglit akong matigilan. Kung iyong maliliit na ngiti nga lang niya ay pwede ng magpahinto sa mga sasakyan sa highway ito pa kayang buong ngiti niya na kaya atang solusyunan ang global warming? Stop. You're praising him again.
"Listen. I'm the favorite grandson. Bukod pa doon ay ako ang humawak ng kompanya sa matagal na panahon. Hindi ako basta-basta itatakwil ni lolo."
"Amm, I think you're wrong."
"He likes you. You just don't know him, Chianti. He's a hopeless romantic and he love dramas but more than that he wants me to be happy."
"You're wrong again. Hindi ako gusto ng lolo mo. Kung hindi ka pa kumbinsido isipin mo na lang ang baso na ipinagluluksa na sa Baso Community dahil durog durog na siya ngayon."
Hindi ko alam kung mali lang ba talaga ang nakagisnan ni Gaige na pamilya para matawag niyang 'hopeless romantic' ang lolo niya o baka ako ang hindi taga sa planetang ito dahil hindi ko sila maintindihan.
"He won't disown me. He's just testing me." Gaige said.
"Ahuh."
"At kahit itakwil pa niya ako, rest assured na hindi ako magiging homeless o gigolo. I have my own money and I can still date you a thousand times." he said with a teasing tone.
Naniningkit ang mga matang nilingon ko siya. "Wala akong pakielam sa pera mo. It's your money and not mine. The only thing I care about is doing my job and I can't do that if he disowns you. Ang trabaho ko dito ay maging asawa mo para makuha mo na ng tuluyan ang kompanya ninyo. Then I could be free to do whatever I want while you can sit on top of your throne and rule the world."
"He won't disown me." he repeated. "Call your friends."
"Why?"
Lumingon siya sa akin at kumindat. "We need witnesses."
HINDI ko nilingon ang mga kaibigan ko pero rinig ko ang buntong-hininga na galing sa gawi nila. Nanatili akong nakahalukipkip habang nakatingin kay Gaige na ngayon ay kausap ang judge na kanina lang ay nagkasal sa amin.
"Nag diet pa naman ako para sa kasal ninyo tapos hindi naman pala ako mag su-suot ng bonggahan na dress."
Nilingon ko si Syrah na siyang nagsalita. Sa tabi niya ay nandoon din si Rous na mukhang naghihimutok rin. Sa gilid ay nandoon si Asti na tahimik lang habang may kinukutinting sa hawak niyang cellphone.
"Sino ba kasing may sabi na magarbo ang magiging kasal?" tanong ni Asti sa mga ito habang tutok pa rin sa hawak na aparato.
"Hello? Kahit wala pang magsabi obvious na dapat. Gaige Hendrix, isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas ayon sa google. Hindi din siya nagpapahuli sa bilang kapag buong mundo na ang usapan. Kumakain ng ginto ang kanunununuan niya for pete's sake!"
"Tama naman si Syrah. Bakit nga ba biglaan ang kasal ninyo?" tanong naman ni Rousanne sa akin.
Ako naman ang napabuntong-hininga. Hindi ko din akalain na ganto kabilis mangyayari lahat. Basta dinala na lang ako ni Gaige dito at ipinatawag ang mga kaibigan ko. Nandito din ang assisant niya na si Duane at ang driver niya na si Gil.
Then kaboom! I'm married. Hindi ko alam kung mabuting binigla niya ako dahil napakasla kami ng walang problema o magwala dahil wala na akong panahon para mag back out.
"Ayaw sa akin ng lolo niya kaya minadali niya ang kasal." sagot ko. "Okay na din siguro. Ano pang purpose ng paggastos para sa engrandeng kasal kung alam naman namin ang totoo?"
"But but but...my dress!" eksaharadong palahaw ni Syrah. "Ang mahal kaya!"
Nalukot ang animo manikang mukha ni Rousanne. "My shoes! Pwede na akong bumili ng tatlong steel crates para sa clinic ko!"
Nakasimangot na tinignan ko si Asti. "At ikaw? Anong nasayang sa'yo?"
"My time? Ni wala mang kiss the bride. Mas maganda pa ang pinapanood kong korean novela kesa sa drama niyo sa buhay." Tumingin siya sa gawi ni Gaige at tinawag ang pansin ng lalaki, "Pareng Gaige, mauna na'ko."
Lumingon sa amin ang binata. May sinabi siya sa judge bago nagmamadaling lumapit sa amin. Umismid ako ng tumingin siya sa akin at akmang lalayo na sana ako ng umangat ang kamay niya at inakbayan ako.
"Please wait for a moment. My assistant is just getting my gift for the three of you."
"Gift? Bakit?" diretsang tanong ni Asti. Nakita kong siniko siya ni Rous pero hindi niya pinansin ang babae. "Kami nga walang dala eh."
Ngumiti si Gaige. Trying to charm Asti I guess. Sa tatlo kasi, si Asti lang ang animo immune sa kagwapuhan ni Gaige. Kung isasali ako...Stop. Alam na nating pareho na naglalaway ka pagdating kay Gaige. "Alam kong biglaan ang mga pangyayari. Chianti and I will be heading to Palawan for our honeymoon since she's a little..."
"Patriotic." sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ko.
"Yes." Gaige said chuckling. "At dahil madalian nga ang lahat hindi na ako nakapaghanda para sa reception."
Bumukas ang pintuan ng kinaroroonan namn at pumasok ang assistant niya. May kinuha siya sa lalaki at inabot ang mga iyon sa kaibigan ko. Tinanggap ni Rous at Syrah ang binigay ni Gaige habang si Asti ay nakatingin lang sa kamay ng lalaki. "Plane tickets for a three day trip in Hongkong." paglilinaw ng lalaki.
"Ayoko. Wala naman akong gagawin doon. Kayo na lang. May trabaho pa ako." sabi ni Asti kaila Syrah na nagniningning na ang mga mata.
"You're all excused from Exquisite. And Asti, my assistant called the call center agency you're working at. You can go with your friends."
Napakagat labi ako ng humalukipkip si Asti at direktang tinignan sa mga mata si Gaige. Napailing ako. Sa lahat ng ayaw ni Asti ay ang pinangungunahan. I looked at Syrah and Rousanne pointedly.
"I don't think you have the right to do that Mr. Hendrix. Isa pa, hindi ko gustong sumama. Ano namang gagawin ko sa Hongkong? Mag sha-shopping? Mukha bang mahilig akong mag-shopping? May sarili akong pera at kahit na isang sapatos na lang ang natitira sa akin hindi ako gagastos para mag shopping-"
Naputol ang sasabihin ni Asti ng takpan ni Rous ang bibig niya. "Sir, Gaige Hendrix, Sir, kami ng bahala sa isang ito. Thank you so much for the plane tickets! Enjoy honeymooners!"
"Hindi lang plane tickets ang ibibigay ni Mr. Hendrix." pag-singit ni Duane. "He's also providing for your accommodation and shopping money. This trip would be solely for Mrs. Hendrix' friends to have fun and relax."
Nagpumiglas si Asti sa pagkakahawak ni Rousanne. Lumapit si Syrah sa kanila na todo na ang pagkinang ng mga mata at tumulong na sa pagpigil kay Asti habang nakangiting nagsalita, "Roger! Ayay Captain!"
Tumigil sa pagpupumiglas si Asti dahilan para lumuwag ang pagkakahawak sa kaniya nila Rous at Syrah. Sa isang iglap ay nakakawala na si Asti at diretso ang tingin na humakbang palapit kay Gaige.
"Mr. Hendrix." she said formally.
"Yes, Ms. Medeira?"
Humakbang ako palapit kay Asti para pigilan siya kung sakaling may balak siya na suntukin na lang bigla si Gaige. Asti's different when it comes to dealing things. Tatahimik tahimik siya pero kapag nagalit iba. Naalala ko pa noong may nanggugulo sa akin na mga Exquisite girls sa departamento namin. Tumigil lang sila ng matagpuan nila ang mga gulong ng kotse nila na pinaglalaslas.
"Kasama ba ang grocery sa pwede naming bilin? Hindi ako mahilig bumili ng damit."
Napanganga ako ng kinuha ni Asti ang kanina ay inaabot ni Gaige. Kinamayan niya pa ang assistant ni Gaige na napanganga din katulad ng mga kaibigan ko. Tanging si Gaige lang ang napangiti.
"Whatever you want." he said, still smiling.
Humarap sa akin si Asti at tinapik ang balikat ko. "Hindi ako tumatanggi sa libre. Enjoy honeymooners." nilingon niya sila Syrah. "Ano pang itinatayo niyo diyan? Kuài diǎn."
Nauna ng naglakad palis si Asti. Natatawang sumunod sa kaniya sila Syrah na kumaway pa sa akin. "Sosyal marunong mag chinese si Asti!" humahagikhik na sabi ni Syrah. "Ano kayang ibig sabihin non?"
"Ang ganda ko daw." sagot ni Rousanne.
"It means hurry up! Dalian niyo. Ayokong pinaghihintay." narinig kong nanggaling mula kay Asti.
Tuluyan na silang nawala sa paningin ko. Nakasimangot na nilingon ko si Gaige bago ko siya tinalikuran at akmang aalis na sana ng maramdaman ko na pinigilan niya ako sa braso. "What?" I hissed.
"I forgot something."
Bumukas ang pintuan at muling pumasok sila Asti. "Nakalimutan ko 'yong phone ko."
Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang mga kaibigan ko dahil nanatiling hawak pa rin ako ni Gaige at animo may sinasabi ang mga mata niya sa akin. Pilit akong kumawala sa pagkakahawak niya ngunit hinila lang niya ako palapit sa kaniya. "Ano na naman-"
Nalunok ko ang mga salitang lalabas sana sa mga labi ko nang sa isang iglap ay sinakop ni Gaige ang mga iyon. Napapikit ako ng hapitin niya ako palapit sa katawan niya. I was instantly enveloped by the magic of his kiss. I can faintly hear the cheers from my friends. It's like as if my whole body is not mine anymore...like he have the power of my entire being.
Bahagyang inilayo ni Gaige ang kaniyang katawan sa akin. His eyes, pained, as if the few inches apart between our bodies is causing it. "I forgot about that."
"W-What?"
He leaned down and whispered right at my ear. "To kiss my bride."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top