Chapter 14: The Masquerade
CHAPTER 14
CHIANTI'S POV
Pinigilan kong mapakagat sa kuko ko na nakakagawian ko na ata kapag kinakabahan ako. Hindi ko alam pero parang may kulang. Tinignan ko ang mahabang pila ng mga sasakyan sa harapan ng sinasakyan ko. Mukhang hindi basta-basta ang event na 'to.
Ano pa nga bang ineexpect ko sa isang Hendrix? Masyado lang napapalagay ang loob ko kapag kasama ko si Gaige. Kung umasta kasi siya ay parang hindi laki sa yaman.
Pero ngayon, nakikita ko na kung gaano kaiba si Gaige sa mundong ginagalawan ko. Marami akong naging kliyente na mayaman pero iba si Gaige. He's so...over the top. For one, this car. Alam ko na ipasusundo ako ni Gaige pero hindi ko akalain na limousine ang bubungad sa akin kanina.
Binuksan ko ang maliit na bintana na naghahati sa katawan ng limousine at sa driver's row. "Umm..." Ano nga bang pangalan niya?
"Gil, Ma'am."
"Ahh, yes. Si Gaige? Nasa loob na ba siya?"
"Yes, Ma'am."
Pinigil kong mapasimangot ng wala na siyang sinabi na iba. Wow, salamat sa info ha? Tahimik na lang na sumandal ulit ako sa kinauupuan ko. Hindi na bago sa akin ang dumalo sa mga ganitong pagtitipon. Karamihan din kasi sa mga kliyente ko ay nangangailangan lang ng escort para sa mga event.
Pero hindi ganitong kalaki.
Sa labas ay makikitang marami na ang mga nagsidating na tao. Idagdag pa ang mahabang pila ng mga sasakyan. Hindi na ako magtataka kung may makakasalubong ako na naging kliyente ko dati. With this kind of party? It's not impossible.
Hindi ko naman pinangangambaan ang bagay na iyon. May espesyal na kontrata ang Exquisite para sa escort sevices ng departamento namin. Pagkatapos ng serbisyo ko ay wala na silang maaaring sabihin sa akin o sa magiging bago kong kliyente, magkita man kami ulit o hindi. Hindi sila maaaring makielam sa magiging bago kong kliyente.
Besides, worse comes to worse, ano namang sasabihin ng mga dati kong kliyente ko? Na maging sila ay hiningi ang serbisyo ng Exquisite? Mabuti na lang din at masquerade ang tema ng party ni Gaige.
Bumalik sa realidad ang atensyon ko ng bumukas ang pintuan ng limousine. "Mr. Hendrix will be waiting for you inside." narinig kong pagbibigay alam ni Gil na nasa harapan pa rin ng sasakyan.
Huminga ako ng malalim at sinigurado ko munang maayos ang pagkakabit ng maskara bago ko ipinaskil ang ngiti na praktisado ko na sa tagal ng pagtatrabaho ko bilang escort. You're up Cyan.
Bahagyang napataas ang kilay ko ng may kamay na lumusot sa pintuan ng sasakyan. Imbis na abutin iyon ay iniwas ko lang doon ang nakagwantes ko na mga kamay at walang hirap na lumabas ng sasakyan.
Matamis na nginitian ko ang valet bago ako nagtuloy-tuloy paakyat sa entrance ng hotel na kinaroroonan namin. Hinawakan ko sa magkabilang side ang mahaba kong damit at bahagya kong iniangat iyon.
Gaige sent me this dress. Katulad ng maskara ay pulang-pula iyon. Simple lang ang tabas niyon. Wala iyong manggas at mahigpit sa taas habang pabilog ang bagsak niyon mula sa bewang.
Wala din akong ibang alahas na suot kudi isang pares ng diamong earrings na bigay din ni Gaige.
Inilibot ko ang paningin ko sa pagtitipon. Now where is he? Sa dami ng tao dito hindi ko alam kung mahahanap ko si Gaige. Ayoko naman na basta na lang lumapit sa kung sino man dahil mamaya magkamali pa ako ng lapitan.
Kumunot ang noo ko ng maramdaman ko ang tingin ng mga tao. Lahat sila nakatingin sa damit ko. Anong meron? Don't tell me...
"Chianti."
Napatigil ako sa iniisip ko ng marinig ko ang tumawag sa akin. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita kong palapit sa akin si Gaige. How can I even think that I can mistake him from anyone else?
Gaige is the only person that I know that can wear a usual three piece suit and still make it look like it is just created for him.
Hinintay kong magsalita siya ngunit nanatiling nakatingin lang siya sa akin. Naiilang na na nag-iwas ako sa kaniya ng tingin. Sa paligid namin ay lalong lumalakas ang mga bulungan.
"Hendr- G-Gaige..."
"She's beautiful and therefore to be wooed. She is woman, and therefore to be won." he whispered.
Dumadagundong ang dibdib na tumukhim ako. "Pumasok na tayo sa loob. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao." bulong ko.
Sumilay ang ngiti sa mga labi niya na kinuha niya ang kamay ko at inangkala iyon sa braso niya. Iginaya niya ako papasok at hindi man lang pinagtutunan ng pansin ang mga tao sa paligid namin.
"That's Shakespeare by the way."
I rolled my eyes. "Right. Kaya pala hindi ko naintindihan. If you want to start quoting cheesy lines you might want to start from movies because I don't read books."
He chuckled. "Noted."
Nang makapasok sa loob ng malaking event hall ay tinungo namin ang harapan niyon kung saan sa isang malaking bilog na mesa na may ilan ng mga nakaupo. Walang duda na pamilya ito ni Gaige. Dahil una, masama ang pagkakatingin sa akin ng iba sa kanila. At pangalawa, nakita ko na sila sa files na pinareview sakin ni Gaige. Idagdag pa na magkakahawahig sila. It's like the meeting of the gods.
Nanatiling nakatayo na ipinakilala ni Gaige ang mga kamag-anak niya. Ang mga extended family niya na halos hindi maipinta ang mga mukha, sa kapatid niyang babae na si Guillana na humalukipkip lang at mukhang balak magpalabas ng kuneho sa wine glass niya dahil matiim ang titig niya doon, at sa lolo niya na walang emosyong nakatingin sa akin. Kulang na lang ay ang pinsan ni Gaige na si Enzo na mukhang wala pa sa pagtitipon.
Ang saya naman nila. Sobrang init ng pag welcome sa akin. Wala na bang iiinit pa ang mga 'to?
Nagbaba ng tingin sa akin si Gaige at kaagad ko namang pinapormal ang ekspresyon ko. Nagningning ang mga mata niya na para bang nababasa niya ang iniisip ko. "Everyone this is Chianti, my beautiful fiancé."
Pinigilan kong paikutin ang mga mata ko ng makakuha ng reaksyon ang mga salitang iyon sa pamilya ni Gaige.
"What? Omg, kuya. Paano si Lindsey?" hindi makapaniwalang tanong ng kapatid niya.
Oh. Now I remember the night I first met Gaige. Nabanggit niya na best friend ni Lindsey ang kapatid niya. Great. Just great.
"I don't know why you think I should care, Guillana."
"She's your girlfriend!"
"We're not. Because if she is, then why is she not here?"
"Dahil binan mo siya!"
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Gaige. "Dahil ginugulo niya ang fiancé ko. Hindi ko kailan man naging girlfriend si Lindsey. Wala kaming relasyon. She's your best friend that's why I was tolerating her. Pero nang malaman ko ang ginawa niya na pagharang sa mga regalo at sulat ko kay Chianti 'wag mong asahan na i-e-entertain ko pa ang kaibigan mo, Guillana."
Nagbaba ng tingin ang babae. "She wouldn't do that."
"Enough." This came from Devin Hendrix, Gaige's grandfather. "Pinagtitinginan na tayo ng mga bisita."
Bumaling sa akin si Gaige at iginaya niya ako sa isang upuan. Umupo siya sa kanan ko habang sa kaliwa ko naman ay bakante ang upuan.
"Hindi siya magugustuhan ni Mama. Look what she is wearing."
Napatingin ako kay Guillana. Anong meron sa damit ko? Kanina ko pa napapansin na pinagtitinginan ako. Wala naman akong pakielam sa ugali niya I don't know her but since she's the best friend of Lindsey hindi na ako nagtataka. Kung siguro ibang babae ang kasama ni Gaige malamang pumalahaw na iyon ng iyak. But me...I don't care one bit. Puro babae ang mga katrabaho ko. I'm not new to the likes of her.
But...what's wrong with my dress?
"Enough, Guillana." Devin Hendrix said with a warning tone.
"Totoo naman lolo ah!"
"Does it matter? You're parents are not here. But if you don't stop they'll probably rise from the dead just to teach you some manners."
"Lolo-"
Hindi na pinatapos ng matandan Hendrix ang sasabihin niya. "That's why this family are not to be controlled by women. Such dramatics."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Tinignan ko si Gaige pero umiling lang ang lalaki na parang sinasabing 'wag ko na lang pansinin. Nagbaba ako ng tingin. Right. Just act meek and quiet, Chianti.
"Hindi ko alam kung saan ka na pulot ng apo ko. Pero kung ikaw talaga ang gusto niyang pakasalanan wala akong magagawa. But be warn, iha. It's not easy to be a Hendrix' wife."
"Why?" I said, looking directly at him.
"Well, for one, you're not allowed to wear a dress just because you want to wear it. Hendrix' wives are nothing but an accessory. And of course to continue our lineage. As for my grandson, I want someone to take care of him."
Matamis na ngumiti ako. Pekeng ngiti na hindi ko alam kung ilang tao na ang nakakuha mula sa akin. Naramdaman ko ang paghawak ni Gaige sa isa kong kamay pero inalis o lang iyon.
"Uh oh." he whispered, but he didn't stop me.
"Mawalang galang ho, Mr. Hendrix. Itong damit na suot ko ay galing ho sa apo niyo. The two of us will actually talk about this later. Right?" I said, looking at Gaige who's fighting he's smile. "At isa pa ho, Mr. Hendrix. Hindi ho ako accessory o maging lahat ng babae sa mundo. Nagsasalita po kami kasi tao po kami. We're all entitled of acting human."
"Miss Chianti-"
Pinutol ko ang sasabihin ng lolo ni Gaige. "Hindi din po imbalido ang apo ninyo para alagaan ko siya. I'll do my duties as his fiancé as long as he will do his own duties. At iyong tungkol sa lineage, hindi po 'yan mangyayari kung ineexpect niyo po na maging accessory lang ako. Only a human can create a child and give birth, Mr. Hendrix."
Naramdaman kong hinila ako ni Gaige patayo. Nangingiting tinignan niya ang lolo niyang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin at mga kamag-anak niyang nanlalaki ang mga mata. "I think I saw one of my business partner. I need to introduce my lovely, fiancé. Excuse us."
Nawala ang ngiti sa labi ko ng tumalikod na kami sa pamilya niya. Hindi na ako magtataka kung may lalabas na usok mula sa mga tenga. The nerve! What kind of family is that?"
"Chianti-"
"Your family is whacked!"
Mahinang napatawa siya. "I think my grandfather likes you."
Napanganga ako sa sinabi niya. "Okay ka lang, Gaige? Hindi na ako nagtataka kung komokontak na sa NASA ang lolo mo para maipatapon ako sa ibang planeta."
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Ang kapatid ko, ang anak niyang babae at ang mga pinsan kong babae ang pinariringgan niya. He's tired of their theatrics especially at events like this. Maybe he was expecting you to be like them."
"I may not be like them but I'm definitely not an accessory."
"I don't think he'll accept you if you act like one. Georgina Hendrix, my grandmother, was feisty than you are. Unang kita nila ni lolo ay ng buhusan niya ng spaghetti bolognese si lolo sa isang party na dinaluhan nilang pareho ayon sa kwento noon ni lola."
Nilingon ko ang kinaroroonan ng lolo niya. Saglit na nagtama ang mga mata namin ni Devin Hendrix pero kaagad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi ako nakakasiguro pero...may nakita akong ngiti sa mga labi niya.
"Chianti?"
Napaatras ako sa lapit ng mukha ni Gaige ng binalik ko ang tingin ko sa kaniya. Naniningkit ang mga matang sinalubong ko ang tingin niya. "Maiba ako, anong problema sa damit ko?"
Bumaba ang tingin ni Gaige sa katawan ko. Pinigilan kong 'wag magpakita ng pagkailang sa ginawa niya kahit na pakiramdam ko ay napapaso ang bawat dinadaanan ng mga mata niya.
"Well, obviously, hindi binasa ng pamilya ko ang invitations nila. But I'm sure that almost everyone knows who you are to me."
"W-What?"
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit kahit wala kang dalang invitation ay nakapasok ka dito?"
Napakunot noo ako. Ngayon ko lang naalala, iyon pala ang isang bagay na pilit kong iniisip na nakalimutan ko.
Nakangiting naglabas ng invitation si Gaige at ipinakita iyon sa akin. Nagtatakang tinignan ko naman iyon. Wala akong nakitang kakaiba roon. Puro eksplenasyon tungkol sa pagtitipon-
"Now, do you get it?"
I didn't answer him. I just kept on looking at the bottom of the page where words were written in elegant writing.
'The woman in red is the future Mrs. Gaige Hendrix'
"Ipinagbawal sa gabing ito ang pagsuot ng kulay pula. Kaya lahat ng tao sa lugar na ito ay ikaw ang hinihintay, Mrs. Hendrix."
PINIGIL ko ang mapahikab. Kanina pa natapos si Gaige na paikutin ako sa buong event hall para ipakilala ako sa lahat ng mga kakilala niya na hindi ko naman matandaan ang mga pangalan. Sa buong durasyon din ng event ay hindi na ako ulit lumapit pa sa out of this world niyang mga kamag-anak.
Nagpaalam lang ako kay Gaige na pupunta ako ng powder room. Pasalamat na lang ako at mukhang abala siya sa pinag-uusapan nila ng isa sa mga business associate niya.
Habang nasa powder room ay nag retouch muna ako. Tinanggal ko sandali ang maskara at binalik ko din iyon pagkaraan. Ilang sandaling nagtagal pa ako doon at akmang aalis na sana ng pumasok si Guillana.
"Oh you're here."
No, I'm not here. Multo lang ako, multo. 'Wag mo akong kausapin please lang. Nasaid na ang pasensya ko sa lolo mo.
"Hindi ko alam kung anong nagustuhan sa'yo ni kuya. Mas bagay sila ni Lindsey." Nang hindi ako nagsalita ay nagpatuloy siya. "Matagal ng may gusto si Lindsey sa kaniya."
Humarap ako sa kaniya. "May gusto ba ang kuya mo kay Lindsey?"
"I-I...well, he'll soon fall for her. Hindi man siguro totoo na girlfriend siya katulad ng sabi ni Lindsey pero for sure may pagkakaunawaan na sila kaya nasabi niya 'yon. Isa pa, ang sabi ni Lindsey inagaw mo daw si kuya sa kaniya. Nagpapapansin ka daw kay kuya nang pumunta kasa party ng best friend ko. Ganiyan daw talaga ang ugali mo. Mahilig kang mang agaw." umismid siya. "Hindi kayo bagay ni kuya at hinding hindi kita matatanggap."
"I don't need your approval."
Hindi makapaniwalang napaawang ang mga labi niya. "W-What?"
Umangat ang sulok ng labi ko. "Hindi ikaw ang pakakasalan ko. Gusto mo man ako o hindi wala na akong pakielam. As for Lindsey, maybe you need to know more about your best friend. May sarili kang utak, hindi mo kailangan ng utak ni Lindsey." Pagkasabi niyon ay lumabas na ako ng powder room.
Tuloy-tuloy na sana ako papunt akay Gaige ng bigla na lang may humarang sa daan ko. Napabuntong-hininga ako ng makilala ko ang lalaki na halos hindi makatayo sa kalasingan. Bakit ba parang sinusubok ang pasensya ko ngayong araw na'to? Kanina si Guillana. Ngayon naman itong uhaw sa pamana na Enzo na ito ang kaharap ko.
"Hey, beautiful. Hindi ka na naipakilala ni Gaige sa akin. Baka...natatakot na agawin kita." he said, his voice slurring,
"I don't think so." I murmured and tried to stepped away but he just blocked me again, Nauubos na ang pisi na tumingin ako sa itaas para magbilang ng sampu para kumalma ako.
"O saan ka pupunta? Nag uusap pa tayo eh."
"Sa fiancé ko."
"Kapag nakuha ko na ang kompanya wala ka ng mapapala sa pinsan ko. So if I were you I'll switch sides." Humakbang palapit sa akin ang lalaki hanggang halos sumubsob na siya sa akin. Malagkit na tinignan niya ang buong katawan ko. "Kaya naman pala. Kung ako lang si Gaige hindi na din kita pakakawalan."
"Mr-"
"Enzo. Enzo Hendrix. " pinadaan niya ng hintuturo ang gilid ng mukha ko. "Kung ako sa'yo titigil na ako sa pagpapanggap. Kung sa akin ka mapupunta, tototohanin pa kita. May pera ka na...mapapasaiyo pa ako."
Huh. What a terrible bargain. "Excuse me, I really need to go-"
Napatigil ako ng hawakan niya ako sa magkabilang braso. Nakangising nilapit niya ang mukha niya sa akin hanggang ilang dangkal na lang ang layo niyon sa mukha ko. Imbis na magwala ay nginitian ko siya at itinaas ko ang isa kong kamay habang nakamuwestra roon ang dalawang daliri. "Ilan to?"
"Huh?"
"Wrong answer."
Nagpalingon-lingon ako at ng matiyak ko na walang tao ay nagpakawala ako ng isang malakas na suntok sa tiyan niya. Napasinghap siya at umuungol na bumagsak sa sahig. Sandaling pinagmasdan ko siya. Knock out.
Pinagpag ko ang damit ko at taas noong umalis ako roon. Dire-diretsong tinungo ko ang kinaroroonan ni Gaige na kaagad namang napatingin sa akin na para bang nararadaman niya ang presensiya ko.
Bumaba ang tingin niya sa kanan kong kamay na nakakuyom. Malay ko bang masakit manuntok, Hindi ko naman kasi pastime ang manuntok ng bigla-bigla.
I saw him excuse himself and approached me. "What happened?"
"May tinuruan lang akong magbilang."
May tinignan siya mula sa likod ko. Hindi ko nilingon ang tinitignan niya pero may naririnig akong komosyon. Baka may nakakita na kay Enzo. Bumaba ang tingin sa akin ni Gaige. "Are you okay?"
"Hindi mo ba kakamustahin ang pinsan mo?" tanong ko din.
"Are you okay?" he repeated.
I flexed my hand. Napakagat labi ako ng may maramdaman akong kirot doon. Hindi ata tama ang naging pagsuntok ko. Dapat siguro mas nilakasan ko pa para sulit.
"Let's get your hand treated."
Napamaang ako ng hawakan niya ang wala kong pinsala na kamay at hinila ako. "Gaige ang party-"
"This is my party and I'm ending it now."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top