Chapter 12: The Painting







CHAPTER 12

CHIANTI'S POV


Kasabay ng paglayo ko kay Gaige ay ang pag-andar ng sinasakyan namin. Pumiksi ako ng magtangka siya ulit na hawakan ako. "May gusto lang akong linawin Mr. Hendrix."


"Gaige."


"Mr. Hendrix." ulit ko. "Alam ko na pag-aari mo na ako pero ikaw na din ang may sabi na ibang serbisyo ang hinihingi mo sa akin. At iyon ay ang magpanggap bilang asawa mo. If you will keep on doing this then I propose that you make an another contract for the two of us."


Hinanda ko ang sarili ko sa galit niya ngunit nanatiling kalmado ang ekspresyon niya. "Noted. Anything else?"


"Yeah." I said. "Do not kiss me without asking me first."


"Okay."


Umangat ang sulok ng labi ng binata at kinuha ang cellphone niya na tumutunog at sinagot iyon. Tumingin na lamang ako sa bintana at pilit na inignora si Gaige kahit na ng marinig ko na tapos na ang pakikipag-usap niya sa nasa kabilang linya.


Si Gaige lang ang nag-iisang tao na kayang guluhin ang mga emosyon ko. I'm not stupid. Alam ko kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ko kapag nandiyan siya. I'm attracted to him and he's obviously attracted to me. It's just that I don't understand him. His actions doesn't make any sense. Like spending thousands of pesos everyday for a woman like me? That's kinda hard to process.


"Chianti, we're here."


Napakurap ako. Nasa tapat na pala kami ng tinutuluyan ko na condominium. Tahimik na lumabas ako at pumasok sa loob habang nakasunod sa akin ang lalaki. Tinanguhan ko lang ang concierge na halata ang pagkagulat ng makita si Gaige at pagkatapos ay tinungo ko na ang elevator. Bihira naman kasi ako magdala ng kasama sa condo ko. Let alone a man.

Nang bumukas ang elevator doon ko lamang nagawang lingunin si Gaige. Napakunot ang noo ko ng makita ko na may dala siyang paper bags. "Ano 'yan?"


"Food and wine."

Napabuntong-hininga ako. Mukhang hindi magkakatotoo ang iniisip ko na hindi magtatagal si Gaige. Mukhang pinlano na niya talaga ito.


Hindi na ako muling umimik at tumingin na lamang ako sa pabago-bagong numero ng elevator. Nang marating ang palapag ko ay inilabas ko ang private key ko at tinipa ang security code ng unit ko.


Bahagya kong nilingon si Gaige nang bumukas ang pintuan ng elevator at bumungad ang tinitirhan ko. "Well. This is it."


Pumasok ako sa loob at sumunod naman si Gaige. Inihagis ko kung saan ang clutch ko at binuksan ko ang mga ilaw. Wala pa ring imik ang binata at unti-unti na akong kinakabahan. Hindi ko alam kung paano mamuhay ang bilyonaryo pero panigurado ako na hindi sila namamalagi sa ganitong kagulo na lugar.


Yes, my house is clean...for an artist at least. Para sa mga normal na tao lalo na sa isang katulad niya malamang ay mukhang pig sty ang mga ito sa mga mata niya.


"Wow."


"You know Gaige you don't need to stay here." I said, turning to him. "Pwede naman ang mga painting ko sa gallery ko ang tignan mo. My place is not really a-"


"You have a lovely view." he said pointing at my massive windows. "A lovely place especially with all these paintings. And it's spacious."


"Err...right."


Muling kumurba ang pamilyar na ngiti sa mga labi niya. "Hindi kailangan ng maraming gamit para masabing maganda ang isang bahay, Chianti. Lalong hindi kailangan na ipaayos pa sa isang sikat na interior designer para matawag na maganda ang isang lugar. This is your home and you're comfortable here. Relax."


Bumuka ang bibig ko para mag retorta ngunit tinikom ko na lang muli iyon. Kinuha ko sa kaniya ang dala niyang paper bags at walang salitang tinungo ko ang kusina ko. Naramdaman ko ang pagsunod niya ngunit hindi ko na siya nilingon at sa halip ay inihain ko na lang ang mga dala niyang pagkain.


"You don't have chairs." I heard him say as a statement.


"Yes."


"Why?"


Nagkibit-balikat ako at nanatiling nakatutol lang ang mga mata sa mga dala niya na inihahain ko. "Wala naman akong ibang kasama rito para bumili pa ako ng dining chairs. Bihira din pumunta ang mga kaibigan ko dito dahil alam nila na kapag nandito ako ay pagpipinta lang ang inaatupag ko."


"Hmm."


Bumuntong-hininga ako at tumigil sa pagsalin ng pagkain sa plato at hinarap ko siya. "You can wait for me at the living room. Doon ko naman dadalin ang mga ito." sabi ko at itinuro ang mga pagkain.


"Oh. Okay."


Sinundan ko siya ng tingin ng nakangiting lumabas na siya ng kusina. Akala ko ay magpipilit pa siya na samahan ako. Pero mukhang hindi na siya makapaghintay na makita ang mga paintings ko na nakakalat lang sa sala. He looks like a little boy who's seeking for new discoveries.


I'm not comfortable with him being here but I need to get used to it. Dahil hindi magtatagal ay magiging asawa ko na siya.


Asawa. I want to laugh at myself for even thinking about that word. Kahit minsan hindi ko naisip na magiging asawa ako ninoman. Pero tama sila Roussanne. This is like an escape from the hell hole where we are all trapped. But I just can't help myself on doubting Gaige. I have never met a man who are not worth doubting.


I can't help but think that Gaige is just using the obvious attraction between us. He'll get his heritage and he'll get me. I'm not blind to see that he's attracted to me. But the confusing thing is that he made it clear to me that he won't 'use' his right of 'using' me. He owns me...he bought me but he made it pretty clearly that he won't touch me that way if I don't want to.


Sa mga ginagawa niya gusto kong isipin na may mas malalalim pa siyang nararamdamam para sa akin. Pero alam ko na imposible na lumagpas pa sa atraksyon iyon. He can't fall in love with me. Ni hindi pa nga namin kilala ang isa't-isa ng lubusan.


Napaangat ang tingin ko mula sa ginagawa ng marinig ka ang matunog na halakhak ni Gaige. Kunot ang noo na kinuha ko ang mga pagkain at dinala ko iyon sa living room para lamang mapatigil ng makita ko ang senaryo sa harapan ko.


Nakaupo si Gaige sa sofa habang sa kandungan niya ay nandoon sa Mr. Snipes at kulang na lang ay pumulupot sa binata. Oh no. Hindi kaya bading ang pusa ko?


Ibinaba ko ang mga plato sa coffee table. Napatingin sa akin ang pusa ko na kaagad namang lumapit sa akin at pumulupot sa paa ko at kumiskis roon bago siya umupo sa paanan ni Gaige. Pakiramdam ko ay sinasabi niyang inaaprubahan niya ang lalaki.


"Meow."


"He's just a visitor." I said to my cat.


"Meow."


"Shh!"


"Meow!"


Naniningkit ang mga mata na tinignan ko ang pusa. "Gusto mo ba na dalin kita sa Chowking at ipahalo kita sa ingredients ng siopao?"


"Meooooow!" malakas na sigaw nito bago taas ang buntot na nag walk out.


Napapailing na umupo ako sa sahig habang sinusundan ng tingin ang mataray ko na pusa. Napalis lang ang tingin ko roon ng marinig ko ang mahinang pagtawa ni Gaige. "What?"


"You're fascinating."


Humalukipkip ako. "Gusto ko lang i-klaro sa'yo Mr. Hendrix na hindi ako ganito sa normal na araw. I'm a normal woman that is so normal that there would be no way that I can be fascinating. Okay?"


"I guess I'll be the judge of that." he said, smiling.


"Bahala ka. Ikaw din ang mapapagod sa kakaisip sa akin ng mga bagay na imposibleng maging ako. I can never be 'fascinating." sabi ko at gumawa pa ng aktong pag quotation gamit ang dalawang daliri.


Umupo ako sa sahig at sinimulan kong kumain. Nakangiting pinagmasdan ako ni Gaige at ng taasan ko siya ng kilay ay naiiling na tumayo siya. Sinundan ko siya ng tingin at sa pagkagulat ko ay umupo siya sa tabi ko.


"W-What are you doing?"


"Hmm..." he said with a smile that holds a thousand secrets instead of answering my question. "That looks delicious."


Napalunok ako ng unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Napaatras ako pero hindi iyon sapat para mapalayo ako sa kaniya. Napakagat-labi na lang ako ng ilang dangkal na lang ang layo ng aming mga mukha.


"I want to bite that..." he whispered.


Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng uliran sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Like he's about to kiss me and devour me. But instead feeling scared it was as if my entire being approves on being taken by him. "W-What?"


"That luscious...juicy....chicken."


Napanganga ako ng kinuha niya ang hita ng manok na hawak ko at walang salitang kumagat roon. Eksaharadong pumikit pa ang lalaki na parang ninanamnam ang bawat kagat sa pagkain. Nang magmulat siya ng mga mata ay may kapilyuhang nagniningning sa mga iyon.


"Did you just steal my food?" I asked, shocked. "Bakit hindi ka na lang kumuha ng sa'yo? Ang dami pa kaya."


"Mukhang mas masarap ang hawak mo. Sorry, I can't control myself much when I'm around you. Were you offended?" He asked playfully.


Pinaikot ko ang mga mata ko at umabot ako ng panibagong manok. Kumagat ako ng malaki roon at tinignan ng masama ang lalaki habang ngumunguya ako. Imbis na ma-turn off sa walang habas ko na pag nguya ay lalo lang itong napangiti.


Ganito talaga ata ang mga mayayaman na walang magawa sa buhay. Kahit ano na lang ikinaaliw nila.


"So what do you do besides of painting?"


Napatingin ako kay Gaige sa tanong niya at pagak akong tumawa. "Hindi mo pa ba alam?"


"Bukod pa doon." walang pag-aalinlangan na sabi niya.


Ilang sandali ang lumipas bago ako nagpasyang magsalita. "Mag marathon ng mga movies. Bukod doon puro pagpinta lang ang ginagawa ko para magpalipas oras."


"You told me the reason why you love to paint. May iba pa bang dahilan?"


"It relaxes me that I can see the exact same thing that everyone can see but I can paint it and make it different. Hindi ko kailangan sumunod sa kung ano ang nakikita ng lahat...malaya ako na gawin kung ano ang gusto ko."


"You don't want to be caught by the norms of the society." he guessed.


"Why would I want to be stringed by something like that? Hindi ang kung ano ang sa tingin ng mundo na tama ang huhubog sa kung ano ang dapat ko na isipin. I'm not a puppet nor an empty brained vessel. I'm capable to think on my own."


"That's pretty admirable." he said after a moment. "Hindi lahat ng tao kayang harapin ang konsekwensya ng pagkakaroon ng sariling opinyon."


"At ikaw?"


He looked at me directly in the eyes and I instantly felt drowning in his stare. "I'm not a puppet too. I don't care a bit what the society thinks of me, my decisions, or what I consider mine."


Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng boses at lakas lara kontrahin siya sa paraan niya ng pagkakasabi sa mga katagang iyon. Kaagad na nag-iwas ako ng tingin at itinuon na lang ang atensyon sa pagkain. Sa kabila niyon ay nararamdaman ko pa rin ang mga titig niya.


"Hey."


Hindi siya nililingon na sumagot ako, "Ano?"


"Do you mind if I look at your paintings while you're eating?"


"Bahala ka." mahinang sabi ko at patuloy lang ako sa ginagawa kong pagkain.


Naramdaman ko na tumayo siya at naglakad patungo sa mga nakakakalat ko na mga obra. May iba pa na mga nakasabit pero ang karamihan ay nakasalansan lang at nakasandal sa iba't-ibang lugar sa malaking espasyo ng unit ko.


Hinayaan ko na lang siya at ng kahit paano ay malayo naman ako sa nakakalunod niyang presensiya. Pakiramdam ko kasi kapag nagtagal pa ako na malapit sa kaniya ay bigla na lang akong sasabog at masusunog.


Gaige has that kind of effect. Ibig sabihin lang niyon ay normal pa rin naman ako kahit paano dahil tinatamaan pa rin ako ng epekto ng kakisigan ng binata. Maybe he's a demi-god and that's the reason I'm attracted to him when normally the only thing that I can feel towards men was disgust.


Sa isang taong katulad niya na kayang-kayang bilhin ang mundo, nakakapagtakang katulad ko lang ang pinag-aaksayan niya ng panahon. Hindi na nakakapagtaka na kulang na lang ay bakuran siya ni Lindsey. Not only that he's handsome, he is also rich as hell.


Pero sa dami ng nakilala ko na mayamang lalaki...hindi pa ako nakatagpo ng katulad niya. He's different. Maging ang pagtrato niya sa akin ay iba na para bang normal lang ako na tao. Na hindi ako...madumi.


"Woah."


Napakurap ako at tinignan ang kinaroroonan ni Gaige. Sinakluban ng kaba ang dibdib ko ng hindi ko siya makita at sa halip ay ang bukas na pinto ng kwarto ko ang tumunghay sa akin.


Mabilis na tumayo ako at tumakbo ako papunta sa kwarto ko. No, please, please, not that! Not that painting!


Luck is not on my side. Luck was never on my side. Nakompirma ko na iyon ngayon habang nakatingin kay Gaige na namimilog ang mga matang nakatingin sa malaking painting sa harapan niya.


"I'm naked!"


_________End of Chapter 12.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top