Chapter 11: The Catch




CHAPTER 11

CHIANTI'S POV


Inikot ko ang buhok ko at isinuksok ko doon ang lapis na naabot ko. Kagat ang ibabang labi na nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga papel sa harapan ko at sa malaking screen kung saan may ipinakikitang mga larawan.


"So, your grandfather's name is Devin Hendrix. Sixty-five years old and a widower. Masungit din siya at makaluma ang pananaw sa buhay. Hindi niya gusto na sinasalungat siya lalo na ng mga babae." tinuro ko ang isa pang papel sa harapan ko. "Your grandfather's son, your father, also have two siblings. Isang babae at isang lalaki na gusto kang pahirapan sa pagkuha ng mana mo dahil gusto nilang kaniyahin ang mga iyon. Hindi sila kuntento sa makukuha nila dahil malaki ang porsyento mo dahil una, anak ka ng paboritong anak ng lolo mo at pangalawa ikaw ang nagpakahirap para itaguyod ang kompanya. Tama ba ako?"


"Yes." Gaige answered while he's comfortably seating on his swivel chair. Nandito kami sa conference room sa kompanya niya.


"Wala ding pinagkaiba ang mga pinsan mo na gusto ding agawin sa iyo ang lahat. Especially this Enzo Hendrix."


"You got that right."


Nag-angat ako ng tingin mula sa binabasa ko. "Ang drama ng buhay mo. Ipasa mo kaya sa media ang storya ng buhay mo? Paniguradong sisikat ka."


Umangat ang sulok ng labi ng binata ngunit hindi na siya nagkomento pa. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa kong pagbabasa. I need to memorize them all. Para alam ko kung kanino ako mag-iingat. But looks like it's not that hard. Halos wala namang mapagkakatiwalaan sa pamilya niya maliban sa mga magulang niya.


"No offense, but you have a lot of stupid relatives. Sa tingin ba nila hahayaan mo na lang na mawala sa iyo ang kompanya na matatawag mo na ngang sa iyo dahil sa lahat ng ginawa mo para dito?"


"Hindi ko sila masisisi. Malaki ang pumapasok na pera sa kompanya." sagot ng binata kasabay ng pagkibit-balikat.


"At ang lolo mo? Anong trip niya? Sa totoo lang sa pelikula lang ako nakakakita ng ganitong sitwasyon. It's not like you can't live without a wife. Bata ka pa naman, hindi mo kailangan na magmadali."


"I'm the favorite grandson. He wants me to be happy."


Nangalumbaba ako at sinalubong ko ang mga mata niya kahit na iyon ang huling bagay na gusto kong gawin. Pakiramdam ko ay tinutunaw ako ng mga tingin niya. "Hindi ka ba masaya?"


"I am happy. Or that's what I thought before."


"So you're not?"


"I'm contented. That's different from happy, right?"


Sinimulan kong ayusin ang mga papel sa harapan ko. "Pareho lang naman ang dalawang iyon para sa akin. If I'm contented then I'm happy."


"Maybe you just don't know the difference yet."


Tinapunan ko siya ng mabilis na tingin bago ko pinaikot ang mga mata ko. Mahilig talaga siyang magsalita ng malalim na para bang hindi pwedeng walang ibang kahulugan ang mga sinasabi niya. Minsan hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong edad niya. Kung makapagsalita kasi siya parang ipinanganak siya noong unang panahon.


"Do you want me to restart this?" asked Gaige, pointing at the screen.


"Hindi na kailangan. Kabisado ko na."


Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Malaki ang angakan namin. Are you sure?"


"I've done this before, Mr. Hendrix. Madali akong magkabisado ng mukha, pangalan, at impormasyon dahil kinakailangan iyon sa trabaho ko."


Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Bumuntong-hininga ang lalaki pagkaraan at pagkatapos ay may ginawa sa laptop niya. Ilang sandali lang ay lumabas sa screen ang ilang larawan ng mga magagandang tanawin.  


Kunot ang noo na nilingon ko siya. "Ano 'yan?"


"Mamili ka."


"Para saan?" nagtatakang tanong ko.


"Diyan tayo pupunta para sa honeymoon natin."


Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ibinalik ko ang tingin sa mga larawan. Damn! Bakit ko ba nakalimutan? Kung may kasal siyempre may honeymoon. Sinuri ko ang mga larawan at pilit na inalis ko sa isip ko ang mga imahe na nabubuo sa utak ko. "Greece, Italy, Hawaii and France?"


"Kung wala diyan ang gusto mo sabihin mo lang sa akin." he said while biting the tip of his ballpen. "I'll take you wherever you want."

Bahagya akong napasinghap sa paraan niya nang pagkakasabi sa mga salitang iyon. Pakiramdam ko iba ang tinutukoy niya sa ginagawa niyang pag titig sa akin.

Sa heaven pwede? Ipinilig ko ang ulo ko. "Wala nga diyan ang gusto ko."


"Then where?"


"Palawan."


Sandaling natigilan ang lalaki. "Palawan? Sa Palawan mo lang gustong pumunta?"


"Maka-lang naman 'to. Bago mo tignan ang magagandang ipinapakita ng ibang bansa hanapin mo muna iyon sa sarili nating bansa. Bakit kailangan pa nating lumayo? Mag-aaksaya lang tayo ng pera."


Sumilay ang ngiti sa labi ng binata. "Right. My little patriot wife."


"Hindi mo ko asawa." nakairap na sabi ko.


"Soon to be wife?"


Pinaningkitan ko siya ng mga mata bago ko iniwas ang mga mata ko sa kaniya at tumingin sa screen. "May kailangan pa ba akong malaman?"


"Yes."


"And what is that?"


"Apparently, Lindsey is too interested to me. She's being difficult about the wedding. I'm telling you this dahil ayokong mabigla ka kapag bigla ka niyang pinuntahan. But I will try not to let that happen, Chianti, believe me."


Hindi na nakakapagtaka. Kahit naman noon problema na din ng Exquisite si Lindsey. Hindi kasi talaga pwedeng hindi gumawa ng gulo ang babae. Sa tingin ko nga kaya lang siya natiis ng Exquisite dahil isa siya sa mga Exquisite Girls na makikita mong gusto ang trabaho. And that is rare because almost all of us wants to get out. "I can handle her."


"She can be really a...you know-"


"A bitch. Yes, I know, Gaige."


May kung anong dumaan  sa mga mata ni Gaige na animo may naisip niya na kung ano. "Chianti can I ask you something?"


Tinaasan ko siya ng kilay. "Pwede ba akong tumanggi?" Nang hindi siya umimik ay bumuntong-hininga ako. "Fine. What?"


"Si Lindsey...nagtatrabaho din ba siya-"


"I can't tell you anything about that. It's not my business. But me saying this, I know you have your own conclusion now."


Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Nagkaroon ako ng pagkakataon para titigan siya. I'm not blind. I know he's attractive. Hindi naman ibig sabihin na naiirita ako sa kaniya ay bulag na ako. That's why I'm hoping to find a flaw so I can convince myself to hate him. Pero mukhang hindi siya madaling hanapin niyon.

"Do you have plans tonight?" asked Gage, breaking the silence after a while.


"Yes. May pupuntahan ako."


"Where?" he pressed.


"Exquisite."


Nawala ang malambot na ekspresyon sa mukha ng binata at dumilim iyon ng mabanggit ko ang pangalan ng kompanya. "Chianti—"


"I'm not working obviously since you already bought me. May grand show ang kaibigan ko roon kaya may usapan na kami ng iba ko pang mga kaibigan na magkita-kita para panoorin siya."


"Grand show?"


"Yes. My friend, Sunshine, is a stripper." I said, giving him the Exquisite name of Syrah.  "She'll be up for auction after the show." I continued, trying to sound nonchalant but failing.


Mukhang hindi naman nakalagpas kay Gaige ang pag-aalala sa boses ko. "Do you want me to buy her?"


Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "Nababaliw ka na ba Gaige Hendrix? Kapag nakahalata ang Exquisite mas lalo pang bibigat ang trabaho ni Sy—Sunshine."


"Then I'll tell my friend to buy her."


Mapait na ngumiti ako. "Anong pinagkaiba? Kapag ginawa mo iyon gagamitin rin naman siya ng kaibigan mo katulad ng mga lalaking naghihintay sa Exquisite."


"It will be different since the friend I'm talking about is a closet gay."


Napamaang ako. "Seryoso ka ba?" Hindi siya sumagot at sinalubong lamang ang tingin ko na para bang sinasabi na ako na mismo ang humusga sa katotohanan ng sinabi niya. "You will really do that for her?"


"No." he said seriously. "I will do it for you."


"Gaige—"


"There's a catch."


Of course. Malaking bagay ang gagawin niya. Negosyante si Gage at imposible na magpalamang na lang siya ng ganong ganon na lang. You really think that he will do it for you for free? Dream on, girl. He will probably make you do the same old things your client always asked you to do. "What?"


"I'm gonna pick you up after the show and you will show me your paintings at your apartment."


Oh.











"WOOO! Go Sunshine!" sigaw namin ni Rousanne habang ginagawa ni Syrah ang bago niyang routine sa malawak na stage ng Exquisite Club. Hindi maitatanggi na si Syrah talaga ang pinakamagaling pagdating sa pole dancing sa department niya.


"Ang galing talaga ni Syrah no?" pabulong na sabi ni Rousanne. "Ako lumalabas lang sa cake. Siya halos magkandabali-bali na sa ginagawa niya."


Tumango ako. "Kung ako lang ang gumawa niyan baka basag na ang bungo ko ngayon."


Sabay pa kaming napahagikhik sa pinag-uusapan namin. Alam ko na pareho naming naalala ng mag attempt kami na mag pole dancing sa studio ni Syrah. Nang matapos kami ay pareho kaming nangailangan ng matinding masahe. Si Asti naman ng mga panahon na iyon ay sinesermonan lang kami. Speaking of...


Nilingon ko ang dalaga na ngayon ay tutok na tutok sa hawak niya na tablet device. May papel din siya sa harapan niya na kasalukuyan niyang sinusulatan.


"Asti!" tawag ko sa atensyon niya.


"What?" she asked without looking at me.


"Anong ginagawa mo 'Wag mo sabihin sa akin na trabaho 'yan dahil babatukan talaga kita. Hindi mo ba alam ang salitang pahinga?"


"Hinto 'to trabaho. Bayarin ko ang mga ito at kung hindi ko 'to maayos baka kulangin na naman ang budget ko."


"Eh di umutang ka sa'min."


"Marami pa akong utang sa inyo."


Nagkatinginan kami ni Rousanne. Mahal namin si Asti pero kapag ganito ang akto niya parang gusto namin siyang sabunutan. Tinalo ni Asti ang Pacific Ocean sa lawak ng pride niya. Hangga't hindi siya walang-wala hindi siya hihingi ng tulong. Pero kung makapayo siya tungkol sa pride ko di ba?


Napailing na lang ako. Kahit ganiyan 'yan si Asti, kahit na ang sarap niyang sakalin minsan, nakakaproud siya. Dahil kahit kailan hindi siya sumuko sa Exquisite at i-give up ang matagal niya ng iniingatan. The V-card. Kung tutuusin kung mangyayari iyon, mas malaki ang kikitain niya.


"Bayaran mo kapag nakaluwag ka na." pagpupumilit ko.


"No."


"Basta kung kailangan mo lang." sabi ko at ibinalik ko ang atensyon ko kay Syrah na ngayon ay pahirap na ng pahirap ang ginagawa.


Halos pigil ko ang hininga ko hanggang sa dumulas siya pababa ng pole, humarap sa audience, at hinubad ang ang kumikinang niyang bikini top. Kasabay ng sigawan ng mga tao ay ang pagdilim ng paligid.


"Chi?" pabulong na tawag sa akin ni Rousanne.


"Yes?"


"Sigurado ka ba na nandito na iyong kaibigan ng asawa mo? Alam mo ba kung ano ang itsura niya?"


"Hind ko alam. Wala namang nabanggit si Gaige. Basta daw dadating ang kaibigan niya at malalaman ko daw kaagad kung sino iyon."


"May suspense pa talaga." natatawang sabi niya.


"Rous?"


"O?"


"Hindi ko siya asawa."


Humalakhak ang babae ngunit hindi na nagkomento pa dahil muling bumukas ang ikaw at ngayon ay nakatayo si Syrah sa gitna ng stage habang suot ang manipis na damit na halos wala naring itinago. Sa tabi niya ay nandoon ang isang staff ng Exquisite na nagsisilbing emcee ng gabi.


Nagsimula ang auction sa five thousand. Kaniya-kaniya na ng bid ang mga kalalakihan na nag-aapoy sa pagnanasa ang mga mata habang nakatingin kay Syrah.


"Ten thousand."


Nilingon ko ang nagsalita. Isang matandang lalaki na naghuhumiyaw ang beer gut ang nakita ko. Mukha namang hindi siya ang closet gay friend ni Gage. 'Mukhang mas hayok pa siya kesa sa ibang mga lalaki dito.


"Twenty five thousand."


Another man. He's younger. Pinagmasdan ko ang lalaki. He's lean and pale. Baka siya na ang kaibigan ni Gaige-


"Eighty thousand."


Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang sumunod na bidder. He's bulky. As in. Pero tama si Gaige. Malalaman ko talaga kaagad kung sino ang kaibigan niya dahil naghuhumiyaw ang kaibaha ng lalaki. His hair is long, silky and it looks smoother than mine. And his eyes...it's different. Like a wolf's eye.


"Eighty five thousand." paglaban naman ni lean type man.


"Two hundred thousand." said by the wolf eyed man.


Napanganga ako nang i-deklarang 'sold' si Syrah. Kasabay niyon ay saglit na tumingin sa gawi namin ang lalaki at kuimindat. Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko. Alam naming pare-pareho na pera ni Gage ang gagamitin ni wolf eye man.


"Grabe. Barya lang talaga sa asawa mo ang two hundred thousand ano?" sabi ni Asti.


"Hindi na nakakapagtaka. Kaya niya ngang bayaran sa loob ng tatlong taon ang full service ko araw-araw." sabi ko at uminom sa kopita ng alak sa harapan ko. "And he's not my husband."


"Whatever."


"I want to kiss your husband right now." said Rousanne with a beam. "But of course I won't because I know you'll be jealous. Nakakatuwa lang na ginawa niya ito. Malaki ang porsyento na mapupunta kay Syrah."


Hindi ko na nagawang makapagsalita ng may lumapit sa amin na isang lalaki na naka three piece suit. He looks like he's in his thirties and with a foreign blood because of his light brown hair and eyes. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.


"Miss Cyan?"


"Yes?" pormal na tanong ko.


"I'm Mr. Hendrix' assistant. Naghihintay na po siya sa labas."


Kaya pala siya pamilyar dahil nakita ko siya sa opisina ng Hendrix Beverages Corporation. Nagmamadaling kinuha ko ang gamit ko at tumayo na ako. Tinapunan ko ng tingin ang mga kaibigan ko. "See you, girls."


Tatalikod na sana ako pero pinigilan ako ni Rousanne na ngayon ay nakatayo na. Binuksan niya ang clutch ko at may inilagay roon bago bumulong sa akin. "I want details."


Sinilip ko ang inilagay niya at lalong namula ang mukha ko ng makita ko ang mga iyon. Condoms. "Loka loka ka talaga."


Bumalik na siya sa pwesto niya at nag flying kiss sa akin. Naiiling na tuluyan ko na silang tinalikuran at naglakad palabas. Sinundan ko ang assistant ni Gaige na tuloy-tuloy tinungo ang harapan ng Exquisite.


"This way, Miss." sabi ng lalaki na nilapitan ang isang kotse at binuksan ang pintuan niyon sa likod.


Pumasok ako sa loob. Hindi pa man tuluyang naisasarado ang pintuan ay naramdaman kong may humila sa akin at kasabay niyon ay ang pagdampi ng halik sa mga labi ko.


"Good evening, Angel."


__________End of Chapter 11.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top