Chapter 10: The Wish
CHAPTER 10
CHIANTI'S POV
Tumutugtog ang malamyos na tunog sa paligid ngunit imbis na kalmahin ako niyon ay mas nangingibabaw ang inis ko sa taong kaharap ko. Even the romantic ambiance of this restaurant cannot calm me down. Hindi ko alam kung bakit once upon a time ay nahalina ako sa kulay tsokolate niyang mga mata...at sa mga labi niya na parang kay sarap halikan. He's just an irritating and cunning handsome businessman.
And even though you're saying that, you're still complimenting the enemy.
"Masaya ako at pumayag ka na makipagkita sa akin. Akala ko talaga hindi ka na papayag sa kasunduan." basag ng lalaki sa katahimikan.
Pinaikot ko ang mga mata ko. "Nandito ako dahil wala na akong choice. Iniipit ako ng Exquisite at ganoon din ang ginagawa mo."
Mataman na tinignan niya ako. Pinilit ko na huwag mag alis ng tingin kahit na pakiramdam ko ay natutunaw na ako sa ilalim ng pagtitig niya. I need to marry him but that's the only connection I will allow myself to have with him. I'm Chianti Callahan. I live years of my life without needing the help of a man and I won't start now. Pare-pareho lang ang mga lalaki. Kapag nakabaon na sa iyo ang mga kuko nila wala ka ng magagawa kundi mag intay na tapusin nila ang paghihirap mo. They can be good at you in the beginning, but it will end as fast as you blink.
"Makikita mo din sa huli na para sa iyo din ang ginagawa ko."
"Alam mo hindi talaga kita maintindihan. Bakit ba concern na concern ka sa akin? Kasi kahit ilang beses ko na paulit ulitin sa utak ko ang lahat ng sinabi mo wala pa ring sense eh. Maraming babae diyan, Gaige. Bakit nagtiya-tiyaga ka sa isang babaeng bayaran?"
"Stop." He said in a dark voice.
Pinag-igting ko ang mga ngipin ko at padabog na kinuha ko ang tinidor at steak knife sa harapan ko. Masama ang tingin sa steak sa harapan ko na hiniwa ko iyon na halos pati pinggan ko ay umingay na sa pagkakadiin ko.
"How old are you?"
Nag-angat ako ng tingin at binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Hindi mo pa ba alam? Baka nga mas kilala mo pa ako kesa sa sarili ko."
"I'd rather you tell me. And I don't know everything about you, your company made sure of that."
Argh! So irritating! Pakiramdam ko lahat ng sabihin ko sa kaniya ay may sagot siya pabalil. "Twenty-five."
"Nationality?"
"Half Filipina, half Irish."
Tumango-tango ang binata. "That explains the hair."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata at kumuyom ang mga kamay ko na nakahawak sa steak knife. Relax, Chianti. Hindi bagay sayo ang maging killer. "May problema ka ba sa buhok ko?"
Umiling ang lalaki. "I kinda like it."
Pakiramdam ko ay nahipan palabas ng restaurant na iyon ang inis at pagkairita na nararamdaman ko sa paraan ng pagkakasabi niya niyon pati na ang mga mata niyang animo natutuwa sa akin.
Hindi ko mapigilan pero bumalik sa ala-ala ko iyong mga panahon na nagkita kami sa The Corner. When he was looking at me like I'm the most fascinating woman he have ever seen.
"Favorite color?"
"Brown." Bulong ko.
Sunod-sunod na napakurap ako ng tumaas ang sulok ng labi ni Gaige. Lihim na napamura ako ng marealize ko kung ano ang nasabi ko habang nakatulala ako sa kaniya. It's the color of his eyes.
"Brown?" he asked.
Pilit na pinapormal ko ang ekspresyon ko. Panindigan mo yan, Chianti kahit na moss green ang paborito mo na kulay. "Oo. Maganda naman ang brown ah."
"Hmm." he muttered as he reach for the wine glass in front of him. Kahit hindi pa niya sabihin alam ko na alam niya kung ano ang iniisip ko kanina. Kitang kita iyon sa paraan niya ng pagtatago ng ngiti niya habang sumisimsim ng alak. "Favorite movie?"
"Chronicles of Riddick."
Ibinaba niya ang wine glass ar nangalumbaba. Pilit na pinakalma ko ang sarili ko at ikinuyom ko ang mga kamay ko ng tumutok na naman sa akin ang mga mata niya "Why?"
"Why what?" I asked.
"Bakit iyon ang paborito mo?"
"I love Vin Diesel's voice." Muling nagsalubong ang mga kilay ko ng bigla na lang tumawa ang lalaki. Napalis ang natural na tapang na makikita sa straktura ng kaniyang aristokratong mukha dahil doon. "His voice is awesome for your information."
"Alam ko. Hindi lang iyon ang inaasahan ko na sasabihin mo." Pinapormal niya ang kaniyang ekspresyon. "Favorite book?"
"Baka gusto mo na din itanong kung sino ang first crush, first love at first kiss ko? Para kang walking slumbook." Nang hindi umimik ang lalaki at nanatiling nakatingin lang sa akin at nag iintay ay napabuntong-hininga ako. Hindi pa ata alam kung ano ang slumbook. "Wala. Hindi ako mahilig magbasa at nasabi ko na sa iyo noon kung bakit."
"Okay. So who's your first crush?"
Marahas na tinusok ko ng tinidor ang gulay sa plato ko at isinubo ko iyon. "Hindi mo din naman kilala kaya hindi ko sasabihin."
"Then your first love."
"Wala pa akong first love." Diretso ko siyang tinignan sa mga mata. "At wala akong balak na mainlove."
"Why?"
"Because love is for fools. And everyone is a fool for thinking that love exists."
"Love do exist for some," He looked pointedly at my side. Nilingon ko ang tinitignan niya at nakita ko ang matandang babae at lalaki na kasalukuyang tahimik na kumakain ngunit mayroong ngiti sa mga labi.
"Mali ka. Mahilig lang talaga na maglagay ng lebel ang mga tao sa mga bagay bagay. Kapag napapasaya sila, naibibigay ang pangangailangan nila at faithful sa kanila ay pag-ibig na agad ang tingin nila roon. I can be alone, I can get everything I want, I can be faithful to myself but should I call that love?"
Nagniningning ang mga mata na sumandal siya sa kinauupuan niya. "Interesting."
"Whatever." Pinaikot ko ang mga mata ko. "Pwede bang ibigay mo na ang kontrata para makapirma na ako?"
Kumilos siya at may itinulak na asul na folder papunta sa akin. Bahagya akong huminga ng malalim bago ko iyon binuksan. Exquisite's employee and client's contract. Kita rin doon na nakapirma na si Gaige.
"Pwede na ba akong umalis pagkatapos ko na pirmahan ito?" tanong ko.
"After this we're gonna take a stroll."
PATINGIN-TINGIN ako sa paligid habang naglalakad-lakad kami. Sa kabila na malalim na ang gabi ay nanatiling mailaw at matao ang nadaraanan namin. Hindi na nakakapagtaka na kahit weekdays ay buhay na buhay pa rin ang gabi. Marami talagang mahilig sa night life.
"I signed the contract already. Hindi ka pa rin ba kuntento?"
Nagbaba siya ng tingin sa akin. "Magiging asawa na kita. Kailangan na masanay ka na na kasama ako."
"Fine."
Magkasalubong ang kilay na nalakad ako habang kasabay ko siya. Nawala lang ang inis sa akin at napalitan ng pagkagulat ng bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko.
Para bang may kuryente na biglang dumaloy mula sa kamay niya papunta sa akin nang mag dikit ang mga balat namin.
Gusto kong lumayo sa kaniya dahil pakiramdam ko ay malalaman niya ang nangyayari sa akin ngayon pero hindi ko magawa dahil pati mga paa ko ay ayaw makinig sa akin at nanatili lang ako sa tabi niya. "A-Anong ginawa mo?"
"You'll be my wife soon. Get used to it."
Pilit na hinila ko ang kamay ko pero nanatiling bilanggo niya iyon. "S-Soon. Ibig sabihin hindi pa ngayon kaya bitawan mo na muna ang kamay ko."
"Practice."
"Puro kalyo na ang kamay ko-"
"It feels soft to me."
Kahit na alam kong hindi totoo ang sinabi niya ay may kung anong kumiliti sa akin nang bahagya niyang pisilin ang kamay ko. Nag-iinit ang mga pisngi na nagbaba ako ng tingin.
I can feel him drawing circles on my palm as we continued our walk. Hindi iilang beses na nararamdaman ko na napapatingin siya sa akin pero hindi ko siya nilingon.
Itinutok ko na lang ang paningin ko sa mga bagay na nasa paligid ko. But even that can't calm me down. I can see men playing cards and drinking at the sides, mga taong nagdadagdag ng polusyon habang panay ang paninigarilyo at walang pakundangan sa mga taong nalalanghap ang usok mula sa sigarilyo nila, at mga babaeng maiikli ang damit na nasa gilid ng daan at kumakaway sa mga sasakyan.
"Dwell on the beauty of life. Watch the stars and see yourself running with them,"
Napalingon ako kay Gaige na nakatingin sa langit at bahagyang nakangiti. "Ano?"
"It's a quote by Marcus Aurelius." nilingon niya ako. "Don't you agree? We all have something out there to be grateful for...and there's always beauty in life."
Nag-iwas ako ng tingin. "I know there's beauty in life. I'm a painter, duh."
"Nakikita mo pero hindi lahat."
Hinila ko muli ang kamay ko at sa pagkakataon na ito ay nagtagumpay ako. Humarap ako sa kaniya at humalukipkip ako. "Bakit ba laging may laman ang mga sinasabi mo? Ilang taon ka na ba? Seventy?"
"Because I love talking to you that way. Alam ko naman kasi na naiintindihan mo ang mga sinasabi ko. Itinatanggi mo lang."
"Look Gaige-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng akbayan niya ako at igayang maglakad ulit. Everything just got worse. Kanina hawak lang ngayon akbay na.
"Why painting, Chianti?" Iniangat ko ang mga balikat ko at ibinagsak ko ulit bilang sagot sa tanong niya pero hindi siya sumuko. "It's just a simple question."
Bumuntong-hininga ako. "Natatanggal ang stress ko. At ang pagpinta ang isang bagay na kaya kong gawin na hindi ko kailangan na magmalinis."
Namayani sa amin ang katahimikan dahil sa sinagot ko. Alam ko na hindi niya gustong pag-usapan ang tungkol sa trabaho ko sa Exquisite pero wala akong magagawa. Parte iyon ng pagkatao ko. This relationship we are making even started because of Exquisite.
"What do you paint?" He quietly asked.
"Kahit anong gusto ko."
"Just curious..."
Bahagya ko siyang nilingon. "Curious saan?"
May naglalarong pilyong ngiti sa mga labi niya na tinignan ako. "Have you ever painted any nude paintings?"
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na humiwalay ako sa kaniya. Sa pagmamadali ko ay muntik pa akong matapilok ng tumama ako sa isang lalaki na dumaan.
Naramdaman ko ang mga kamay ni Gaige na inalalayan akong makatayo ng ayos. Nagtatakang tinignan niya ako ngunit nag-iwas lang ako ng tingin. I can feel my face burning as I think about the huge nude painting of Gaige Hendrix on my condo unit.
"Are you alright?" tanong ng binata.
"I-I'm fine."
"Namumula ang mukha mo. Natamaan ka ba noong lalaki? Gusto mo bang dalin kita sa ospital?"
"A-Ayos lang ako sabi. Naiinitan lang ako. Kaya 'wag mo ba akong akbayan puwede? Ang init-init eh."
Mataman niya akong tinitignan habang may naguguluhang ekspresyon ang mukha niya. Ilang sandali lang ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya na parang may naalala at pagkatapos niyon ay sumilay ang nakaakit na ngiti sa mga labi niya. "Lahat ba ng paintings mo nasa gallery mo?"
"Hindi."
"Can I see all your paintings?" He asked.
Sumuntok ang kaba sa dibdib ko. "Ba..Bakit?"
"I just bought a new house and I want your paintings in it." sabi ng lalaki na hindi nawawala ang ngiti.
"Pwede ka namang pumunta sa gallery ko kung gusto mo talaga."
"I want to see your nude paintings."
Pilit na pinakalma ko ang sarili ko kahit alam ko na para na akong binabad sa suka. "H-Hindi ako nagpipipinta ng nude."
"Pwede mo namang subukan."
"Wala akong model." Pagpapalusot ko.
Makakahinga na sana ako ng maluwag sa pag-aakalang sumuko na siyang kumbinsihin ako pero lalo lang naging mapang-akit ang itsura niya, "I can be your model."
"I don't do nudes."
"Fine." he said, still smiling. "But I'll give you three wishes as my payment if you let me see your other paintings. Besides the paintings at your gallery."
Napaatda ako. Tatlong hiling? Pwede ko kayang hilingin sa kaniya na ibenta sa akin ang kontrata namin? Na gagawin ko lang ang trabaho ko sa kaniya at pagkatapos ay babayaran ko ang kalayaan ko sa pamamagitan niya? So I won't owe him.
"Except buy the contract." He said, reading my mind.
Umismid ako. "Wala din naman pala akong mapapala."
"Paanong wala? Makukuha mo lahat ng hilingin mo. Just not the contract."
Pinaikot ko ang mga mata ko, "Ano naman ang hihilingin ko sa tingin mo? Sa tingin mo ba sasabihin ko sa iyo na 'I wish that you'll kiss me-"
Naputol ang sasabiin ko ng bigla na lang siyang umuklo at sa isang kisap-mata ay magkalapat na ang mga labi namin. His eyes turned liquid when he pulled away and looked at me.
"Your wish is my command, angel."
__________End of Chapter 10.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top