Chapter 1: The Painter

A/N: Pasensya na kung natagalan :) Hope you can ride this new roller coaster ride with me guys <3




"I dream my painting and I paint my dream."

― Vincent van Gogh

CHAPTER 1

CHIANTI'S POV

Nararamdaman ko ang tingin sa akin ng mga tao pagkapasok ko pa lang ng coffee shop ngunit nanatiling tutok ang paningin ko sa sapatos ko na puro patak ng pintura. Sanay na ako na pinagtitinginan. Kung hindi kasi dahil sa kakaiba ko na pisikal na itsura at buhok na animo umaapoy dahil sa pagiging half Irish ko ay ang pananamit ko naman ang nakikita nila.


Kakaiba daw kasi ang fashion sense ko sabi ng mga kakilala ko. Pero ano namang sinama niyon di ba? Sa doon ako komportable.


Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nandito ako sa Aroma Cafe para makipagkita sa mga kaibigan ko. Nag-usap kami kagabi na magkita rito nang alas kwatro ng hapon at ngayon nga ay inagahan ko pa ang pagpunta at baka magreklamo na naman sila.


"Bakit ba hindi nagtetext ang mga baliw na iyon?" bulong ko sa sarili at sinimulan kong halungkatin ang dala ko na bag. Napatigil ako ng mapansin ko ang mga kamay ko. "Hindi pa pala ako naghuhugas ng kamay."


"Ma'am, okay lang po ba kayo?"


Tumingin ako sa lumapit na security guard. "Yes. I was just looking for my phone."


"Eh, ma'am...nasa bulsa niyo ata."


Nagbaba ako ng tingin sa bulsa ko. Nakabakat nga roon ang phone ko. "Ahh. There you are." I fished it out and looked at the guard. "Thanks."


Tinalikuran ko na ang security guard na parang nababalatubalani na nakatayo lang doon at sinimulan ko na ang pagpipindot sa phone. "Bakit hindi umiilaw? What the heck is wrong with this thing?"


Kaya ayokong ayoko na gumagamit ng cellphone. Hindi kasi kami magkaintindihan at lagi din akong nakakasira nito. Kaya nga hindi na ako nakikiuso sa mga touch screen dahil last time na nagkaroon ako no'n ay nabasag ko lang...at nabasa ng pintura. Puro di-key pad na phone lang ang binibili ko para kahit masira ko at least mura lang. "I hate you!"


"Hoy, Chianti!"


Hinarap ko ang nagsalita. Isang babae na tuwid na tuwid ang kulay tsokolate na mahabang buhok, may pagkamorena at mahahabang pilik mata na para bang ginawa iyon para sa isang manika. Indian beauty. Looks like I don't need my phone anymore. Thank heavens for that. "It's not Chi-Yan-Ti, it's Ki-Yan-Ti. Pitong taon na tayong magkakilala, Syrah, hindi mo pa rin alam kung paano bigkasin ang pangalan ko?"


"Sa iyon ang spelling eh. Halika na nga at kanina ka pa namin iniintay."


"Ang aga ko ah." kunot ang noo na sabi ko.


"Maaga ka diyan, dalawang oras ka ng late, no. Binago namin ang oras pero hindi ka naman nagrereply sa text. Nag email din kami hindi ka sumasagot."


"Busy ako."


"Tamad ka lang kamo na mag check ng mga messages at emails mo."


Nagkibit-balikat na lang ako. Aminado naman kasi ako na hindi ko talaga gusto ang mga kung ano-anong klase ng teknolohiya maliban sa telebisyon. Naiirita kasi ako kapag tunog ng tunog ang phone o laptop ko dahil sa mga pop up messages.


Tinungo namin ni Syrah ang tagong parte ng coffee shop kung saan nakapuwesto ang dalawa pang babae. Nakangusong tumingin sa akin ang isa sa kanila, si Roussanne. Half pinay, half Russian na obvious na sa itsura at naghuhumiyaw niya na kulay mais na buhok. "Buti naman at naisipan mo na siputin kami, Chianti."


"Isa ka pa. It's Ki-Yan-Ti."


"Whatever."


"Asa ka pang maagang makakapunta iyan dito." singit naman ng isa pang babae. A dark haired, mocha skinned woman with a hot body and a contradicting cool expression. Ang half Portuguese namin na kaibigan, si Asti.


"Sige na, sorry na. Ako na naman ang may kasalanan." sabi ko at umupo na ako sa isang bakanteng upuan. Nagtatakang nilingon ko sila ng maramdaman ko ang pagkakatingin nila sa akin. "Bakit?"


"Hindi na lang ba canvass ang hinaharap mo ngayon at gumagawa ka na rin ng sarili mo na damit?" tanong ni Asti.


"Huh?" nagbaba ako ng tingin sa damit ko bago ako tumingin sa kanila ulit. "Nagpipinta ako kanina. Nang mapansin ko ang oras hindi na ako nagpalit ng damit at dumiretso na ako dito. Tignan niyo oh." sabi ko at itinaas ko ang mga kamay ko na puno ng pintura.


"Kadiri ka talaga, Chi!" angal ni Syrah. "Hindi ka man lang naligo muna. Ang dumi mo tuloy tignan."


"Kailan ba ako naging malinis?"


Natahimik sila sa sinabi ko. Alam ko na iba ang iniisip nila sa sinabi kong iyon. Isang bagay na alam namin pare-pareho. Isang bagay na katulad ko ay hindi nila magagawang sabihin sa iba...maliban na lang sa mga taong katulad namin.


"Anyway, bakit ba kasi ang aga-aga pagpipinta ang inatupag mo?" pag-iiba ni Syrah ng usapan.


"May kliyente ako kagabi."


Napabuntong-hininga ang babae. Alam niya naman na iyon din ang uuwian ng pagkikita namin. Ang mga bagay na iyon din ang pag-uusapan namin sa bandang huli. Dahil sa umpisa pa lang naman kaya kami nagkakila-kilala ay dahil din sa bagay na iyon. Kahit anong gawin namin, hindi namin magagawang takasan ang katotohanan.


"Kailangan ng escort?" mahinang tanong ni Syrah.


"Nope."


Agad namang naintindihan ng babae ang tinutukoy ko. "Akala ko ba hindi ka na tumatanggap ng ganiyang kliyente?"


Nagkibit-balikat ako. "Madali lang naman. He just stared at me for hours."


Sandaling katahimikan ang muling namayani. Panigurado naman na hindi lang ako ang gusto na magkuwento. Our work can be stressful especially when we don't have someone to talk to. Kaya nga at suwerte pa kami kung tutuusin dahil nandito kami para sa isa't-isa.

Kung wala sila matagal na siguro akong nabaliw o naging katulad na din ako ng iba naming mga kakilaa na kung hindi sa alak at iba pang bisyo ay ginawa ng obsesasyon na paliguan ang mga sarili nila sa karangyaan. Na para bang magagawa no'ng takpan ang kung ano ang pilit na ikinukubli namin sa mga mata ng pangkaraniwang mga tao.

"Kagabi naman, ang weird din ng kliyente ko." basag ni Asti sa katahimikan.


Nilalaro ang dahon ng display na halaman sa harapan ko na nagsalita ako, "Why?"


"Iyong kliyente ko na tumawag, gusto na magpanggap ako na bata habang nag-uusap kami. Hindi ko ginawa."


Asti's a call center agent...and something else. She's talking about her 'other' job. Pero ngayon ko lang siya narinig na hindi tinapos ang isang trabaho. "Buti hindi ka napagalitan ng department head niyo."


Bumuntong-hininga siya at sumandal sa kinauupuan. "Napagalitan. But what should I do? Hindi ko kayang gawin ang gusto ng kliyente. I don't want to encourage pedophilia."


Dumako ang tingin ko kay Roussanne. "And you?"


"Wala namang bago. Rest day ko kagabi, but the night before, I got some cake surprise action. Same old, same old."


"Syrah?" I prompted.

"Nagkaroon lang ng kaunting gulo kagabi. May lasing kasing kliyente na umakyat sa stage at bigla akong hinawakan. I didn't even finished my set."


Sumandal ako sa kinauupuan ko at sinimulan kong kuting-tingin ang mga pintura sa kamay ko. Namayani ang katahimikan sa amin. Ganto naman lagi. May pagkakataon talaga na hindi na namin mapagtakpan ng mga kalokohan namin ang bigay na kinakaharao namin. But we need to hang on. Just for a little more time. "Bakit niyo pa ako pinatawag? Wala namang bago sa mga pinag-uusapan nating apat."


"May gagawing party si Lindsey dahil tapos na ang sampung taon niyang kontrata." sagot ni Roussanne na ang tinutukoy ay ang isang kasamahan namin sa department na kinabibilangan ko.


Nananatiling nakatingin ako sa mga kamay ko na para bang bale wala lang ang sinabi niya. "Oh. Enjoy then."


"We want you to come."


Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ko ang mga mata niya. Sa toni ng boses niya ay parang inaasahab na niya na tatanggi ako. Hindi ko siya masisisi. Hindi naman talaga ako mahilig makipag party. "Si Asti ang tanungin ninyo, hindi ako. Hindi naman ako ang takot sa tao."


"Hindi ako takot sa tao." singit ni Asti. "Pero hindi ako pwedeng pumunta. Busy ako."


Naiiling na napatawa ako. Hindi daw takot sa tao pero lagi namang umiiwas. "Hindi ka takot sa tao ng lagay na yan, ha?"


"Busy nga ako sabi."


Bumuka ang bibig ko para asarin pa siya pero naunahan na ako ni Syrah na matamang nakatitig sa akin. "Pumunta ka, Chi."


Pinaikot ko ang mga mata ko. Kokonsensyahin na naman ako ng isang 'yan kapag hindi ako sumama. Ilang beses ko na kasi siyang tinanggihan nitong mga nakaraan. "Oo na. Bakit ba?"


Imbis na sagutin ako ay dumapo ang tingin niya kay Asti. "I-cancel mo lahat ng lakad mo at pumunta ka."


"But-"


"No buts."


Nagkatinginan kami ni Asti. Mukhang may binabalak na naman ang dalawa. And I am hell sure that Asti and I wouldn't like it. "Kung ano man iyang binabalak ninyo, wag niyo ng ituloy."


Tinaasan ako ng kilay ni Syrah. "Bakit, ano ba'ng binabalak namin?"


"You've done this before, Syrah. It didn't work out and it won't work now."


"Wala akong alam sa sinasabi mo. Basta kailangan niyong pumunta ni Asti." nagmamaang-maangan na sabi niya.


"Hindi na lang pala ako pupunta." bawi ko.


"At bakit?"


Saglit na napatingin ako kay Asti na mukhang nag-iisip na rin ng paraan para tanggihan si Syrah at Roussanne. Naiintindihan ko siya, hindi naman ito ang unang beses. Syrah and Roussanne's are well known for their mischievous schemes.


Kadalasan talaga si Syrah ang may pakana ng lahat. Si Roussanne, nadadamay lang dahil masyado siyang mabait para tumanggi.


"Busy ako." sagot ko.


"Hindi ka busy." nakasingmangot na sabi ni Syrah.


"Sino ka? Mind reader?"


"Ako ang iyong konsensya." pagkasabi niyon ay kinumpas-kumpas pa niya ang kamay niya. Napangiwi na lang kaming tatlo ng malakas na gumalabog ang mug niya ng kape nang matabig niya iyon at mahulog sa sahig.


Agad lumapit sa amin ang isang waiter na may dalang pamunas. Tahimik na pinagmasdan ko ang lalaki habang kinakausap siya ni Syrah na humihingi ng dispensa. He's been watching us. Hindi naman siya magiging ganiyan kaalerto kung hindi siya kanina pa nakatingin sa amin.


Men. "Babayaran na lang namin." walang buhay ang boses na sabi ko sa lalaki.


"Naku 'wag na po Ma'am-"


"Babayaran namin."


Nagtama ang mga mata namin ng lalaki at kaagad naman siyang nag-iwas ng tingin. "Sige po Ma'am isasama ko na lang po sa bill ninyo."


"Thanks."


Nang makaalis na siya ay tumingin sa akin si Asti. "Dapat hinayaan mo na lang na hindi tayo pagbayarin. Libre na sana."


"Kuripot."


"Mahal na ang mga bilihin ngayon kaya kailangan maging praktikal talaga."


"Saan mo ba kasi dinadala ang mga kinikita mo?" tanong ko.


"Pambayad sa kuryente at tubig, pambili ng groceries at ng kung ano-ano pa na kailangan sa bahay. Hindi naman malaki ang kinikita ko hindi katulad sa inyo."


Binalot na naman kami ng katahimikan. There's really no way we can avoid talking about it, huh? Kahit anong pag-iiba namin ng paksa hindi talaga maiwas-iwasan. Kahit saan talaga sinusundan kami ng katotohanan.


"Okay, back to the topic. Kailangan niyong pumuntang dalawa sa party ni Lindsey. Kapag hindi kayo pumunta, itatakwil ko na kayong dalawa bilang kaibigan ko." sabi ni Syrah na nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Asti.


Asti rolled her eyes in resignation. "Fine."


Napangisi ang babae at pagkatapos ay nakataas ang kilay na tinignan ako. "Chianti?"


"Fine." I said. "And it's Ki-Yan-Ti."


"Whatevah!"

___________End of Chapter 1.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top