EPILOGUE


He's staring blankly in the window. Wala siyang shoot ngayon o kahit anong trabaho dahil pahinga niya naman ngayon. He wants to have a date with Yessha but she declined it due to her promise date with Vixxie.

Hindi niya sigurado kung lumalayo ito sa kaniya pero ilang araw niya na itong nakikitang parang may itinatago sa kaniya. Halos mabaliw na nga siya sa kakaisip kung ano iyon. He's not thinking if she's cheating because he trust her.

At isa pa alam niyang hindi ito magloloko sa kaniya.

Tumunog ang cellphone niya at agad naman niyang sinagot ang tawag dahil galing iyon kay Theo.

"Hello?"

"We have an important meeting. I know this is your day-off but this is so important."

Nangunot ang noo niya dahil sa pagtataka dahil medyo problemado ang boses ni Theo.

"What happened?"

"I accidentally scheduled you today to Classy Apparel, it's actually supposed to be next week but they called me to remind me for the shoot later at 8 in the evening."

Hindi siya kaagad nakapagsalita at napatingin sa orasan. 3pm na at sa tingin niya naman ay sakto ang oras para makapag-ayos ng mabilisan at makapag-ready.

"I'm sorry, Thunder. Naghalo-halo na 'yong schedule sa file ko, hindi ko alam na nailagay ko pala ngayong date ang shoot na 'yon. Hindi kami nagkaintindihan."

Napabuntong hininga na lang siya at tumayo sa pagkakaupo.

"It's fine, wala na tayong magagawa. We have time to have a meeting and I have enough time to prepare. I'll end the call now so I can go to the agency." Nagpaalam na siya rito dahil paulit-ulit itong nagso-sorry. Ayaw niyang magalit kay Theo dahil ngayon lang naman ito nagkamali. Nagtataka man siya sa pagkakamali nito pero hinayaan niya na lang.

Alam niya rin naman kasi na marami na talaga siyang schedule at siya naman ang pumapayag na tumanggap lang si Theo ng project and shoots for commercial.

Okay lang naman sa kaniya dahil hindi niya ma-date ngayon si Yessha. He's not in the mood though, but work is work so he needs to move.

He's still thinking on how he can open Yessha's heart to marriage.

Pagkatapos niya mag-shower ay nag-ayos siya kaagad, simple lang naman dahil may makeup artist naman siya na mag-aayos sa kaniya sa agency. Hindi na siya nagpasundo kay Theo at ginamit niya na ang kotse niya para pumunta sa agency nila.

Pagkarating niya roon ay aligaga ito habang inaayos ang susuotin niya.

"Sorry talaga, Thunder. Ako na rin ang naghanda ng susuotin mo, tinanong ko na lang si Yessha. Nasa malayo pala siya at kasama ang kaibigan kaya hindi ko na pinasunod pa."

"It's fine. We have enough time. Habang inaayusan nila ako, sabihin mo na ang kailangan kong gawin at ang agenda mamaya sa shoot." Umupo siya sa harapan ng salamin at sinenyasan na ang isang hairstylist at makeup artist na pwede ng magsimula.

Mabilis lang naman siya ayusan dahil hindi naman makapal ang makeup niya, halos wala ngang nilalagay sa mukha niya kun'di skincare and cream lang.

"We're going to a private cinema. Doon magaganap ang shoot—"

"Nakita ko 'yong propose nilang theme noong nakaraan, sa pagkakatanda ko sa private rooftop restaurant 'yon?" putol niya rito. Naalala niya kasi na nakita niya ang proposal theme ng Classy Apparel. Napalingon siya rito nang hindi magsalita. Natahimik ito pero agad ding nag-react nang kinunotan niya ng noo.

"A-ah! Nabago kasi... kaya ayon..."

"Are you sure? Are you okay? May problema ba? Ngayon ka lang nagkamali at nalito sa schedule ko," he asked. Hindi siya galit dito, nag-aalala siyang baka may problema ito sa bahay at sa pamilya nito kaya ito ganito ngayon. Kaya niya nga pinaalala ang nakita niyang theme proposal kasi baka nakalimutan o nalito na naman ito.

"Oo naman, okay lang ako. Sadiyang nagkamali lang talaga ako ngayon, pasensiya ka na," ani nito at napakamot pa sa ulo.

"It's okay. Kung may problema ka sabihin mo lang." Ngumiti siya sa hairstylist at makeup artist ng matapos na siya ayusan. Umalis na rin ang mga ito kaya silang dalawa na lang ni Theo sa loob ng private room niya.

"Huwag ka na rin palang tumanggap ng mga shoot at projects," ani niya ulit dito. Pumasok siya sa fitting room at sinuot ang black pants at white button up longsleeve.

"Bakit?" tanong nito. Lumabas siya agad sa fitting room at umupo sa sofa para suotin ang leather shoes.

"I'll retire."

"What?!" Hindi na siya nagulat sa magiging reaction nito.

"B-bakit? Anong problema?" natataranta nitong tanong sa kaniya.

"Itutuloy ko na ang plano kong mag tayo ng sariling modeling agency," simpleng saad niya rito. Matagal niya na itong plano dahil hindi naman habang buhay ay magiging model siya.

"You're a top 1 model in Asia, Thunder. Biglaan naman ang desisyon mo?"

"I want to marry Yessha and I want to have a family with her. And I know some of my fans will not like it and some of them will support me. I don't care about what people say, but I really want to retire as a model and be a CEO of my own agency. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka mawawalan ng trabaho. Ikaw ang magiging secretary ko," pagsisigurado niya rito pero napatigil na lang siya sa pag-aayos ng suot nang makita itong hindi naman ito nakikinig sa kaniya at parang kinakausap pa ang sarili.

"Paano niya nalamang ikakasa—"

"Hey!"

"Ikakasal!"

"What?"

"W-wala... n-nagulat lang ako... Magpapakasal na pala kayo ni Yessha?" pagtatanong pa nito at tiningnan siya na parang hinahantay talaga ang sagot niya.

Mas sumeryoso naman ang mukha niya dahil iyon pa nga ang pinoproblema niya, kailangan niyang mapapayag si Yessha.

"Soon... we'll get married, and I'm sure about it. I'm just waiting for her and I'll wait until she's ready." And if she decide to not get married, he'll just accept it and stick beside her.

But still he will try his best to open her heart to marriage.

"Okay. Ipaalam na lang natin 'to sa CEO bukas. Mag-isip isip ka muna sa desisyon mo dahil alam kong maraming iiyak na fans at manghihinayang sa gagawin mo."

Hindi na niya inimik si Theo at ginawa na lang ang ginagawa niya. Halos dalawang oras ang binyahe nila bago makarating sa private cinema. Nang makapag-park ay bumaba agad siya dahil bente minuto na lang ay 8pm na.

"Wait, wait! Huwag ka na magmadali, nasabihan ko na rin naman sila na nandito na tayo," ani nito na halata sa boses na natataranta na rin. Kanina niya pa talaga ito napapansin na hindi mapakali at nagtataka na talaga siya sa kinikilos nito.

"Can you please relax?" puna niya rito. Napailing siya nang tumango-tango ito at nag thumbs up pa. Hinintay niya ito dahil mukhang may ka-text pa. Nakatutok kasi ito sa cellphone ngayon.

"Mauna ka muna, may kukunin lang ako. Pinapasuyo ng props team, diyaan lang naman lalakarin ko lang," sambit nito at tinuro ang isang kanto. Hindi niya na ito pinansin at siya na mismo ang pumasok sa building. Wala namang ibang tao at may guard naman kaya safe siya na walang tatakbo sa kaniyang fans at kukuyugin siya.

"Sir, deretso na po kayo sa loob ng cinema. Sa kanan po kayo dumaan na pinto." Tumango siya sa guard at nagpasalamat. He's a little confuse because he can't see some people inside the building. Tanging guard lang ang nasa entrance and exit kaya lumingon lingon pa siya dahil sobrang tahimik.

Gaya ng sinabi ng guard ay sa kanang pinto siya dumaan, nakasara pa iyon kaya siya pa mismo ang nagbukas ng malaking pinto pero pagkabukas niya ay bumungad sa kaniya ang kadiliman.

Kunot noo siyang pumasok kahit nahirapan siyang kapain ang daan dahil sa sobrang dilim.

"Is this a prank? Or something?" he tried to joke. Naisip niya kasing baka may nagpa-prank sa kaniya at may mga camera. He already experienced it while he's shooting for a commercial, there's a specific reality show members that guest in behind the shoot vlog for his commercial.

Napahinto siya sa paglalakad nang bumukas ang dim lights sa gilid. Napalingon pa siya nang mapansin sa peripheral vision niya ang pagbukas ng maliliit na ilaw sa kada isang upuan doon. Naglakad siya papalapit sa isang upuan at natigilan nang makita ang picture na nakadikit doon.

"Yessha..."

Naglakad pa siya at tiningnan ang upuan na may ilaw at kita niyang lahat ang mga dating pictures nila ni Yessha. Napasuklay siya sa buhok niya at pilit na pinapasok sa utak niya ang mga nangyayari.

"Hello hon!" Agad siyang napalingon dahil sa boses na 'yon. Yessha was on the big screen. She's wearing a pretty white dress while smiling in fron of the camera.

"Alam kong gulat na gulat ka dahil sa ganda ko ngayon," she giggled. "Well, maganda naman ako lagi! Kidding aside, I know you're shocked right now. Siyempre magaling akong magtago ng sikreto eh! I just want to say I appreciate your efforts since day one. You accept me for who I am. Tinanggap mo ako ng buong-buo at minahal mo ako kung ano ako. H-hindi mo ako iniwan kahit nagkaroon ako ng mabigat na problema noon. P-pasensiya... p-pasensiya na dahil ako 'yong sumuko at bumitaw kahit gusto mong kumapit noon sa akin."

He pinched the bridge of his nose. His tears are now flowing because of his emotion. Hindi niya mapigilang maiyak dahil nakikita niyang umiiyak ang babaeng mahal na mahal niya.

"Alam kong kahit nag-sorry na ako hindi maaalis 'yong sakit na binigay ko sa'yo noon. Sobrang saya ko nang malaman kong mahal mo pa rin ako at kahit nagalit ka sa akin ay hindi mo pa rin ako binibitawan. Kaya ngayon, ako naman ang babawi sa'yo. Sorry ulit dahil sa mga nakaraang araw ay medyo iniiwasan kita. I'm just preparing this for you, I want to surprise you, hon. I just want to say... I'm breaking up with you."

Natigil ang luha niya dahil sa narinig at parang natulala na lang. Biglang namatay ang nasa malaking screen kaya napalingon siya.

"Hon... It's not a good joke!" mariin na ani niya sa malakas na boses. He wiped his tears and start to walk when he saw an led arrow in the walk path.

Nang pababa na siya papunta sa harapan ay biglang may bumukas na spotlight at nakita niya si Yessha na nakatayo roon habang hawak-hawak ang mic.

"I'm breaking up with you, Thunder," ani pa nito.

"You're leaving me again? Yessha if you don't want to get married then we will not! As long as I can stay by your side. Hindi ako magrereklamo—"

"I'm breaking up with you because I don't want to be your girlfriend anymore... I want to be your wife... Let's get married, hon."

Hindi siya kaagad nakasagot sa sinabi nito. Nakatulala lang siya sa dalaga at sinundan ng tingin ang ginawa nito. Naglabas ito ng dalawang singsing habang nakangiting nakatingin sa kaniya.

Hindi na siya nagsalita pa at mabilis ang ginawang paglakad para puntahan ito. Hinatak niya ito at niyakap ng mahigpit. Parang lalabas ang puso niya sa kaba kanina nang malaman na gusto nitong makipaghiwalay sa kaniya.

Hindi niya na siguro kakayanin na mawala pa ito ulit sa piling niya.

"Oh god... I thought you're literally breaking up with me, hon," he said in his husky voice. Para siyang hiningal dahil sa kabang naramdaman.

Marahan siya nitong tinulak at tiningnan sa mga mata.

"So ano na nga? Yes or Yes?" tanong nito at mas nilapit pa ang singsing na hawak nito. Napansin niya rin na suot suot na nito ang isang singsing.

"Wait? Is that what I bought?"

"Yes. Siyempre nakabili ka na kaya kinuha ko sa'yo kagabi. Mabuti na lang hindi mo napansin," hagikgik niya. Inagaw niya ang singsing dito at sinuot sa daliri niya

"Hindi mo na ako kailangan tanungin dahil papakasalan naman talaga kita. You know how much I love you."

"I love you too, Thunder... Mahal na mahal kita..." Sinuklay niya ang buhok nito at hinawakan ang batok para mahalikan ang dalaga.

They kissed passionately and full of love. Wala na atang mas ikakasaya sa araw na 'yon para sa kanilang dalawa. With all their hardships and what they have been through, they deserve to be happy.

Hindi nagsisisi si Yessha na pinili niya si Thunder at gano'n din ang binata.

This is true love, and they are both delighted to have found it.





***THE END***


A/N: MARAMING SALAMAT PO SA MGA NAGHINTAY MAGKAROON ITO NG UPDATE. SA WAKAS AY NATAPOS KO NA PO ANG STORY NI YESSHA AT THUNDER. HINDI PO AKO MAGSASAWANG MAGPASALAMAT SA INYO DARKERS, SA MGA SUPORTA NA BINIBIGAY NIYO SA AKIN. 


SEE YOU ON MY NEXT UPCOMING STORY! <333 XOXO.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top