CHAPTER 9



She woke up with a different feeling. Masama ang pakiramdam niya at para siyang binugbog. Gusto niya sanang tumagilid at gumalaw pero hindi niya iyon magawa dahil masakit ang hita niya lalo na ang gitnang parte niya.

Naramdaman niya ang brasong nakayakap sa bewang niya. Nilingon niya ang ulo niya at kita niyang tulog na tulog si Thunder sa tabi niya. Madilim pa rin dahil wala namang bintana ang kwarto. Hindi niya alam kung anong oras na ba.

"Thunder..." paggising niya rito, hindi siya makatayo kaya ito ang gigisingin niya. Gumalaw ito ng bahagya pero nakapikit pa rin ang mata.

"Thunder... gumising ka! wala ka bang work ngayon?" hinawakan niya ang kamay nito para alugin. Unti-unti namang minulat nito ang mata at medyo nag unat pa.

"Good morning" his husky voice filled the room. Gusto niya sanang sabihin na ang sexy nito tingnan dahil naaninag niya sa dim lights ang mukha nito pero kumirot nanaman ang gitna niya. Gusto niyang maiyak at suntukin itong katabi niya at sisihin kung bakit napakalaki ng pagkalalaki nito pero hindi niya iyon magagawa. Siya ang may gusto nito, hindi niya naman kasi alam na sobra-sobra ang sakit.

"I feel so hot," she said at niyakap ang kumot.

"You are still horny?!"

"Gago! hindi 'yon, masakit sobra pempem ko. Literal na mainit ako, nilalagnat ata ako," naiiyak na sambit niya rito. Bigla naman itong napaupo at tiningnan siya, sinuklay pa nito ang magulong buhok.

"Bakit mo kasi ako sinalubong! you still a virgin, you're so wild yet innocent." Napanguso na lang siya dahil pinagalitan pa siya nito. Oo na! siya na ang may kasalanan.

"Eh kasi ang bagal mo! kaya mas matagal ang sakit! pero oo na, ako na may kasalanan," sambit niya rito, hindi man lang niya magawang makaupo dahil masakit talaga.

"Buksan mo ang ilaw! tingnan mo pempem ko," utos niya rito. Hindi na ito nagsalita at tumayo na lang tiyaka kinapa ang ilaw banda roon sa pinto. Bumukas ang ilaw kaya napapikit siya at minulat din agad ang mata nang makapag adjust sa liwanag.

"What... the fuck..." Napalingon siya kay Thunder ng mag mura ito, nakatingin ito sa glass shelf niya na punong puno ng adult toys.

"Ngayon ka pa lang ba nakakita niyan?" tanong niya rito. Tiningnan siya nito na parang hindi makapaniwala.

"Hindi ko pa 'yan nagagamit, gamitin natin 'yan ha! turuan mo ako," sambit niya rito habang pinipilit pa rin makaupo pero hindi talaga kaya ng katawan niya.

"You have a lot of curiousity. How can you order that things?"

"Sa online lang, may gusto ka bang ipabili? halos lahat ng nakita ko roon binili ko kasi gusto ko i-try kung paano gamitin, pero bago ka magpabili sa akin, tulungan mo muna ako makatayo!" Nilapitan naman siya agad nito. Inalalayan siya nito para makaupo. Hirap na hirap siya at gusto ng umiyak.

"Ang sakit talaga, hayop na anaconda 'yan," bulong niya sa sarili. Tinaggal niya ang kumot na nakatakip sa kaniya. Bumukaka siya at pilit tinitingnan ang pagkababae niya.

"Tangina." Napatingin siya kay Thunder nang mag mura ito, umiwas ito ng tingin sa kaniya.

"Bakit ka umiiwas ng tingin? ikaw tumingin kung anong nangyari!" sigaw niya rito pero hindi ito kumilos at pasimpleng nag mumura lang ng pabulong, pero rinig niya iyon.

"Huwag ka na mahiya! nakain at nadilaan mo na nga, naipasok mo pa 'yang kaibigan mo tapos mahihiya ka?! ikaw mag paligo sa akin ha!" singhal niya rito, nag suklay ito ng buhok gamit ang daliri at bumuga ng hangin bago tumingin ulit sa kaniya.

"You'll give me a headache."

"Saang ulo ba?" she joked.

"Let's see a doctor," sambit nito sa kaniya at hindi pinansin ang biro niya. Sinundan niya ng tingin ito, sinuot nito ang short at ang tshirt naman nito ay pinasuot sa kaniya. Nanahimik na lang siya dahil mas sumama pa ang pakiramdam niya. Parang may malaking sugat doon sa pagkababae niya kaya ganon kasakit.

"Hindi ba tayo makikita ng guard pag umakyat tayo?" tanong nito bago umakyat sa hagdan.

"Hindi, bawal sila umalis sa pwesto nila. Kaya okay lang kahit nakahubad akong umakyat pabalik sa kwarto ko."

"Don't you dare do that! paano na lang kung may ibang makakita sa'yo." Sumama ang timpla ng mukha nito. Hindi na lang siya nag salita pa at siniksik na lang ang mukha niya sa leeg nito. Dumeretso sila sa loob ng bahay paakyat sa kwarto niya.

Hindi na siya umimik ng paliguan siya nito, pinanood niya lang ang seryosong mukha nito habang sinasabon ang katawan niya. Nakaupo kasi siya sa bathub. Binanlawan siya nito at pagkatapos, pinunasan nito ang katawan niya. Napangiti naman siya, never niya pang naranasan itong may magpapaligo sa kaniya. Hindi niya alam na masarap pala sa pakiramdam ang mayroong mag aalaga pag may sakit siya.

Sinuotan siya nito ng panty at malaking tshirt, pinaupo siya nito sa kama at doon tinuyo ang buhok niya. Pagkatapos pinahiga siya nito at ito naman ang naligo. Bigla siyang nakaramdam ng kung ano, siguro na touched talaga siya sa kilos nito. Magiging mabuting kaibigan niya talaga ito.

Inabot niya ang cellphone niya para mag order ng pagkain, 9 na pala ng umaga. Nag call siya ng doctor na babae, ito 'yong doctor na oby-gyne at dito siya nag pa-prescribed ng birth control pills.

"Hello Dra.?"

"Yes, Ms. Ramos?"

"Can you go to my house? masama kasi ang pakiramdam ko, nilalagnat ako tapos parang may sugat yung pempem ko," deretsong sambit niya. Bigla naman itong natawa dahil sa narinig, medyo close niya naman ito dahil kilala nito si Vixxie.

"Okay, send me your address, dear."

"Okay! thank you Dra." Nagpaalam siya rito at dali-dali na tinext ang address niya. Sakto naman ang paglabas ni Thunder sa banyo, naka shorts lang ito at naka-topless. Naglalakad ito habang pinupunasan ang buhok.

"Nag-order na ako ng food, ikaw nalang kumuha sa baba. Tapos pupunta dito si Dra. Emma, che-check niya ako, para kasi talagang may sugat," kwento niya rito at sumandal sa headboard ng kama. Tumango naman ito sa kaniya, umupo ito sa dulo ng kama habang nagpupunas pa rin ng buhok.

"Pwede ka ng umalis pagkatapos mo kumain, ko-kontakin na lang ulit kita." Napatigil ito sa pag pupunas at tiningnan siya.

"I can stay today. I can take care of you, wala akong work ngayon pati na rin bukas," nasiyahan naman siya sa narinig at napatango na rin.

"Okay! gawin na rin natin ang rules natin sa isa't isa." Tumango lang ito sa kaniya at pinagpatuloy ang pagpupunas. Nagbihis din ito ng tshirt nang dumating na ang pagkain nila. Ito ang bumaba para kunin ang pagkain, umakyat din naman ito agad dala-dala ang mga inorder niya.

"Madami 'to ha," he said while looking at the two paper bag.

"'Yong iba pang lunch natin, iinit na lang sa microwave. Dapat kasi ngayon ako mag g-grocery pero, 'di ko alam na magkakaganito ako," nakangusong sambit niya.

"Then I'll do it." Nanlaki ang mata niya nang magpresinta ito.

"Ikaw? 'wag na! hindi naman kita katulong. Sex partners tayo okay? hindi kita alila," tumawa siya habang binubuksan ang container. Inabot niya ang spoon at nag simulang kumain.

"I insist. Ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganiyan."

"Sigurado ka ba? okay lang sayo bumili ng feminine wash and sanitary napkin?" pinaningkitan niya ito ng mata at binasa ang mukha pero parang wala lang itong tumango.

"I can buy that, before when Ivy started her menstruation, ako ang tumatakbo para bumili no'n." Napatingin naman siya rito.

"Sobrang close kayo ni Ivy 'no? naging crush mo ba siya? may feelings ka ba sa kaniya?" tanong niya rito at sumubo ulit ng caesar salad.

"Yes, I had a huge crush on her when I was 7 years old. When I was a kid, I am not friendly because I'm an introvert. Most of the time I want to be alone and play alone. Then there's a team of bully, they want me to join in their team to bully someone. Of course, hindi ako palaaway so tinanggihan ko sila. Pero ako naman yung binully nila. The long story short, si Ivy ang umaway doon sa mga batang lalaki." Nahinto siya sa pagkain.

"Hanggang ngayon crush mo pa rin siya or mas mataas pa ro'n ang nararamdaman mo?"

"No. Hanggang crush lang ang naramdaman ko, tiyaka bata pa ako no'n. Ivy is like a very close friend, sister at the same time like a mom to me. She nagged me a lot." Natawa siya dahil sa sinabi nito, ganoon kasi si Ivy sa kanila. Lalo na pag may ginawa silang hindi maganda. Hindi niya alam pero nakahinga siya ng maluwag nang malaman na wala naman pala itong malalim na nararamdaman para sa kaibigan.

Kaya pala ang closeness ng dalawa ay solid talaga.

After they ate, nag ligpit na si Thunder sa baba dahil dumating na rin si Dra. Emma para i-check siya.

"If you are a virgin, don't do a rough sex, okay? nagkaroon ng vaginal tear, in short laceration. Tiis-tiis muna, 2 weeks no sex!" Napanguso naman siya, marami pa naman siyang gusto i-try. Gusto niya na rin i try ang mga adult toys na never niya pang nagamit.

"Okay... Dra."

"Is he your boyfriend?" Natigilan siya sa tanong nito, nagligpit ito ng gamit.

"Uh... y-yeah?" Tumawa naman ito ng mahina at tumango tango, parang hindi siya pinaniwalaan pero hindi na siya nag salita. Hindi rin naman niya kasi alam kung paano ipapaliwanag ang deal nilang dalawa.

"Dahan-dahan lang sa paggalaw, kaya ka nagkalagnat kasi hindi mo kinaya. Malaki siguro?" bigla siyang tumango rito.

"Oh my gosh! ang bilis mo sumagot!" tawang-tawa na sambit nito sa kaniya. Nagpaalam din ito dahil may schedule pa ito at may ipapaanak din mamayang gabi. Uminom lang siya ng gamot para sa lagnat at okay na ang pakiramdam niya.

Wala naman silang ginawa ni Thunder kun'di nanood lang ng tv sa kwarto niya, sinamahan lang siya nito.

"2 weeks daw walang sex," kwento niya rito.

"Okay."

"Hindi ka ba nabitin?"

"No, I'm not."

"Hindi ba ako magaling?"

"Hindi ko pa masasabi, remember? ako lahat ang gumalaw."

"Eh 'di ako gagalaw sa susunod, pag magaling na ako!" Hindi ito sumagot at nakapokus lang ang tingin sa pinapanood nila. Nanood lang sila hanggang makatapos ang dalawang movie, doon na din sila nag lunch sa kama niya.

Ito ang nag asikaso sa kaniya at naglinis ng kung ano-ano.

"So, ang rules ko lang ay, 'wag kang makikipag talik sa iba. Ayoko ng sakit!" sambit niya rito, nasa dulo ito ng kama nakaupo at nakaharap sa gawi niya.

"Do you think I'm a fuckboy?" Natigilan naman siya at napaisip. Mukha itong matino pero noong naranasan niya na magaling ito sa kama, bigla siyang napaisip.

"Hindi naman kaso, may experience ka na 'di ba? magaling ka nga e." Ngumisi ito sa kaniya.

"Yeah, I have experience." Bigla tuloy siyang na curious kung ilang babae na ang naikama nito.

"Ilan na ang nagalaw mo?"

"Just one. I was drunk that time, but we used protection. Don't worry I'm safe."

"Wow, bakit ang bilis mo matuto? turuan mo ako ha!"

"My rules are number 1. Don't flirt with others, number 2. Don't get drunk without me, number 3—" pinutol niya ito dahil na-realize niya na sobrang dami ata ang rules nito.

"Parang madami 'yan ha!" reklamo niya rito. "Tiyaka 'yong don't get drunk without you? paano 'yon, lagi ka namang busy. Paano pag gusto kong uminom?"

"Then drink here, dito mo imbitahin ang mga kaibigan mo— without men, okay? nakakatakot ka malasing. Tiyaka hindi mo alam takbo ng utak ng mga ibang lalaki, you're a temptation Yessha." Napangisi naman siya ng maintindihan ang sinasabi nito.

"So na te-temp ka sa akin? naaakit ka?" natigilan ito at umiwas ng tingin, natawa naman siya ng malakas.

"Number 3. No strings attached." Natigilan siya sa pagtawa at pagkuwan ay tumango.

"Ay oo nga pala! kasama din sa rules ko 'yan! we can be friends, pero hanggang doon lang," she smiled widely. Sinalubong niya ang titig nito.

"Good." Tumayo ito at hinarap siya ulit "I'll go to supermarket, stay here and behave. Nilista ko na ang mga kailangan mo rito sa bahay mo."

"Marunong ka ba mag groceries?"

"Of course, I live alone in New York. I can cook and do stuffs."

"Okay. Kunin mo ang credit card ko sa wallet ko, ayon 'yong nakapatong sa vanity desk," tinuro niya ang wallet niya. Mukhang walang balak ito kunin kaya nag salita ulit siya.

"Kunin mo! akin 'yong mga bibilhin mo eh, sasapakin kita pag hindi mo kinuha!" singhal niya rito, napabuntong hininga na lang ito at kinuha ang credit card niya. Nagpaalam siya rito at nanood lang ulit siya hanggang sa maka idlip.

Nagising na lang siya nang bumalik ang binata na may dala-dalang meryenda. Napangiti naman siya dahil pakiramdam niya prinsesa siya tapos si Thunder ang nag sisilbi sa kaniya. Buong araw siyang nag pahinga at hindi masyadong kumilos. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top