CHAPTER 36
Kinuha niya ang maleta niya at inilagay iyon sa cart na kinuha niya, tinulungan din siya ng mga bodyguards na naroroon para bantayan sila ni Thunder. Her jaw dropped when they both goes out to the airport. Halos mahilo siya sa dami ng tao sa labas. Naging masikip din ang daan at halos matulak na siya ng mga fans ni Thunder.
Nauna ang binata, kahit gusto niyang tawagin ito para sabihing hintayin siya ay hindi niya iyon magagawa. Isa na siyang malaking kahihiyan kung gagawin niya pa 'yon, wala na talaga siyang mukhang ihaharap dito dahil sa mga nagawa niya sa binata.
"Ah!" daing niya nang maitulak siya ng isang fans na lumusot sa bodyguard para lang makatakbo at makalapit kay Thunder. Hindi siya nahawakan ng isang bodyguard dahil biglaan ang pangyayari kaya ang ending ay lumagapak lang naman siya sa sahig at naitukod niya ang palapulsuhan niya.
Kinagat niya ang ibabang labi dahil ramdam niya ang gumuhit na sakit sa bandang iyon.
Shit... I can't sprain my wrist... not now.
Tinulungan siya ng dalawang bodyguard na tumayo at kunin ang isang bag niya na nalaglag din sa kaniya. She inhale and exhale to calm herself. Masiyadong masakit ang kamay niya at sigurado siyang hindi simpleng sakit iyon. Ngumiti siya sa dalawang bodyguards na parang walang nangyari at nagpasalamat. Tumingin siya sa harapan niya at natabunan na ang bulto ni Thunder ng mga fans nito.
Nagpasalamat siya dahil ang isang bodyguard na ang nagtulak sa cart na dala niya. Mabilis siyang nakaalis sa dami ng tao nang makapasok na si Thunder sa sasakyan. Sumunod din siya kaagad at sumakay sa loob.
Thunder was smiling to his fans while waving his hand. Model na model talaga ito at do'n niya lang na-realize na sobrang taas na nito kumpara sa kaniya.
Tahimik lang siya sa loob ng sasakyan habang papunta sila sa hotel kung saan sila mag-stay ng isang linggo. Nang makarating sa hotel ay sinalubong sila ng staff, especially si Thunder. Dumeretso silang dalawa sa VVIP presidential suite dahil doon sila mamamalagi. May dalawang room doon kaya wala namang problema sa kaniya iyon at isa pa, malaki ang suite na parang isang malaking bahay na.
"This is the welcome snacks and wine for you sir Thunder," ani ng staff na inasikaso sila sa loob ng suite room. Nagpasalamat si Thunder pati na rin siya at nang maipasok na ang lahat ng dala nilang gamit ay umalis na rin ang mga staffs sa loob ng suite nila.
Gamit ang isang kamay na hindi masakit ay hinatak niya ang maleta niya pero napatigil din dahil nakalimutan niyang tanungin si Thunder kung saan kwarto ito matutulog dahil pareho lang naman ang size ng kwarto at kama ang pinagkaiba lang ay 'yong isa may view at 'yong isa naman wala.
"Saang kwarto gusto mo? Doon ka na lang ba sa may view?" tanong niya rito. Hindi naman siya nito pinansin at pumasok na lang sa isang kwarto na may view habang bitbit ang dalawang malaking maleta nito. Napabuga siya ng hangin at hindi na lang pinansin ito.
Dapat masanay na siya...
Dumeretso siya sa kabilang kwarto at doon nag-ayos ng mga gamit, nahirapan pa siya dahil pakiramdam niya namamaga na ang kamay niya. Sa totoo lang ay masakit talaga at sa tingin niya kailangan niya pumunta sa hospital para ipatingnan agad iyon pero marami pa siyang gagawin.
Lumabas agad siya at pumunta sa sala at binuksan ang malaking maleta na puno ng outfits ni Thunder. She bit her lips when she forgot that she used his right hand.
"Shit," she cursed. Naibagsak niya ang maleta na dapat ipapahiga niya. Napigil niya ang hininga niya at napadiin ng pikit ang mata niya.
Napaupo siya sahig habang ginagawa ang breathing exercise. Bigla siyang nahilo dahil sa sakit ng kamay niya, pakiramdam niya mas lumalala iyon.
"What happened?" Hindi niya pinansin si Thunder nang nilapitan siya nito, mukhang narinig ang bagsak ng maleta kaya ito lumabas agad.
"W-wala... natumba— fuck, Thunder!" kunot noo niya itong tiningnan nang lumuhod ito at hawakan ang kamay niya na masakit.
"You need to go to the hospital," seryosong ani nito. Binawi niya agad iyon at umiling dito.
"Okay lang ako, cold compress lang ang katapat nito," mahinang sambit niya.
"Do you want me to lift you and go to the hospital right now?" ramdam niya ang bahid ng inis sa boses nito kahit blanko ang mukha nito.
Napabuntong hininga siya at tumayo kaya tumayo na rin ang binata. Hindi niya nga alam kung papaano pupunta sa hospital.
"We have a private here. He's always on standby, just call the receptionist and ask for it." Akala niya ay tutulungan siya nito pero tinalikuran na siya nito at bumalik muli sa kwarto.
There's a pang on her chest. Of course, it's hurt that he is trying now to avoid her.
Sinunod niya ang sinabi ni Thunder at tinawagan ang receptionist. Mabilis naman siyang naasikaso ng isang staff at ginaya sa labas ng hotel kung saan naka-ready na ang driver. Mabuti na lang ay nakakapagsalita ng English ang driver kaya hindi na siya nahirapan magsabi at tutulungan pa raw siya nito para i-translate sa doctor ang mga sasabihin niya.
After she goes to the hospital her right hand has bandage. Her ligaments are slightly torn and the doctor said typically takes 2-4 weeks to heal. Halos maiumpog niya ang ulo sa bintana ng kotse dahil hindi p-pwede iyon, marami pa siyang kailangan gawin.
Ayaw niyang magpatulong kay Thunder dahil alam naman niyang umiiwas na ito sa kaniya.
Nang makauwi siya ay nakita niyang may mga pagkain sa table na nakatakip. Hindi siya sigurado kung kumain na si Thunder pero wala na siyang balak katukin pa ito sa kwarto. She silently eat her dinner and after that she went to his bedroom to changer her clothes and do his evening routine.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising para mag-asikaso, meron kasing practice sila Thunder para sa runway fashion show. Ito ang star ng show kaya importante itong nandoon sa practice kahit na alam niyang gamay naman na nito ang mga gano'ng show.
Akala niya ay siya ang naunang nagising pero si Thunder pala. Saktong paglabas niya kasi ng kwarto ay siyang pasok naman nito sa suite at halatang galing ito sa gym ng hotel. Nilagpasan lang siya nito at hindi man lang tinapunan ng tingin.
She bit her lower lips.
Why it hurts so much? Nakaya ko naman na 'wag siyang isipin kahit papaano ng apat na taon pero bakit parang mas dumodoble ang sakit? Dahil ba nakikita ko na na kaya niya na talaga akong baliwalain?
It should be... Tama lang naman ang ginagawa nito.
Tumawag siya sa receptionist para sabihin ang order nilang breakfast. Alam niya na rin naman ang mga kinakain ni Thunder kaya hindi niya na ito tinanong.
Kahit hindi sila nagpapansinan ay sinabayan niya ito ng kain sa table. Actually, wala siyang gana pero kailangan niya pa rin kumain dahil ayaw niya magkasakit.
Nang tumungtong ang alas-diyes ng umaga ay umalis na sila ni Thunder sa suite room. May dalawang kotse ang nakabantay sa sasakyan nilang dalawa ni Thunder hanggang sa makarating sa event place.
The practice went smoothly because of the professional models. She's just silently watching and sometimes assisting Thunder if he needs water or something. Nasa isang sulok lang siya habang tinitingnan ang binata na makipag-usap sa mga kapwa model nito.
"Oh my goodness! I'm sorry, I'm really late." Agad siyang napalingon sa pamilyar na boses na 'yon.
Eleina... Eleina Johnson is here?
Matagal na siyang walang balita sa babaeng ito dahil wala naman siyang pakialam dito. She just knew months after she broke up with Thunder, Eleina is always top of the news. Patuloy kasi ang pagshi-ship ng mga fans nito kay Thunder.
Thunder is already famous that time and Eleina was always Thunder's side, at siyempre pag tumabi ka sa sikat magiging sikat ka na rin. Still, she doesn't like Eleina.
Napahawak siya sa water bottle nang makipagbeso ito kay Thunder at kumapit pa sa braso. Iniwas niya ang tingin dito at napunta ang tingin niya sa lalaking koreano na papalapit na pala sa kaniya. Napaayos siya ng tayo at ngumiti rito dahil nakatingin naman ito sa kaniya.
"Hi! You're Yessha Ramos, right?" ani ng lalaki sa kaniya. Kung hindi siya nagkakamali ito ang fashion designer din ito.
"Hi! Yes, I'm Yessha." Nakipagkamay siya rito at ngumiti. Guwapo ito at matangkad, mukhang model din dahil sa suot pa lang makikitaan mo talaga na fashionista.
"Nice to finally meet you, Yessha. I'm Haru Park, you can call me Haru. I'm the grandson of Changjoo Park, the fashion designer and the owner of Park Lux." Umawang ang labi niya ng kaunti dahil hindi niya alam na ito ang apo ng sikat na fashion designer na si Changjoo Park. Sobrang sikat din ang brand nito dahil halos lahat ng celebrity ay may mga damit galing sa brand na Park Lux.
Maski siya ay mayroon dahil maganda talaga ang mga outfits galing dito.
"I actually know you!" he chuckled.
"Me?"
"Yeah, yeah. You're working in Hearts Fashion Designers Inc., the CEO is Mrs. Hartly, right?" tanong ulit nito habang nakangiti pa rin sa kaniya. Siya naman ay dahan-dahan na napatango dahil sa gulat.
"Yes. You know Mrs. Hartly?" her jaw dropped when he nod.
"Mrs. Hartly and my grandfather had previously collaborated on projects. We always inquired at Mrs. Hartly's company or hired one if we needed to hire a fashion designer. She has many talented staff, including you." Nag-init naman ang pisngi niya dahil sa pag-compliment nito. Hindi pa rin siya sanay na kino-compliment siya ng nasa industry niya at alam niyang mas mataas pa sa kaniya.
She is a brat and brimming with confidence, but she is unable to show this confidence when discussing career in their field.
Matataas talaga ang respeto niya sa lahat dahil naranasan niya ang hirap at puyat paano lang makagawa ng damit na sisikat at papatok sa masa.
"2 days before the fashion show, after that can we talk about business? I can't discuss it to you now because I want it to organize. I'm just busy with a lot of things but after the show I'm all good. In short, I want to work with you because I saw all your works before and it's freaking brilliant, all of it! And also I know you're the CEO of YMR Clothing line in U.S."
Halos hindi siya makapagsalita dahil marami na pala itong alam tungkol sa kaniya pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit siya na-o-overwhelm, sobrang saya niya malaman na gusto siya nito makatrabaho. She'll accept it, of course. Kahit hindi niya pa alam sigurado siyang tatanggapin niya ang offer nito dahil sino ba ang tatanggi sa apo ng CEO ng Park Lux at sikat na fashion designer sa buong mundo.
"Are you serious? Omg! Of course, I'm happy to work with you, Mr. Haru. This is my calling card, you can contact me on my email or my personal phone number," ani niya at nilabas ang calling card na nasa wallet niya. Kahit gusto niya man magmadali hindi niya magawa dahil masakit ang isa niyang kamay at hindi niya magalaw ng maayos.
Biglang nabago ang mood niya, para siyang nakalutang sa ere dahil sa sobrang saya. Nagpaalam na ito sa kaniya dahil marami pa itong gagawin.
"I called you thrice. Kailangan pa ba ako ang lumapit sa'yo?" Halos mapatalon siya sa gulat nang nasa harapan niya na pala si Thunder na nakasimangot na sa kaniya. Kinuha nito ang water bottle sa kaniya at uminom ito roon. Unti-unting nanlaki ang mata niya dahil iba ang bote na nakuha nito.
"Aking bote... 'yan," halos pabulong na sambit niya at tiningnan na lang ito na naubos na ang tubig.
"You can go home first. I already told to my bodyguards that you will go home first so the driver can drive you back to the hotel." Kinuha niya ang bote na hawak nito at inabutan ng tissue.
"Huh? Bakit?"
"Eleina invited me to a party of —"
"Ah, okay..." Hindi niya na pinatapos ang sasabihin nito nang marinig niya ang pangalan ng kinaiinisan niyang babae matagal na. "Enjoy," she added.
"I don't know what time I'll get home, so don't wait for me," sambit pa ulit nito. Tango lang ang tugon niya at ngumiti ng tipid dito na parang okay lang ang lahat.
Muli na namang nawala ang saya na nararamdaman niya, napalitan na naman ng pait. Sinundan niya ito ng tingin nang kinuha nito ang gamit nito at tumungo na sa pwesto ni Eleina kasama ang mga iba pa nitong co-models.
Pinagdikit niya ang labi at iniwas muli ang tingin sa mga ito nang makita niyang dikit na dikit na naman si Eleina sa binata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top