CHAPTER 35
Pinatunog niya ang leeg niya at ang mga daliri niya dahil kakatapos lang niya mamili ng mga susuotin ni Thunder sa fashion week next week. Limang choices ang ginawa niya, incase of emergency.
"I'll order some food, what do you want?" tanong nito. Nakaupo ito sa mamahaling sofa nito sa loob ng malaking walk-in closet. Yes, nandito siya sa malaking bahay ni Thunder.
"Salamat naman nagtanong ka, dahil kanina pa ako gutom," pagpaparinig niya rito. Kumain naman sila nila Theo ng dinner pero talagang gutom lang siya ulit.
"Then why didn't you tell me?" She rolled her eyes, mukhang ito pa ang galit.
"Kakahiya sa'yo eh," sarkastikong sambit niya. "Baka sabihin mo na naman hindi ko ginagawa ang trabaho ko ng maayos," dagdag niya pa.
"Tss. Just tell me what food you want."
"One tub of magnum ice cream, dream cake, tiramisu, cheese balls, tempura, French fries with chili barbeque flavor and Korean fried chicken!" Marami talaga siyang sinabi dahil nag-crave siya kanina sa napanood niya sa tiktok habang nasa byahe sila. Gusto niya ng matamis at maalat, hinahanap ng dila niya ang mga pagkain na 'yon.
"Are you kidding me?" kunot noong tanong nito sa kaniya.
"Baliw ka ba? You ask me what food I want! 'Yan lahat ang gusto ko. Cravings ko 'yan na kailangan ko makain dahil baka mapaano ang anak ko."
"What the fuck, Yessha?" Tinago niya ang ngisi kahit na tawang-tawa na siya dahil sa itsura nito. Nagbibiro lang naman siya dahil kanina pa tahimik ang buong paligid. Masasayang ang laway niya sa araw na 'to.
"Orderin mo na lang!" Tinalikuran niya ito at doon nilabas ang ngiti sa labi. Tinabi niya ang ipad na dala at inayos na ang mga damit na hiniwalay niya na sa ibang damitan para prepared na.
"You are playing with me, don't you? Is it fun?" Nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa malamig na tono ng boses nito. Hinarap niya ito at blanko na naman ang mukha nito.
"You're acting like we didn't talk that night." Alam niya ang tinutukoy nito, noong gabing nasa resort sila.
"I'm here as your fashion designer, I'm here for my work, Thunder. Should I show that I'm bothered with your existence?" Napasuklay ito ng buhok at inalis ang tingin sa kaniya.
"Then talk to me as your ex-boyfriend because I'm pretty sure that we should talk. You even didn't answer my question last time." Tumayo ito at lumapit sa kaniya, hindi naman siya nagpatinag at tinitigan pa rin ito sa mata.
"Wala na nga tayong dapat pag-usapan, matagal na 'yon Thunder."
"Yes, matagal na... I waited for 4 fucking years just to have talk with you! Then you act like there's nothing happened again."
"Ano bang gusto mong sabihin ko? Alam mo naman na ang totoo kaya kita hiniwalayan —"
"Do you still love me?" tanong nito habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Natigilan siya at parang may kung ano na nagwawala sa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya ay tagos ang tingin ni Thunder sa kaloob-looban niya. Napalunok siya at naibaba ang ulo pero agad na hinawakan iyon ng binata dahilan para mapatingin siya muli rito. Nanginginig ang tuhod niya dahil sa halo-halong emosyon.
Kaya ayaw niya makausap ito ng ganito kaseryoso dahil alam niyang bibigay siya. Natatakot siyang baka bigla na lang sumabog lahat ng nararamdaman niya.
"You still, right?" Hinawi niya ang kamay nito at inalis ang tingin sa binata. Hindi siya makaalis dahil nakakulong na siya rito dahil nakasandal siya sa glass storage na naroroon sa gitna ng walk in closet.
"Thunder... bakit ba... bakit ba kailangan mo pang alamin 'yan? 'wag mo sabihing —"
"Do you think I already moved on? No, Yessha, no. When you say that you don't like me anymore because you found someone who can fulfill your needs, you damn broke my heart. Yes, nagalit ako sa'yo at sinubukan kong kalimutan ka pero dahil bumalik ka na naman, doon ko na-realize na nandito ka pa rin pala. I'm trying to be rude at you but still I'm the one who always worried about if you eat and goes home safely." Parang may kumurot sa puso niya dahil sa pagkislap ng mata ng binata.
Deserve niya ba ang ganitong lalaki sa buhay niya?
Deserve niya ba na sumaya pagkatapos niyang saktan ang binata?
Sa tingin niya ay hindi at mas lalong hindi siya deserving para bumalik sa buhay nito.
"I'm sorry... I just did that for you to leave me too. Marami akong problema noon at ayaw kitang madamay. Sobrang bigat ng pasan ko noon Thunder at kung madadamay ka pa sa gulo ng buhay ko ay baka hindi ko na kayanin at tuluyan na akong bumagsak. Your mom was right, tama lang na iwan kita." Kinagat niya ang ibabang labi dahil muntikan ng pumiyok ang boses niya.
"Sana sinabi mo sa akin na hindi mo na kaya. I was always there for you! I'm willing to give up everything just to be with you—"
"Kung gagawin mo 'yon mas lalo mo lang dinagdagan ang pasan ko noon, Thunder. Hindi pa rin ako magiging masaya dahil alam kong binitawan mo ang pangarap mo. Do you know how happy I am when I found out that you became top 1 model in Asia? I am the happiest, Thunder. Pinakita ko man na wala akong pakialam sa'yo pero sa loob loob ko ay sobrang saya ko para sa'yo. Simula nang mawala ako sa piling mo naging mas successful ka pa at mas gumanda ang buhay mo." Pinahid niya ang luhang tumakas sa mata niya.
Napabuntong hininga siya nang hindi ito sumagot.
"Siguro nga kailangan natin ng closure. I loved you, Thunder, totoo iyon," and I still do but you don't deserve me. Okay na akong mas masaktan pa 'wag lang ikaw.
"You loved me? But not anymore because it's past tense," he stated.
"Past is past, Thunder. Okay na ako, at dapat maging okay ka na rin. I appreciate your love for me back then. Alam kong hindi na magiging mahirap sa'yo na mawala ang kaunting nararamdaman mo sa akin. There's a lot of woman out there, lalo na sa paligid mo, malay mo isa sa kanila ang para sa'yo," she smiled. A fake smile that looks like she is not hurting at all.
"Kaunti? How can you be sure that my feelings for you since day one is just a little until now?" he scoffed. Hindi siya umimik at iniwasan lang ito ng tingin. Ramdam niya ang mabibigat nitong paghinga na marahil ay dahil sa galit nito sa kaniiya.
Lumayo ito sa kaniya at tumalikod kaya agad siyang napahawak sa glass storage para kumapit dahil parang babagsak siya sa sahig.
"Congratulations to you, you moved on. I guess your feelings for me was not that deep because in the first place it's just a contract."
Lumunok siya at hindi na nakapagsalita pa. Parang may sumaksak sa kaniya ng paulit-ulit dahil mas nasasaktan siyang malaman na hindi pa ito naka-move on sa kaniya.
"You can sleep in the guest room. I'll sleep outside tonight." Sinundan niya ang tingin ang likuran nito hanggang sa tuluyang makalabas na ito sa walk-in closet. Doon na siya napaupo sa sahig at humikbi ng mahina.
That night, she slept at Thunder's house. She stayed there because it's too late to go home and she didn't bring her car. Taman nga ito at hindi ito umuwi ng gabing iyon. Mabigat ang pakiramdam niya nang umuwi siya kinabukasan sa bahay niya.
Inaalala niya kung paano siya ulit magkukunwari na okay lang ang lahat. Next week is the fashion week at south korea, sa sabado na ang flight nilang dalawa ni Thunder. Yes, dalawa lang sila ni Thunder dahil hindi makakasama si Theo dahil may importanteng lakad ito kasama ang pamilya, matagal na nitong napaalam kaya wala na silang magagawa roon.
She'll become fashion designer at the same time manager of Thunder in a week.
She let out a heavy sighed. Hindi mahirap ang trabaho niya pero dahil sa sitwasyon nilang dalawa ay nagiging mahirap ang lahat. She's trying to be professional on her work and duty but she can't help to put out their situation.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top