CHAPTER 34
It's been a week since her cousin's birthday. Ngayon ay kasalukuyan siyang naghahanda ng mga gamit ni Thunder. 'Yong mga importanteng gamit lang nito dahil may mga outfits naman na ito na susuotin sa photoshoot nito ngayong araw.
"Okay na 'tong maleta?" tanong ni Theo sa kaniya nang maisara niya ang maleta. Tumango siya rito at luminga pa sa kwarto para tingnan kung may nakalimutan pa siya. Halos puro accessories lang naman ang dinala niya, incase na makulangan siya sa ayos ng binata mamaya.
Lumabas na sila ng agency at dumeretso sa parking lot. Nakaandar na ang makina ng executive van kaya sigurado siyang naroon na si Thunder at nakaupo.
Sumakay siya sa harapan dahil iniiwasan niya ang binata at alam niyang tuluyan na itong galit sa kaniya. She didn't give him an answer that night. She just shut her mouth and left him there alone.
Ramdam niya ang sulyap ni Theo sa kaniya, marahil na nagtataka ito kung bakit dito siya umupo sa harapan. Lagi kasi siyang nasa likod ng upuan ni Thunder. Doon kasi nakakatulog siya pag mahaba-haba ang byahe nila.
Mabuti na lang ay hindi na ito nagtanong pa sa kaniya. Nakarating sila sa studio ng maaga-aga, sakto lang para hindi madaliang ayusan ang binata. Sa tingin niya rin naman ay hindi ito komplikado ayusan dahil ano pa ba ang iaayos sa mukha at itsura nito, para na nga itong galing sa ibang planeta dahil sa kagwapuhan at kasarapan— magluto!
Nailing siya sa sarili dahil talagang iniisip niya pa kung gaano ito kagwapo.
"Hi, Thunder!" Napalingon siya at nakita niya ang babaeng foreigner na halos lumuwa na ang dibdib dahil sa masikip at maliit na tube na suot nito.
She has a bigger boobs than mine!
Inalis niya ang tingin dito at naibalik kay Thunder. Napairap siya nang makitang ngumiti ang binata at nakipagbeso pa sa babae. Pinilit niyang magiing blanko lang ang itsura niya kahit nakakaramdam siya ng inis na hindi naman dapat.
"Hi, it's nice to see you again, Phoebe."
"You are too. I missed you so much! It's been a year! How are you... still don't have a girlfriend?" Phoebe chuckled.
Umupo ang dalawa sa harapan ng salamin dahil aayusan na si Thunder. Siya naman ay umupo sa sofa na nasa gilid lang banta at kunwaring nagce-cellphone kahit nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Yes," he answered.
"Oh, so it's still the woman who left—" Napakunot ang noo niya dahil biglang naputol ang sasabihin ng babae kaya pasimple niyang inangat ang ulo niya at nakita niyang nagbubulungan na ang dalawa. Agad siyang napatayo at nasagi niya ang glass table sa harapan ng sofa kaya nakagawa iyon ng malaking ingay.
"Uy, okay ka lang?" tanong sa kaniya ni Theo nang saktong pumasok muli ito sa makeup room.
"Oo, 'di naman masakit," simpleng saad niya. Tinanguan naman siya ni Theo at inirapan niya naman si Thunder nang makitang tumingin ito sa kaniya.
Her attitude mode is on.
"Gusto mo ng coffee? May coffee shop sa tapat, bibili ako," pag-aalok nito sa kaniya.
"Oh! Ako na lang ang bibili—"
"Yessha?" Naibaling niya ang tingin sa pumasok na lalaki at halos lumuwa ang mata niya nang makita kung sino iyon.
"Jacob!" she shriek. Napatalon siya para yakapin ito nang binuka nito ang dalawang kamay para salubungin din siya ng yakap.
"What the hell is going on? why are you here?" ani nito na hindi rin makapaniwala.
"No, no, no! Why are you here?" she asked and laughed.
"I'm the photographer, baby," he shrugged and give her a dollar smile. Magsasalita pa sana siya nang may tumikhim kaya napatigil siya.
"Okay ka lang Thunder? Kailangan mo ng tubig o gusto mo ng kape? Bibili kasi ako," rinig niyang sabi ni Theo.
Nakalimutan niyang hindi lang pala sila ni Jacob ang tao roon. Masiyado kasi siyang na-excite at natuwa nang makita ang kaibigan.
Jacob is the photographer she became her friend back then. Noong pumunta siya sa paris para mag bakasyon at manood ng fashion show ay nakilala niya ito. Hindi nga siya makapaniwalang magiging kaibigan niya ito dahil talagang sikat din ito na photographer.
"Ako na lang ang bibili ng kape, parang gusto ko rin kasi kumain ng pastries, gusto ko ako mamili," baling niya kay Theo at ngumiti.
"The, let me accompany you, baby." She nodded to Jacob. Marami rin silang pagku-kwentuhan kaya mas okay na sumama ito, maaga-aga pa naman. Inabot sa kaniya ni Theo ang company card nila pero tumaggi na agad si Jacob dahil libre na raw nito.
Kumapit siya sa braso ni Jacob at sabay silang lumabas ng studio. Habang papunta sa coffee shop ay todo kwentuhan na sila. Ilang taon din kasi silang hindi nagkita, medyo nagulat pa nga siya dahil mas gumaling na ito magtagalog.
"You should come to our wedding," ani nito matapos sila mag-order ng coffee and pastries.
"You're getting married?!" she exclaimed.
"Uh, huh, with my long-time boyfriend." Napagsiklop niya ang kamay at tiningnan ito ng husto.
"I'm happy for you! When and where is the wedding?" Alam niya kasing iilan lang na bansa ang merong legal na same-sex marriage.
"U.S. Bring your boyfriend! Sagot ko na ang flight and accommodation expenses niyo," masayang sambit nito.
"Oh, I don't have a boyfriend, Jacob."
"Huh? Not the guy earlier?"
"Theo? No, no! he's the manager."
"No! I mean the model one! 'yong tumikhim kanina dahil nakayakap ka sa akin," sambit nito at tumawa pa. Sabay silang napatayo dahil ready na ang mga in-order nila.
"He's not my boyfriend, he's actually my ex," she said plainly and shrugged. Jacob is open minded, she knows that he will not judge her.
"Oh... I see," tugon nito at binigyan siya ng ngisi. Inilingan niya na lang ito at tumawa. Bumalik sila sa studio at nakita niyang tapos na make-up-an si Thunder pero nakaupo pa rin doon dahil nakikipagkwentuhan sa co-model nito na si Phoebe.
Mine-makeup-an na rin ang babae at halos patapos na dahil simple look lang naman ang dalawa.
"Inabot niya kay Theo ang mga drink at ito na ang nagbigay sa mga naroroon. Umupo siya sa sofa at doon kumain ng cake na binili sa kaniya ni Jacob. Nahihilig na talaga siya kumain sa sweets, mabuti na lang ay masipag din siya mag-workout.
"You look so damn happy with your cake," pansin sa kaniya ni Jacob at tinabihan na siya.
"Thanks to your treat, I'm happy," she giggled.
"Hmm. Is it really good? I'm actually on diet but let me taste it." Hindi na siya nagdalawang isip at sinubuan ito ng cake na sinandok niya gamit ang plastic spoon.
Pagkatapos makeup-an ang co-model ni Thunder ay nagsimula na ang photoshoot. Things were going smoothly because of the professionalism of everyone. Magaling kumuha talaga ng magandang angle si Jacob kaya gustong-gusto niya ang mga shots nito dati sa kaniya.
Kaya rin siya nakakapag-freelance model noon dahil ito ang kumuha at gumawa ng portfolio niya, tinulungan siya dati nito at kinuhaan ng mga litrato ng hindi siya pinagbabayad. Well, she can pay him but Jacob is too kind to her.
Almost 5pm, natapos na rin sila. Tinulungan niya si Theo magligpit ng mga gamit, though kaunti lang naman talaga ang daladala nila.
Hindi na siya sasabay sa van papuntang agency dahil niyaya siya ni Jacob na pumunta sa isang resto-bar para mag dinner at uminom.
Nilapitan niya si Thunder para tulungan hubarin ang mga accessories sa damit nito na suot. Tahimik lang siya at walang balak magsalita nang mauna itong magsalita.
"Let's plan my outfits for the fashion week, next week." Tumango naman siya kaagad bilang pagsang-ayon dahil trabaho naman niya iyon.
"Sige, bukas."
"Later."
"Ha? Hindi ako puwede!" agad na react niya rito. Nang maitanggal niya ang lahat ng accessories ay nilagay niya iyon sa box na dala. Inangat niya ang tingin dito at sinalubong ang masamang tingin na binibigay nito sa kaniya.
"I'm your boss, and if I say it later, it would be later," mariin na ani nito. Napabuga na lang siya ng hangin at tinalikuran ito ng padabog. Pinasok niya ang box sa maleta at pagkatapos ay umalis siya roon sa makeup room at dumeretso kay Jacob.
"I'm sorry, I can't go with you," nakangusong sambit niya rito. Binigyan siya nito ng ngisi sa labi at napansin niya pang natawa pa.
"He didn't allow you, am I right?" he chuckled while removing the lenses of the camera.
"If you are thinking that—"
"He still has a feelings for you! I mean it, girl. I can feel it!" pabulong na ani nito. "He was staring at me like he's going to kill me!" he added.
"Jacob naman! That's impossible because there's a lot of beautiful and sexy women around him that he can choose."
"Oh... you're the one who rejecting him, isn't it?" Napakamot siya sa batok at umiling na lang dito.
"Yessha, we're going home." Napalingon siya kay Thunder na lumabas na pala sa makeup room. Bitbit na rin ni Theo ang lahat ng dala nila kanina.
"Goodbye, Jacob. I'll see you again soonest, pag hindi ako busy. I'll contact you, okay?" ani niya rito at nakipagbeso tiyaka niyakap ng mahigpit.
"He's glaring at me, baby," he whispered. Mas hinigpitan ni Jacob ang yakap at hinaplos-haplos pa siya sa likod.
"Yessha." Napapikit siya ng mariin nang marinig na naman niya ang boses ni Thunder. Mukhang iritado na ito dahil ramdam niya sa boses nito. Humiwalay na siya sa kaibigan at ngumiti siya rito.
Tuluyan na siyang sumunod kila Thunder at Theo dahil may dragon na naman na iritable.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top