CHAPTER 33
Uminom siya ng mainit na tsaa nang matapos siyang mag-sketch ng mga outfits. Nasa bahay lang siya dahil walang schedule ngayon si Thunder. Mabuti na lang din dahil ayaw niya muna itong makita.
Ang nangyari noong isang araw ay hindi niya kinaya, parang nagkabuhol-buhol ang utak niya at ang nararamdaman niya. Ayaw niya munang isipin iyon dahil bumabalik na naman ang sakit.
Binaba niya ang lapis niya at tiningnan nag message ni Gino. Pinaalalahanan lang siya nito para sa surprise birthday party ng ate Bella niya. Ang mga kaibigan na nito ang gagawa ng scene para mapapunta nila ito sa resort na nirentahan ni Gino.
Hindi na kasi nakakapag-party ang pinsan niya dahil busy sa trabaho kaya hinanda iyon ni Gino para makapagsaya naman ito kasama ang mga malalapit na kaibigan.
Napagdesisyunan niyang maghanda na ng damit na susuotin niya mamaya. Pagkatapos ay nagpahinga muna siya at natulog saglit para hindi siya mabilis antukin mamayang gabi, sigurado kasi siyang madaling araw na siya makakatulog. Siyempre, susulitin niya rin at kailangan niya ata uminom ng marami dahil matagal na siyang hindi nakakainom.
Pagkagising niya ay naligo na siya kaagad at pagkatapos ay nag-ayos. She wore a white silk bodycon dress the hugged her curves. Nag-makeup na rin siya at ng okay na siya sa ayos niya ay kinuha niya na ang bag niyang nakahanda na.
Dalawang oras lang naman ang byahe papunta sa resort kaya hindi siya masiyadong nagmamadali, kung sakali mang traffic baka 3 hrs lang ang byahe niya. Sinabi niya kay Gino na papunta na siya nang makasakay siya ng grab car.
Ayaw niyang mag-drive kahit okay na ang sasakyan niya dahil tinatamad siya. Sasabay na lang din siya bukas sa pag-uwi o mag-grab na lang siya pauwi, depende sa mood ng dalawang love birds.
Nakahinga siya ng maluwag dahil walang masiyadong traffic at nakarating siya bago mag 7pm. Naka-ready na ang lahat pati si Gino na mukhang kinakabahan at excited.
"Anong akala mo magpo-propose ka?" natatawang asar niya rito.
"Of course, I'll ask her privately to be my girlfriend." Medyo hindi na siya nagulat sa sinabi nito kahit hindi niya alam na balak na nito tanungin ang pinsan niya ulit.
"Wish you luck."
"Thanks, sister-in-law," he winked. She just shook her head. Pinicture-an niya ang lugar at vinideohan niya na rin.
Mayamaya ay dumating na rin ang ate Bella niya at sabay-sabay silang bumati rito. Halatang gulat na gulat ito lalo na kay Gino na may hawak ng bouquet ng bulaklak. Humiyaw ang mga bisita at tinukso ang dalawa, napangiti naman siya dahil nakita niyang masaya ang pinsan niya. 33 na ito at hinihiling niya na magkaroon ito ng masaya pang buhay at love life. She hope that Gino is the one for her cousin.
"Happy birthday to my favorite cousin in the world!" she almost shouted then laughed. Niyakap niya ito ng mahigpit at binigay ang regalo nito.
"Thank you so much, Yessha," ani nito.
"I love you, my ate Bella... wish you all the best in the world. Sana magka-love life ka na, boto naman ako sa kaniya," ani niya at sinulyapan si Gino.
"I know... I bet, ikaw rin ang tumulong sa kaniya rito?" Natawa naman siya at tumango-tango.
"10 percent na tulong lang naman, siya sa 80 percent at 'yong 10 percent galing sa kaibigan mo," she laughed. Ngumiti siya rito ng malawak at hinaplos ang buhok nito.
"I'm happy for you... I hope you'll open your heart to him, maybe he's the one who will complete you," she said in a serious tone.
"I will, I'm ready to open my heart to him, Yessha," bulong nito na ikinatuwa niya. Muli niyang niyakap ito. Mukhang may matutuwa ng sobra mamayang gabi.
Nag-picture sila at pagkatapos ay kumain na ang lahat. Nang tumungtong ang alas onse ng gabi ay doon na nagsimula ang pagsasaya sa party. Halos lahat ng bisita ay sumasayaw sa gitna dahil sa magandang tugtog ng dj.
She laughed when she saw Gino pulling her cousin to dance. Expected niya na hindi mapipilit ni Gino ang ate Bella niya pero napaawang ang labi niya nang napapayag nito ang pinsan.
Tumungo siya sa bar station at um-order ng alak sa exclusive bartender nila. She drink a five shots before she goes to the middle and dance like no one is watching her.
She badly need this... She needs to forget what she's thinking but her plan vanished like a thin air when she saw Thunder drinking on the rocks while watching her intently.
Napapikit at napakurap pa siya ng ilang beses dahil baka namamalikmata lang siya pero hindi siya nagkakamali, nando'n nga ang binata at matalim na nakatingin sa kaniya.
"Oh, he's here 10 minutes ago." Napatalon siya sa gulat at napahawak sa dibdib nang may bumulong sa kaniya.
"Ate Bella naman!" halos pasigaw na ani niya dahil sa sobrang gulat. Tinawanan siya nito at inilingan lang. "S-sino nag-invite s-sa kaniya?" nauutal na siya dahil sa pagtataka. Gusto niya nga magsaya ngayon para mawala ang lahat ng iniisip niya tapos makikita niya naman pala ito.
"Ako. Binati niya ako nang makita niya 'yong story ko sa Instagram, 'yong picture natin. Tapos naisipan kong imbitahan siya. I just invited him without knowing that he's really going here."
Napabuga siya ng hangin at tumango na lang. Sinenyasan niya ito na aalis lang siya saglit. Dumeretso muna siya sa bar station at kumuha ng isang bote ng vodka, iyong maliit lang. Pupunta kasi siya sa tabi ng dagat at doon maglalakad. Ayaw niyang makita ang binata dahil mababaliw na talaga siya ng tuluyan.
Hindi niya mabilang kung nakailang buntong hininga na ba ang nagawa niya habang nakatanaw sa medyo kalmadong dagat. Madilim din sa bandang parte na 'yon dahil malalayo ang mga ilaw pero sapat naman na iyon para makita ang mga dinadaanan niya.
Lumagok siya ng alak habang patuloy pa rin sa paglalakad pero napatigil siya nang may kumaluskos bandang gilid, doon sa may puno banda. Muli niyang pinakiramdaman at pilit sinusubukan matanaw kung ano 'yon.
"Hindi naman siguro ahas 'di ba?" pagkakausap niya sa sarili. Napalunok siya nang may kumaluskos ulit. Hindi na siya tumuloy pa sa paglalakad at agad na tumalikod para tumakbo pero napatili siya ng malakas nang mabungo.
Naiyak siya sa sobrang gulat at takot.
"Hey, it's me. Don't cry.... Yessha." Naidilat niya ang mata niya at napatingin sa kaharap niya. Habol habol niya pa ang hininga niya dahil sa kabang naramdaman.
"Gago ka... Bwisit ka!" sigaw niya dito habang pinupunasan ang luha. Nabasa na ang damit niya dahil natapon ang laman ng bote ng alak na iniinom niya.
"I'm sorry... I didn't mean to scare you," ani ulit ni Thunder at hinawakan ang balikat niya para alalayan siya. Medyo nakakaramdam na siya ng hilo.
Winaksi niya iyon pero muli siyang hinawakan ni Thunder, but this time he held her in her wrist.
"Ano ba... bakit mo ba ako sinundan?"
"Why didn't you tell me that Gino is not your boyfriend and he's your cousin's suitor?" seryosong tanong nito sa kaniya. Napahawak siya sa ulo at napaupo doon sa buhangin dahil nakaramdam siya ng hilo lalo.
"Bakit? Wala naman akong sinabi na boyfriend ko siya," ani niya at napayuko lalo. "Kainis naman! Natapon 'yong alak ko dahil sa'yo!" dagdag niya pa. Napakamot siya sa ulo at inis na tumayo muli. Nilagpasan niya ito pero hinuli na naman nito ang kamay niya kaya tiningnan niya ito ng wala sa mood.
"Problema mo na naman ba?"
"You're drunk. Let's go to your room." Nanlaki ang mata niya nang buhatin siya nito na parang bagong kasal.
"A-ano ba! Makikita tayo ng mga bisita!" suway niya rito. Thunder is damn famous now, hindi p'wede itong ginagawa nito.
"So? Do I look like I care?" Lumikot siya at hinampas ito sa dibdib pero siya lang ang nasaktan.
"Pag nagkaroon ka ng issue dahil sa akin—"
"What? You'll leave me again just to save my image?" Naitikom niya kaagad ang bibig niya at nanlalaki ang mata niyang tiningnan ito. Tumigil ito sa paglalakad at tiningnan siya ng malalim.
Kita niya ang pag-igting ng panga nito na parang may naalala na kinagagalit nito ng husto.
Agad siyang kumawala sa bisig nito at nagtagumpay naman siya nang ibaba siya nito.
"You left me because my mom asked you. You left me just to save my career? What the fuck is that, Yessha? Hindi mo ba naiintindihan ang mga sinabi ko sa'yo na kaya kong bitawan iyon —"
"Kung hindi kita pinakawalan at kung patuloy ako didikit sa'yo noon ay hindi mo maaabot ang mga narating mo ngayon," puto niya kaagad dito. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon pero hindi niya na kailangan magtanong pa dahil wala naman na mapapaala iyon, alam na talaga nito.
"Do you think I'm happy—"
"Please... ayaw ko ng pag-usapan, past is past. Let's just forget what happened."
"Forget? How can I forget that Yessha! You lied to me!" sigaw nito. Kita niya ang halo-halong emosyon na nanggagaling sa mata nito. May kadiliman man pero kita niya pa rin ang mukha nito dahil sa ilaw ng buwan.
"Isipin mo na lang na ang totoo ay niloko kita! It's been 4 years since that happened, Thunder. You should've move on—"
"You are saying it like its nothing... baka totoo nga talagang nagsawa ka na sa akin no'n at dinahilan mo na lang ang issue na nangyayari?" Kumirot ang puso niya dahil sa sinabi nito. Sinasabi niya lang 'yon dahil para hindi na maging komplikado ang lahat.
Sa tingin niya ay gumanda ang buhay ni Thunder nang mawala siya sa tabi nito. Masaya siya sa nangyari sa buhay ng binata, sa lahat ng achievements na natanggap nito at sa matatanggap pa.
She's acting like it was nothing, and she's not hurting but the truth is her heart and feelings to Thunder are messing up since she saw Thunder for the first time after 4 years.
Tinatago niya lang iyon gamit ang pag-iinarte at pagtataray niya rito, na parang wala lang ang lahat. Because once she admit that her heart belongs to him, she might hurt herself especially Thunder again.
Maganda na ang buhay nito ngayon at ayaw niya ng guluhin pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top