CHAPTER 31


Pinindot niya ang video call sa group chat nil ani Ivy, Vixxie and Olivia. Gusto niya lang mag-rant sa mga ito dahil biglang uminit ang ulo niya sa lalaking iyon. Alam naman na ng mga ito ang istorya nila kaya gusto niya manghingi ng advice.

Kinwento niya sa mga ito ang nangyaring katangahan niya kanina sa mall at ngayon pinagtatawanan na siya lalo na ni Ivy.

"Sigurado akong gulat na gulat din sa'yo si kulog," tawang-tawa na bulalas ni Ivy.

"Shit, naiimagin ko mukha niya! Priceless!" dagdag pa nito.

"May anak pala ha? Ilan ba anak mo at nasabi mong hindi ka na masarap?" Olivia mocked.

"Bwiset kayo! Tinawagan ko kayo para manghingi ng advice pero inaasar niyo na ako! Padalhan ko kayo ng adult toys diyan!"

"Gaga! Masasapak kita! Alam mo bang si I-ivan ang nakabukas ng pinadala mo sa bahay?!" pinanlakihan siya ng mata ni Vixxie.

"Eh ano naman? Mag-asawa naman na kayo!"

"Kahit na!" asik ni Vixxie.

"Hindi mo nga ako pinadalhan pero si Red ang pinadalhan mo? Just wow, Yessha! Sa tingin mo magkakaayos kami sa paraan na ginawa mo? Masasabunutan kita eh," singit ni Olivia.

Olivia and Red relationship is still complicated, pero medyo level up na ang dalawa, iyon ang tingin niya dahil madalas niyang malaman na magkasama ito ng patago.

"Tinutulungan ko na nga kayo!" Olivia just mimicked her.

"So back to the topic. How was it? Anong pakiramdam na nakita mo siya ulit? Well, it's been 4 years since you two split up, and you said you already move on, right?" tanong ni Ivy.

She pursed her lips and didn't talk for a second.

"Sigurado bang move-on na talaga o niloloko mo lang sarili mo?" Olivia raised her left eyebrow.

"I did! Apat na taon na 'no... Naka-move on na ako... siguro..."

"Ay may karugtong pa na siguro!" Ivy clicked her tongue.

Napanguso siya lalo dahil hindi kasi siya one hundred percent sure. 'Di ba dapat lang naman talaga maka-move on pag naghiwalay na kayo ng ex mo? At apat na taon na rin siguro naman, okay na siya.

Nang makita niya kanina si Thunder, nagulat talaga siya ng husto lalo na nang tinanggal nito ang suot na shades at mask. Lagi niyang nakikita ang mukha at maganda nitong katawan sa social medias and advertisements pero hindi niya akalain na mas doble pa ang kagwapuhan nito sa personal.

"May balak ka bang sabihin ang totoo kung bakit ka nakipaghiwalay sa kaniya? Or hahayaan mo na lang siyang isipin na si Gino ang pinalit mo sa kaniya?" Vixxie asked.

Lahat naman ata ng tao sa paligid niya ay inakalang si Gino ang boyfriend niya dahil lagi itong sumasama sa kaniya, sumasama para lang may dahilan makita ang ate Bella niya noon at pati hanggang ngayon.

And, she found out that Thunder asked Ivy her whereabouts, after a month of their breakup. Nalaman siguro nito na kasama niya si Gino noon. Doon After a months of their breakup, she met Gino in her cousin's house. May something na palang nangyayari sa dalawa pero kahit gano'n na katagal hindi pa rin sinasagot ng ate Bella niya si Gino at patuloy pa rin itong bina-busted.

Maybe her cousin is scared also, kilalang playboy ba naman si Gino dati pa.

Napabuga siyang hangin at umiling-iling. "I don't want to explain it. Bahala siya... Baka nga may girlfriend na 'yon."

"Just advice, Yessha. Don't do anything that you'll regret forever... 'Wag mo ring hayaan 'yong chance na makawala dahil baka last na 'yon..."

Nag-react si Ivy at Olivia sa sinabi ni Vixxie, sumangayon ang dalawa at pumalakpak pa na akala mo ay nag-speech si Vixxie. Siya naman ay napaisip na lang dahil alam niyang indirect ang mga sinasabi ni Vixxie.

Nagkwentuhan lang sila halos dalawang oras. Marami kasing kwento ang mga ito lalo na si Olivia na nakapakumplikado ng buhay.

The next day she received a text from Thunder's manager. Tuloy na raw ang meeting nila at ibibigay na sa kaniya ang mga schedule ng binata para alam niya ang ire-ready na outfits nito.

Nag-reply naman siya kaagad at sinabing pupunta siya. Nag-breakfast muna siya bago maligo at mag-ayos. After she finished her routine, she checked herself once again in her full length mirror and took a selfie.

Siyempre, fashion designer siya kaya maporma rin talaga siya. Tuwing may lakad siya at aalis siya lagi siyang nagmi-mirror selfie para i-record ang mga outfits na sinusuot niya. Minsan kasi binabalikan niya iyon para kumuha ng idea pag talagang nagustuhan niya ang mga terno na nasuot niya.

She took a taxi because she can't drive her own car. Pinapa-check niya pa iyon dahil matagal niya ring hindi ginamit. Wala naman kasi siyang balak bumili ng bagong sasakyan dahil maganda pa ang kotse niya.

She roll her eyes when she saw Gino on her screen. Tumatawag ito at paniguradong kukulitin na naman siya or tatanungin ang pinsan niya.

"I'm busy," bungad niya agad dito.

"Oh, come on!"

"What do you want?" Narinig niya ang galak nito nang tinanong niya na ito. May kailangan nga!

"It's her birthday next month, so I'm planning to give her a surprise event... can you—"

"No."

"Please? Just this one! I can feel that she's now opening herself to me... Sa tatlong taon na pangungulit ko sa kaniya, nararamdaman kong pagkakatiwalaan niya na ako." Ramdam niya sa boses nito ang pagmamakaawa.

Well, ate Bella is already trusting Gino, hindi naman kasi 'to papayag bumisita sa bahay nito ng madalas kung hindi, pero hindi lang 'yon pinapakita ng pinsan niya. Boto naman siya kay Gino dahil nakita niya na talaga ang pagbabago nito. Maliban sa mga katrabahong mga babae at sa kaniya, si ate Bella lang talaga ang babae para rito.

"Hmm... Let me think! Bye!" Agad niyang pinatay ang tawag at natawa. Aasarin niya lang ito dahil gusto niya lang.

Nakarating siya sa agency ni Thunder at agad niyang kinontak ang manager nito na nasa lobby na siya dahil hindi siya basta basta makakapasok sa mismong loob hangga't wala siyang I.D or walang susundo sa kaniya na employee rito.

Nang masundo siya ng manager ni Thunder ay umakyat sila sa second floor at pumasok sa isang room. Mukhang 'yong room na 'yon ay nakalaan para kay Thunder dahil kita niya ang pangalan nito sa pinto.

Iba talaga ang isang top model, masiyadong VVIP.

Umawang ang labi niya dahil may walk-in closet doon ang binata at kitang-kita niya ang iba't ibang luxury brands doon.

"I'm Theo, Thunder's manager since 2 years ago," pagpapakilala nito sa kaniya. Tinanggap niya ang kamay nito at ngumiti rin. Hindi siya kilala nito kaya nakahinga siya ng maluwag.

Sinenyasan siya nito na umupo muna sa isang upuan kaya umupo na siya kaagad.

"Coffee, juice, tea or anything that you want? May sariling coffee shop ang agency kaya free kang mamili ng gusto mo," paliwanag nito sa kaniya. Namangha naman siya dahil doon.

"Libre lahat?" gulat na tanong niya.

"Yes. Libre sa employees and models pero pag sa outside customer, siyempre may bayad," ani nito at tumawa.

"Can I have strawberry latte?" nagc-crave talaga kasi siya sa matamis.

"Snacks?"

"Anything will do."

"Noted. Hintayin mo na lang si Thunder dito dahil kausap niya pa ang CEO. Bababa lang ako at kukuha ng drinks and snacks natin." Tumango siya at nagpasalamat dito. Nang makalabas ito ay nilibot niya muna ang paningin niya. Nang hindi makuntento ay tumayo na siya at pumasok sa walk-in closet nito.

Halos magningning ang mga mata niya sa mga brand ng mga damit at sapat na nandoon. She love luxuries but she can control herself when it comes to buying.

Naputol ang pagtitingin niya dahil nag-ring na naman ang cellphone niya. Naningkit ang mata niya dahil si Gino na naman ang lumabas sa screen ng phone niya.

"Ano ba?" bungad niya agad. "Nagta-trabaho ako! Sabunutan kita pag nakita kita," dagdag niya pa gamit ang inis na tono.

"What do you want to eat? My treat. Nasaan ka ba at susunduin na rin kita." Nangunot ang noo niya dahil mukhang masaya ito.

"Anong meron?" tanong niya at pinagpatuloy ang pagtingin ng mga gamit ni Thunder.

"Bella busted someone," masayang ani nito. "and I heard that's because she's liking someone else."

"So, feeling mo ikaw 'yong someone else na 'yon?"

"Of course!"

"Wow, what a confidence," ani niya sabay iling. "So, bakit may paglibre? Anong kailangan mo sa akin?" tanong niya pa.

"Utusan mo ang pinsan mo na halikan ako." Naiikot niya ang eyeballs niya dahil naimagine niya ang pilyong ngiti nito.

"So, gusto mo ng kiss?" ani niya at sinakyan ang kalokohan nito. "Gusto mo talaga ng kiss? Oh, sige bibigay ko sa'yo ang gusto mo mamaya—" bibigyan kita ng sapak na halik sa labi mo.

Iyon dapat ang sasabihin niya pero natigil siya at agad naibaba ang phone dahil saktong paglingon niya ay nakita niya si Thunder na nakatingin sa kaniya ng blanko.

Napatikhim siya at agad na inirapan ito at inalis ang tingin sa binata.

"Mamaya na tayo mag-usap nandito na 'yong boss ko," ani niya kay Gino. Hindi niya na ito hinantay magsalita pa at pinutol niya na ang tawag.

Lumabas siya ng walk-in closet at dumeretso sa isang upuan para maupo ulit. Nilagpasan niya rin si Thunder na sinundan pa siya ng tingin. Tumikhim muna siya bago magsalita para tanungin ang tungkol sa schedule nito.

"May schedule ka na next week 'di ba? Kailangan ko—"

"Talk to my manager," putol nito sa sinasabi niya. Agad siyang napatayo ng padabog nang bigla itong lumabas ng kwarto pagkatapos sabihin ang apat na salita na 'yon.

"Wow! Just wow!" bulalas niya dahil hindi makapaniwalang umasta ito ng gano'n sa kaniya. Natawa siya ng maiksi dahil sa sobrang inis sa ginawa ng binata.

"Talk to my manager?" she mimicked. "Are you nuts? I need to talk to you, you jerk! Ikaw ang susukatan at dadamitan ko, bwisit ka!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top