CHAPTER 30
Dumeretso si Thunder sa penthouse niya para magpahinga, kakatapos lang ng shoot nila at dapat may meeting siya with her new personal fashion designer pero hindi natuloy dahil sobrang pagod talaga siya. Wala naman siyang schedule for one week so may time pa para makausap niya ang magiging personal fashion designer niya para sa mga damit na gusto niya at sa mga events na naka schedule na sa kaniya sa mga susunod na araw.
Being a model is fun but lately he's really exhausted. Napasandal siya sa sofa at pinikit ang mata para mapahinga iyon. Puyat siya dahil madaling araw pa lang ay nag-shoot na sila ng commercial.
Sa pwestong iyon ay nakatulog siya ng ilang oras. Nagising na lang siya na nakahiga na sa malaki niyang sofa. Hiindi naman siya nangawit dahil sanay na siyang matulog kahit nakaupo lang ng tuwid lalo na pag puyatan ang mga projects niya sa shooting.
Nag-shower siya at uminom ng tubig dahil wala pang laman ang tiyan niya. Hindi na siya nakapag-lunch dahil nakatulog siya. Nagsuot siya ng simpleng damit at sumbrero, kinuha niya rin ang mask niya at sinuot iyon. Pupunta siya sa mall para mag-grocery dahil kaunti na lang ang stock niya.
Tinawagan niya ang manager niya para ipaalam na pupunta siya sa mall at mamimili. Doon na rin niya napagdesisyunan kitain ito. Now he's known and entitled as a top 1 male model in asia, he can't go to a public places alone. Kaya niya ang sarili niya pero dahil kailangan niyang mag-ingat dahil hindi naman niya kilala ang lahat ng nasa paligid niya ay kailangan magsabi siya sa manager niya.
Nakasanayan niya na ang ganito palaga. Gusto niya pa rin kasi na siya ang namimili sa mga kailangan niya at hindi na ipag-uutos sa iba. Nagkita sila roon sa parking lot, kasama na ng manager niya ang apat na bodyguard. Binilinan niya ang mga ito na sumunod lang at 'wag muna magpahalata dahil naka-cover up naman siya.
Siya ang nauna pumasok sa mall at nakahinga siya ng maluwag nang wala pa naman nakakapansin sa kaniya.
He get one cart and start to roam around inside the supermarket. Nagsimula siya sa dulo at dinaanan niya lahat para pag may nakita siyang kailangan niya ay dadamputin niya na kaagad.
Natapos siya sa pag-go-grocery ng walang nakakakilala sa kaniya. Pinalapit niya na ang manager niya sa kaniya para kunin ang lahat ng pinamili niya.
"Dalhin mo na 'to sa penthouse ko. I think no one will recognize me today. Wala naman masiyadong tao sa mall, so it will be fine," ani niya sa manager niya.
"Sigurado ka? Papasundan na lang kita sa apat na bodyguard —"
"I'm fine. Go now." He tapped his manager's shoulder before he turn around and stroll around inside the mall. Lagi siyang nasa studio o labas, pero hindi niya magawang makapaglibot libot. Dahil isang linggo naman siyang walang work ay lulubusin niya ang kada-araw.
He just did window shopping dahil pag pumasok siya mismo sa mga shop ay paniguradong may lalapit sa kaniyang staff at makikilala na siya. Napatingin siya sa instrument shop na nadaanan niya kaya napahinto siya. He remembered that he was planning to buy a new guitar but he doesn't have a time to do that.
Pumasok siya sa shop at tumingin ng mga guitara, mabuti na lang kaunti lang ang tao sa loob ng malaking shop.
"Good morning, sir, how can I help you?" tanong ng lalaking staff sa kaniya.
"Do you customize guitars here—"
"Oh my god! Is that Thunder Jimenez?"
When he heard that, that's his cue. Alam niya sa pagsigaw ng babae na 'yon ay marami ng lalapit para tingnan siya at kumpirmahin.
"Sorry, I'll just go here next time," ani niya sa staff. Mabilis siyang naglakad palabas doon pero bago pa siya tuluyang makalabas ay hinarang na siya ng mga babae.
"Oh my gosh! Ikaw ba 'yan? Thunder Jimenez?" pagkukumpirma pa rin ng isang babae. Hindi siya nagsalita at naglakad lang para malampasan ang mga ito. Rumarami na ang tao, at kung pagbibigyan niya ang nasa harapan niya kanina ay sigurado siyang hindi na siya makakaalis sa lugar na 'yon.
Habang hindi pa siya nakukumpirma ng mga ito na siya talaga si Thunder Jimenez ay mabilis siyang umalis doon.
"Oh, damnit," he murmured when someone started to run at him. Napabilis lalo ang lakad niya hanggang sa napatakbo.
He is sorry to his fans but he's a person too, he needs a private time. Nakahinga siya ng maluwag nang mas mabilis siya tumakbo kaysa sa mga humahabol sa kaniyang fans niya. Lumiko siya nang makitang may comfort room do'n pero mas napamura siya lalo nang out of order ang banyo ng mga lalaki.
"Thunder! Oh my gosh!" rinig niyang sigawan. Sakto naman ang pagbukas ng women comfort room kaya bago pa siya makita ng fans na nasa bandang comfort room ay mabilis niyang binuksan ang pintuan at pumasok doon.
May naitulak siyang babae papasok ng cr pero hindi niya muna iyon pinansin dahil sinigurado niyang naka-lock ang pinto.
"S-sino ka?! B-bakit ka pumasok sa banyo ng girls? 'Wag kang lilingon sa akin! May... may pepper spray akong dala, bubulagin kita!" sigaw ng babae na ikinatigil niya sa paglingon sana.
'Nasaan siya?!'
'Baka dumeretso roon sa kabila! Sarado naman ang comfort room ng panglalaki.'
"Aahhhhhhhhhhh! Tulong —" Awtomatikong nalingon niya ang babae at itinulak ito para takpan ang bibig pero natigilan siya nang makita kung sino ang kaharap niya. Nagsalubong ang kilay niya nang magtama ang paningin nila sa isa't isa.
Kita niya ang naluluha nitong mata habang nakatingin sa kaniya. Mukhang hindi siya nito nakilala dahil naka sombrero, shades at mask siya.
"Hhmmp... 'w-wag po... hindi na ako virgin kaya hindi mo na ako magugustuhan," iyak nito sa kaniya nang inalis niya ang pagkatakip sa bibig nito. "May anak na rin ako! kaya please lang, 'wag mo akong sasaktan. Bibigyan na lang kita ng pera... magkano ba gusto mo?" Natataranta itong nilabas ang wallet kaya natulala siya rito.
Tiningnan niya lang ito ng ilang minuto at nang maramdaman na umalis na ang mga tao sa labas ng banyo ay lumapit na siya sa pintuan.
"Hoy! Ayaw mo ba ng pera? Kung ayaw mo pakawalan mo na lang ako, please! Hindi p-pwedeng mawalan ng ina ang anak ko. Baby pa 'yon, kailangan niya pa ako," iyak pa nito sa kaniya. Naipikit niya ng mariin ang kaniyang mata dahil mas sumakit lalo ang ulo niya.
Kinuyom niya ang kamo dahil nakaramdam ng inis.
"Pag nawalan ng mommy ang anak ko, paano na lang siya? Hindi ka ba naaawa sa akin? Wala ka bang pamilya? Wala ka bang asawa? Masama ang mga ginagawa mo! Dapat itigil mo na 'yan at makuntento ka sa isa—"
"Do I look like a fucking rapist to you?" iritableng tanong niya rito nang maharap ito. Tinanggal niya ang mask at shades na suot.
Kita niyang magsasalita pa sana ito pero naitikom nito ang bibig, siguro nakilala na siya nito.
"And please shut your mouth, for pete sake!" he fumed.
Halos mapigil ni Yessha ang hininga dahil sa kaharap niya ngayon. Agad niyang naibaba ang tingin dahil pakiramdam niya mas lalo na siyang naging mukhang tanga sa harapan nito. Nagwawala na ang kaniyang puso dahil sa halo-halong emosyon at pagkapahiya.
Sinong mag-aakala na sa ganitong sitwasyon sila magkikita ni Thunder, after 4 years.
Napaubo siya kahit hindi siya nauubo. Kinuha niya ang tumblr sa dala niyang bag at napainom do'n. Mabuti na lang ay may dala siyang tubig dahil kung hindi baka hindi na siya makalma at umubo na lang ng umubo.
"B-bakit ka... kasi pumasok sa women comfort room," pabulong na tanong niya. Sabi niya sa sarili ay hindi niya alam kung paano ito haharapin, hindi niya alam kung maganda bang pangyayari ito kahit papaano dahil nakaharap niya na ang binata o talagang hindi dahil sobrang napahiya siya sa lahat ng ginawa niya.
Um-acting pa siya ng iyak at may anak para lang magmakaawa. Akala niya kasi ay masamang loob ito na may gagawing hindi maganda sa kaniya. Siyempre, takot na takot siya 'no!
Narinig niya ang pagbuga ng hangin nito nang talikuran siya muli. Sinuot nito ulit ang shades at mask at hindi na siya pinansin. Nakita niyang pinihit nito ang doorknob kaya agad siyang napasigaw.
"T-teka!" Nilingon siya nito pero hindi niya makita ang expression nito dahil sa shades at mask. Hindi ito nagsalita at hinantay lang siya sa kung anong sasabihin niya.
"Ako ang personal fashion designer mo... Bakit mo ba inurong 'yong meeting natin? Paano kung marami pala akong kailangan ihanda na mga outfits mo sa next schedules mo?" she crossed her arms.
Yes, kakausapin niya na ito dahil gano'n pa rin naman, magkikita rin naman sila at kailangan niyang umakto na parang wala lang.
"Are we going to talk about works here? Can't you see I'm in the middle of this situation?" Naitaas niya ang isang kilay dahil sinusungitan siya nito.
"Hindi mo rin ba nare-realize na busy rin ako at kailangan ko gawin ang trabaho ko sa'yo!"
"Then don't work under me," matigas na ani nito. She parted her lips because of what he said.
"Ang kapal mo— Hoy!" Napapadiyak siya dahil inalisan siya nito. Tuluyan na itong lumabas ng banyo at nang sundan niya ito ay nasa malayo na kaagad.
Kinagat niya ang labi niya dahil sa inis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top