CHAPTER 28
The next day hindi siya pumasok sa trabaho, hindi niya kaya lumabas at mag trabaho dahil na ba-blanko ang kaniyang isipan. Kanina pa siya gising pero nakatulala lang siya sa kisame niya habang nakahiga sa kaniyang kama.
Masama ang pakiramdam niya at parang ubos na ubos na ang enerhiya niya at gusto na lang niyang tumitig sa kawalan habang walang iniisip. Pagod na pagod ang utak niya pati ang puso niya dahil sa sakit na nararamdaman.
Kahit ano pang sabihin ni Thunder, na wala siyang kasalanan hindi pa rin mawawala ang pagkabahala niya rito. Thunder is a famous model now, at alam niyang pag dumikit pa ito sa kaniya sira ang kinabukasan nito at siya ang may kasalanan no'n.
Huminga siya ng malalim at bumuntong hininga bago tumayo at kumilos. Hindi siya papasok pero kailangan niya kumilos para mag-ayos ng sarili at kumain.
Pagkatapos niya maligo maghahanda na sana siya ng pagkain nang may mag doorbell sa bahay niya, lumabas siya ng bahay at naaninag niya sa may gate ang isang babaeng naka sumbrero at naka shades, naka-dress rin ito at mahahalata mo na elegante ito gumalaw.
"Ano pong kailangan niyo?" tanong niya rito ng makalapit, tinanggal naman nito ang shades nito at nakita niya ang magandang mukha ng ginang, oo mukha na itong may edad pero maganda ang tindig at mukha nito.
"I'm Thunder's mom, Storm Jimenez." Natigilan siya sa mga katagang lumabas sa bibig nito. Hindi na siya nagsalita pa at pinapasok na ito sa loob ng bahay. Nang makapasok sila sa loob pinaupo niya ito sa sofa at maghahanda sana siya ng maiinom nang nagsalita ulit ito.
"Saglit lang ako, hindi ko na kailangan ng maiinom." Hindi niya alam kung nagtataray ba ito sa kaniya dahil wala naman na bahid sa tono nito, hindi niya rin mabasa ang nasa mukha ng ginang. Tumango siya at umupo sa kabilang sofa para harapin ito.
"I know, you have a hint why I am here in your house," panimula nito at napatango siya bilang tugon. Alam naman niya na dahil iyon kay Thunder. Hindi siya makapaniwala na ang ina ng mahal niya ay makikilala niya dahil sa ganitong sitwasyon.
"Alam ko po, at alam ko rin po ang dapat kong gawin. I love Thunder... so much, at ayoko po siya madamay sa problema ko... sa problema ng pamilya ko. I don't want Thunder's career to be ruin because of me." Narinig niya ang pagbuntong hininga ng ina ni Thunder kaya napatingin siya rito. May bahid na lungkot at pag-aalala sa mukha nito pero agad ring nawala at mas sumeryoso ang mukha nito.
"Ayoko ring masira ang anak ko sa industriya na kinagagalawan niya, nakita ko lahat ang pagod niya sa career niya. I know at first that he agreed to this career because I was a top model too, pero alam ko namang minahal niya na rin ang pagmo-modelo. Ayoko sumira ng relasyon, lalong lalo na na alam kong mahal ka rin ng anak ko at masaya siya sa'yo... pero gusto kong lubayan mo na siya." Napangiti siya ng mapait, ine-expect niya na 'to... She smiled while nodding her head.
"Yes, I will... I will break up with him," and that's already my plan. Nagtitigan sila ng ilang segundo ng ginang bago ito tumayo at magsalita.
"I have to go... I'm sorry" sambit nito. Napailing siya at pilit pa rin ngumiti sa harapan nito.
"Hindi niyo po kailangan mag sorry, alam ko pong nag-aalala lang kayo kay Thunder at ako rin po. Ako po dapat ang humingi ng pasensiya dahil sa mga issues na nadamay ang anak niyo."
"Thank you for understanding me, Yessha." Isang tango na lang ang tinugon niya at hindi na ito hinatid pa palabas ng bahay. Unti-unting nanghina ang tuhod niya at napaupo na lang siya ulit sa upuan at mahinang umiyak.
Akala niya ubos na ang luha niya, hindi pa pala. Pakiramdam niya mas may mabigat na bagay na ang humampas sa kaniya. She's literally physical and emotional drain. Ano bang mga masasamang bagay ang ginawa niya para maranasan niya ang sakit na 'to? she already have a trauma in love at akala niya gagaling na siya dahil kay Thunder. Pero dinagdagan na naman ng kaniyang ama ang sakit na dinadala niya sa puso niya. Now, she don't have anyone... She need to let go of Thunder. She need to do this for the sake of Thunder.
She fix herself after the video call with her friends, Oliva, Vixxie and Ivy. Kahit papaano may napaglabasan siya ng sama ng loob at problema. Hindi man siya mapuntahan ng mga ito dahil may kaniya kaniyang problema na pinagdadaanan ang tatlo, masaya na siyang one call away lang ang mga ito. Nag-aalala pa siya kay Olivia dahil sa sitwasyon nito kay Red, alam niyang mahirap ang sitwasyon ng dalawa dahil tito ni Olivia sa papel si Red. Gusto niya ring puntahan ito pero hindi na pumayag si Olivia.
I hope their love wins... Kahit sa kanila na lang lord, kahit 'wag na sa akin... Siguro hindi ko lang talaga deserve ang mga 'to? Siguro hindi talaga para sa akin ang pagmamahal na hinihiling ko...
Chinarge niya ang phone niya dahil na low batt na rin dahil sa matagal na usapan nila kanina at nang ma-i-open niya ito puro message ni Thunder ang bumungad sa kaniya.
'Why your phone is off? '
'Please call me when you read this, or just reply to my messages!'
'I'm badly worried, hon.'
'I can't escape with my manager and bodyguards.'
'Fuck, please answer me hon.'
Mag re-reply na sana siya rito nang biglang lumabas sa screen niya ang pangalan ni Thunder, sinagot niya agad ito at narinig ang pagmumura nito.
"Oh god, finally! what happened to you? bakit naka off 'yong phone mo? are you alright?"
"Y-yeah, okay lang ako. Kausap ko sila Ivy kanina at napahaba ang usapan namin kaya na lowbatt ako. Ikaw? nasaan ka at hindi ka makaalis sa manager mo?" tanong niya rito, narinig niya ang pagbuga ng hangin nito.
"In my unit, there's still a lot of media out there and the boss of my agency wants me to be just here... but I will go there, ako ang masusunod, pinagbibigyan ko lang sila ngayon para mapaniwala ko sila na hindi ako aalis sa unit ko. Pupuntahan kita mamayang gabi, wait for me, okay? I miss you."
"Okay, we also need to talk... uhm... can we cut the call now? I-I have to cook and clean my house," pagdadahilan niya rito.
'Okay, just don't get exhausted, you need to rest remember? I call you again later, I love you.'
"Okay," she hung up the call after she said 'okay'. She can't answer the 'I love you' because she will hurt Thunder later. At sa naiisip niya pa lang na gagawin niya iyon ay mas lalo nadurog ang puso niya.
***
Nakaupo siya sa sofa at nakatulala sa kawalan habang hinahantay ang pagdating ni Thunder. Maya maya nakarinig siya ng pagbukas ng gate kaya napatayo siya at sinalubong naman siya nito ng yakap. Napapikit siya at nakagat niya ang ibabang labi dahil nagbabadyang tumulo ang luha niya sa mata, ramdam na ramdam niya ang mainit na yakap nito at rinig niya ang tibok ng puso ng kasintahan.
"I miss you, hon. Kumain ka na ba? I can cook for y—"
"Kumain na ako," putol niya rito at mahinang tinulak ito sa dibdib para makaalis sa yakap. Naramdaman niya ang titig nito sa kaniya. Alam niyang nagtataka ito sa kinikilos niya.
I'm doing this for you Thunder, I love you at hindi ko kayang madamay ka sa mga problema ko...
"Okay... we can rest now, let's sleep—"
"Let's stop this," hinigit niya ang hininga niya at tiningnan ito sa mga mata. She need to be brave and pretend that this is what she really want.
"Yeah, let's stop this and rest..." Nagbago ang expression ng mukha nito. Hinawakan siya ng binata sa kamay pero agad niya ring binawi ang kamay niya. "I know you're tired hon, I understand so please let's go to your room and rest—"
"I'm tired... yeah i'm fucking tired with this and to you! can't you see? sawa na ako sa'yo, hindi mo ba nararamdaman?!" she yelled at him, like she is really mad. Kaunti na lang at iiyak na talaga siya sa harapan nito.
"You are lying," sinalubong nito ang titig niya at kita niya ang pagkislap ng mga mata ni Thunder.
"No, I'm not lying Thunder... You know that I can't love, right? siguro nga talagang attracted lang ako sa'yo at gusto lang kita makuha dahil kailangan kita sa mga bagay na gusto kong gawin. Akala ko rin nagawa na kitang mahalin pero bigla na lang akong nagising na sawa na ako sa'yo... I just want to get rid of you, pwede bang maki-cooperate ka na lang sa gusto ko?"
"Get rid of me?" wala sa sarili nitong tugon. She can clearly see the different Thunder now. Bigla siyang nanibago pero wala siyang magagawa kung magalit man ito sa kaniya dahil siya ang may kasalanan.
Tumango siya rito at hindi pa rin hinihiwalay ang tingin sa binata. She need to be brave to do this, kung magpapakita siya na mahina siya hindi siya nito pakakawalan.
"Yes, let's break up and stop this. Don't worry my virginity is just a gift for you, atleast may nakuha kang birhen 'di ba? win win situation, right?" she casually said and turn around. She need to turn around because her knees are starting to wobble. Her heart is in so much pain right now, parang hindi na siya makakahinga kung tatagalan niya pa ang pagtitig sa binata.
"If you are just doing this because of the media and the issue—" she cut it with the laugh.
"I don't care about the media or anyone, I just want to do this for my sake and for my own good. Hindi mo ba matanggap na sawa na ako sa'yo? Bigla na lang ako nagising na ayoko na talaga sa'yo. Should I say more? then fine! I found another man, he looks so good and hot! Mukhang mas magaling ang performance kaysa sa'yo." She face him again, muntikan na siyang mapaatras ng makita ang madilim na mukha nito.
I hurt him... a lot...
Magsasalita pa sana siya pero mas nagulat siya ng biglang lumapit ito sa kaniya para hawakan ang kamay niya at lumuhod sa harapan niya. Mas lalo na siyang nahihirapan sa sitwasyon ngayon, she never expected this.
"Please... I'll be good... I'm begging hon, don't leave me. I will be good in bed and I will be more good to you. I will do what you want basta 'wag mo lang ako iwanan. I can let go of my career if you want—" Pinutol niya kaagad ito. Sa narinig niya biglang sumabog na ang nararamdaman niya, tinulak niya ng malakas si Thunder kaya nagawa niyang makawala sa hawak nito.
"Let go of your career?! nag iisip ka ba?! you love your career, Thunder. You can't just let go of it because of a woman!" she shouted.
"I can, believe me... I can do it for you." Umiling siya rito.
"You're crazy—"
"Yes... you did this to me."
"Get out now, I don't want to see your face again." Nakayuko lang ito habang nakaupo sa sahig, tumalikod na siya ulit at naglakad papuntang hagdan pero bago pa siya makaakyat ng tuluyan narinig niya ulit ang boses nito.
"If this what you really want, then fine... Let's break up." Hindi na siya nagsalita pa at tuluyan nang dumeretso sa kaniyang kuwarto at doon binuhos ang luha na kaniyang pinipigilan. She can't breathe properly that night and she fell asleep while crying.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top