CHAPTER 26
It's been a week at madalang niya lang makita si Yessha. Kung makita niya man ito lagi itong nakangiti at nakatawa pero alam niyang nag papanggap lang ito na okay.
Hindi niya rin naman ito malabas para mag-date dahil mas nagkakagulo ang media dahil may mga litrato sila ni Eleina na kumakalat na may relasyon daw sila.
Pero hindi naman iyon totoo kaya iniiwasan na lang niya ang mga media.
"Nag-post na naman 'yong shipper niyo ni Eleina. Mas lalong dumadami ang naniniwala na magkarelasyon kayo," sambit ng manager niya na si Ric.
Napahilot siya sa kaniyang sintido dahil sumasakit na ang ulo niya. There's a fan account for him and Eleina. Shini-ship nito silang dalawa at kung ano-anong pinagpo-post nito na tungkol sa kanilang dalawa.
Wala namang masama dahil fan ito pero dahil sa mga post nito about sa kanila ni Eleina ay mas nagiging malala ang lahat. Nasabi niya na na wala silang relasyon ni Eleina pero hindi ito tumitigil at sa tingin niya ay dinidiin pa at pinipilit na may sekretong namamagitan sa kanila ng babae.
"Can you talk to that person? Minessage niyo na ba?" tanong niya rito. Tumango naman ito sa kaniya.
"Tina-try namin ma-contact para makausap ang gumagamit ng noong fan account pero hindi pa ito nagre-reply." Napabuga siya ng hangin at ginulo ang buhok.
Ite-text niya sana si Yessha para tanungin kung kumain na ba ito ng lunch pero nagta-type pa lang siya nang may tumatawag sa kaniya.
Hindi niya alam kung sino ito dahil numero lang pero sinagot niya na lang.
"Hello?"
"Oh hi! It's me, Eleina. How's your day? Did you already saw the post about us? Not on the social media but in the news!" Kumunot ang noo niya dahil hindi naman niya binigay ang number niya rito pero mas nagtaka siya sa sinabi nito.
"Hindi ko pa nakikita. How did you get my number?" seryosong tanong nito sa babae.
"Uh...oh... I ask direk about your number... are you mad?" He pinched the bridge of his nose and sighed.
"No. Please, tell to your fans that we are not in a relationship. Kung ano-ano na ang mga kumakalat sa social media."
"Oh okay... but hindi ka ba nila tatanungin kung sino 'yong girlfriend mo? You tell them that you have a girlfriend! Paano na lang kung malaman ng mga tao na ang girlfriend mo ay anak ng drug user and rapist
'di ba? Madadamayㅡ"
"I don't care. Sorry Eleina but I don't care about your opinion or the opinion of anyone. And please don't you dare look down on Yessha. Masama ako magalit," hindi niya na hinantay ang sasabihin nito at binaba na lang ang tawag.
He's pissed!
Tinawagan niya si Yessha at agad naman itong sumagot, kaya nakahinga siya ng maluwag. Nag aalala pa rin siya rito at mas nag-aalala siya dahil hindi siya sigurado kung okay pa ba ito dahil sa sitwasyon niya din tungkol kay Eleina. Hindi naman iyon totoo pero ang tanging nasa-isip niya lang ay ang dalaga.
"Hi hon! napatawag ka? nag la-lunch ako, late lunch," tumawa ito ng mahina at narinig niya ang pag nguya nito.
"I was about to ask you if you already ate your lunch. It's almost 2 pm, 'wag kang magpapalipas ulit ng gutom," pagpapaalala niya rito. Tumawa naman ito ulit ng mahina.
"Eh kasi kanina nabusog ako sa chocolate chips na dala ni miss Jai, kaya ayon, late na ako nag lunch, tinapos ko muna yung iniis-sketch ko. Ikaw? hindi ka ba busy? Mukhang nagkakagulo ang media tungkol sainyo ni Eleina ha! parang gusto ko manabunot ha!" Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi nito, wala sa sariling napatayo siya sa pagkakaupo.
"You know it's not true, we're not—" Napahinto siya ng makarinig nanaman ng halakhak.
"Alam ko 'no! ako lang naman ang love mo eh." Napabuntong hininga siya at napabalik sa pagkakaupo sa sofa. "Miss na ulit kita, free ka ba ngayon? tulog ka ulit sa bahay." His heart melt because of Yessha's sweet tone. Naiisip niyang nakanguso ito ngayon habang kausap siya.
"I am planning to go home to your house, I miss my hon too."
"Pinapakilig mo ako ha!"
"I'm going to pick you up after your duty. I am using my other car 'yong porsche na white. Hindi pa 'yon nakikita ng iba, so we'll be safe." Narinig niya ang pag buntong hininga nito.
"You are now too famous in the philippines, mukhang mahihirapan na tayong mag date niyan," tumawa ito ng mahina pero may bahid pa rin ng lungkot ang boses nito. "By the way, congratulations, ipapalabas na 'yong movie niyo next week 'di ba? ang bilis ng araw!"
"Don't worry, hon, ipapakilala rin kita sa lahat pag okay na ang lahat. Ayokong malagay ka sa alanganin." Gusto niya man ito ipakilala sa lahat pero nag-aalala siya dahil buhay pa rin ang issue ng ama nito. Panigurado mas maiipit ito lalo dahil maraming judgemental sa mundo.
"I'm fine, hon. Mas okay rin na sa inyo muna ang atensyon ni Eleina, hindi naman ako nag seselos dahil alam ko ang totoo. Tiyaka hindi kaselos-selos si Eleina 'no, mas maganda ako at mas malaki ang boobs ko!" He bite his lower lips, napangiti siya at napailing na lang.
"See you later, hon. I'll text you if I'm on my way to your work place."
"Okay! babalik na rin ako sa work, tapos na ako kumain."
"I love you."
"I love you too, Thunder ko!" Narinig niya ang pag-kiss nito sa kabilang linya kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya.
Binaba niya ang tawag ng may ngiti sa labi, kahit papaano ay naibsan ang pag-aalala niya sa dalaga. Naisuklay na lang niya ang buhok nang makita ang news about sa kanila ni Eleina. Nasabi niya na na may girlfriend siya pero hindi pa rin tumitigil ang mga tao sa kaka-ship sa kanila, at ang mga media naman gusto talagang makakuha ng gusto nilang sagot hindi 'yong totoo.
Nagliligpit na siya ng gamit dahil limang minuto na lang ay out niya na. Natapos na rin naman niya ang task niya ngayon at natapos niya na rin ang mga sketch niyang damit. Tumunog ang cellphone niya at agad niyang chineck iyon, si Thunder ang nag text sa kaniya.
'I'm here! take your time, hon.'
Hindi na siya nag-reply rito at nag madali na lang mag ligpit, kinuha niya agad ang kaniyang gamit at nag out na. Nag paalam siya kila miss Jai at kay Jeric, nag paalam din siya roon sa mga clerk at guard na binati pa siya.
Napalingon muna siya sa paligid para tingnan kung may kahina hinala bang tao, nakahinga siya ng maluwag ng wala naman. Nakita niya ang kotse nito at agad na kinatok ang bintana, nang marinig niya ang pag-click, mabilis niyang binuksan ang pintuan at umupo sa shotgun seat.
Ngumiti siya ng makita ang binata mabilis niyang niyakap ito at hinalikan sa labi. Madalang na lang sila magkita kaya mas lalo niya itong na miss.
"Magluluto ako, for our dinner," sambit niya sa binata habang nakangiti ng malawak.
"What will you cook?" tanong nito sa kaniya habang nasa kalsada ang tingin.
"Sizzling tofu and bacon lang para madali," she chuckled. Iyon kasi ang pinakamabilis na lutuin.
"You know how to make sizzling tofu?" gulat na tanong nito sa kaniya. Ngayon lang kasi siya nag decide ipagluto ito, kung hindi sila nag papa-deliver ito ang nagluluto para sa kaniya.
Tumango naman siya habang nakangiti. "Sakto lang, di naman ako magaling katulad mo! kaya kahit pangit lasa kainin mo ha!" she joked.
"I will eat anything from you." Nag init naman ang pisngi niya dahil double meaning iyon para sa kaniya. Kinuha nito ang isa niyang kamay at hinawakan ng mahigpit.
Medyo mahaba-haba rin ang byahe nila dahil traffic. Nang makarating sila sa bahay niya, dumeretso siya sa kwarto at mabilis na nag bihis ng pang bahay. Pagkatapos niya mag bihis dumeretso siya sa kitchen at nag hugas ng kamay bago maghiwa ng mga ingridients. Dalawang pan ang kaniyang gamit para mabilis, sa isang fyring pan nag pi-prito siya ng bacon at sa isa naman ay nag pi prito siya ng tofu na hiniwa niya na.
Habang nagpiprito siya, nag hiwa muna siya ng sibuyas at mga sili. Naramdaman niya naman ang pag yakap ni Thunder sa likod niya, nakapag palit na rin ito ng damit.
"Smell so good," bulong nito sa kaniya habang nakayakap sa kaniya at nakalapag ang baba nito sa balikat niya.
"Mabango talaga ang pritong bacon tsaka tofu no," she scoffed.
"No, you smell so good, hon," he whispered using his low baritone voice.
"Heh! magtigil ka muna mamaya na 'yan—"
"So, mamaya ha?" Napailing na lang siya at nangiti habang naghihiwa. Nang matapos siya sa pag hihiwa tinabi niya muna iyon at mabilis na inahon ang bacon sa mainit na pan. Tinulungan naman na siya ni Thunder dahil sinita na niya ito kakayakap sa kaniya dahil baka masunog ang niluluto niya.
Tinimpla niya ang sauce ng sizzling tofu at nang matapos inahon niya naman sa mantika ang mga tofu na naluto. Nilagyan niya ang isang pan ng butter at nag gisa siya ng chopped white onion at chopped chilli.
Mabilis lang din naman ang kaniyang pag luto at sakto naman na tumunog na ang sinaing niya sa maliit na rice cooker.
Thunder helped her to set the utensils and plates on the table. Pagkatapos nilang malapag pati ang pagkain sa gitna ng table ay umupo na rin sila para makakain.
She waited and stared at Thunder's face. Sumubo na kasi ito ng tofu na niluto niya. Nag hintay siya ng may sabihin ito. Sakto naman napatingin ito sa kaniya dahil nga magkatapat sila.
"Masarap," maikling sambit nito at sumubo ulit ng magana. Napangiti naman siya at mabilis na kumain. Napatango naman siya dahil masarap nga ang nagawa niya. Magaling 'yong napanood niya sa youtube.
"Hmm. Ang sarap talaga, sana ipagluto mo ako araw-araw," ani pa nito habang patingin tingin sa kaniya.
"Hindi ko magagawa 'yon pareho tayong busy sa trabaho," sambit niya rito bago sumubo ulit ng pagkain.
"Then after work, salitan tayo mag luto. Papatabain kita," he grinned.
"Ano 'yon araw araw ka pupunta rito? Mapapagod ka!"
"Then I'll move here, dito na ako titira." Muntikan na siya masamid sa pagkain sa bibig niya. Agad niyang inabot ang baso na may laman na tubig at uminom.
"Busy ka, gano'n din 'yon." Umiling ito sa kaniya.
"Hindi na ako tatanggap ng sobra-sobrang offer. I want to focus on you too. Feeling ko 'di mo inaalagaan ang sarili mo pag wala ako," napabuntong hininga ito. "Mas pumapayat ka," dadag pa nito.
Hindi naman siya nakapagsalita dahil totoo naman ang sinabi nito. Dahil sa problema, minsan nakakalimutan niya kumain dahil mas nagfo-focus siya sa trabaho para lang hindi maisip ang ama niya at ang mga iba pang problema.
"Hindi mo naman kailangan ako alagaanㅡ"
"It's my responsibility dahil girlfriend kita, and I want to take care of my future wife," he casually said. Nanigas siya at natigilan. Her heart start to beat faster and faster. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Parang may kung ano ang dumaloy sa katawan niya. Hindi niya alam kung anong pakiramdam iyon, pero hindi siya makapagsalita dahil sa mga sinabi nito.
Wife? Me? Future wife of Thunder?
Nabitawan niya ang kutsara't tinidor sa plato at nilapag niya ang kaniyang kamay sa hita niya.
"Thunderㅡ"
"I don't need an answer for now. Hindi pa naman ako nagpo-propose, but I want to tell you that I will marry you, Yessha. Because I date to marry, and my heart already chose you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top