CHAPTER 25
Hindi niya alam kung papaano haharapin si ate Beatriz. Kasama niya si Thunder pero iniwan niya ito sa parking lot dahil ayaw niya ito makita ng ibang tao. Nag-aalala siya dahil baka madamay ito, hindi niya pa naman alam ang mga galawan ng media dahil minsan pasulpot sulpot ang mga ito.
Tahimik lang siya sa labas ng kwarto nito, pero naglakas loob siyang kumatok at buksan ang pinto. Nandoroon ang ina nito at nakita niyang gising si Beatriz at umiinom ito ng tubig. Nakita niyang natigilan ito nang makita siya. Kinagat niya ang kaniyang labi dahil nagbabadya na naman ang kaniyang luha.
"Bibili lang ako ng prutas, anak," 'yon lang ang narinig niya sa ina nito, napagilid pa siya ng dumaan ito at napapikit pa siya dahil sa takot. Handa naman siyang tanggapin kung saktan din siya nito dahil sa ginawa ng ama niya.
Hanggang sa nakalabas ito hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi niya alam kung ano dapat ang unang sabihin, o ano dapat ang gagawin.
"Sorry," iyon ang unang salitang lumabas sa bibig niya. Nakayuko lang siya dahil hindi niya kaya tingnan ang kalagayan nito. Hindi niya kaya titigan ang mukha nito at salubunging ang titig. Nahihiya siya, pakiramdam niya isang kahihiyan din ang tumayo sa harapan nito ngayon.
"Bakit ka nag so-sorry?" rinig niyang tanong nito, hindi niya makita ang reaksyon nito. Hindi siya makapagsalita at tanging iling na lang ang nasagot niya dahil tumulo na naman ang luha niya. Sigurado siya pag nagsalita siya hahagulgol lang siya.
"Bakit ka nag so-sorry? ikaw ba ang may kasalanan? hindi ikaw Yessha! Bakit ka nag so-sorry!" Napapikit siya ng sumigaw ito, dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang mukha at nakita niya na ito ngayon na galit na nakatingin sa kaniya habang tumutulo ang luha sa mata.
"Ate Beatriz..." Basag na ang kaniyang boses, punong-puno ng sakit ang nararamdaman niya. Maputla ito at may pasa pa sa pisngi at may sugat sa labi.
"Huwag kang manghingi ng tawad sa akin, wala kang kasalanan! Hindi ako galit sa'yo, magkadugo man kayo ng hayop na 'yon at amo ko man siya o tatay mo siya wala akong pakialam! Sa kaniya ako galit kaya dapat hindi ikaw ang nanghihingi ng sorry!" Patakbo siyang lumapit dito at niyakap ito ng mahigpit.
"Ate Beatriz, sorry... sorry dahil nagkaganiyan ka dahil kay daddy."
"Wala kang kasalanan Yessha, kaya please lang 'wag kang manghingi ng tawad. Dapat hindi mo na 'to nalaman pa, alam ko ang dinanas niyo ng mommy mo dahil sa kalokohan ng daddy mo pati na rin ng mawala si ma'am Ysavelle. Ayoko na masaktan ka ulit Yessha, 'wag ka na umiyak. Wala kang kasalanan, hindi ko man masasabing okay ako pero mas magiging panatag ang loob ko kung iisipin mo na hindi mo ito kasalanan, dahil wala ka naman talagang kasalanan."
Niyakap lang niya ito ng mahigpit. Na-miss niya ito pero ito ang bubungad sa kaniya. Sa ngayon, punong puno na ng galit ang puso niya sa sariling ama. Una sinaktan nito ang mommy niya at pinabayaan silang dalawa, pangalawa ito naman na kaniyang tinuring na ate ay ginawan ng kahayupan ng kaniyang ama.
"Kumusta ka na? Mas lalo kang gumaganda," hinawakan nito ang pisngi niya at pinunasan nito ang mga luha roon.
"Okay ako ate Beatriz. Lagi ko pa rin kasama sila Olivia, Vixxie at Ivy. Pero ngayon may sari-sarili ring problema ang mga 'yon kaya hindi ko iniistorbo," hinawakan niya ang kamay nito.
"May boyfriend ka na? Oh, talagang ayaw mo?" tanong nito sa kaniya alam kasi nito ang desisyon niya na hindi siya mag bo-boyfriend at lalong hindi siya mag-aasawa.
"M-meron... kinain ko ang mga sinabi ko," nahihiyang ani niya. Ginulo naman nito ang buhok niya.
"Aba dapat lang! Mabait ba? Gwapo ba? Basta mahal ka pasado sa akin!" Napangiti siya rito at tumango.
"Mabait, gwapo, magaling mag luto at mahal na mahal ako," pag mamalaki niya. Gusto niya man na ipakilala ito ngayon kaso hindi p-pwede. Baka bigla na lang sumulpot ang mga media at madamay ang binata.
"Sasusunod ipakilala mo ako ha?" Tumango-tango siya. Napatigil naman sila ng may pumasok. Nakita niya ang isang lalaki kasama ang nanay ni ate Beatriz.
"Kailangan ka niya interviewhin anak, police siya." Tumitig naman sa kaniya si ate Beatriz at nginitian siya.
"Umuwi ka na at magpahinga, okay lang ako. Wala kang kasalanan Yessha tandaan mo 'yan." Nakagat niya na lang ang labi niya at tumango tiyaka niyakap ito bago umalis.
Dumeretso siya sa parking lot at pumasok agad sa kotse ni Thunder.
"How was it? Galit ba siya?" tanong agad nito at hinawakan ang kamay niya. Umiling siya at ngumiti ng malawak dito.
"Okay lang siya, hindi siya sa akin galit. Gusto ka niya makilala, pero siguro sa susunod na lang," sambit niya at pinakita niya rito na okay lang siya at ayos na siya.
Ayaw niyang makita siya nito na umiiyak at durog ulit. Marami na ang nag-aalala sa kaniya kaya kailangan niyang ipakita sa lahat na okay lang siya.
"Let's go, uuwi na muna ako sa bahay at ikaw umuwi ka na muna," ani niya rito kaya napalingon ulit sa kaniya ito.
"No, I'll stay with you." Ngumiti siya rito at umiling.
"I'm okay. You have work, right? Mas lalong sasama ang loob ko niyan kung mas pipiliin mo ako kaysa sa trabaho mo," tumawa pa siya ng mahina rito.
"I don't care about my work! Ikaw ang priority koㅡ"
"Thunder, please? After you finished your work, you can go to my house again." Napabuga na lang ito ng hangin at tumango dahil walang nagawa. Pinaandar nito ang sasakyan, tahimik lang siya habang nasa byahe sila.
She don't want to speak anymore. Baka pag nagsalita pa siya pumiyok na ang boses niya.
She's not okay, her heart is not okay, masakit para sa kaniya ang lahat. Puno ng sakit at galit ang puso niya sa tuwing naiisip ang kaniyang ama.
She tried to be alright but she can't. Alam niyang totoo ang sinasabi ng ate Beatriz niya na hindi ito galit sa kaniya. Pero hindi pa rin naalis ang sakit no'n sa puso niya.
Ang bigat bigat ng lahat, gusto niyang umiyak ng umiyak pero iniisip niya na mag-aalala lang ang nasa paligid niya.
She want to be alone, kaya pinipilit niyang 'wag muna umuwi sa kaniya si Thunder. Nakita na siya nitong durog at umiiyak, ayaw niya na itong makita siya ulit ng gano'ng lagay.
Hindi niya malaman kung bakit ganito ang buhay niya. Oo nga't mayaman sila, nabibili niya ang gusto niya pero hindi naman siya nakuntento.
Parang mas gusto niya pang maging mahirap pero kumpleto ang pamilya at may mapagmahal na magulang.
Simula ng nawala ang kaniyang ina, ang mga kaibigan na lang niya ang matatakbuhan niya. Kung wala ang mga kaibigan niya baka mas lalong pumait ang mapait niya ng buhay.
Tiningnan niya ang phone niya dahil sunod-sunod na text message ang natanggap niya sa mga kaibigan pati na rin kay ivy na nabalitaan na. Nag-reply naman siya agad sa mga ito.
Gusto pa sana ng mga ito mag group video call pero umayaw siya dahil hindi niya kayang makipag-usap ngayon.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay niya. Buti na lang wala ng media ang naghahantay dahil kung hindi, hindi siya makakauwi.
"Rest first, okay? Don't think too much, you will be okay, hon. I'm just here, call me if you need me. I'll go to you immediately. I'll try if I can go here later— no i'll go home to you after my schedule." Agad naman siyang umiling at hinawakan ang kamay nito.
"Bukas ka na pumunta, ikaw rin magpahinga ka! I'm okay, okay na ako," paninigurado niya pa rito. Lumapit naman ito sa kaniya at inabot ang pisngi niya para hawakan tiyaka hinalikan siya sa labi.
"I love you, hon" she smiled.
"I love you too, Thunder. Thank you so much." Hinalikan niya ulit ito at niyakap ng mahigpit. Humiwalay rin siya ng yakap dito dahil mas lalo lang siya maiiyak dahil sa mainit na yakap nito.
Nagpaalam na siya at bumaba ng kotse. Hinantay niya ito makaalis bago siya pumasok sa loob ng kaniyang bahay.
Pagkapasok niya sa loob ng kaniyang kwarto roon na siya napaluhod at tuloy tuloy ang agos ng kaniyang luha.
Puno ng hagulgol at iyak ang kaniyang boses. Binuhos niya lahat ng sakit na nararamdaman niya. Hindi niya pa rin matanggap na nagawa iyon ng ama niya sa taong pinaka-importante sa kaniya.
Kahit pa sabihing wala siyang kasalanan hindi iyon magpapawala ng sama at sakit sa kalooban niya.
Iyak lang siya ng iyak at hinayaan niyang sumigaw siya hanggang sa mapagod siya at mamaos ang kaniyang boses.
Hindi niya alam kung hanggang anong oras siya umiyak. Hindi niya rin namalayan na nakatulog na siya sa sahig.
Pag gising niya alas singko na ng madaling araw. Bumangon siya at lumipat sa kaniyang kama. Humiga siya roon at natulala nalang sa kisame.
Alam niyang namamaga ang mata niya dahil sa kakaiyak. Inabot niya ang kaniyang cellphone at tinext si miss Jai para humingi ng permisso na gamitin ang sick leave niya.
Pagod siya at namamaga ang mata niya. Ayaw niya lumabas ng bahay. Isa pa kung papasok man siya ngayon sa trabaho panigurado wala rin siyang matino na magagawa dahil blanko ang isipan niya.
Pinatay niya ang cellphone niya at muling pinikit ang mata.
Mommy? Ano bang dapat kong gawin? I love dad pero sobrang sakit ang ginawa niya ngayon. Sinaktan niya si ate Beatriz at dahil do'n nasaktan niya rin ako.
Sino nang lalapitan ko ngayon? I miss you so much mom. Na mi-miss ko na ang mga yakap at advice mo pag namo-mroblema ako.
Ayoko idamay ang mga kaibigan ko sa problema ko, ayaw ko rin madamay si Thunder.
Mom, please help me... please help me to ease the pain I feel.
Tumulo ang kaniyang luha sa mata, bigla niyang naisip ang kaniyang mommy. Pag may problema siya marami itong advice sa kaniya kaya nagagawan niya ng paraan ang mga problema niya.
Pero ngayon, mag isa na lang siya. Mag isa na lang talaga siya...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top