CHAPTER 24
Nakarating siya sa police station, pagkapasok niya may media na roon. Hindi niya pinansin ang mga ito at dumeretso sa isang police para magtanong.
"Where is Maxton Ramos?" agad na tanong niya, narinig naman niya ang bulong bulungan ng nasa likod niya.
"Kaano ano niyo po si Mr. Maxton Ramos?"
"I'm his daughter—" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil nagsilapitan ang mga media sa kaniya.
'Alam niyo ho ba na ang iyong ama ay drug user?'
'Ano ang masasabi mo sa nangyayaring ito?'
'Matagal na ba siyang gumagamit?'
'May isang reklamo na naka-rape raw ito—'
Hindi niya na narinig pa ang mga tanong dahil in-escort siya ng dalawang pulis para makapasok pa sa loob. Nakayuko lang siya habang naglalakad.
Sinenyasan siya ng isang police na pumasok doon sa pinto. Bumuga muna siya ng hangin bago hawakan ang doorknob at pumasok sa loob.
Naabutan niya ang ama na nakaupo sa upuan at nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa. Nakayuko ito at mukhang malalim ang iniisip.
Agad naman itong napalingon sa kaniya nang mapansin siya.
"Why are you here?! I toldㅡ"
"Is it true? You are a drug user?!" she almost shouted pero pilit niya kinakalma ang sarili niya. Hindi ito nakapagsalita bagkus umiwas lang ito ng tingin sa kaniya.
"Dadating na ang lawyer ko, pwede ka ng umalis." Umawang ang kaniyang labi dahil sa sinabi nito. Sumakit ang kaniyang puso at mas lalong bumigat ang dibdib niya dahil hindi nito tinatanggi ang ginawa.
"You are a drug user..." Hindi iyon patanong. Kinumpirma niya na dahil sa kilos nito. "Then... then how about the rape? I heard that you rape someone?" Mas lalong nanginig ang kaniyang boses. Napapikit siya ng hindi ito ulit nag salita. Naitanong niya lang 'yon dahil narinig niya sa isang lalaki kanina na hindi na natapos sa pagtatanong. Mas lalong dumagundong ang puso niya dahil hindi ito muling umimik.
"P-please dad... please... please tell me that you didn't rape someoneㅡ"
"I'm sorry... I'm on drugs that timeㅡ" hindi niya na pinatapos ang sinabi ng kaniyang ama at malakas niya itong sinampal. Kahit nanginginig ang kaniyang kamay, sinalubong niya ang titig nito sa kaniya.
Mas lalong sumisikip ang dibdib niya, parang hindi siya makahinga dahil sa narinig niya.
"Your forced someone for your own good? I can't believe this! You! You cheated on my mom that's why she's already gone! Pero pinilit ko patawarin ka! I really hated you, pero ano?! May ginawa ka na naman?! Nanakit ka pa ng ibang babae?! Dad! You have a daughter! I am your daughter! Don't you respect me?!" Bumuhos ang luha sa kaniyang mata. Tuluyan na siyang sumabog. Hindi na niya kayang pigilan pa.
"I respect you..." Mabilis siyang umiling dito habang pinupunasan ang mga taksil na luha sa kaniyang mata.
"What if some guy wants to rape me too? What if they just want to play with meㅡ"
"Ako ang makakalaban nila!"
"No dad! Kapareho ka lang nila! Kapareho ka ng iba na mang loloko! Pero mas malala ka! You raped someone?! You used drugs?! sana man lang iniisip mo na may anak ka! Na hindi puro pagpapaligaya lang ang nasa isip mo! Siguro hindi mo naman talaga ako inaalala at iniisip. Matagal na! Dati pa man, kahit buhay pa man si mommy, ako ang unang nakaalam na niloloko mo kami ni mom. Pero ano? Nanahimik ako dahil inaalala ko si mommy! Noong nagtatrabaho si mommy sa ibang bansa, kasama nga kita sa bahay pero hindi kita ramdam! Mas ramdam ko pa noon si mommy na mas malapit siya sa akin dahil araw araw niya ako kinakausap kahit pagod siya. But how about you?! Yeah! You give me money and luxury things, pero sa tingin mo iyon ang nagpapasaya sa akin?! I need a parent, dad! I need a love! Kailangan ko ng isang kalinga ng ama na hindi mo kailanman naibigay sa akin!"
Naikuyom niya ang kamao niya. Hindi niya na alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano haharap sa ibang tao.
Natigilan siya ng biglang may pumasok na isang matandang lalaki at babae. Napaatras siya ng sinugod nito ang ama niya. Nailagay niya ang kaniyang kanang kamay sa bibig dahil sinuntok ng matandang lalaki ang kaniyang ama.
Hindi siya makapag-react. Nagwawala at puno ng hagulgul ang kwarto ngayon dahil sa dalawa. Pinigilan naman ng dalawang pulis ang matandang babae at lalaki.
"Putangina mo! Hayop ka! Binaboy mo ang anak ko! Hudas ka! Demonyo! Anong akala mo?! Porket katulong ang anak ko kaya mo ng babuyin?!" sigaw ng lalaki habang umiiyak.
Natigilan naman siya sa narinig.
Katulong?
"Walang hiya ka! Binaboy mo ang anak ko! Sinaktan mo pa! Ikulong niyo 'yan! Ikulong niyo yan! Huwag niyong hayaan na makalabas 'yan sa kulungan!" Sobrang lakas ng hagulgol ng matandang babae at napaluhod na ito sa sahig.
"Nakatulala na lang si Beatriz! Na-trauma ang anak ko sa kahayupan na ginawa mo! Putangina mo! Mapapatay kitang hayop ka!"
Beatriz...
Si ate Beatriz? ang matagal na nilang kasambahay?
Simula first year highschool pa lang siya ay ito ang nag aasikaso sa kaniya. Ito ang pinaka close na maid niya sa bahay nila dahil ang mommy niya mismo ang kumuha rito.
Napahawak siya sa upuan na malapit sa kaniya. Biglang umikot ang kaniyang paningin, tila ba dumidilim at ang tanging naririnig niya lang ay malakas na iyak at sigawan.
Bago siya tuluyang bumagsak narinig niya pa ang pagtawag sa kaniya ng ama.
-----flashback-----
Tuwang tuwa si Yessha dahil nakatanggap siya ng bulaklak galing sa crush niya na si Gerald. Sabi kasi ng binata sa kaniya ay liligawan daw siya nito. Bago siya makapasok sa loob ng bahay, luminga linga siya dahil hindi siya sigurado kung wala ba talaga ang daddy niya sa bahay. Minsan kasi wala itong pasabi na uuwi na, bigla bigla na lang ito dumadating.
Tinago niya sa likod ang bulaklak at tatakbo na sana ng may biglang magsalita.
"Ikaw ba si Yessha?" nanlaki ang mata niya at napatingin sa babaeng nakangiti habang nakatingin sakaniya. Mahaba ang buhok nito at simple ang ayos. May kagandahan ito at morena ang balat.
"A-ah opo, sino po kayo?" tanong niya rito, muntikan pa magbuhol buhol ang kaniyang dila dahil sa kaba. Paano na lang kung isumbong siya nito sa daddy niya, pag nalaman na may nanliligaw sa kaniya?
"Ako ang bago niyong kasambahay, naikwento ka na sa akin ni ma'am Ysavelle. Ako ang mag aasikaso sayo, ako nga pala si Beatriz," nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa kaniya.
"Si mommy ang kumuha sa'yo?" tanong niya rito at tumango naman ito agad. Nakita niya ang pagbaba ng tingin nito sa kamay niya dahil bumagsak iyon sa gilid niya, nataranta naman siya at agad tinago ang bulaklak sa likuran niya. "A-ah ano... binili ko 'to, project," kinagat niya ang dila dahil sa pagsisinungaling.
Tumawa naman ito at napakamot sa ulo. "Hay nako, 'wag kang mag alala kahit galing pa 'yan sa lalaki, hindi naman kita isusumbong. Basta pag niloko ka, sabihin mo sa akin ha? ako ang reresbak sa'yo!" natatawang sambit nito. Napatulala siya dito pero unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Medyo gumaan ang kaniyang pakiramdam dahil mukhang nagsasabi naman ito ng totoo.
"Tara na! wala naman 'yong daddy mo rito, pumunta ka na sa kwarto mo para mag bihis tapos bumaba ka ulit, gumawa ang mama ko ng puto para baon ko pero sobrang dami kaya pinamigay ko rin sa mga iba pang kasambahay."
"Ano po 'yong puto?"
"Ha?! ay nako! basta masarap iyon tapos may yema pa sa ibabaw! dalian mo magbihis para makakain ka na." Bigla naman siya na excite dahil hindi niya alam ang sinasabi nitong puto pero alam niya ang yema. Mahilig siya sa matamis kaya natutuwa siyang marinig iyon.
Dali-dali siyang nag bihis at bumaba rin agad, natakam naman siya dahil hinanda na nito sa dining table ang pagkain.
"Oh, mukhang masarap 'di ba? masarap talaga 'yan!" Kumuha siya ng isa at kumagat, kumislap naman ang kaniyang mata dahil sa sarap.
"Masarap nga! gusto ko nito araw araw! pwede ko ba ito ibaon? saan nakakabili nito? pwede ko bang dalhan si Gerald? Iyon 'yong crush ko! tapos binigyan niya ako ng bulaklak," hagikgik niya at nagsimula na siyang magkwento rito.
"Ilang taon ka na pala ate Beatriz? mukha kang bata tapos maganda ka! Nag-aaral ka pa rin ba?" tanong niya naman dito ng matapos mag kwento.
"Highschool lang ang natapos ko, 23 years old pa lang ako"
"Whaaa! ako 13 palang ako! kaya pala nagtaka ako kanina, kasi halos mga kasambahay namin dito ay 35 pataas ang edad." Tumango tango ito sa kaniya. Nagsimula naman itong mag kwento sa kaniya, kaya mas lalong gumaan ang loob niya rito.
Kinwento niya rin sa mommy niya na tuwang-tuwa siya sa bago nilang kasambahay at kinwento niya rin ang pinakain sa kaniya nito na masarap.
Hanggang sa niloko siya ni Gerald at Carliza, kinwento niya iyon sa sa ate Beatriz niya, nagulat siya dahil sinugod nito si Gerald at malakas na sinuntok sa mukha. Hindi niya alam kung matatawa siya no'n dahil wala naman siyang naramdaman na awa sa lalaki.
Ito lang ang napapagsabihan niya ng sama ng loob niya at kung ano-ano pa. Hanggang sa mamatay ang kaniyang mommy ito ang karamay niya. Nang umalis siya sa mansyon at lumipat sa bago niyang bahay para mag solo. Hindi ito sumunod dahil kailangan din ng kasambahay doon sa mansyon dahil dalawa ang umalis at nag-retired na.
Nalungkot man siya pero wala na siyang magagawa. Paminsan minsan na lang niya ito kinakamusta lalo na pag hindi siya busy.
-----End of Flashback-----
Nagising siya at bumungad sa kaniya ang hindi pamilyar na kwarto, agad siyang napabangon at mag papanic na sana nang bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya si Thunder na may dalang paperbag.
"Thunder?" napahawak siya sa ulo niya dahil nahihilo pa rin siya dahil sa pagkabigla na bangon.
"Are you okay now? may masakit ba sa'yo? I'm worried, hon. Bigla ka na lang tumawag sa akin, akala ko ikaw 'yon pero isang police ang sumagot... nakwento na nila ang lahat sa akin." Agad siyang napaiwas dito ng tingin. She felt embarrassed. Wala siyang mukhang ihaharap dito, her status is messed right now. Naibalita ang kaniyang ama panigurado, may mga media na gusto na siyang interviewhin.
But first she want to see ate Beatriz. Kahit na nahihiya at natatakot siya ditong lumapit, gusto niyang humingi ng tawad dito dahil sa ginawa ng ama.
"Hon..." tawag nito sa kaniya, lalapit sana ito at hahawakan siya pero iniwas niya ang sarili.
"K-kailangan ko na muna umalis, Thunder." Tumayo siya pero agad siyang nahawakan ni Thunder sa braso kaya napaupo siya ulit sa kama.
"Where are you going? you can't go home right now, nalaman ng media kung nasaan ka nakatira. You should rest first—"
"No! I need to see ate Beatriz! I need to apologize to her! Sobrang sakit para sa akin ang nangyari sa kaniya dahil si daddy ang gumawa no'n! Narinig ko at nakita ko kung paano masaktan ang magulang niya sa harapan ko! I can't rest here Thunder! I can't..." bumuhos ang mga luha sa kaniyang mga mata. She's in so much pain, she don't know what to do anymore, she don't know how to face ate Beatriz and her family.
Naramdam niya ang mainit na yakap ng binata kaya mas lalo siyang napahagulgol. Sobrang sakit at sama ng loob niya sa kaniyang ama. Hindi niya na ito mapapatawad. Pakiramdam niya nauubos na siya, parang biglang bumagsak ang puso niya at pagod na pagod na siya sa lahat lahat.
"It's okay to cry, I'm here, hon. I won't leave you, just cry on my shoulder. Hindi kita papabayaan kaya please lang, makinig ka muna sa akin. Magpahinga ka muna at sasamahan kita bukas na pumunta sa hospital." Hinagod nito ang likod niya, hindi na siya nakapagsalita at tanging iyak lang ang lumabas sa kaniyang bibig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top