CHAPTER 23
She woke up with a bad feeling because Thunder is not answering her calls. Kagabi pa, hindi niya alam kung bakit pero masama ang loob niya.
After she saw that photo, she is calming herself but still she can't calm.
Paulit ulit tumatatak ang litrato sa kaniyang utak pati na rin ang mga suportang natatanggap ng dalawa. Dapat kasi hindi na lang niya binasa ang comment.
Natapos siyang naligo at habang nagtutuyo ng buhok ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
'Hon is calling...'
Wala sa sariling kinuha niya iyon at sinagot. Hindi siya nagsalita at nakinig lang.
"Hello? Hon? I'm really sorry, I didn't call you yesterday because I lost my phone. Kakahanap lang ng manager ko nalaglag sa may garden kung nasaan kami nag shoot, and if you saw my photo with Eleina, it's true that we are in front of the hotel. Pero hinatid ko lang siya dahil nagkaroon ng problema 'yong manager niya. Walang maghahatid sa kaniya. Please don't get mad at me. I can't go to your house because of the media's outside of my agency," paliwanag nito sa kaniya. Malungkot ang boses nito na parang nababahala kung ano man ang magiging reaksyon niya. She just sighed and take a breath.
She can't help but get jealous, kahit na alam niya na sa kaniya si Thunder, kahit na alam niyang wala naman itong pakialam sa ibang babae. Pero alam niya kasi na may gusto si Eleina rito.
She felt scared... scared that Thunder might get over with her and choose Eleina. Parang nung nangyari noong highschool siya.
Gerald, her first boyfriend and Carliza, her friend. Pinagtaksilan siya ng dalawa.
"It's fine..." halos pabulong ang kaniyang boses.
"Honㅡ"
"I'm really okay, Thunder. I trust..." she bite her lips before continuing, "...you." Napapikit siya at pilit na sinasabi sa sarili na pinagkakatiwalaan niya ang binata kahit nakaramdam siya ng takot.
"I promise that I will go to you after this mess. Tapos na ang shooting namin. Masyado lang magulo dahil sa kumuha ng litrato na 'yon. Babawi ako hon, I love you. I need to end this call I have a meeting with my agency." Napatango na lang siya kahit hindi siya nakikita nito.
"I love you too," she said before she ended the call. Binaba niya ang cellphone sa desk niya at pinagpatuloy ang ginagawa.
Hanggang sa makarating siya sa kanilang shop, punong-puno pa rin ang kaniyang isip tungkol sa binata pati kay Eleina. Pilit niyang winawaksi ang nasa isip pero hindi talaga niya magawa. She's getting scared and coward again.
"Yessha, ang baso!" nagulat siya dahil sa sigaw ni Jeric pati na rin sa tunog ng nabasag na baso. Nanlaki ang mata niya at agad na umupo para pulutin iyon pero nasugatan lang ang kaniyang kamay.
"Tumayo ka, ako na ang maglilinis. Okay ka lang ba?" tanong nito nang makalapit sa kaniya. Pinatayo siya nito at wala sa sariling napatango habang nakatingin sa kamay na may sugat.
"Hindi ka okay, kanina ka pa wala sa sarili," pagpupuna nito kaya napayuko siya.
"Sorry, natapon 'yong kape na tinimpla mo para sa akin," mahina ang boses niya, bigla siyang nahiya dito dahil pinagtimpla pa naman siya ng kape nito.
"Nako, okay lang 'yon. Sige na ako na maglilinis dito," ani nito.
"Oh? anong nangyari? nabasag?" agad na tanong ni miss Jai pagkapasok nito sa office habang may hawak na papel.
"Ah, natabig ko po miss Jai," napakamot siya sa ulo.
"Okay lang kayo? wala naman nasugatan?"
"Wal—"
"Si Yessha, bigla kasing dinampot wala namang gloves na suot, ayan tuloy," pinatunog nito ang dila at umiling-iling sa kaniya si Jeric. Napanguso na lang siya.
"Sige na gamutin mo muna 'yan at baka lumala pa," utos sa kaniya ni miss Jai. Tumango siya rito at inabot ang first aid kit sa office nila.
Umupo siya roon sa sofa at ginamot ang daliri niya, hindi naman masyadong malaki ang sugat pero dumugo iyon.
"Tungkol ba 'yan kay Thunder? nakita ko 'yong issue sa social media. Ganiyan talaga pag celebrity model, ma-iisue kahit saan. Kaya 'wag ka kaagad mag tiwala sa mga gano'n. Marami rin kasing fans ang gusto i-ship sila kaya 'yong iba gumagawa gawa na ng kuwento," sambit ni Jeric habang tinapon sa basurahan ang mga bubog na nasa plastic.
"Alam ko naman na hindi totoo 'yon," pero natatakot lang ako... ayoko maulit ang nangyari saakin dati, yoong maloko, yoong ipagpalit sa iba.
Nang magamot niya ang kaniyang sugat ay nilagyan niya iyon ng band aid at tumuloy sa kaniyang trabaho. Kaunti lang naman ang mga task nila dahil mabilis sila gumawa ni Jeric. Pareho kasi sila na ayaw sa last minute, or 'yong nag gagahol.
Pagkauwi niya sa bahay pakiramdam niya pagod siya kahit hindi naman malala ang mga ginawa niyang trabaho. She wants to rest immediately, pero pagkapasok niya nakita niya si Thunder sa sofa na nakaupo, nakajacket itong itim at nakasumbrero rin.
"Thunder," she whispered. Agad naman napalingon ito sa kaniya at napatayo. Sinalubong siya nito ng yakap. Yakap na nagsasabing okay lang ang lahat at yakap na nagsasabing hindi siya nito kaya lokohin. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at niyakap din ito ng mahigpit. Na-miss niya ito ng sobra, sinubsob niya ang kaniyang mukha sa dibdib nito.
"I miss you," bulong nito kaya napangiti siya.
"I miss you too," tugon niya rito. Humangad naman siya at mabilis itong yumuko para bigyan siya ng halik sa labi. "Wala kang dalang sasakyan? hindi ko nakita sa garage," tanong niya. Humiwalay siya rito at binaba ang gamit sa sofa.
"Wala, nag taxi ako, dahil tumakas lang ako. The media was crazy, sinabi ko ng wala kaming relasyon ni Eleina at sinabi kong may girlfriend na ako pero hindi pa rin tumitigil."
Naglakad siya papunta sa kitchen para uminom ng tubig pero sinundan pa rin siya ng binata.
"Sinabi mo ang pangalan ko?" nanlaki ang mata niya at napatingin dito.
"No, ayokong guluhin ka nila. but I did say that I have a loving girlfriend." Kunwaring inirapan niya ito. Uminom siya ng tubig pero napatigil siya ng hawakan nito ang isang kamay niya. 'Yong may band-aid.
"What happened to your finger?"
"Uh, nasagi ko 'yong baso, nabasag kasi tapos pinulot ko kaagad nataranta kasi ako." Narinig niya ang pagtunog ng dila nito.
"Next time be careful, buti na lang maliit lang."
"Yes po!" she smiled at him. Ginulo lang nito ang buhok niya.
Binaba niya ang baso sa lamesa at tumungo ulit sa living room para kunin ang gamit niya. Umakyat silang dalawa at pumasok sa kwarto niya, nilagay niya ang bag sa tabi at naupo sa bean bag chair niya. Magpapahinga lang siya bago mag shower.
"Kumain ka na?" tanong nito. Tumango naman siya dahil kumain siya ng burger kanina at busog pa siya.
"Ikaw?" Umiling ito, nakaupo ito sa dulo ng kama habang nakatingin sa kaniya.
"Bakit 'di ka pa kumakain!" Nag-alala siya rito dahil hindi pa ito kumakain.
"Hindi ko namalayan ang oras, ang tanging nasa isip ko lang ay ikaw." Napanguso siya rito at inabot ang cellphone niya.
"Mag-oorder na lang ako, anong gusto mo?" tanong niya habang nakatingin sa kaniyang cellphone.
"Ikaw?" Sinamaan niya ito ng tingin, tumawa naman ito. "Ikaw, anong gusto mo!" Inikot niya ang kaniyang mata, inaasar na naman siya nito.
"Pero pwede rin naman kasi ikaw, addict na ata ako sa'yo dahil lagi kitang hinahanap." Tumayo ito at lumuhod tiyaka siya niyakap, napatigil siya sa pag scroll ng cellphone dahil sinubsob nito ang mukha sa leeg niya. "Don't leave me, Yessha. I can't live without you," bulong nito. Natulala siya at ang tanging naririnig niya lang ay ang puso niya na nagwawala na.
"I won't... I won't leave you," at hindi ko maisip na iwanan ka. I already fell too hard and my heart always beating faster when I'm with you. Kaya please, sana ako rin. 'Wag mo rin sana akong iwanan kahit anong mangyari...
Niyakap niya lang ulit ito, ilang minuto silang nagyakapan bago siya nakapag-order ng pagkain nito. Naligo muna sila habang hinahantay ang pagkain. Nakisabay na naman kasi ang binata sa kaniya, pero wala naman silang ginawa dahil nakaligo naman sila ng maayos at normal.
Pagkatapos nilang mag shower, saktong dumating na ang mga pagkain. Si Thunder ang kumuha at inakyat din dito sa kwarto dahil dito nila balak kumain habang nanonood ng tv.
Ganoon lang ang ginawa nila buong gabi, dito na rin ito natulog.
Kinabukasan maaga itong umalis dahil sinundo ito ng manager nito. Siya naman pumasok na sa trabaho. She feels okay now, kasi nakasama niya naman na rin si Thunder kahit ilang oras lang.
Binuksan niya ang kaniyang cellphone ng tumunog iyon. Nakita niya ang iilang mensahe sa kaniya ni Olivia.
'Where are you?'
'Are you okay?'
'Please call me back, I'm worried.'
Kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang kaibigan. Mayamaya nag-ring ang telepono niya at si Olivia iyon. Agad naman niya iyong sinagot.
"Helloㅡ"
"Yessha... are you okay?"
"Yeah... I am working right now. Anong problema? Wrong send ka ba or what?" natatawang sagot niya. Natahimik ang kabilang linya kaya nagsalita ulit siya.
"Wrong send 'yon 'no? Para kay red ba 'yan?" hagikgik niya. Nasa hacienda pa rin ito, miss niya na rin ang mga kaibigan. Si Vixxie kasi kakapanganak lang kaya hindi niya maistorbo, si Ivy naman ay nasa ibang bansa.
"You... you didn't saw the news?"
"What news? Kay Thunder ba? Oh! Don't worry we're okay. May higad lang talaga na papansinㅡ"
"No, about your father!" Nawala ang ngiti niya sa labi at natigilan. Nag salubong na ang kaniyang kilay. Hindi niya alam kung bakit siya kinain ng kaba.
Tatayo sana siya ng masagi niya ang salamin na nakatayo sa desk niya. Napatingin siya roon at napatulala.
Kita niya ang replekyon niya sa salamin na basag.
"What about my father?" seryosong tanong niya dito. Hindi niya pinansin si Jeric na napatayo dahil nakabasag na naman siya.
"I'll send you the link... please calm down okay?" Puno ng pag-aalala ang boses ni Olivia. Napansin niya si Jeric na nagsasalita habang pinupulot ang nabasag niya na salamin pero hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Parang bigla siyang nabingi at nakatuon lang ang pansin niya sa link na sinend ni Olivia.
Pinindot niya ang link at bumungad sa kaniya ang website ng news.
Nanginig ang kaniyang kamay at natulala roon sa cellphone niya. Hindi siya makapagsalita, pakiramdam niya nakalutang siya sa isang madilim na lugar at ang tanging ilaw lang na nakikita niya ay 'yong nasa cellphone niya.
'MR. RAMOS FROM RAMOS MARKETING INC. IS A DRUG USER'
Wala sa sariling iniscroll niya ang website at nakakita siya ng video roon. Kinlick niya iyon para kumpirmahin. Kitang-kita sa video ng isang bahay, may mga kasama ang kaniyang ama at nakita niyang bumibili ito ng kung ano. Nasa isang malaking case ang kinuha ng kaniyang ama at nakangiti itong nakipagkamay sa kausap. Agad niyang pinatay iyon dahil hindi niya kaya ituloy ang panonood.
"Yessha... okay ka lang ba? kanina pa ako nag—" hindi niya na ito pinatapos at mabilis siyang tumayo at mabilis na nagligpit.
"I'm sorry, Jeric. I need to go now." Nagmamadali siyang kumilos dahil kailangan niya puntahan ang ama. "Please, pasabi na lang kay miss Jai, may emergency. Sorry talaga." Hindi na niya ito hinantay magsalita at mabilis na lumabas ng opisina at bumaba. Pagkalabas niya ng shop ang tanging nasa isip niya lang ay ang ama niya.
Pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan, habang tinatawagan ang secretary nito.
"Hello? where's dad?" tanong niya.
"Nako ma'am hindi po kayo pinapapunta ni—"
"I don't fucking care! just give me the damn address!" she shouted. Natigilan ito pero nagsalita rin agad.
"Nasa police station po malapit sa kompaniya." Mabilis siyang nag u-turn at mas pinaharurot pa ang sasakyan. Sumasakit ang ulo niya dahil sa biglaang problema. Galit siya sa daddy niya pero napatawad niya na ito. Hindi niya akalain na gagawa na naman ito ng masamang bagay.
She didn't expect that her dad will use drugs, for sure nadamay na naman ito sa mga kaibigan nito. She know her dad as a playboy but not as a drug user, she can't believe that he will do something like this.
Hindi niya alam ang mararamdaman niya sa ngayon, hindi niya alam kung papaano ito haharapin at kakausapin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top