CHAPTER 21


Day off niya ngayon pero maaga siyang nagising dahil nagpapasama sa kaniya si Thunder para sa solo shoot nito. Extra na siya sa shoot nito dahil si kuya Victor mismo ang magiging photographer. Ang shot kasi ay mag t-trekking silang dalawa.

30 seconds na advertisement video at mga pictures ang kailangan. Sa una dapat si Thunder lang naman, sabi niya rito na okay lang naman na sa bahay lang siya dahil may work ito. Pero hindi niya alam nag request pala si Thunder kung pwedeng may isang model pa at nag-suggest ito ng tema sa advertisement. Pumayag naman ang head ng shoot na ito, dahil nagustuhan daw ng may-ari ng branded hiking and trekking gears ang suggestions ni Thunder.

Ngayon nag makeup lang siya ng natural look dahil mag ha-hiking sila at mawawalas din iyon. Alas tres pa lang ng madaling araw at ayos na ayos na siya. Nakasuot na rin siya ng damit ng sponsor. Inayos niya ang sariling gamit at bumaba na dahil nag text na sa kaniya si Thunder na nasa baba na raw ito.

Pinasok niya ang gamit sa kotse nito at hinalikan naman siya nito sa labi bago nito paandarin ang sasakyan.

"You can sleep, almost 3 hours ang byahe natin," sambit nito at medyo binaba ang kaniyang upuan para makaayos siya.

"Hindi naman natin habol ang sunrise 'di ba?" tanong niya ulit dito.

"No, sleep first para may lakas ka mamaya." Napanguso naman siya dahil ang unfair kung matutulog siya.

"Dapat kasi sumabay na lang tayo sa van na dala ng manager mo."

"Ayoko, hindi kita masosolo."

"Mapapagod ka naman!"

"I'm okay, hon. Just sleep, sleep for me," he chuckled. Tinaas nito ang kamay para abutin ang kaniyang ulo tiya nito ginulo.

"Hey! kakasuklay ko lang eh!" napasimangot na siya lalo nang gumulo ang buhok niya pero tinawanan lang siya ni Thunder. Hindi naman na siya makatulog kaya nag pa tugtog lang siya ng malakas na music at paminsan ay kinakausap si Thunder.

Nakarating sila banda sa Mt. Batulao ng ala sais ng umaga. Nakita niya ang mga photographers at staff doon na mag aasikaso sa kanila. May make-up artist naman at kilala niya iyon 'yong naging assistant ng ate Bella niya, napag-alaman niya kasi na busy ang pinsan niya kaya hindi ito ang magiging make-up artist nila. No need naman na heavy make up dapat natural look lang.

Nakasuot na sila ng damit at mga gear nila pati 'yong bag na pang hiking, 'yon kasi talaga 'yong dapat makita sa picture for advertisement.

"Kumain muna tayo bago mag umpisa!" Anunsyo ng isang staff at inasikaso naman sila papunta roon sa restaurant.

Kumain sila ng lomi roon, mabilis lang din ang pagkain nila dahil para hindi mahirapan dahil kung magtatagal pa sila ay sobrang init na mamaya. Nang matapos sila kumain nagpahinga lang sila saglit at ready to trek na sila. Nasa likod nila ang mga staff at sila ang nauuna. Hindi naman kailangan um-acting dahil gusto ng mga ito ay natural lang, basta mag s-shoot lang daw ang mga ito.

Hindi sobrang hirap mag trekking, mas nare-relax pa siya dahil sa natural na ihip ng hangin at sakto lang din ang init. Nakasuot sila ng parehong black rubber shoes ni Thunder. Siya naman naka black sports bra at black highwaist leggings, may jacket din na nakatali sa bewang niya at suot suot niya ang bag.

Si Thunder naman ay naka sports short ito na black at longsleeve na jacket na medyo fit at turtle neck. Nabigla siya ng hinawakan nito ang kamay niya, tatanggalin niya sana dahil naalala niya ang mga staff sa likuran nila na vinivideohan sila pero hindi niya matanggal dahil mahigpit ang hawak sa kaniya ng binata.

"Thunder may mga tao sa likod" bulong niya rito.

"It's fine," binalingan siya nito at nginitian na parang nag sho-shoot ng toothpaste commercial.

"That's perfect! Mag tinginan pa kayo habang magkahawak ang kamay," narinig niyang sambit ni kuya Victor na nag le-lead ngayon. Ginawa naman nila at ngumiti siya ng totoo, hindi inisip ang mga tao sa likod para maging natural ang ginagawa nila.

Nakaramdam siya ng pagod nang umabot sila ng isat kalahating oras, mga isang oras nalang daw ay malapit na sila sa pinakataas at mas magandang view. Nag acting na nga sila na inaabutan siya ng tumblr ni Thunder habang nakangiti at tinanggap naman niya ito at pinakita ang logo ng brand sa tumblr.

Madali lang naman dahil nagugustuhan agad ng mga staff ang ginagawa nila.

"Bagay sila!" Narinig niyang nag uusap ang tatlong babaeng staff banda sa gilid. Tumigil kasi sila para magpahinga, medyo natatakot siya dahil matarik na talaga. Parang pag nadulas siya deretso siya hanggang baba.

"Oo! tiyaka iba ang chemistry nila kaysa kay miss Eleina Johnson 'di ba?" rinig naman niyang sabi ng isa.

"Ay oo! sinabi mo pa! maganda si miss Eleina pero 'di sila bagay ni sir Thunder." Napasabay ang hagikgik niya sa mga ito. Nagulat siya ng lumapit sa kaniya si Thunder at pinadausdos ang kamay nito sa bewang niya.

"Thunder!" saway niya rito.

"Ano? It's fine. Gusto mo ba ipagsigawan ko rito na girlfriend kita." Ngumuso siya at umiling.

"Mahihirapan ka, pagnagka-issue." Iyon talaga ang inaalala niya, paano na lang pag nagalit ang mga fans nito. Wala siyang pakialam sa mga iniisip ng iba, pero mas iniisip niya ang binata.

"Let's go!" sigaw ng isang staff. Mabilis naman kinuha ni Thunder ang kamay niya at nagsimula ulit sila mag trekking. Hanggang sa marating nila ang pinakamataas, they did a lot of photoshoot and video, act a little and viola they are done.

Napangiti siya dahil sa ganda ng view, mukhang nakikisama ang panahon sa kanila dahil malamig ang simoy ng hangin at ang araw ay hindi gaano masakit sa balat.

"It's beautiful..." rinig niyang sambit ni Thunder, tumango naman siya bilang pag sang-ayon.

"My view is beautiful..." sambit ulit ni Thunder, napalingon naman siya rito at nagulat siya dahil nakatutok ang phone nito sa kaniya, kaya pala nasa bandang likod niya ito"

"Thunder!" sigaw na sambit niya. Tinawanan naman siya nito.

"Do you guys agree that my view is very beautiful? This woman is mine." Nilapitan niya ito at hinablot ang cellphone nito. Nakahinga siya ng maluwag na hindi naman pala live iyon.

"Let's take a picture! marami ka ng stolen shots sa phone ko," he chuckled. Kinuha nito ang cellphone nito sa kamay niya at pinindot ang camera. Inakbayan naman siya nito at nag picture silang dalawa.

Niyakap naman niya ang binata at kiniss pa ito sa sa pisngi, nag isang shot pa sila pero lumingon ito sa kaniya kaya ayon nagkaroon sila ng picture na magkalapat ang labi.

Bigla niyang nakalimutan na may kasama pala sila, agad siyang napalingon at 'yong iilan na staff ay nanahimik pero nangingiti sa kanilang dalawa. Nag-init ang pisngi niya nang nakita niyang nag thumbs up si kuya Victor na parang tuwang-tuwa.

"They already know about us... ikaw kasi ang harot mo!" sambit niya rito habang nakanguso. Hinapit naman siya nito at tiningnan ng mabuti.

"It's fine, hon. Gusto ko ngang ipaalam sa lahat ng lalaki na akin ka lang at wala ng makakaagaw sa'yo." Napangiti naman siya, mabilis niyang hinalikan ito sa labi at niyakap tiyaka tumingin sa view nila.

"I love you Yessha Mari Ramos" bulong nito sa kaniya. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya hindi na siya mapakali. Umaapaw ang kaniyang kasiyahan.

"I love you too, Thunder Jimenez. Akin ka lang," she murmured. Hinalikan siya nito sa tuktok ng kaniyang ulo.

"I'm yours, hon" he murmured back. Nagtagal lang sila roon ng ilang minuto at bumaba na rin sila. Masakit ang katawan niya pero bawi naman sa mga magagandang tanawin.

After the shoot, they check-in. It's a luxurios and private beach resort. Para siyang malaking bahay na maganda ang tanawin. May pool din tapos makikita mo roon ang dagat.

Kaya pala gusto nito ma solo siya at nagdala ng kotse para dumeretso silang dalawa rito. Kaya pala sinabihan din siya nito na mag dala ng extrang damit.

"Gusto kitang solohin, we are both busy on our works, let's relax here," ani nito ng makapasok sila sa room nila. Seaview ang room nila at napaka-aliwalas talaga tingnan. Binaba niya ang mga gamit niya at pumunta sa balcony para tingnan ang view. Niyakap naman siya nito galing sa likod.

"3 days and 2 nights tayo dito, napagpaalam na kita kay Miss Jai." Nanlaki ang mata niya at mabilis itong hinarap.

"How? kailan ka pumunta sa shop?" gulat na tanong niya.

"I called in your shop then I bought a 10 pieces suit, sinabi ko rin na hindi ka makakapasok for 2 days. And if they allow it then I will accept their offer to be the model of FLC." Napasinghap siya at hinampas ito sa dibdib.

"Ikaw ginagamit mo ang kasikatan mo ha!" Pinaningkitan niya ito ng mata at marahan na tinulak para makaalis siya sa bisig nito.

"Hays, wala tuloy akong swimsuit na dala," sambit niya habang kinakalkal ang kaniyang bag na ang laman ay extra shirt and short tiyaka underwear lang. Pang isahang araw lang iyon.

"I bought you a pair of swimsuit and tshirt." Nilingon niya ito, papunta ito sa mga gamit na dala kanina. Nilabas nito ang laman sa paper bag. Akala niya isa lang 'yon sa gamit ni Thunder.

Pinakita nito ang itim na cyclings at itim na rush guard, mas lalong naningkit ang mata niya roon.

"Really? A rushguard?!" she scoffed. She rolled her eyes and get the rush guard. Wala na siyang magagawa dahil nandidito na ito.

"There's a lot of people out there. I can't stay still if someone look at you," seryosong sambit nito sa kaniya.

Thunder is so possesive but she likes it. Hahayaan niya itong maging ganito basta sa kaniya lang dapat.

"Let's rest for a while then we will go to the pool, for now let me hug you," hinatak siya nito at pabagsak itong humiga sa kama kaya pati siya nadamay dahil hinablot siya nito.

Hindi na siya nagsalita at niyakap na lang din ito. Pagod din siya kaya hindi niya namalayan na nakatulog siya ka agad.

Nagising siya ng mga bandang alasingko ng hapon. Naabutan niyang may kausap si Thunder sa telepono.

"ㅡfine... okay, I'll review the script on Monday. Yeah...yeah...okay." Napaupo naman siya at nag stretch.

"Work?" tanong niya nang lumingon ito. Tumango ito at umupo rin sa kama para yakapin siya.

"Yeah... my manager accepted an offer. I'm going to act," umawang ang labi niya at nasiyahan sa narinig "But I'm not a main lead okay? I'm a friend of the male main lead," paliwanag nito sa kaniya.

"Okay na 'yon 'no! Nako, pasikat ka na kasi ng pasikat kaya pati pag acting marami ng offer," hagikgik niya. Sobrang proud siya sa binata dahil sa mga narating nito sa sariling sikap.

"Let's eat first then we'll smim at the pool." Tumango siya rito at nag-ayos. Pumunta sila sa isang restaurant at nag order ng mga specialty. Excited na siyang mag babad sa pool kaya binilisan niya ang kain.

Nang matapos na silang kumain bumalik sila sa room nila at nagpalit ng damit. Magkahawak sila ng kamay habang patungo sa swimming pool.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top