CHAPTER 19
Nagising siya nang maramdaman ang sunod-sunod na halik sa leeg niya. Gumalaw siya at tumagilid tiyaka mahinang tinulak ang binata. Kahit hindi na siya dumilat alam naman niyang si Thunder ito dahil ito lang naman ang kasama niya.
"Good morning— I mean afternoon." Bigla niyang naidilat ang mata niya at napaupo sa kama. Napahawak tuloy siya sa ulo niya dahil sa biglaang pagbangon.
"Oh my gosh! Late na ako sa pasok ko!" natataranta niyang sambit. Tatayo sana siya ng hinatak siya pahiga ni Thunder at niyakap ng mahigpit.
"It's okay, inutusan ko si Brixton na puntahan ang shop para sabihin na hindi ka makakapasok dahil may emergency ka," Kinunotan niya ng noo ito at napataas ang isang kilay. Hindi siya nagulat doon sa pag sisinungaling na may emergency, nagulat siya dahil ang inutusan nito ay si Brixton.
"Kailan pa kayo naging close? 'di ba galit ka ro'n?" gulat na gulat na tanong niya, umayos naman siya ng higa, nakaunan siya sa braso ni Thunder.
"He's a gay right? noong nalaman ko 'yon, siya lang ang natatanungan ko kung nasaan ka pag iniiwasan mo ako." Napaikot naman ang mata niya. Sigurado siya tuwang-tuwa iyon si Brixton, dahil sa kilig.
"Galit ako sa kaniya no'n dahil akala ko isa siya sa lalaki mo."
"Wow ha! makalalaki!" Tumawa lang ito at niyakap siya ng mahigpit. Ngayon niya lang naramdaman na ngawit na naman ang hita niya. Inumaga talaga sila at hindi sila natulog ng gabi.
"Are you sore? nasobrahan ata tayo" he chuckled. Hinaplos nito ng marahan ang buhok niya, kaya napapikit siya.
"Talagang tinotoo mo ang sinabi mo na hindi tayo matutulog ng gabi."
"Of course, I can't wait to make love with you." Nag init naman ang pisngi niya.
Make love... Not just a pure sex.
Kinikilig siya roon at masaya talaga ang puso niya. Hindi siya nagsisisi na nag-take risk siya sa relasyon nila.
Pero ibig sabihin ba no'n, sila na? As in mag boyfriend girlfriend na sila?
"Uhm... so, you are my boyfriend now?" nahihiya niyang tanong sa binata.
"Of course," humigpit pa ang yakap nito sa kaniya. Nagyakapan lang sila ng ilang oras bago napag desisyunan na bumangon na.
"We'll go to the restaurant to eat, then after that we will go home." Tumango siya rito, siya na ang naunang naligo, nagpumilit pa ito na mag sabay sila pero hindi niya pinayagan dahil alam niyang hindi lang ligo ang magagawa nila. Masakit pa rin nga ang kaniyang hita dahil sa ginawa nila.
Binilisan niyang maligo at paglabas niya nakita niya ang pamilyar na tshirt at tokong shorts niya sa kama na hinigaan nila.
"Kumuha ako ng damit sa closet mo noong wala ka," pagpapaliwanag nito.
"Hinanda talaga, plano mo talagang hindi ako iuwi kagabi."
"Yes." Lumapit ito sa kaniya at mabilis na hinalikan siya sa labi bago pumasok sa banyo para ito naman ang maligo. Naiiling na lang siya, nasasanay na talaga siya sa malalambing na galaw nito.
Pagkatapos nilang mag ayos, umalis na rin sila doon. Dumeretso sila sa malapit na restaurant dahil nagugutom na rin siya. Doon sila kumain sa parang karinderya pero malaki ang pwesto at puro kahoy ang lamesa at upuan. Natakam siya lalo dahil sa amoy ng pagkain.
"Ito gusto ko," turo niya ro'n sa may pork tapa sa menu. Nilista naman ng waitress iyong sinabi niya.
"Dalawahin mo 'yong pork tapa meal, then one bulalo and 2 pineapple juice," sambit ni Thunder habang nakatingin sa maliit na menu na hawak nila.
"Okay po sir, iyon lang po?" nakangiting tanong ng babae at parang kumikislap ang mata dahil kay Thunder. Napanguso na lang siya at binaling ang tingin sa iba. Hindi naman niya ipagkakaila na gwapo at makisig ang BOYFRIEND niya.
Boyfriend... Boyfriend ko na si Thunder!
"Why are you smiling? sino ang iniisip mo?" napabaling naman siya kay Thunder kaya inalis niya ang ngiti sa labi.
"Wala! may naalala lang akong nakakatawa!" pag dadahilan niya.
"Are you sure? hindi si Jeric 'yan?" Kumunot ang noo niya at inabot ang noo nito para pitikin.
"Jeric is just a friend! siya ang nag sabi na dapat sumugal din ako, dahil nakikita niyang may gusto ako s-sayo!" inirapan niya ito. "Kaya dapat mag sorry ka!" nakapangalumbaba itong tumingin sa kaniya.
"Okay, I will apologize. I'll do what my girl want." Nag init naman ang pisngi niya sa sinabi nito. Umayos din ito ng upo nang dumating na ang order nila. Gutom na gutom siya at mas ginanahan siya dahil masarap talaga ang pagkain. Kung sa mga tabi tabing karinderya mas mahal itong kinainan nila. Hindi tinipid sa ingridients at sulit talaga.
Nang matapos silang kumain, umuwi rin sila sa bahay niya. Nag bukas siya agad ng laptop dahil nag text sa kaniya si Miss Jai na may email ito sa kaniya. Chineck niya lang iyon habang si Thunder naman ay nakahiga sa kama niya at nanonood ng tv.
"May work ka bukas?" tanong niya sa binata. Pinatay niya ang laptop nang matapos na siya at sinarado iyon. Umupo siya sa kama at sumandal sa dibdib ni Thunder.
"Just a meeting, I can drop you in FLC and pick you up after your duty." Tumango siya rito. Kinuha niya ang cellphone at humiga na ng tuluyan, ginawa niyang unang ang matigas na tiyan ng binata.
Nag-scroll lang siya sa instagram at inistalk niya ang profile ni Thunder. Tiningnan niya ang mga tagged photos at naitaas niya ang kilay niya ng may tag si Eleina sa binata. Photoshoot nila iyon tapos 'yong commercial.
Inistalk naman niya 'yong Eleina, nasa 15 thousand ang followers nito. Napairap na lang siya na halos ang post nito ay kasama ni Thunder, o kaya naman pag may kasama itong sikat na sikat na artista.
Natigil siya sa pagtitingin ng may nag text sa kaniya, medyo nagulat siya nang makita kung sino iyon.
From: Dad
- My birthday is near, I will have a party in our house. Can you come? Please?
Napabuntong hininga naman siya. Hindi niya alam kung kaya niya bang pumunta ulit sa bahay nila. Puno iyon ng masasakit na alaala. Her mom died in their house, and also, she caught her dad cheating in their own house.
Maraming alaala na masasaya pero nangibabaw ang mga alaala na masasakit doon sa bahay nila. Kaya siya bumukod, kaya siya nag sikap. Ang bahay niya ngayon ay galing sa mommy niya, ito ang nagpamana sa kaniya ng lupa at mga perang naipon nito para sa future niya.
Lagi siyang inaalala ng kaniyang mommy. Her mom is her bestfriend too. Kahit na lagi silang magkalayo dahil nag tatrabaho ito abroad, they always tell secrets to each other. Pwera na lang doon sa nalaman niyang pagtataksil ng ama. Hindi niya kaya sabihin iyon.
Tumagilid siya at binaba ang cellphone niya. Niyakap niya ang bewang ni Thunder.
"Hey, are you okay?" tanong nito. Tumango naman siya at tiningala rin.
"Can you come with me on sunday? My dad's birthday party."
"Of course, I will by your side, hon." Ngumiti siya rito at niyakap ito ng mahigpit.
"Thank you."
"I love you." Mas lalo siyang napangiti sa sagot nito. Gano'n lang ang posisyon niya, hindi niya alam na nakatulog pala siya habang unan-unan ang binata.
Kinabukasan ay hinatid siya ni Thunder at umalis din agad, may tatlo kasi itong meeting sa iba't ibang offers. Binaba niya ang bag nang makarating sa office nila sa taas. Nag asikaso siya agad at pumunta sa isang room, 'yong workplace nila pag nag tatahi or pag may gusto silang i check sa tela.
"Hi!" napalingon siya ng pumasok si Jeric at binati siya. Nakita niya na medyo maga pa rin ang pisngi nito. She gave him an apolegetic look.
"I'm sorry about what happened—"
"It's fine. Walang kaso sa'kin 'yon," nakangiting sambit nito na parang wala lang. May hawak itong folder sa isang kamay.
"Iyan ba 'yong new design mo na ipapagawa?" tanong niya. Inabot naman sa kaniya iyon ni Jeric para ipakita. Namangha siya sa ganda ng design ng suit. Balita niya kasi napili iyong sketch nito para sa runway show at isusuot iyon ng isa sa mga famous na runway model sa paris.
"Ayos ba? grabe isang linggo ko 'yan pinag isipan at trinabaho ang design. Nakailang ulit ako dahil gusto ko unique," tumawa ito ng bahagya habang kinukuha ang isang tela sa gilid.
"Maganda, wala akong mabibigay na negative comment dito," nakangiti niyang sambit dito.
Naging busy rin sila sa mga kaniya kaniyang task nila. Ginawa niya lahat ng kaya niyang matapos sa araw na iyon. Pabagsak niyang naisandal ang likod niya sa sofa nila roon. Nagpahinga na siya dahil nakatapos na siya ng task at nag sketch pa siya.
Inabutan siya ng fruit juice ni Jeric kaya nagpasalamat naman siya rito.
"Chill lang kasi, 'yong pang bukas na task ginagawa mo rin kasi agad," puna nito sa kaniya.
"Gusto ko lang gawin ang mga kaya kong gawin ngayon."
"Malapit na out mo, ako 1 hour lagpas pa. Susunduin ka ba ng boyfriend mo?" nakangising tanong nito sa kaniya. Tiningnan niya ito pero parang wala lang talaga sa lalaki, gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano.
"Oo," ngiting sagot niya. Tumango tango lang ito bago magpaalam sa kaniya na ipagpapatuloy na ang ginagawa. Siya naman ay nag ligpit na ng gamit niya sa desk at tinext si Thunder na out niya na 2 minutes na lang.
Nag-reply rin naman ito kaagad sa kaniya.
From: Hon
- yeah, I know. I'm already here, and I already apologize to Jeric. Nakita ko siya na bumili ng drinks kaya kinausap ko.
Napatingin tuloy siya kay Jeric na seryoso na nagtatrabaho. Nag-out na siya at nagpaalam na sa lahat. Pagkalabas niya nakita niya ang kotse ni Thunder. Sigurado siyang nasa loob ito dahil umaandar ang engine ng kotse. Dumeretso naman siya sa shotgun seat at kinatok ito kaya napagbuksan agad siya.
"How's your day?" sinalubong siya ng halik ni Thunder sa labi nang makaupo siya.
"Good, medyo pagod at gutom na rin ako," hagikgik niya. "Ikaw? kumusta ang meeting?"
"It's good too, kaso sunod-sunod na araw 'yong shoot ko," ani nito habang nakatingin sa side mirror para umatras.
"Let's go to the mall to eat, then we'll buy a gift for your father."
"Sus kahit 'wag na!"
"Hindi pu-pwede, I need to impress your father. Bakit hindi mo ba ako ipapakilala as your boyfriend?" tumaas ang isang kilay nito habang nakatutok lang ang paningin nito sa kalsada.
"Siyempre ipapakilala kita sa lahat ng nando'n 'no." Napatigil naman siya saglit at may sumagi sa isip niya/ "Is it okay to introduce you to anyone? I mean, naisip ko lang you're famous now, okay lang ba sa agency mo na may girlfriend ka?" bigla niya kasing naisip na most of celebrity or models na may agency bawal magkaroon ng ka relasyon.
"It's fine. I'm allowed to have a girlfriend."
"Paano kung sugurin ako ng fans mo?"
"No one can touch you, hon." Bigla naman siyang napangiti. Tumalon-talon kasi ang puso niya dahil sa kilig. Kailan ba siya huling kinilig ng ganito? hindi na niya matandaan.
Dumeretso sila sa parking lot at nang nakapag-park na magkahawak sila ng kamay pumasok sa loob ng mall. Nakasumbrero ito, mahirap na kasi kung may makakilala kay Thunder. Sigurong maiistorbo sila.
Kumain sila sa isang japanese restaurant, umorder sila ng baked sushi at shabu-shabu. Masaya silang kumain dalawa at nag kwentuhan. Ngumanga siya ng subuan siya ng binata.
"Ano ba mga hilig ng daddy mo?" tanong nito sa kaniya. Nagkibit balikat lang siya.
"Hindi ko alam, pwera na lang sa mambabae," she joked. Tiningnan siya nito ng seryoso na parang tinitingnan kung may sasabihin pa siya. "Joke lang 'yon! pinatawad ko naman na siya, pero hindi ko na kaya tumira sa bahay naming, kaya maaga ako nag bukod," pag k-kwento niya pa. Uminom siya ng coke at napasandal sa sofa na inuupuan. Busog na busog siya dahil naparami ang kain niya.
Wala sa sariling napahawak siya sa dibdib niya, kanina pa siya nakakaramdam ng sakit sa dibdib niya. Alam niyang side effects iyon ng pills na iniinom niya.
"Why?" nag aalala itong tumingin sa kaniya dahil mahina siyang dumaing. Umiling siya at ngumiti dito.
"Wala lang 'to, side effects ng pills. Masakit yung boobs ko," mahinang sambit niya at ngumuso.
"Then stop taking pills," umiling ulit siya dahil hindi p-pwede. Mas okay ng safe sila pareho. "Let's find a gift for your father then let's go home after, so I can massage it." Mabilis niyang sinipa ang paa nito sa ilalim ng lamesa. Magkatapat kasi sila kaya nasipa niya ito. Tumawa lang ito ng tumawa, kaya napanguso na lang siya dahil pakiramdam niya inaasar siya nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top