CHAPTER 17


Busy sila ngayon dahil sa sunod sunod na order ng mga damit na mga gawa na. Buti na lang ang mga customer nila hindi pa nag papagawa ng new design, dahil kung ganoon ang nangyari, sigurado bangag sila.

"Iyong dalawang gowns, nai-deliver na, tapos 'yong tatlong suits na pang adult at 'yong dalawang suits na pang bata prepared na rin. Pwede na 'yon i-deliver bukas," paliwanag ni Jeric. Napatango naman siya at ni-note iyon.

"Miss Jai! may gwapo— i mean may artista sa baba! tumitingin po ng mga suits. Kailangan niya raw ng isang fashion designer para mag tanong kung ano ang dapat niyang bilhin. Hindi raw kasi siya sure kung mag papagawa siya ng bagong design or 'yong gawa na sa baba ang bibilhin," sambit no'ng clerk nila sa baba ng shop. Napatingin naman siya kay Jeric dahil busy ito.

"Ah, ako na lang bababa Miss Jai," inunahan niya na ito mag salita, no choice rin naman siya eh. Busy kasi sila lahat, pero okay lang naman sa kaniya sumaglit sa baba.

"Omg, thanks Yessha!" Nginitian niya si Miss Jai at sinundan na ang babaeng clerk para bumaba. Pagkababa niya medyo nagkakaguluhan ang iilan na customer na tumitingin tingin sa bandang men section. May iba pa siyang nakikitang mga babae na nag kukunwaring tumitingin ng suits kahit hindi naman.

Nagtaka tuloy siya kung sino ang artista na tinutukoy no'ng clerk nila. Napahinto siya nang matanaw ang makisig na likod ng isang lalaki, naka sumbrero ito at kilalang-kilala niya agad kung sino iyon.

Bago pa siya mag back-out nakaharap na ito sa kaniya, may hawak itong isang pares ng suit. May dalawang sales lady na nag aasikaso rito. Ayaw niyang mainis sa mga clerks nila pero naiirita siya sa uri ng tingin at ngiti nito habang tinititigan ang binata.

"Good afternoon..." tumikhim pa siya bago dugtungan ang sinabi niya "... sir."

"Anong mas bagay? itong dark blue o dark red?" simpleng tanong nito sa kaniya. Hindi naman siya nakasagot ng biglang nagsalita ang isang clerk.

"Sir para saan bang occasion?" nakangiting tanong nito. Halos mapairap na siya ng harapin ito ni Thunder at nginitian ng matamis. "Wala naman, gusto ko lang bumili, tiyaka isusuot ko ito pag nakipag date na sa akin ang babaeng gusto ko." Napaglaruan niya ang daliri sa kamay dahil sa narinig.

She can't deny it, her heart is beating so fast right now. Kinikilig siya pero hindi dapat.

"Yessha! I can handle this, akyat ka na sa taas, tapos na ako," napalingon siya ng dumating si Jeric, may nakasabit pa rito na measuring tape sa leeg. Bigla tuloy siyang natawa dahil may nakasabit pa ditong tela na maliit sa balikat nito. Siguro sumama ng isabit nito ang measuring tape sa leeg.

Lumapit siya dito at tinanggal ang tela sa balikat, mukhang nagulat ito dahil nanigas ang katawan nito. "May tela," ngisi niya at pinakita.

"Yessha," nawala ang ngisi niya ng tawagin siya ni Thunder. Kahit ayaw man niya ito pansinin, nilingon niya na lang ito.

"Yes, sir?"

"Anong mas okay?" seryosong tanong nito, alam niyang hindi ito titigil kaya tinuro niya na lang ang dark blue na may black na polo pang loob.

"Okay, I'll buy this. I'll buy what my girl chose." Nanlaki ang mata niya ng ngumisi ito habang nakatingin sa kaniya. Nakita niya pa sa peripheral vision niya ang pagtinginan no'ng dalawang clerk sa tabi ni Thunder.

"Uh...o-okay po," gulat na sambit ng clerk. Lumapit naman sa kaniya si Thunder at hinawakan ang kamay niya.

"Can I excuse my girl for a minute? may kailangan lang kami pag usapan," ani nito habang nakatingin kay Jeric na gulat na gulat habang tinitingnan ang binata at siya. Pabalik-balik ang tingin nito sa kaniya at kay Thunder pati sa kamay nilang magkahawak na.

Mabilis niyang binawi ang kamay niya rito at tumalikod para makalabas ng shop. Naiinis siya kay Thunder dahil sa ginawa nito. Sigurado siyang pag uusapan siya ng mga clerk.

Siya na mismo ang naunang pumasok sa naka park nitong kotse ng I-unlocked iyon ng binata. Tinted ang sasakyan kaya hindi sila kita mula sa labas.

"What do you want?" mabilis na tanong niya rito habang nakakrus ang dalawang kamay.

"You."

"Thunder, can you please stop this! 'di ba ayoko na?! wag ka ngang makulit!" pinilit niyang lumabas sa tono niya ang inis at galit dito para ipamukha sa binata na ayaw niya na talaga.

"Ayaw? hindi mo ayaw Yessha. Gusto mo 'to, Natatakot ka lang mahulog sa akin," seryosong sambit nito. Binasa niya ang kaniyang labi bago tingnan ito, napalunok pa siya dahil sa titig nito.

She can see the pain and sadness in his eyes. Hindi na siya nakapagsalita, ang dapat na sasabihin niya bigla niyang nakalimutan. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa binata.

"May trabaho ako Thunder, hindi dapat 'to p-pwede."

"Ilang araw ka na wala sa bahay mo, lagi akong umuuwi doon, naghihintay ako na umuwi ka sa bahay mo."

"Hindi ako uuwi kasi alam kong nandoon ka. Hindi mo kasi ako naiintindihan!" She let out a heavy sigh.

"Thunder, alam mo na ayoko mag seryoso, wala kang maasahan sa akin, hindi kita kaya gustuhin—"

"Gusto mo ako! kaya ka nga umiiwas 'di ba? kasi nahuhulog ka na rin?" Umiling siya rito, umiling lang siya habang kagat-kagat ang kaniyang labi. Pinipigilan niya ang luha niya.

"Hindi, ganito lang talaga ako. Kahit ano pang isipin at paniwalaan mo, hindi kita gusto."

"Then use me! basta wag mo lang i-off ang deal. I can be your fuck buddy, basta ako lang. Kahit hindi ka mag seryoso, basta ako lang ang gagamitin mo. 'Di ba sabi ko naman kasi sayo kahit mag panggap ka na hindi mo alam na gusto kita. Kaya kong sabihin araw araw na hindi kita gusto, kaya kong mag panggap na hindi kita gusto! just don't avoid me! 'yon lang naman ang hinihingi ko! I didn't say that you should accept my feelings and like me back too." Tuluyan ng nanghina ang sistema niya.

"I-ikaw ang masasaktan... p-paano kung lumalim 'yang nararamdaman mo..."

"I don't fucking care, Yessha. As long as you don't avoid me, as long as I can see you every day," mariin na ani nito.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito, hindi na siya makapag-isip ng maayos. Paano na lang rin siya? Paano na lang kung tuluyan ng bumigay ang puso niya?

"I'm sorry... ayoko na talaga," she said in a little voice.

"Okay, fine! let's off the deal, if that's what you want," parang nahihirapan ang boses nito, hindi na siya lumingon sa binata. Bago pa siya makalabas ng kotse nito ay nagsalita ulit ito.

"But I'll pursue you, I'll court you, hanggang sa pumayag ka, hanggang sa mag tiwala 'yang puso mo sa akin." Hindi na siya sumagot at deretsong pumasok na lang sa shop, umakyat siya at dumeretso sa comfort room nila, hindi niya na lang pinansin si Jeric na may sasabihin dapat.

Tinakpan niya ang toilet bowl at doon umupo. Tumulo ang kaniyang luha. Umiiyak siya dahil siya ang nahihirapan sa sitwasyon nila at naiiyak siya dahil kay Thunder. Hindi niya na alam ang dapat gawin, parang 'yong mga sinasabi niya sa sarili niya dati ay unti-unti na niyang kinakain.

She flirted with so many guys before, pero hindi naman ganito ang nararamdaman niya. Mas pinapakilig pa nga siya ng iba at mas mabubulaklak pa ang mga salita na lumalabas sa mga ito pero hindi naman naging ganito ang nararamdaman niya.

Pero si Thunder ilang months pa lang sila magkakilala at nagkakasama dahil sa deal na ginawa niya, malaki na agad ang epekto nito sa sistema niya.

Days passed. Kahit iniiwasan niya ang binata patuloy pa rin ito sa pagbibigay ng kung ano-ano sa kaniya. Katulad na lang ngayon, may tatlong rosas na naman sa table niya at lunch box. Sigurado siyang ito ang nagluluto dahil alam niya ang lasa ng mga luto nito. Kada lunch box na natatanggap niya may mga note iyon.

"Talagang nanliligaw na sayo si Thunder Jimenez?! Ilang araw na 'yang pa ganiyan ha!" kinikilig na sambit ni Miss Jai. Ngumiti na lang siya ng tipid at hindi na sinagot ang tanong nito. Naibaling naman niya ang tingin kay Jeric dahil nahuli niya itong nakatingin sa kaniya pero iniwas din nito agad ang tingin ng mahuli niya ito.

Ilang araw na rin siya hindi masyadong pinapansin ng binata, pakiramdam niya nga may gusto ito sabihin na hindi masabi.

Minsan kasi tinatawag siya nito pero bigla naman iiling na lang at ngingitian siya. Pagkatapos niya sa ginagawa niya, nag lunch break na siya at kinain ang pagkain na nasa lunch box. Wala rin naman siyang magagawa dahil masasayang lang iyon pag hindi niya kinain.

'Eat this, please. I cooked this with love. Take care!'

Love...

Kinain niya na lang ang pagkain at winaksi ang nasa isip. Binilisan niya lang dahil marami pa siyang gagawin. Gusto niya na kasi magawa ang mga pending niya dahil gusto niya chill lang siya next week.

Pagkatapos niya kumain, focus ulit siya sa kaniyang trabaho. Paminsan minsan ay kinakausap siya ni Jeric pero tungkol lang din sa trabaho nila. Gusto man niya tanungin ito kung okay lang ba ito pero hindi na siya nag tanong.

Tumayo siya at nag stretching. Out na dapat siya ngayon pero mag liligpit pa lang siya ng gamit.

"Uh... Yessha?" Napataas agad ang tingin niya kay Jeric "Pwede ka ba ngayon? dinner tayo? doon sa may samgyupsal, 'yong bago malapit dito sa shop." Natigilan siya dahil mukhang hiyang-hiya pa ito na kausapin siya.

"Oo, okay lang!" nginitian niya ito ng malawak.

"Sama ka Miss Jai?" tanong naman ni Jeric kay Miss Jai na nag aayos na rin.

"Ay nako hindi ako pwede ngayon, birthday bukas ng anak ko, mag g-grocery pa ako." Tumango na lang silang dalawa.

Sabay silang pumunta sa samgyupsal na bago, sobrang lapit lang sa workplace nila. Kaya iniwan na lang nilang naka-park ang kotse nila para maglalakad na lang ulit sila pabalik sa shop.

Umupo sila at inasikaso naman sila kaagad ng staff doon. Unli ang samgyupsal kaya sulit na rin ang limang daan. Ito ang nag luto ng mga baboy, nakatitig lang siya sa niluluto nito dahil wala naman siyang maisip na sasabihin.

"Hindi ka susunduin ng manliligaw mo?" napaubo siya dahil sa tanong nito. "Iyong model."

Umiling siya rito. Akala niya may sasabihin pa ito pero tumango lang ito sa kaniya at pinag patuloy ang pagluto. Kumain naman sila at nag kwentuhan lang pero puro work ang topic nila. Nang mabusog siya binaba niya na ang chopstick niya at uminom ng juice.

Ito ang nag bayad kahit sabi niya siya na lang, hindi na siya nakipag talo dahil hindi rin naman ito nagpapatalo. Sabay silang lumabas at naglakad sila pabalik sa mga sasakyan nilang naka-park sa labas ng shop.

Nang malapit na sila bigla ulit itong nagsalita.

"Alam mo ba? Gusto kita." Natigilan siya sa sinabi nito. Nakita niyang napahawak ito sa batok nang makaharap siya. Nandito na kasi sila kung nasaan naka-park ang kotse nila.

"Pero 'wag ka mag alala! Gusto ko lang talaga sabihin sa'yo kasi hindi talaga ako mapapakali hangga't hindi ko naaamin 'to." Hindi siya nakapagsalita, nakatingin lang siya rito. Ngumingisi ito pero ramdam niya ang kaba ni Jeric.

"Alam ko naman kung may pag-asa ako o wala. Sa nakikita ko talo na agad ako ro'n sa model. Hindi dahil mas gwapo siya, gwapo din kaya ako! P-pero... kasi kita ko sa mata mo na gusto mo rin siya 'di ba?" Nanigas ang kaniyang katawan at wala sa sariling napaturo sa kaniyang sarili.

"Ako? G-gusto ko siya?" Tumawa ito ng mahina at tumango.

"Gusto mo siya, pero hindi mo maamin. Kahit anong deny mo hindi naman mawawala iyan," simpleng ani nito. Naibaba naman niya ang tingin sa paanan niya.

"Sorry, Jeric..."

"Okay lang. Gusto ko lang malaman mo na nagkagusto ako sayo kahit ilang buwan pa lang tayo magkakilala. Mabait ka Yessha, mukhang mataray ka pero mabait ka talaga." Tumikhim ito, "'Wag ka magagalit ha?" Magtatanong sana siya pero nagulat nalang siya ng yakapin siya nito.

Nakabagsak lang ang dalawang kamay niya sa gilid niya.

"Gusto lang kita bigyan ng yakap, 'wag mo sana masamain. Alam kong maraming bumabagabag sa isip mo, nababasa ko lagi 'yon sa mukha at mata mo. Bigla kasing naalala ko ang kapatid ko sa'yo. Takot 'yon mag mahal pero tingnan mo ngayon, nakahanap na ng mapapangasawa. Bigla kong nakita sa mga mata mo 'yong takot at pag aalinlangan pag nakikita kita at iniiwasan mo 'yong si Thunder pag pumupunta rito. Gusto ko lang sabihin na hindi masamang sumugal, paano na lang kung 'yong susugalan mo e 'yon na pala ang pang habang buhay mo? Masakit man sa side ko dahil gusto kita pero gusto kong ngumiti ka ulit ng tunay..."

Parang may bumara sa lalamunan niya, parang gusto niyang umiyak. Parang may pumukpok sa ulo niya para gumising. Para gisingin siya at turuan ng leksyon.

Tama ang mga sinasabi nito, dahil sa bawat layo niya sa binata parang mas lalo lang pasakit ng pasakit ang puso niya.

"Thank you Jeㅡ oh my gosh!" Napasinghap siya nang malayo si Jeric sa kaniya. Nakita na lang niya ang pagbagsak nito habang nakahawak ito sa pisngi.

Luluhod na sana siya para tulungan si Jeric nang may humablot sa kaniyang braso at hatakin siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top