CHAPTER 14
She made a contract at pinrint niya iyon ng dalawang kopya. Nasa sofa siya ng kaniyang living room at kasalukuyang hinihintay si Thunder. They should talk and clear the rules in their deal. Ang tanga tanga niya kasi, hindi muna siya nag tanong at nag research kung ano ba ang mga rules pag may ka partner in bed ka.
Nakarinig siya ng kotse na pumasok sa gate at nakita niya na si Thunder na iyon. Bumalik siya sa pagkakaupo at tiningnan lang ang papel na nakalapag sa glass table.
"I'm sorry, I'm a bit late, sobrang traffic." Ngumiti siya ng tipid dito, nakita niya pang nakaayos ang buhok nito pati ang porma, model na model ang datingan. Tatlong araw na rin ang lumipas simula noong nagka sagutan silang dalawa.
"Okay lang."
"I want to say sorry again —"
"Okay lang, okay lang 'yon," mabilis na sambit niya. Nagtaka ito dahil ngumiti pa siya, naiintindihan niya rin naman dahil hindi maayos ang rules nila kaya umakto ito sa ayon ng pag-iisip nito.
"What is this?" umupo ito sa kabilang sofa at kinuha ang papel sa lamesa, napatikhim siya ng sumeryoso ang mukha ng binata.
"A contract?" nakakunot ang noo nito at hindi niya mawari kung anong nasa isip ng binata.
"We should have a strict rules, dapat sa una pa lang may ganito na tayo para hindi tayo nagkakasagutan at alam natin ang limititations sa isa't isa," paliwanag niya rito sa mababang boses.
Kinuha niya ang isang papel na may kopya niya.
RULES TO STRICTLY FOLLOW:
1. DON'T FALL IN LOVE.
2. DON'T BE POSSESIVE OR OBSESS.
3. DON'T ASK PERSONAL THINGS.
4. HAVE A COMMUNICATION IF YOU JUST WANT TO HAVE SEX.
5. NO CUDDLE.
IF YOU DON'T FOLLOW THE RULES, THE DEAL IS OFF.
"Pwede mo pa dagdagan kung may rules ka, nakapirma na ako, sa'yo na lang ang kulang." Hindi ito sumagot at nakatingin lang ng seryoso sa papel.
"What is this sudden contract? ilang buwan na tayo sa ganitong deal." Napalunok siya dahil sa talim ng titig nito.
"Naisip ko lang, dapat may ganito tayo."
"What if I don't want to sign this?" Natigilan siya sa tanong nito. Bigla siyang napaisip na kung paano pag umayaw talaga ito, anong gagawin niya?
Nagpakawala siya ng isang malakas na buntong hininga bago magsalita.
"It's fine with me. Our deal is off. Hindi na kita pipilitin." Muntikan na siyang mautal sa sinasabi niya. Napatitig ito ng matagal sa kaniya bago mag salita.
"Then you will find another man to satisfy your needs?"
"Yes," matigas niyang sambit at lakas loob itong tinitigan pabalik. Kinagat niya ang dila dahil sa pagsisinungaling, hindi nga siya sigurado kung makakahanap siya ng matino. At isa pa gusto niya isang lalaki lang ang gagalaw sa kaniya.
Hindi ito nag salita at inabot na lang ang ballpen na nakahanda roon sa lamesa, nakita niyang pinirmahan na nito ang isang papel kaya inabot niya 'yong kaniya. Tahimik lang itong nag pirma hanggang sa matapos.
"Pwede ka mag add diyan ng rules, tiyaka, we can decide kung hanggang kailan ang deal natin. Sa akin okay lang kung bigla kang aayaw, basta sabihin mo lang sa akin na may gusto ka ng ibang babae at gusto mo na magkaroon ng seryosong relasyon. Ako lang naman yung hindi mag b-boyfriend at mag aasawa e," tumawa siya ng bahagya para mawala ang tense sa pagitan nila.
"So, we will just meet if we want to have a sex? that's the point of this contract, right? we will not meddle to each other personal life." Tumango siya rito.
"Pwede naman tayo mag schedule or what, magiging busy na rin kasi ako, may work na ako sa lunes," hindi niya alam kung may gusto ba sabihin ito dahil kanina niya pa napapansin ang nakaigting nitong panga na parang nag pipigil.
"Okay, I'll just text you if I want you," tumayo ito at hindi tumingin sa kaniya. Marahas nitong hinawakan ang papel bago siya tinalikuran. Hindi na siya nakaimik nang lumabas ito at sumakay sa sasakyan nito.
Napalunok na lang siya at napayuko, bakit pakiramdam niya may nagbago sa binata?
Bakit pakiramdam niya sana wala na lang rules?
Tumayo siya roon at kinuha ang sariling kopya, tinupi niya iyon ng maingat at umakyat papunta sa kwarto. Tinago niya iyon sa drawer niya. Umupo siya roon sa bean bag sofa niya at natulala na lang mag isa.
It's a good descision...
Yeah... that's right, Yessha, tama ang ginawa mo...
Dumating ang araw na first day of work niya, winelcome siya ulit doon kahit naman kilala na siya. Napatingin siya sa isang lalaki na hindi niya kilala, mukhang bago ito at may katangkaran.
"Hi! I'm Jeric, bago rin ako rito pero last month pa ako nag-start," pagpapakilala nito. Nakipagkamay naman siya sa lalaki at ngumiti.
"I'm Yessha, dito ako nag ojt with my friends, pero ako lang 'yong nag-stay," tumawa siya at tumawa rin ito dahil sa pagkakasabi niya. Nag-usap lang sila saglit at nag-start na rin mag trabaho. Okay naman ang first day of work niya rito, hindi naman siya pinahirapan kahit na nakita niya ang mga pending works.
Magaling mag asikaso si Jeric at mag organize para mas mapabilis ang pagbawas ng mga pending nila. Marami naman siya ulit natutunan, iba kasi ito kumilos at may sariling routine kaya na adapt niya rin.
Gano'n lang ang takbo ng ilang araw niya. Sabado ang day-off niya kaya natuwa naman siya. Chineck niya ang phone niya kung may mensahe ba si Thunder pero wala pa rin. Siguro sobrang busy rin nito.
Napagdesisyunan niya na i-inform ito na sabado ay pwede siya. Tinext niya ito at nag-reply rin naman agad, pero napasimangot siya nang makatanggap lang siya ng isang salita.
'Okay.'
Napabuga na lang siya ng hangin, medyo hindi pa rin siya sanay na bigla ang distansya nila. Pero ito ang makakabuti para sa kanilang dalawa, lalo na sa kaniya. Nagligpit siya ng gamit dahil pauwi na rin siya.
"Gusto mo sumama mag dinner?" Napaangat ang tingin niya kay Jeric at tumingin din siya kay Miss Jai na inaabangan ang sagot niya.
"Ah, sige! gutom na rin naman ako," she smiled and nodded. Nahihiya naman siyang tumanggi, isa pa mabait ang mga ito sa kaniya at tinutulungan siya.
Magkakasabay kasi ang out nila ni Ms. Jai at Jeric. Nag convoy na lang sila dahil may kaniya kaniya silang sasakyan na dala. Napunta sila sa malapit na fine dining restaurant, ililibre raw sila ni Ms. Jai. Ito kasi ang head ng mga employee roon sa branch pero may pinaka head manager pa, si sir Clemen.
Sabay silang pumasok, nginitian niya pa si Jeric nang pagbuksan sila nito.
"Gentle dog," biro ni Ms. Jai kaya tumawa siya.
"Miss Jai naman!" napakamot ng ulo si Jeric at nahihiyang tumingin sa kaniya. Si Miss Jai kasi ay mas matanda na sa kanila, 35 na ito at may pamilya na, pero madali niyang naka-close ito noong nag ojt siya dahil bagets ito kumilos at kayang makibagay sa kanila.
Pumwesto sila sa bandang dulo pero napatigil siya nang makita si Thunder at Eleina na magkatabi, may dalawa ring nasa harapan nito at 'yong isa kilala niya, 'yong manager ni Thunder.
"Oh okay ka lang?" agad siyang natauhan nang biglang nagsalita sa tabi niya si Jeric, napaiwas siya ng tingin nang lumingon si Eleina at gulat na nakita siya.
"Oh, hi Yessha!" sigaw nito. Plastic itong ngumiti sa kaniya. Hindi niya ito nginitian dahil ayaw niya maging plastic. Nagsilingunan ang dalawang nasa harapan niya at sumunod naman na lumingon si Thunder sa kaniya.
Kitang kita niya iyon dahil sa line ng upuan, ka-line niya 'yong mga manager, at ang ka-line naman ng upuan nila Thunder ay si Miss Jai na nasa harapan nila, kaya kitang kita niya talaga ang dalawa.
"Kilala mo? teka parang model ata iyong lalaki, nakita ko siya sa instagram eh," sambit ni Jeric sa kaniya.
"Oo! model 'yan, si Thunder Jimenez tapos 'yong kasama niyang babae si Eleina Johnson," sambit naman ni Miss Jai, habang hawak hawak ang menu. Napatikhim na lang siya at tinuon ang tingin sa menu.
Nag order siya ng steak at salad bali pareho sila ng order tatlo, nag pa reserve na rin ng ice cream si Miss Jai para sa dessert nila. Nagpasalamat sila rito dahil sa panlilibre sa kanila.
Mayamaya dumating din ang order nila, inuna niya kinain ang vegetable niya. Napahinto siya ng pinagpalit ni Jeric ang hiniwa nitong steak sa kaniya.
"Gentle dog talaga— ay man pala! sana ako rin 'no?"
"Eh Miss Jai ang bilis mo kaya maghiwa," napahawak sa batok si Jeric at nakita niyang namula ang tainga. Napangiti naman siya dahil doon.
"Thank you!" nakangiting pagpapasalamat niya sa binata, mabilis siyang nakakain dahil nakahiwa na ng maliliit ang steak niya. Inabutan pa siya ng tissue ni Jeric at tinuro ang sauce sa gilid ng labi niya kaya agad niya namang pinunasan iyon.
"Single kayong pareho?" mabilis siyang tumango habang nginunguya ang kinakain, nang malunok niya iyon ay nagsalita siya.
"Ako single, siya? ewan ko po," natatawang ani niya.
"Mukhang hindi single, gwapo eh," sabat ni Miss Jai.
"Single ako!" nanlaki ang mata niya ng mapasigaw ito, pigil na pigil ang tawa niya ng bigla itong yumuko dahil sa hiya. Tinaas niya ang kamay niya at hinawakan ang tainga nitong namumula.
"Grabe ang init ng tainga mo!" tawang-tawa na bulalas niya, mas lalong namula ang tainga nito hanggang leeg.
"Hoy! okay ka lang?!" pilit niya itong tinitingnan pero pilit naman nito iniiwas ang tingin sa kaniya, tatayo na sana siya nang makarinig ng pagbasag ng kung ano. Agad siyang napalingon at nakita niya na nakatayo si Eleina habang nakatingin doon sa kabilang gilid ni Thunder.
"Omg! okay ka lang?" medyo pa sigaw na tanong ni Eleina kay Thunder na nakatungo lang.
"Excuse me! can you clean this? natabig niya ang baso, I'm sorry," pabebeng wika ni Eleina roon sa waiter.
"Ano, kumalma ka Jeric! pulang pula ka na," rinig niyang sabi ni Miss Jai na tawang tawa pa rin. Naibalik niya tuloy ang tingin kay Jeric na umiinom ng tubig.
Bumalik din ang lingon niya kay Thunder at natigilan siya nang nakatingin ito sa kaniya. Umiwas na lang siya ng tingin at inubos ang pagkain niya sa plato.
Pina-serve naman ni Miss Jai ang dessert nila at tahimik na siya na inubos iyon. Nang matapos sila nag kwentuhan lang sila saglit at napag desisyunan na umuwi. Nang makalabas sila ng restaurant nagpaalam na sila sa isa't isa.
"Salamat Miss Jai, sa susunod ulit" humalakhak si Jeric.
"Oo! sasusunod mag dadala ako ng mga luto ng asawa ko! magaling 'yon mag luto," pagmamalaki nito habang ino-open ang sasakyan.
"Ay gusto ko 'yan Miss Jai, mas okay ang lutong bahay," ani ni Jeric.
"Sige na! mag iingat kayo, ingat sa pag drive. Off mo bukas Yessha 'di ba? Enjoy!" tumango siya rito at ngumiti at tiyaka kumaway para magpaalam.
"Thank you Miss Jai, ingat po." Kumaway sila nang mauna itong umalis, siya naman ay hinatid ni Jeric sa sasakyan niya, magkatabi lang naman ang sasakyan nilang dalawa.
"Sige na, una na ako. Ingat!" paalam niya rito.
"Ingat din, enjoy sa off mo bukas, sana all."
"Kahit kaka-off mo lang kahapon?" ngumiti lang ito at nagpaalam na, pumasok na rin siya sa kotse at pinaandar ang engine. Nauna si Jeric na umalis, siya naman sumilip pa sa labas dahil mas naunang lumabas sila Thunder.
Hindi niya naman matanaw ang kotse nito, siguro ibang sasakyan ang dala nito. Pinaandar niya na ang sasakyan pauwi sa kaniyang bahay. Medyo na traffic pa siya dahil uwian na talaga ng oras na iyon. Halos isang oras at kalahati ata ang nilaan niya para makauwi.
Pagka-park niya ng sasakyan niya, nahinto siya nang marinig ang guard niya na may binati. Napalingon siya dahil hindi pa siya nakakapasok sa loob ng bahay.
Kumunot ang noo niya nang makita si Thunder na may bitbit na bag at nakatingin sa kaniya.
"Can I sleep here?" tanong nito nang maabutan siya. Tinanggal niya ang sapatos at nilagay sa shoe rack tiyaka pumasok sa loob ng bahay. Sumunod din naman ito at ito na mismo ang kumuha ng tsinelas nilang dalawa.
Kung titingnan parang ito ang may ari ng bahay dahil kabisado na nito ang buong sulok ng bahay niya at feel at home talaga ang binata.
"Okay lang, nandito ka na 'di ba?" she scoffed.
"Bakit ang taray mo? 'wag ka mag alala sa guest room naman ako, para walang malabag sa rules mo, okay?" Napalingon siya rito dahil iba ang tono ng pananalita nito.
"Anong problema mo? ikaw ata ang masungit!" magkasalubong na ang kilay niya, medyo naiinis siya sa hindi malaman na dahilan at parang nag susungit pa ito sa kaniya.
"Wala, wala akong problema. Pagod ako, masakita ng ulo ko at masakit ang..." napatigil ito sa pagsasalita. "ang katawan ko! masakit, fuck!" Sinundan niya ito ng tingin nang mauna umakyat sa taas at dumeretso sa katabi niyang kwarto, 'yong guest room.
Napabuga siya ng hangin, hindi niya ito maintindihan. Umakyat na lang siya at pumasok din sa kwarto niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top