CHAPTER 13


Hinatak niya ang kamay na hawak-hawak ni Thunder nang makarating sila sa tapat ng kotse nito.

"Ano ba nasasaktan ako!" inikot-ikot niya ang wrist niya na hawak-hawak nito kanina. Napanguso siya kasi sumakit ang kamay niya. Pinagbuksan siya nito ng pinto at sinenyasan na pumasok. Galit pa rin ang mukha nito at hindi nagsasalita. Napatingin siya sa relo niya kung anong oras na kaso hindi niya makita dahil parang gumagalaw ang mundo niya.

Pumasok siya dahil nahihilo na rin naman siya. Umupo siya at sinandal ang likod niya sa upuan.

"Anong oras na ba? 12 mo pa ako susunduin 'di ba? parang halos kaka-start lang namin ni Brix," inis na sambit niya rito habang nakatingin lang sa isang gilid. Pinaandar nito ang kotse pero hindi pa rin ito nagsasalita kaya nilingon niya na ito.

"Hoy! bingi ka ba! ano ba kasi, dapat bukas na lang tayo nagkita, nagsasaya pa kami ni Brix!" she crossed her arms, mas lalo siyang nainis ng hindi man lang ito kumibo, deretso lang itong nakatingin sa daan.

"Bumalik ka roon, 'yong gamit ko nasa couch!" sambit niya no'ng naalala niya ang sling bag niya.

"Masyado ka na atang lasing? hindi mo ba naalalang dumaan tayo sa couch niyo?" Natahimik siya nang maalala na kinuha nga pala nila ang bag niya roon sa couch. Napakamot siya sa ulo.

"O-oh! alam ko 'yon, tina-try ko lang kung kakausapin mo ako!" pagdadahilan niya rito.

"Maaga pa ha! bakit ang aga-aga mo akong pinuntahan? tiyaka ano ba ang gagawin natin?" tanong niya ulit dito. Nagtaka siya ng igilid nito sa tabi ang kotse, doon banda sa walang building, do'n sa bakanteng lote na medyo madilim.

Natigilan siya ng harapin siya nito, "It's already 1 am, I waited for you outside. Hinantay kong mag kusa ka na lumabas. Hindi mo man lang sinasagot lahat ng tawag at message ko sa'yo, tapos pagpasok ko busy ka naman pala makipag harutan sa lalaking 'yon!" Kumunot ang noo niya, nakagat niya rin ang ibabang labi dahil nag wawala na naman ang puso niya.

Bakit pakiramdam niya masaya siya na ganito ang reaksyon ng binata?

Umiwas siya ng tingin dito at sumandal sa upuan. "H-hindi ko nabasa, hindi ko rin alam na 1am na, b-bakit kasi ngayon mo rin gusto makipagkita. Alam mo naman may kasama akong iba," nautal-utal pa siya sa hindi malaman na dahilan.

"So? what's the point of our deal? we will meet each other if we want to fuck, right?! kailangan pa ba ako maghintay pag wala ka ng kasama?! Ako ang nauna!" napatingin siya rito dahil tumaas ang boses nito.

"Bakit ka ba nagagalit! h-hindi na nga kita pinakialaman na kasama mo si Eleina!"

"You... you make me crazy, you make me act like this..." Napasuklay ito sa sariling buhok gamit ang daliri sa kamay. Napalunok siya dahil bigla siyang na turn on nang makita ang maugat nitong kamay. She licked her lower lips while looking to his hand.

"Let's go home," bigla siyang nataranta at hinawakan niya ang kamay nito bago pa paandarin ang sasakyan. "What?!" inis na tanong nito nang lingunin siya ng binata.

"Ano bang... g-gagawin natin ngayon?" lumiit ang boses niya at binaba niya rin ang tingin niya. Kinagat niya ng madiin ang kaniyang labi.

"You want to fuck now?" dahan-dahan siyang tumango. "Sorry but I'm not in the mood right now." Doon niya inangat ang ulo niya, uminit bigla ang ulo niya sa sinabi nito.

"You are teasing me again!" singhal niya rito. Umiling lang ito at seryoso pa rin ang mukha.

"Ayoko. Dumikit ka sa ibang lalaki." Umawang ang labi niya sa sinabi nito, hindi siya makapaniwalang iyon ang dahilan. Bigla siyang natawa rito.

"Are you jealous?!" tawang-tawa na tanong niya rito.

"No. Why would I? I don't have feelings for you." Doon nawala ang ngiti sa labi niya, parang may bumara sa lalamunan niya, parang may malaking bato na dumagan sa kaniyang dibdib dahil bumigat ang pakiramdam niya sa bandang iyon.

"Same..." pinilit niyang makasagot dito at ngumiti ng bahagya. "Let's go, I'm tired." Umayos siya ng upo at tumagilid, doon siya tumingin sa labas ng bintana.

Gano'n lang ang pwesto niya hanggang sa makarating sila sa bahay niya. Mabilis siyang pumasok sa loob at dumeretso sa kwarto niya, inaantok na rin siya at wala na talaga siya sa mood. Inisa isa niyang tinanggal ang kaniyang damit, narinig niya pa ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya.

"Maliligo lang ako, kung gusto mo matulog dito, doon ka sa kabila," she plainly said. No cuddle na sila kaya hindi niya ito patatabihin, dahil alam niya paggising niya siya pa mismo ang nakayakap dito.

Dumeretso siya sa banyo ng kwarto niya, binuksan niya ang shower at dinamdam ang tubig na bumabagsak sa ulo niya hanggang sa katawan niya. Then a warm arm wrapped around her body.

"I'll shower with you," bulong nito. Ramdam niya ang munting halik nito sa tainga niya pababa sa leeg.

"I...I'm really tired," pinigilan niyang hindi mapaungol nang masahiin nito ang dibdib niya.

"I know, papaliguan lang kita." Napapikit siya nang bumaba ang kamay nito.

"Thunder..."

"Hmm..."

"Iba ang ginagawa mo! Naiinis na ako sayo!" Tinulak niya ito at inabot ang body gel niya at nag sabon ng katawan. Inagaw nito ang loofah sponge na hawak niya at pinaharap siya. Kung hindi lang siya inaantok talaga at kung hindi lang nawala ang mood niya kanina siguro pinatulan niya na rin ang gusto nito.

"What a moody, kanina gusto mo ngayon ayaw mo na," sambit nito habang sinasabunan ang katawan niya.

"Ikaw 'yon! epal ka! hindi talaga tayo nagkakasundo lagi." Humikab siya dahil antok na talaga siya. Natapos silang maligo ng sabay at natapos din silang mag toothbrush ng sabay. Ngayon nakaupo siya sa tapat ng vanity mirror niya at ang binata naman ay tinutuyo ang basa niyang buhok.

Nakatingin lang siya sa mukha nito gamit ang salamin sa harapan, seryoso itong nag tutuyo ng buhok niya.

"Si Eleina... gusto mo ba siya?" Natigilan ito sa pagsusuklay ng buhok niya, pinatay na rin nito ang blower nang matuyo na ang buhok niya.

"Anong klaseng tanong 'yan," inis na sambit nito.

"Bakit? maayos ang tanong ko!" humikab ulit siya at tumayo na, dumeretso siya sa kama at pabagsak na humiga. "Sagutin mo na lang! ano ang tingin mo kay Eleina?" Inayos niya ang comforter, inaantok na talaga siya pero bigla niyang gusto makipagkwentuhan.

"She's okay, she's beautiful, she's good at modeling." Tumango-tango siya habang napipikit na.

"Maganda nga siya pero hindi ko siya gusto para sa'yo. Maarte siya, maarte rin ako pero pabebe siya!"

"Sige na matulog ka na sa kabilang kwarto, goodnight," she added while yawning again.

Unti-unting kinain na siya ng antok pero bago siya makatulog may naramdaman siyang malambot na bagay na dumapo sa kaniyang noo.

Paggising niya naabutan niya ang binata na nagluluto.

"Sabi ko sa'yo hindi mo na kailangan 'to gawin! ang kulit mo, hindi naman ganito ang fuck buddies," singhal niya rito.

"Pero ganito ako bilang kaibigan, umupo ka na riyan at malapit na 'to matapos." Hindi na siya umangal pa dahil tapos na talaga ito magluto. Nagluto lang ito ng sunny side up egg at bacon tapos may vegetable salad na naka-prepared.

Tahimik siyang kumain nang biglang tumunog ang phone niya. Binaba niya ang fork na hawak niya at kinuha ang cellphone, napatingin pa siya kay Thunder na natigilan din sa pag subo ng kinakain.

"Hello?"

"Takte ka! iniwan mo ako, pero okay lang... nabingwit ko siya, shit!" Nailagay niya ang isang palad sa bibig niya.

"Oh my god! seryoso? ang tinik mo talaga!"

"Siyempre, nararamdaman ko naman kung bisexual or gay rin, pero bi siya! So, ito na nga, gusto mo mag overnight? bitin yung catch up natin, movie marathon dito sa unit ko? mag oorder ako ng kahit anong gusto mong food, mag puyat tayo!" tumili ito, buti na lang hindi siya naka loudspeaker.

"Sige! bumili ka na ng ice cream at chips! ilang araw ba ako matutulog sa'yo? gusto mo ba isang linggo?" natatawang sambit niya, natigil lang ang pagtawa niya ng binagsak ni Thunder ang baso sa lamesa.

"Gaga! ikaw bahala! para kang walang bahay ha."

"Sige sige, mamaya na ako pupunta sa'yo, send mo address mo."

"Okay gaga! Bye!"

In-end niya ang tawag at binaba ang cellphone niya.

"Sino 'yon?" sumubo muna siya ng bacon bago mag salita.

"Si Brix, mag-overnight daw ako sa unit niya —"

"What? he's a man Yessha! ikaw babae ka, tapos mag o-overnight ka? kayong dalawa lang?" uminom siya ng tubig at tumango rito.

"Wala namang masama, magkaibigan kami. Tayo nga magkasama eh," pag dadahilan niya pa, tiyaka hindi siya delikado kay Brix.

"No! hindi ka mag o-overnight sa lalaking 'yon." Napanganga siya, sinundan niya ito ng tingin nang tumayo ng padabog at binitbit ang pinagkainan.

"Anong no? wala kang karapatan mag desisyon ng gusto ko! tiyaka ano bang problema mo kay Brix!" napatayo na rin siya dahil sa galit.

"He's a man and you are a woman. Fuck! what will happen to the both of you, lalo na pag nalasing ka! I don't trust him!" biglang may bumahid na sakit sa puso niya.

"Anong akala mo?! bibigay ako sa kahit sinong lalaki?! na kung sino ang makasama ko makikipag sex ako? iyon ang nasa isip mo?!" Kumunot ang noo nito at napatingin sa kaniya.

"I don't trust that guy —"

"Wala ka ring tiwala sa akin! meron tayong rules 'di ba? we are not going to fuck others while we are in this deal! you think I'm a slut? na dahil gusto kong maranasan ang mga ginagawa natin ay sa iba rin gagawin ko?!" Namuo ang luha sa mata niya, agad niyang pinahid iyon. Hindi na niya napigilan ang luha niya.

"No... hindi iyon ang ibig ko sabihin —" Tinalikuran niya ito at umakyat na lang, kahit anong tawag nito ay hindi niya pinansin. Pagkapasok niya roon sa kwarto niya ni-lock niya agad iyon dahil alam niyang susunod ito.

Umagang-umaga ganito na ang pakiramdam niya, hindi niya alam kung bakit sobrang sakit para sa kaniya iyon. Siguro dahil naging malapit na kaibigan na rin ang binata at biglang gano'n pala ang tingin nito sa kaniya.

Sanay na siyang makarinig na pokpok siya, bitch, slut at kung ano-ano pa dahil marami siyang nakakasalamuha na lalaki, at marami rin siyang nagiging kaibigan. They judge her because of what they see.

Nakarinig siya ng katok sa pintuan, "I'm sorry... open the door Yessha. I'm sorry, okay? hindi iyon ang gusto ko sabihin. I don't trust that man, may tiwala ako sa'yo pero sa kaniya wala. Natatakot lang ako — damn..." Hindi na niya ito pinansin at nagtalukbong sa comforter niya.

Tumigil ito sa kakakatok ng pintuan ng kwarto niya, mayamaya nagsalita ito.

"I need to go now... I have a work..." Hindi siya nagsalita at hinayaan lang ang binata na umalis. Dapat kasi hindi naman ganito, siguro sa umpisa maling mali na talaga. Dapat strict ang rules nilang dalawa.

Lumipas ang oras at bago mag dinner pumunta na siya sa unit ni Brixton, nag order nga ito ng foods pati na rin mga alak. Nag dinner muna sila habang nanonood ng movie. Nang mapagod sila sa kakanood napagdesisyunan nilang mag inuman na lang at mag kwentuhan.

Nilagok niya ang alak sa shot glass at kumuha ng onion rings tiyaka kinain iyon.

"Kanina ka pa ganiyan, ano ba ang problema? Nag away ba kayo ni fafa Thunder?" sinalinan niya ulit ang shot glass at ininom iyon.

"We're not in the relationship, hindi ko siya matatawag na boyfriend at hindi niya rin ako matatawag na girlfriend... Uhm, friends with benefits?" Tiningnan niya ito, chineck niya kung huhusgahan siya nito pero wala itong sinabi at nakinig lang sa kaniya.

"It's became hard for me, hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Wala kaming strict na rules, kaya siguro ganito," she sighed and drink another shot.

"Alam mo, naranasan ko 'yan. Fuck buddies? friend with benefits? hindi kita huhusgahan, though, medyo nagulat ako kasi hindi ko naman alam na mag dedesisyon ka ng ganiyan, but I know na you're not into a serious relationship." Sinalinan niya na ang isang baso na malaki at doon na naglagay ng madaming alak, nilagyan niya rin iyon ng yelo.

"Pero alam mo bang delikado rin 'yan? you can fall in love to your partner, lalo na kung sobrang tino ng lalaki, and I know Thunder Jimenez, never siyang nasangkot sa love scandal with other models. He is serious as fuck, work-a-holic guy. Kaya nga nagulat ako na ang kalandian mo ay siya!"

Umiling siya rito at ngumiti ng tipid "Don't worry, I'm not falling, kaya ko ang sarili ko. I build a thick and tall walls and no man can break it. Alam mong naranasan ko ng maloko ng isang lalaki na pinagkatiwalaan ko at isang babaeng tinuring kong kaibigan." Napahalakhak siya ng maalala si Gerald at Carliza.

"Sigurado ka ba? but if you really don't want to fall, make a contract. Have a strict rules, pag sinuway niyong dalawa, wala na 'yong deal, tapos na! You're still innocent Yessha. You can fall really hard, kahit pa sabihin mo na nagtayo ka riyan sa puso mo ng malaking harang. Hindi mo kilala si kupido, pag napana 'yang puso mo mahirap ng makawala." Napainom siya muli ng alak.

Napaisip naman siya ng malalim, kailangan nilang mag usap ng seryoso tungkol sa rules ng deal nila. Dapat maayos at magagawa nila, kasi kung hindi niya gagawin ito, alam niya kung saan ito tutungo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top