CHAPTER 12

Nagising siya ng alas tres ng hapon, umunat siya bago buksan ang kaniyang mata. Nakita niya si Thunder na tulog na tulog pa rin sa tabi niya. Umabot sila ng ala sais ng umaga, hindi niya alam kung anong meron dito at bigla siyang pinahirapan.

Nababadtrip pa rin siya sa ginawa nito sa kaniya, makahanap lang siya ng tiyempo papahirapan niya rin ang binata at bibitinin ng husto. Nakaplano na sa isip niya ang gagawin niya, once na bumalik ito galing sa France.

Tumayo siya at paika-ikang naglakad patungong banyo, nilibot nila itong buong kwarto niya pati sa shower. Pakiramdam niya nag split siya, masakit talaga at ngawit ang gitna niya.

Naligo siya ng mabilisan dahil nakaramdam na siya ng gutom. Nagsuot lang siya ng bathrobe ng matapos siya maligo. Um-order siya ng pagkain at niramihan niya dahil parang gutom na gutom siya. Naubos na ata ang enehiya niya sa katawan.

"Good morning."

"Afternoon na!" galit na sambit niya rito pero tinawanan lang siya. Bumangon ito at dumeretso sa banyo, narinig niya ang pagbukas ng shower kaya panigurado siya maliligo na rin ito.

Nagbihis na rin agad siya, siya na ang kumuha ng mga pagkain ng dumatin iyon. Inayos niya lahat ang inorder niya sa lamesa.

She ordered chicken wings, carbonara and buttered seafood platter.

"Woah, that's a lot," sambit nito nang makababa.

"Gago ka! inubos mo energy ko!"

"Shh. filter your mouth, hon." Inirapan niya lang ito at nag hugas ng kamay para kumain na. Hindi niya na pinansin ang binata at tinuon lang ang sarili sa pagkain.

Tahimik silang kumakain sa hapag, nararamdaman niya itong tumitingin tingin sa kaniya kaya tinigil niya ang pag subo at tiningnan ito.

"What?" tinaas niya ang isang kilay niya. Umiling lang ito at pinagpatuloy ang pagkain. "Anong oras flight mo bukas?" tanong niya rito at pinagpatuloy ulit ang pagkain. Napatigil siya ng pagbalatan siya nito ng shrimp at nilagay sa plato niya.

"9 in the morning." Tumango siya at nanahimik na lang. Inubos niya ang pagkain at tahimik nagligpit. Pumunta siya ng sala at umupo sa sofa, nag cellphone lang siya dahil wala naman siyang magawa.

"Are you still pissed?" umusog siya ng umupo si Thunder sa tabi niya, hindi niya ito pinansin at tinuon ang tingin sa cellphone niya.

"Hey!" kinuha nito ang cellphone niya, sinamaan niya ito ng tingin.

"Akin na!"

"Sorry okay? I will not tease you anymore, promise." Napabuntong hininga siya, sisiguraduhin niyang makakabawi siya rito.

"Oo na, bilis na akin na 'yang phone ko," mabilis nitong inabot sa kaniya at kinuha niya rin naman agad. Sumandal ito sa kaniya kaya natigilan siya, pasimple siyang umusog.

They shouldn't be clingy to each other, dapat talaga sa una pa lang nasa rules na nila ang 'no cuddle after sex'.

"Can I add a rules?" umayos siya ng upo at humarap dito, nag indian sit pa siya para makaharap ito. Kumunot ang noo nito at tiningnan siya ng seryoso.

"What?"

"No cuddle after sex," muntikan na siyang ma-utal, nilakasan niya lang ang loob niya. She felt something that she shouldn't feel.

"I'm against," sagot agad nito. Umawang ang labi niya, hindi niya ito maintindihan, naguguluhan siyang tiningnan ito.

"Why? actually, we shouldn't do that. Kasi 'di ba we're just partner in bed, and fuck buddies don't cuddle! siguro late ko lang —"

"Why? are you falling?" Natigilan siya sa tanong nito, parang nanuyo ang lalamunan niya at hindi siya makapagsalita. Seryoso itong nakatingin sa kaniya at parang binabasa ang mukha niya. Hindi naman niya inalis ang tingin dito.

"Of course not! Nagsa-suggest lang din ako," simpleng saad niya at hindi pa rin inaalis ang tingin dito. Matagal siya nitong tinitigan at hindi nagsalita.

"Okay, if that's what you want." Dahan-dahan siyang tumango rito. Tumayo ito bigla kaya napatingala siya.

"I'll go now, I need to ready some things," saad nito at hindi na hinintay ang sagot niya. Dumeretso ito sa taas para kunin ang gamit.

Pagbaba nito nakaayos na ito at nakasuot ng sumbrero. Bitbit na rin nito ang duffle bag, sinundan lang niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ng bahay.

Bakit pakiramdam niya galit ito sa kaniya?

She sighed. Napahawak siya sa dibdib at pinakiramdaman ang puso niya. Winaksi niya lahat ng nasa isip at iniisip. Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.

I shouldn't feel this...

This is wrong...

Hindi siya lumabas ng bahay buong mag damag, nanood lang siya ng movies at inaliw ang sarili niya. Inalis niya lahat ng bumabagabag sa isip at puso niya. Pagkatapos niya kumain ng dinner, ginawa niya ang night routine niya at natulog na rin agad.

Lumipas ang mga araw at naka-graduate na sila, nalulungkot siya dahil umalis na si Ivy para mag trabaho sa ibang bansa. Alam niya rin ang problema nito dahil kinwento ni Vixxie sa kanila. Siya mismo ang kumuha ng diploma nito, buti na lang nakuha niya at pinayagan siya.

Hindi niya rin masagot ang tanong ni Krelton, lagi kasi sila nitong tinatanong kung tumawag ba o nag message sa kanila si Ivy. Hindi nila sinabi kung nasaan ang kaibigan, nirerespeto nila ang desisyon nito.

Nagalit din sila kay Krelton pero hindi pa rin naman kasi nila alam kung totoong ito ba ang tatay ng pinag bubuntis ni Charlotte.

Napabuntong hininga na lang siya, life sucks, being inlove sucks, being broken hearted sucks. kaya ayaw niya talaga ma-inlove. Sa una lang masaya, sa una lang masarap, pero masasaktan ka rin ng husto.

Ilang araw na siyang walang komyunikasyon kay Thunder. Hindi rin naman niya ito mine-message. Medyo dumidistansiya siya rito pero may deal pa rin naman sila. Siguro iniiwas niya na ang sarili na maging clingy sa binata.

May kakilala rin siya na nagkaroon ng partner in bed, at may rules sila na no cuddle just fuck. Hindi naman kasi siya maalam doon. Pagkauwi ng binata sasabihan niya ito about sa deal nila.

Magkakaroon lang sila ng komyunikasyon pag gusto nila mag sex.

Pumasok siya sa coffee shop at nag order ng frappe, dito muna siya tatambay. Next month pa naman siya mag uumpisa sa trabaho, nakiusap kasi siya doon sa HR ng FLC na kung pwede magpahinga muna siya ng dalawang buwan. Natanggap din kasi siya at kung saan siya nag ojt doon din siya mag wo-work.

Gusto niya muna magpahinga at mag-enjoy bago sumabak ulit sa pagta-trabaho. Tumayo siya ng tawagin ang pangalan niya, kinuha niya ang frappe niya at bumalik sa pwesto. Napatigil siya ng may makitang pamilyar na lalaki na umo-order sa counter.

Sakto naman pagkatapos nito lumingon ito at saktong sa gawi niya. Pareho silang nakatulala sa isa't isa. Bigla siyang natawa at natawa na rin ito.

"Brix! kailan ka pa nandito sa pilipinas?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tawang-tawa siya nang pasadahan niya ito ng tingin.

"Gaga! nandito ka pala? kahapon lang ako nakauwi," pabulong na ani nito. Nag iba ang boses nito kaya tawang-tawa siya dahil hindi tugma sa kasuotan ng kaibigan.

"You're so hot! macho, fafa!" she gigled. Inirapan naman siya nito at tumikhim.

"Gaga ka talaga kahit kailan, alam mo naman kung ano ang tunay. Dapat sexy, georgeous at pretty!" pabulong nitong sambit sa kaniya ng makaupo sila. Napaka manly ng boses nito, malaki at buong buo.

"Hindi pa rin alam ng dad mo?"

"Gusto mo bugbugin ako?" She can't help to laugh out loud. She missed him so much. Naging close niya kasi ito dati pa noong highschool siya tapos nakasama niya ito sa modeling noong nag raket siya.

Kung titignan ito matangkad, makisig at gwapo, mahaba rin ang buhok nito pero naka tali. Sobrang gwapo nito kaya habulin ng babae at siyempre 'yong mga bisexual din.

"Kumusta? nag wo-work ka na ba?" tanong nito sa kaniya.

"Next month, pahinga muna ako, kakagraduate ko lang last month."

"Okay 'yan! ano, bar ba tayo? free ako, kaya ako umuwi rito para mag bakasyon, tumatanggap pa rin ako ng offers pero yung saktuhan lang, 'yong hindi maii-stress," lumapit ito sa kaniya para bumulong,

"Ang beauty ko," muntikan niya nang maibuga ang frappe sa bunganga niya, umiinom kasi siya e. Napa ubo siya at inabot naman nito sa kaniya ang tissue.

"Oo na! mamayang gabi agad oh!"

"Sige ba!" kinindatan siya nito at natawa na lang siya. Tumayo ito para kunin ang kape na inorder. Napag desisyunan nilang mag lakad lakad sa mall habang nag k-kwentuhan.

"So, ano na? wala ka bang fafa ngayon? or may ipapakilala ka sa akin?" Umiling siya rito.

"Wala akong boyfriend pero merong kalandian," 'yon na lang ang sinabi niya, tinutukoy niya si Thunder.

"Gwapo ba? anong itsura patingin —"

"I think you know him, marami kang kakilalang model 'di ba?" Napahinto ito sa paglalakad at nanlaki ang mata na tiningnan siya.

"Ay gwapo nga! alam ko naman pag model malalakas ang dating!"

"Oo katulad mo, ang gwapo mo!" humagikgik siya ng inirapan siya nito.

"Letche! sino nga, name drop." Uminom siya sa drinks niya bago nagsalita.

"Thunder —"

"Yessha." Napatigil siya sa paglalakad nang makita si Thunder sa harapan niya, ito namang katabi niya hinawakan ang kamay niya at pinisil pa, para tuloy silang magka holding hands. Nakita niya ang pagbaba ng mata ng binata sa kamay niyang may kahawak.

"Thunder? N-nakauwi ka na pala," hindi niya alam kung bakit siya kinabahan, eh wala naman siyang ginagawang masama.

"Friend mo Yessha?" muntikan na siyang mabilaukan sa sariling laway nang biglang nag iba ang boses ni Brixton, naging isang lalaking-lalaki ito.

"Uh... yes?" she said while still looking at Thunder, hindi niya maalis ang tingin sa binata, pakiramdam niya may ginawa siyang masama kahit wala. Pasimple niyang inalis ang kamay ni Brixton pero inakbayan naman siya nito at hinapit.

Naramdaman niya na naman ang pagpisil nito sa balikat niya. Alam niya ang ibig sabihin no'n.

Kinikilig ang bakla!

"I'm Brixton, Yessha's soulmate."

"Gago!" siniko niya ito sa tiyan at tinawanan lang siya. Pinanlakihan niya ito ng mata pero nginitian lang siya ng matamis. Siguro kung ibang babae nahulog na sa ngiti nito at sa kagwapuhan.

"Bakit hindi mo ako tinext?" tanong niya rito.

"Don't be clingy right? your rule." Natigilan siya at dahan-dahan na napatango.

"Ay oo nga pala! may lakad ka? may kasama ka ba —"

"Thunder! let's go na — oh, Yessha?" Naibaling niya ang tingin kay Eleina, ngiting-ngiti itong nakatingin sa kaniya. Napatingin siya sa kamay nito na pumulupot sa braso ni Thunder.

"Let's go na! may meeting pa tayo," bumaling ito sa kaniya. "We have some offer kasi, for couple commercial," humagikgik ito ng pabebe.

"Ah okay, enjoy," 'yon lang ang sinabi niya at inirapan ang babae, nainis siya bigla. Mabilis niyang hinatak si Brix para malagpasan ang mga ito. Biglang uminit ang ulo niya, narinig na naman niya ang tawa nitong pabebe.

"Ayon 'no? siya 'yon? kilala ko 'yon, Thunder Jimenez, a hot fucking hot and hot and super-hot model" eksaheradang paliwanag nito. Wala na siya sa mood ngayon, of course! Don't be clingy nga ang gusto niya, hindi ito nag-text sa kaniya para ipaalam na nakabalik na pala sa pilipinas.

Dapat gano'n naman talaga. Siguro na-realize rin ni Thunder na mag uusap lang dapat sila pag magtatalik sila.

"Uuwi na ako, magkita na lang tayo sa red club," sambit niya rito. Hinatid siya nito hanggang sa bahay niya dahil wala naman siyang dalang kotse at sakto meron itong dala.

"See you later, gaga!" Tumango siya rito at nagpaalam. Pumasok siya sa loob ng bahay niya at nag pahinga. Nakatulog pa siya at saktong pag gising niya gabi na. Kumain muna siya ng dinner bago maligo ulit para mag handa para sa pag ka-club nila.

Hindi niya maaya si Olivia dahil wala ito, bumalik ito sa hacienda ng pamilya.

Nag-ring ang cellphone niya kaya sinagot niya iyon ng makita si Thunder ang tumatawag.

"Are you free tonight?" salubong nitong tanong sa kaniya.

"No, we are going to the club," she said while fixing her bodycon dress. Natahimik ang kabilang linya kaya nag salita ulit siya. "Magkasama pa rin kayo ni Eleina?" tanong niya rito, bigla kasi siyang na-curious.

"Why?"

"I'm just asking! si Eleina na ba ang forever mo?" pinasaya niya ang boses niya. "But, I don't like Eleina for you, dapat matino rin at responsable katulad mo ang makakatuluyan mo." Hindi niya alam kung ano ang mga pinagsasabi niya.

"I don't like her too, stop talking about her. Sino ang kasama mo? that guy earlier?" binaba niya ang phone at ni-loud speaker iyon.

"Yes... I miss him, so, we will catch up tonight. We accidentally saw each other, kanina."

"Can I come?" natigilan siya sa paglalagay ng hikaw.

"I think it's uncomfortable for him? next time na lang tayo magkita." Sigurado siyang hindi ma-e-enjoy ni Brixton dahil hindi niya malalabas ang tunay na anyo. Kung kasama nila si Thunder kailangan nito mag boses lalaki lang lagi at maging behave.

"We will meet, later. Susunduin kita before 12 midnight." Magrereklamo sana siya pero hindi na niya nagawa, gusto niya pa sana mag tanong kaso pinatayan na siya nito ng tawag. Napatingin na lang siya sa phone niya at na pa buntong hininga.

Nagpasundo siya kay Brixton dahil hindi na siya mag dadala ng sasakyan kung susunduin naman pala siya mamaya ni Thunder. Medyo naiinis siya kasi dapat mag sasaya sila pero bitin naman.

Nakarating sila sa red club at siyempre doon sila sa VIP floor. Nag-order sila ng drinks, napansin niyang wala roon si red, siguro kasama si Olivia na umuwi sa hacienda. Wala naman din siyang balita kung ano na nangyayari sa dalawa.

Nakakailang shot na siya at medyo nahihilo na rin siya. Hinatak niya si Brixton patayo sa couch.

"Bakla! tara sayaw."

"Gaga, manahimik ka, ang ingay mo!" bulong nito sa kaniya, gamit ang pang babae na boses. Tinawanan naman niya ito at niyakap.

"Hindi naman nila maririnig, maingay kaya."

"Kahit na! pero sige tama 'yan! yakapin mo ako para kunwari ikaw ang girlfriend ko. Kanina pa ako kinikilabutan sa tatlong babae na kindat ng kindat sa'kin tapos pinapakita pa ang cleavage," bulong nito sa kaniya. Napatingin naman siya roon sa mga nakatayong babae, pero inirapan siya ng mga ito.

"Sabi sayo! magpakalalaki ka na, marami kang mabi-bingwit!" hagikgik niya rito. Nag-iinit na ang mukha niya dahil sa tama ng alak.

Hinatak niya na ito at pumunta sa dance floor at doon nagsasayaw, gumigiling giling pa siya sa harapan ni Brixton at ang bakla naman ay hindi nagpatalo sa pag sayaw niya. Tawang-tawa siya nang makitang may tinitingnan itong lalaki sa gilid ko na sumasayaw. Hinawakan niya ito at pinalupot ang dalawang kamay sa leeg.

"Iikot kita tapos kunwari mababangga mo 'yong lalaki ha?" Napangiti naman ito sa kaniya at tumango. Nagsasayaw silang dalawa at nagpalit sila ng pwesto medyo tinulak niya ito at natamaan 'yong lalaki at natigilan sa pagsasayaw.

Lumapit siya ng husto kay Brixton at nilapit niya ang labi sa tainga nito para bulungan.

"Goodluck, galingan mo —" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil may humawak sa bewang niya at hinatak siya papalayo kay Brixton.

Paglingon niya nakita niya si Thunder na galit na nakatingin sa kaniya, naka igting ang panga nito at parang nag titimpi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top