Chapter 8
Cursed Team
Nasa sala kami ngayon ng dorm kaya nagdadaldal si Musika which is really good for me kasi kailangan ko ng mga impormasyon pa para hindi ako mawala.
Ang next class namin ay maya maya pa kaya may ilang oras pa kami para makapagpahinga.
"Musika, tungkol sa mission na sabi ni Ma'am Sandra, when are we going to get those?" tanong ko kay Musika.
May naramdaman akong excitement dahil ganito ang hilig ko. Mga misyon. Alam kong isa itong utos mula sa mga kalaban namin ngunit kailangan kong gawin ito kung gusto kong manatiling isang espiya at nang hindi ako mahuli.
Ang lahat ng nalalaman ko ay isinusulat ko sa isang kwadernong itinatago ko sa pinakadulo ng cabinet ko para pag dumating ang panahon na nahanap na ako ni Morgan ay kumpleto pa rin ang impormasyong ipapahayag ko.
Ngumiti sa'kin si Musika.
"Makakakuha ka ng misyon Morgiana after one to three weeks dahil sisiguraduhin muna ng mga instructor natin na pwede ka nang sumabak sa mga misyon na ibibigay nila. Maaaring makakuha ka ng misyon pero iyong mga misyon na makukuha mo ay rank C o D lang. For now, kami palang ang makakareceive ng missions na matataas gaya ng Rank B to Rank S. Kami nga pala ang makakasama mo sa mga misyon mo." sabi ni Musika habang may malaking ngiti sa kaniyang mukha.
Mas mabuti sana kung ako lang mag-isa ang gagawa ng misyon pero mukhang hindi iyon pwede.
"Ilan tayo sa isang grupo?" tanong ko pa.
"Lima tayo. Kagrupo natin si Leif pati na rin si Blaze at si masungit na Michiko..." medyo humina ang boses niya dahil katabi lang namin si Michiko.
"Narinig ko 'yon, Musika." sabi ni Michiko tas sinamaan ng tingin si Musika. Natawa naman si Musika at bumulong ng, 'oops.'
"Morgiana, Sanare nga pala ako. Sanare is composed of enchanters who have the ability to be a priest, healer and those who can use abjuration. We can be both offensive and defensive pero I'm practicing sa defensive lang ngayon. Ang skill ko is that I can multiply into hundreds of me which is really helpful for my ability. Pero ngayon hanggang lima palang ang kaya ko.
"Tapos ito namang si Michiko ay Hypo katulad mo. Her ability is that she can control birds, transform into birds, understand the nature of birds and use them to attack which is really scary kasi kakaiba 'yong ibon niya. She can also communicate with avians or birds, borrow their senses, possess them and otherwise use avians as extensions of themselves. The bird is not something na I would love to take care of and display in my house kaya lagi ako nagfre-freak out at parang napaparalyze pag nakikita 'yong mga ibon niya. Geez. Nagamit niya na rin iyong skill niya kanina. At iyon ay ang enhanced senses niya. It's not because her eyes are something. It's because of those birds na she can control. She can make those birds invisible which is really helpful kapag may misyon na infiltration and such." tuloy-tuloy na pagke-kwento niya.
And that also makes her more dangerous. Kayang kaya niya kong bantayan kung may gagawin man akong maaaring ikapahamak ng Utopia.
"Yeah, that's why you need to be careful. I'll make sure that you'll want to change your team." singit ni Michiko na akala kong nanonood pero nakikinig pala.
"Ay Morgiana alam mo na ba na Hypo ang pinaka-common na attribute? Napakarami kasing may taglay ng Hypo unlike sa mga Sanare and such. There's 5 attributes. Supra, Ramona, Hypo, Sanare, at Infra." tumango lang ako sakaniya. Okay, kailangan ko iyong tandaan.
"Morgiana, ano nga palang skill mo? I still haven't seen it. Parang iyong attribute mo lang na kaya mong ichange ang parte ng katawan mo into a weapon ang nakita ko e." sabi ni Musika na tila nagiisip pa.
Medyo nataranta naman ako.
"H-hindi ko rin alam kung ano." sagot ko.
"Hmm... Okay lang 'yan, malalaman mo rin 'yan." sabi ni Musika tas ngumiti sa'kin.
"Nga pala! Punta tayo ng cafeteria! Tinatamad ako magluto e!" sabi ni Musika tapos hinila kaming dalawa ni Michiko na walang ibang nagawa kundi sumunod.
Nang makarating sa cafeteria ay namangha ako. May mga lumilipad na tray, kaya naman habang pumipila ay hindi ko maiwasang mainis kasi umiiwas ako sa mga tray na lumilipad sa taas ko. Baka mamaya kasi matapon sa ulo ko.
Narinig ko naman 'yong pagtawa ni Musika.
"Hindi 'yan mahuhulog sa ulo mo, Morgiana. Liban na lamang kung may naiinis sa'yo sa mga nagtitinda sa cafeteria." sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Idiot." narinig kong sabi ni Michiko kaya sakaniya ko naman ibinaling ang masama kong tingin. Bitch.
"Musika! Michiko! Morgiana!" Sigaw ng isang lalaki. Nang mapatingin kami sila Leif pala, kumakaway at niyayaya kami habang nakaupo sa table na pang anim na tao.
Ngumiti naman si Musika tas tumango, si Michiko naman ay naglakad papalayo sa amin tapos umupo na.
Sinamahan ko si Musika na bumili ng pagkain at pagtapos nagpunta na kami sa kinauupuan nila Leif, Blaze at Michiko.
"Morgiana! Kamusta araw mo kasama 'tong si Michiko? Sinubukan ka nanaman ba niyang sugatan?" Tanong ni Leif habang nakaakbay sa nakasimangot na si Michiko tapos tumatawa.
Kumibit balikat ako at nagsimula nang kumain.
"I won't let Michiko hurt Morgiana, Leif. I will protecc!" sabi ni Musika habang ngumunguya.
"Ang ingay niyo." singit ni Blaze pero tinawanan lang siya ni Michiko at ni Leif.
"Naalala ko tuloy si Rylie sayo, Morgiana... Parehas kayong mahilig sa carbonara e." sabi ni Leif tapos tumawa nanaman kaso napansin ko namang nanahimik ang table pagtapos no'n.
Nakita ko si Leif na isa-isang tinignan ang kagrupo.
"Oops. Sorry." sabi ni Leif tapos pinunasan ng tissue ang bibig niya.
Anong meron sa Rylie?
"Cr lang ako." Paalam ni Michiko tapos umalis kahit hindi pa tapos kainin ang pagkain niya.
Sinundan ko siya ng tingin pero tuluyan na siyang lumabas ng cafeteria. Natapos na kaming kumain, pero hindi na siya bumalik pa. Nagpaalam na agad iyong dalawang lalaki pagkatapos kumain dahil may klase na rin sila.
"Morgiana... See you nalang mamaya ha? Bye." paalam ni Musika sa'kin habang naka ngiti pero napansin kong pinipilit lang niyang ngumiti. Anong meron doon sa Rylie at parang naapektuhan ang buong grupo?
Dahil oras na para sa susunod na klase ko, hinanap ko na ang classroom ko at umupo sa pinakatuktok at sulok.
Maya maya ay may tumabi sa akin. Hindi ko siya pinansin pero nararamdaman ko na panay ang sulyap niya ng tingin sa'kin.
"You're the new member of the cursed team?" tanong ng katabi ko sa'kin. Mahaba ang buhok nitong kulot, maputi at maganda pero parang katulad ko, wala rin siya masiyadong kaibigan. Pero halata sa ugali niya na madaldal siya.
"Cursed team?" tanong ko pabalik.
Napangisi ang katabi ko. Nangunot naman ang noo ko.
"Yes, member ka ng group nila Blaze diba?" sabi niya.
Tumango ako.
"Be careful. Lahat ng naging ka-grupo nila ay namamatay sa mga misyon na ibinibigay sakanila. They're the only group who knows the real reason behind the deaths of their members. Kami, hindi namin alam. Basta bigla nalang after ng missions, uuwi silang luhaan dahil namatayan ng member. Kung ako sa'yo, lumipat ka na ng group kung ayaw mong mamatay. Baka nga sila rin ang pumapatay e. Imagine, 5 tao na ang nadagdag sa grupo nila pero lahat 'yon namamatay. Pang-anim ka na. Ang nakapagtataka, laging iyong newbie ang namamatay. Iyong last member nga lang nila na babae ang tumagal. Akala namin bali na iyong curse pero namatay rin after seven months." sabi niya at ngumiwi.
Mahirap man paniwalaan pero nagtaka ako sa totoong rason. Iyong Rylie, siya ba 'yong tumagal sakanila ng pitong buwan?
Nakinig ako sa lesson at hinayaan na muna ang natanggap kong impormasyon tungkol sa grupo ko na lumipas. Inilagay ko sa notebook iyong mahahalagang impormasyon na tinuturo.
Pagkatapos ay dumiretso na ako ng dorm. Naabutan kong sarado ang ilaw ng dorm pero nakita ko na ang dalawang pares ng sandals sa shoe rack sa tabi ng pinto kaya sigurado akong nandiyan na sila.
Inilagay ko ang bag ko sa kwarto ko at kumatok sa kwarto ni Musika.
"M-morgiana... Bakit?" Bungad ni Musika nang buksan niya ang pinto niya.
"Nabalitaan ko iyong tungkol sa mga members niyo. Anong nangyayari?" tanong ko na ikinalaki ng mata niya pero ngumiti pa rin siya tas nakita kong nagtutubig iyong mata niya.
Posibleng nililinlang niya lamang ako kaya't hindi ko iyon pinansin.
"Alam kong kailangan mong malaman ang tungkol don dahil parte ka na ng grupo pero kinausap kami ng headmistress na wag munang magbibigay ng impormasyon hangga't hindi ka pa namin kasama sa pagkumpleto ng mga misyon kaya sorry. Hindi ko pa masasabi sa'yo ang tungkol diyan, Morgiana," paliwanag sa'kin ni Musika.
"K-kung gugustuhin mong lumipat ng team ay wala naman kaming magagawa..." dagdag pa niya pagkatapos ay isinara na ang pintuan niya.
Nainis ako pero alam kong wala akong magagawa kundi ang maghintay ng tatlong linggo upang tuluyang malaman ang misteryong nababalot ng grupong kinabibilangan ko.
Dalawang linggo na ang lumipas, isang araw nalang at malalaman ko na ang sikreto ng grupo ko, dumami rin ang kaalaman ko tungkol sa Veralta Academy maski na sa Utopia pero ang misyon ko ay mga mabababaw pa lamang. Nanatili akong member ng grupo nila Musika dahil gusto kong malaman kung ano nga bang nangyayari sa mga members nila noon.
Kung totoo man na sila ang pumapatay ng members nila, uunahan ko na sila. Ako na mismo ang papatay sakanila.
"Morgiana, alam mo na ba ang gagawin mo sa test? Sana pumasa ka para makasama ka na namin sa mga totoong misyon." sabi ni Musika at ngumiti sa'kin.
Nagsisikap ako ng sobra nitong mga nakaraang araw kaya paniguradong papasa ako.
"Musika, I'm born ready." saad ko nang nakangisi. Tumalikod ako sakanya at naglakad papalayo habang naka paskil pa rin sa mukha ko ang ngisi na dahil sa kasiguraduhan kong magwawagi ako sa pagsubok na ibibigay sa'kin.
After this fight, I'll make sure to know your secrets, Musika. I'm not going to let you, the 'cursed team' do the same thing to me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top