Chapter 7
A/N: still unedited pero mapagtiya-tiyagaan na 😂 enjoy reading 💓
Her Sidekicks
"Morgianaaaaa! Wake up! Wake up! This is our first day kaya't gumising ka na or else we'll be late at may punishment 'yon, Morgianaaaaa!" naririnig kong sambit ni Musika at nainis naman ako dahil sila Morgan at Aki lang ang pinapayagan ko na utus-utusan ako.
Bumangon ako pero naka kunot ang noo ko.
"Don't order me around as if you're my boss." saad ko at nakita ko ang paglaki ng mata ni Musika. Nakita ko rin na parang nasaktan ito sa sinabi ko.
"S-sorry." saad niya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nag inat pagkatapos ay dumiretso na sa cr.
Nang matapos akong maligo ay nakatapis lang akong lumabas ng cr. Hindi naman mababasa ang mga makinang naka kabit sa akin dahil safe ito at hindi napapasukan ng tubig.
Naabutan ko si Musika na nasa kwarto ko pa rin kahit bihis na siya.
"Bakit ka nandito? Get out." sabi ko sakaniya.
Nakita ko ang mata niyang nagtutubig kaya naman tumingin siya sa carpeted na sahig at umiwas din ako ng tingin.
"G-gusto ko lang sana sabihin na sabay-sabay sana tayong mag-breakfast." sabi nito habang nakatingin pa rin sa carpet.
Huminahon ako bago magsalita.
"Susunod ako. Just please get out." mahinahong saad ko. Tumango naman siya at lumabas na.
Nagbihis na ako agad at lumabas ng walang ibang dala kundi ang maliit na bag na naglalaman ng class schedule ko, susi ng dorm at mapa sa Veralta Academy. Anong klaseng pag-aaral ba ang gagawin namin dito?
Pumunta ako sa may kusina at naabutan ko si Musika at si Michiko na nakaupo sa lamesa. Maraming pagkain ang nakalagay dito. Pakiramdam ko si Musika lahat ang nagluto dahil mukhang wala namang alam sa pagluluto 'yong Michiko na umiirap-irap sa'kin.
"Next time that she's late, we're going first, Musika. That's final." Sabi ni Michiko habang naka tiim ang bagang.
Umupo na ako sa harap ni Musika na katabi naman ang masungit na si Michiko.
"P-pero..." tutol ni Musika pero tinignan siya ni Michiko ng masama kaya wala nang ibang nagawa si Musika kundi ang magbuntong hininga.
"Thanks for the food." walang ganang saad ko habang nakatingin kay Musika at nagsimula na akong kumain.
Pagkatapos kumain ay uminom ako ng tubig at umalis na sa hapagkainan.
Lalabas na sana ako pero tinawag ako ni Musika. Nang lumingon ako ay nakita kong kasama niya si Michiko na umirap nanaman sa akin at pinagkaabalahan ang kuko niya.
"Bakit?" tanong ko sakaniya.
"Sabay-sabay sana tayong pumasok. A-ano bang first class mo?" balik tanong niya sa'kin.
"Chronicles." sagot ko. Ngumiti si Musika.
"Parehas nga tayo. Tara na," sabi ni Musika at masayang lumabas ng dorm. Nauna pa siya sa'min ni Michiko. Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod sakaniya at iwanan 'yong mataray sa likuran ko na pakiramdam ko ay umiikot nanaman ang mga mata.
Marami kaming nadaanang enchanters pero wala ako nakitang ni isang gumagamit ng mga abilities nila hanggang sa nakarating kami sa isang building na malaki na gawa sa bato.
Nang pumasok kami rito ay napansin ko agad ang mga salamin. Gawa sa bato ang labas ng gusali pero ang loob naman ay puno ng salamin.
Sumunod lamang ako kay Musika hanggang sa pumasok ito sa isang silid.
Tumingin sa'kin si Musika at kinuha ang kamay ko. Pumunta siya sa may bintana at itinuro niya ang upuan malapit sa bintana. Ipinapahiwatig na ako ang maunang umupo ro'n.
"Sabi ko naman sayo diba wag mo 'kong uutusan," saad ko at sinadya ko siyang takutin kaya naman napabitaw siya sa kamay ko at yumuko nalang.
Lumakad ako papunta sa upuang itinuro ni Musika nang biglang may humila ng damit ko at iniharap ako sakaniya. Nang maiharap ako sakaniya ay hinawakan niya ang collar ng uniporme ko.
"Sa susunod na makita ko si Musika na nasa ganitong ayos ulit, prepare for your grave." May diin na pagkakasaad nito habang nanggigigil.
"M-michiko, ayos lang ako." saad ni Musika sa mahinang boses at sinubukang ilayo sa'kin si Michiko pero nanatili ito sa pwesto niya.
Agad na nag-iba ang porma ng kamay ko at naging kutsilyo ito. Ilang saglit lamang ay natanggal ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa collar ko, napunta ako sa likod niya at naitutok ko ang kutsilyo sa leeg niya.
"Sa susunod na pagbantaan mo ako, sisiguraduhin kong wala ka nang oras para makapaghanda sa libing mo." bulong ko sakaniya.
Ramdam ko ang mga matang nakatingin pero parang walang balak magtangka na awatin kami.
Mas lalong nagpanic si Musika dahil akmang ilalapit ko na talaga ang kutsilyo sa leeg ni Michiko.
Nang maramdaman na parang tumigil na si Michiko ay lumayo na ako sakaniya at akmang pupunta sa upuan na itinuro ni Musika. Nang mula sa bintana nakita kong may mga ibong papunta sa direksyon ko. Kulay itim ang mga ito at napakarami nila. Nang lumingon ako kay Michiko ay nalaman kong siya ang kumokontrol sa mga ibon na 'yon.
Nabasag ang mga salamin ng bintana at hindi ko alam kung paano iiwas sa mga ibong paparating sa direksyon ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mga ibong mabilis na lumilipad parating sa akin at narinig ko ang boses ni Musika na isinisigaw ang pangalan ko.
Ipinikit ko ang mata ko at hinintay na lamang kung anong mangyayari nang biglang umalog ang kinatatayuan ko. Natumba ako at sunod-sunod na pagkalabog ang narinig ko.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong may malaking kahoy na humaharang sa harap ko.
Lumingon ako sa likuran at nakita roon ang dalawang lalaki na kasama ni Musika at ni Michiko.
Tumayo na ako at agad din akong nilapitan ni Musika para i-check.
"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin habang may namumuong luha sa mata at tumango naman ako. Nilipat ko ang tingin ko sa dalawang lalaki.
"Michiko! Ano nanaman ba 'to? Kaya laging umaalis 'yong dapat na teammate natin e! Tsk!" sabi ng lalaki na green ang buhok.
Umirap si Michiko sa lalaki tapos umupo ng padabog sa upuan niya. Tumingin naman iyong lalaki sa akin.
"Thank you, Leif." sabi ni Musika sa lalaking green ang buhok.
Ngumiti naman si Leif tapos kumindat kay Musika.
"Kundi ka siguro dumating ang dami nang sugat ni Morgiana ngayon. Uhm Morgiana, sorry nga pala ulit sa ugali ni Michiko. S-sana matagalan mo pa kami." sabi ni Musika sa harap ko habang nakatingin sa lapag. Palagi nalang siyang nagsosorry.
"Morgiana right? I'm Leif." saad ng lalaking green ang buhok habang nakangiti sa akin.
So siya 'yong nagligtas sa akin? Paano nagkaroon doon ng kahoy sa mismong harap ko at biglaang nawala? Napailing ako. Dapat matagal ko nang itinanim sa isipan ko ito. There's a lot of things in this world that science cannot explain.
Tumango ako tapos tumingin sa lalaking nasa likuran ni Leif. Tumingin din ito sa akin at naramdaman kong parang ito 'yong lalaking version ni Michiko. Pula ang mata tapos pula rin ang buhok.
"He's Blaze, Morgiana. Ganyan talaga 'yan siya. Parang laging may dalaw. Hay, dalawang tao tuloy 'yong kailangan kong bantayan para magtagal ka pa rito," sabi ni Musika tapos bumuntong hininga.
Hindi naman ako magtatagal dito Musika. Kung alam mo lang. Kaya't okay na ako kung sa grupo nila ako mapupunta. Alam ko namang hindi magtatagal ay mahahanap ako ni Morgan.
Napatingin ako sa katabi ni Musika na si Michiko na nakatingin naman sa harapan habang naka cross arms at nakakunot ang mga noo.
Nako-control nga kaya niya ang mga ibon na iyon?
Napansin ko ang pagbabago sa katawan ko. Kahit wala akong dalang orasan, alam kong lampas na sa labing dalawang oras ang lumipas pero hindi naman ako nahihimatay. Ano bang mayroon sa lugar na ito at mukhang marami rito ang may kakayahang guluhin ang isip ko?
Naputol ang pagiisip ko nang biglang may pumasok sa pinto na sa tingin ko ay ang instructor namin.
Tumingin ito sa amin at inadjust ang salamin niya nang dumako ang tingin niya sa direksyon ko.
Umiling na lamang ito at nagtungo na sa upuan niya sa harap. Nagpakilala muna siya bilang si Ma'am Sandra at nagsimula nang magturo.
"We're going to talk about the beginning and how the peacefulness of Utopia is suddenly covered with mist. Our ancestors started living on a land without everything until Azumi came along with 4 other great enchanters. They are the enchanters who started to build Utopia and the enchanters now are just the fruit of what they've done before. Azumi was the most powerful enchantress that was ever created because she's the first ever enchantress that was ever created. That's why she learned almost everything that we need to learn."
She intently looked at all of us.
"All the five legendary enchanters have the same level of using their attributes and their skills but Azumi is on the other level since she's the first ever enchantress that was created but she was kept hidden for years in and when she came to Utopia, it was kinda late. Because of that she was appointed to be the one who'll lead their kin. Terra and Koharu, on the other hand, was envious because of Azumi's achievements and they started to rebel.
"Those rebels are called missing chanters or rogue chanters, it was hard for them to accept that even their own friends will be called as missing chanters or rogue enchanters but it was Terra and Koharu's choice so Azumi, Wisteria and Kiyoshi did their best to protect their kin. The first ever war between enchanters started and unfortunately, Azumi died along with Terra and Koharu.
"The peace was restored for a moment but some of the missing chanters is still alive and now, they're surely plotting something against us to get Utopia from us."
She used the word, 'created' instead of being born but she never mentioned that they were created by scientists. Why wouldn't she tell them those? Napangisi ako sa isipan ko. Ngayon alam ko nang hindi lang ang mga scientist ang kalaban ng enchanters. They are also facing those missing chanters.
Maybe it's better to attack them while those missing chanters are on their move.
"By the way class, for those who don't know this yet, our headmaster will assign every group to missions to protect Utopia and for retaining its peace. There's a D rank mission, C rank mission, B rank, A rank and the most tough mission given to those skilled group of enchanters, an S rank mission. Ask your teammates for more information, newbies." saad ni ma'am Sandra tapos tumingin sa direksyon ko at in-adjust ang salamin niya.
"Class dismissed."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top