Chapter 6
VERALTA ACADEMY
Akirlyn
Everything was in chaos pagkadating na pagkadating ko sa laboratory. Napakunot ang noo ko habang tinitignan ang mga scientists na nagkakanda-ugaga at parang nababalisa.
Bukod sa pagiging scientist, ang iba sakanila ay nakatoka sa mga misyon. Palagay ko ay may isang napakalaking misyon ang hindi nagawa ng maayos para magkaganito sila dahil bihira ko lanang makita ang ganitong eksena.
Lumapit ako sa isang babaeng nagngangalang Kathleen. Isa siya sa mga maseswerteng scientist na nakakaranas din na mautusan ni Morgan sa mga misyong nasa labas ng laboratory.
"Kathleen, anong nangyayari rito?" tanong ko habang nangungunot ang mga noo.
Napatingin sa akin si Kathleen habang pabalik-balik na naglalakad sa harap ko. Nginangatngat niya ang kaniyang kuko habang nakalagay ang isang kamay sa bewang. Halatang hindi mapakali.
"Sir Luxio didn't you get the news? Galit na galit si sir Morgan dahil si Morgiana ay biglang hindi niya matawagan. Nang ipa-check niya rin ang cctv sa bahay ni Ma'am Morgiana ay wala siyang ibang nakita kundi ang mga gamit nito. Kaya ganito na lamang ang pagkabahala ng lahat dahil alam naman natin kung gaano kaimportante si Ma'am Mo—''
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at agad na tinungo ang opisina ni Morgan.
Agad agad akong kumatok nang makarating sa pinto at agad ding pumasok.
"Morgan, I heard the news. Gusto mo bang pumunta ako mismo sa bahay ni Morgiana para masigurado kung wala siya roon?" tanong ko rito nang madatnan ko siyang nakaupo sa swivel chair niya at nakatalikod sa akin.
"Do you think na hindi ko agad maiisip yan, Akirlyn? Of course I already did that. And look at what I just found." Sambit nito at dahan-dahang inikot ang kaniyang swivel chair para iharap sa akin at sa mesa niya.
Kinuha niya ang isang libro at inilapit sa akin. Nangunot ang noo ko nang makita ito. Naglakad ako papalapit dito at kinuha ang libro.
"Veralta Mystick Utopia," malakas na pagkakabasa ko rito. Ibig sabihin lamang nito ay nahanap na niya ang Utopia at maaaring nandoon na si Mina ngayon.
"She went there without my permission. She doesn't even know what her true mission is. The envelope that I gave her was still in her room, and it's still sealed. Ang tanging nabuksan niya lamang ay ang envelope na ibinigay mo. Wala siyang kaalam-alam sa mga plano. She didn't even have the medicine that she needs para hindi mawalan ng malay habang hindi nakakapagcharge." sabi ni Morgan at kahit ako ay sumakit ang ulo dahil dito.
"Akirlyn, please call Dixy. Tell her that I'm giving her a rank A mission." tiim bagang na utos nito.
Panandaliang tumutol ang isip ko sa kaniyang ipinahayag. Gusto kong ako mismo ang pumunta sa Utopia ngunit mahahalata kay Morgan ang pagkadesidido niya. Wala akong ibang magawa kundi ang lumabas at hanapin si Dixy para sa bago nitong mission.
Morgiana
Nagising ako sa isang parang elevator ngunit mas malaki at mas malawak ito kaysa sa mga elevator sa mundo namin. Nakaupo ako habang nakasandal ang likod sa malamig na gilid nito.
Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa gitna nang biglang may nagsalita.
"Welcome to Veralta Academy! Enrollee's ability was classified as Hypo. Please press the red button." saad ng boses babaeng tila robot ang tono.
Nakita ko na mayroon ngang mga button na may iba't ibang kulay. Mayroong blue, yellow, white, red, at green. Sa baba ng bawat button ay may mga butas na parang maaari mong lusutan ng papel.
Pinindot ko ang kulay pula. May lumabas namang maliit na papel na kulay pula mula sa baba ng button. Nakalagay dito ang bilang 152.
Napansin kong dahan-dahang nagbukas ang pintuan sa harap ko at unti-unti naman akong nasilaw sa liwanag na nagmumula sa labas.
Nang tuluyan itong mabuksan ay nakita kong may isang babaeng may kakaibang kasuotan ang nagaabang habang nakangiti.
"Hi! Welcome to Veralta Academy. I'm Trixie, and I'm going to guide you sa pagkuha mo ng gem mo and some things na kakailanganin mo." saad ng babaeng halos kulay pula ang lahat ng suot. Ngumiti siya at inilahad ang kaniyang kamay sa harapan ko.
Hindi ko man alam ang gem na tinutukoy ay nanatili akong tahimik.
Iniabot ko ang kamay ko sa kaniya nang hindi ngumingiti.
"I'm Morgiana. Thank you." sagot ko.
Ngumiti ito, "You're welcome, Miss Morgiana. Please follow me."
Habang naglalakad ay nanatili ako sa likod niya. Pinagtitinginan din ako ng ilang estudyanteng nadadaanan namin at hindi ko iyon pinapansin. Siguro iyon ay dahil kakaiba ang suot ko sa suot nila.
Makulay ang bawat lugar na nadadaanan namin. Napansin ko rin ang mga gusaling tila mansyon sa laki at ganda. Hindi katulad sa mundo ng mga normal na tao, malinis ang paligid dito. Pakiramdam ko'y napaka payapa ng buhay dito sa mundo nila.
Teka, ano nga bang dapat na gawin ko rito? Ang envelope na binigay sa akin ni Morgan na naglalaman ng tungkol sa misyon ko ay hindi ko dala dahil hindi inaasahan na mapapadpad na ako rito agad. Siguro ay mananatili nalang akong espiya habang naririto ako. Alam ko namang hindi hahayaan ni Morgan na manatili ako rito habang buhay.
Nang matapat kami sa isang magara at may kalakihang pinto, huminto kami at pumasok doon. Nakita kong may iba't ibang enchanters ang abala sa paggawa ng mga gawaing naka toka sakanila. May mga cubicles na nagdidivide sa bawat enchanters at sa tapat no'n ay may mga upuan at bawat cubicle ay may numero. Uno hanggang tres.
Napansin ko ring may mga maliliit na taong lumilipad na nakapormang numero. Kung di ako nagkakamali, sila ay 'yong tinatawag na fairies. Kada may taong natatapos sa cubicle ay gumagalaw ang mga fairies at pumuporma ng bagong numero.
"Miss Morgiana please have a seat habang naghihintay sa numero mo." saad ni Trixie.
Tumango naman ako at umupo sa pinakamalapit na upuan sakin.
Nang pumorma ang mga fairies ng bilang 152 ay tinanguan ako ni Trixie upang ipahiwatig na ako na.
Pumunta kami sa isang babae na parang nagtatatak. Ang kaibahan lang ay kamay ang gamit ng babae sa pagtatak. Hindi na ito gumagamit pa ng kung anong bagay na kailangan sa pagtatak.
Umupo ako sa tapat ng babae.
Kinuha ni Trixie ang kanang kamay ko at ibinigay sa babaeng nasa harapan ko. Naguguluhang tumingin ako sakanila. Pinatong ng babae ang kamay niya sa kamay ko at pumikit.
Maya maya lamang ay nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
Dumilat ito at tumingin kay Trixie.
"Isa siyang hypo, tama ba?" tanong ng babaeng kaharap ko. Naguguluhang tumango si Trixie.
Tumango rin ang babae at ibinalik ang focus sa kaniyang ginagawa.
Maya maya lamang ay may naramdaman akong kung ano na parang may malaking itinutusok sa kamay ko. Hindi ko napigilang mapadaing at nang dumilat ang babae ay binitawan nya na rin ang kamay ko.
"Okay na." saad ng babae at ngumiti. Nagpasalamat si Trixie rito.
Nang makita ang likod ng palad ko ay nagulat ako. May isang diyamanteng kulay pula ang nakatanim dito. Nang makita ito, pakiramdam ko ay mas lumakas ang katawan ko. Parang may enerhiyang dumadaloy sa katawan ko na lalong nagpapalakas sa akin. Pinilit kong kumalma dahil parang sasabog ako.
"Are you okay, Miss Morgiana? Normal lang iyan. Maya maya ay mawawala rin ang nararamdaman mo. Ikalma mo lang ang sarili mo." sabi ni Trixie na parang nabasa ang nararamdaman ko.
Sa cubicle bilang 2 ay ibinigay sa akin ang mga uniporme ko pati na rin ang class schedule ko habang sa cubicle bilang 3 ay ibinigay ang susi ng dorm na tutuluyan ko kasama na rin ang mapa sa Veralta Academy at papel na naglalaman ng rules and regulations.
Pagkatapos ay inihatid na ako ni Trixie sa dorm na tinutuluyan ko.
"Please enjoy your stay here in Veralta Academy. Goodluck!" saad ni Trixie at umalis na rin agad nang magpasalamat ako.
Nandito na ako sa dorm ng mga babae. Nakatapat ako sa pintuang may kulay pula, dilaw at berde. Kanina bawat pintong nadadaanan ko ay iba't ibang kombinasyon ng kulay ang nakikita ko sa bawat pinto.
Inilabas ko ang susi ko para sa dorm na ito pagkatapos ay pumasok na rito. Namangha ako nang makita kong malaki pala ang dorm na tutuluyan ko. Alam ko na may kasama ako rito at tatlo kami dahil nabanggit na iyon ni Trixie kanina pero para sa aming tatlo, masyado pa rin itong malaki. Ganito ba bawat kwarto rito? Parang isang bahay na ito ah.
Pagkapasok ay makikita ang sala kung saan may lamesa't upuan. Sa dulo ng sala ay makikita ang kusina. Black, white at silver ang motif nitong bahay na ito kaya naman ang elegante nitong tignan.
Nasan ba ang mga tao?
Sa ngayon parang ang dapat ko munang gawin ay magpahinga dahil tsaka ko lamang naramdaman ang pagod ko. Ilang oras na ba ang nakakalipas simula ng makarating ako rito? Paano kung bigla na lamang akong mahimatay? Pero hindi ko nararamdaman na parang ano mang saglit ay mahihimatay ako. Pakiramdam ko normal din ako at hindi na kailangan pang icharge. Napailing ako sa naisip ko. Sana nga pero imposible 'yon.
Pagkalagpas ko ng sala ay nakita kong may tatlong magkakasunod na pinto. Ang unang pinto ay kulay dilaw, ang sumunod ay kulay berde at ang huli ay kulay pula. Pakiramdam ko ang kwarto ko ay ang kulay pula dahil na rin pula ang gem na inilagay sa kamay ko kaya't doon ako dumiretso.
Pagkapasok ko ay may nadatnan ako doong dalawang tao na may suot na party hats at may lobo pa ang kwarto ko. Napansin ko rin ang mga suot nilang tila wala ng itinatagong balat. Tanging iyong mga maseselang parte na lamang ng katawan nila.
Ang isang babae ay nakangiti sa'kin habang ang isa naman ay halatang napipilitan lamang na magsuot ng party hat na suot nito.
"Huh? Hindi ba ito ang kwarto ko?" tanong ko at tumalikod nalang dahil mukhang nagkamali ako ng pinasukan.
Pero bago pa man ako makaalis sa loob ay humawak sa kamay ko ang isang babae.
"W-welcome to our home, a-ako si Musika," mahinang saad ng isang babaeng wavy at mahaba ang buhok. Maamo ang mga mata nito, matangos ang ilong at maputi.
Napakunot ang kilay ko at tumingin sa kamay niyang nakahawak sa kanang kamay ko. Agad niya naman itong tinanggal at humingi ng tawad sa'kin.
Inilipat ko ang tingin sa isang babaeng nakaupo sa kama at nakita ko ang pagtaas ng kilay nito sa akin.
Kumunot ang noo ng babaeng nasa kama, tinanggal nito ang party hat na suot niya at padabog na inilagay ito sa drawer na katabi ng kama. Kumpara kay Musika, mas maiksi ang buhok ng babaeng nakaupo sa kama pero di maipagkakailang maganda rin ito lalo na kapag lumalabas ang dimples nito.
"I'm Michiko." Saad nito at naglakad na papunta sa'kin at palabas ng pintuan. Binunggo ako nito habang nanatili akong nakatingin sakaniya.
"Oh.. Newbie, listen, I'm not going to stand here and act like I like you because I don't. Don't dare to make any queer actions or else, I'll surely hunt you 'til you rot in hell." Matapang na pagkakasabi nito habang nakatingin ng malalim sa mga mata ko. Hindi ko naman iniwasan ang tingin nito hanggang sa irapan ako nito at tuluyang lumabas ng kwarto.
Hindi ko man maintindihan kung bakit gano'n ang asta niya pagdating sa'kin ay isinawalang bahala ko ito.
"I'm Morgiana." saad ko sa babaeng nasa harapan ko at naka simangot.
"A-ako si Musika..." sabi niya.
"Oo nga." nagtatakang sagot ko. Nasabi niya na 'yon kanina diba?
Natatawang kumamot siya ng ulo.
"Pag pasensyahan mo na si Michiko. Gano'n lang talaga siya kaya nga lahat ng posibleng maging ka-team namin ay lumilipat sa ibang grupo. Lahat kasi inaaway niya." sabi ni Musika habang natatawa.
"Eto ba ang kwarto ko?" tanong ko sakaniya.
"Ah, oo Morgiana. Sige aalis na ako." sabi niya habang nakangiti at tinanguan ko naman siya.
Inikot ko ang tingin sa tutuluyan ko. Katamtaman lamang ang laki nito. May single sized bed tapos ay may bedside table na may nakapatong na lamp pati na rin ang party hat na iniwan ni Michiko kanina. Sa taas ng kama ay naroroon pa rin iyong dalawang lobo. Nakita ko rin ang isang pinto na malamang ay ang cr.
Carpeted ang floor at sa isang gilid ay may mini library.
May cabinet din sa tabi ng mini library at nang buksan ko ay nakita kong puno ito ng mga damit na kakaiba. Masyado silang librated kung manamit. Palibhasa mga may ibubuga.
Inayos ko na ang mga gamit na dala ko at naligo na. Pinili ko rin ang pinakadisenteng damit na nakita ko.
Maya maya ay may kumatok sa pinto.
Binuksan ko ito. Nakita ko si Musika na may hawak ng maliit na cake at nahihiyang tumingin sa akin.
"Morgiana, para sa'yo nga pala ito. Pasensiya ka na kung may bawas. Si Michiko kasi e," sabi niya habang nakasimangot.
"Salamat." tugon ko. Ayoko sanang tanggapin ngunit parang siya ang gumawa nito kaya kinuha ko ito sakaniya.
"Nga pala, Morgiana... Sana ikaw na 'yong forever na teammate namin." dagdag niya at ngumiti ng pagkalaki-laki tapos ay tumakbo paalis.
Kumibit balikat ako dahil hindi ko naiintindihan ang sinabi niya. Teammate saan?
Tinignan ko ang cake at binasa ang nakasulat dito.
'For our new forever teammate <3'
[A/N: sorry kung natagalan ang update :( haha may nagbabasa pa kaya nito? 🤔 haha okay lang. Tatapusin ko 'to may nagbabasa man o wala!
Nagmamahal,
purpleprose14 ♡]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top