Chapter 5
A DUEL TO VERALTA ACADEMY
Morgiana
"Uhm. Morgiana, I know this sounds absurd but... I-- I'm challenging you into a duel." sabi ni Ezio.
Napa-nganga ako. Literal na napa-nganga. Like heck, this is my first time doing that thing!
"Wh-- What?!" nagtaas din ang boses ko. This is also the first time I lose control.
"No way! How could I even fight you?! Napatay mo nga ng ganun kadali yung higanteng halimaw kanina and now you're asking me to fight you?!" tuloy tuloy na dagdag ko.
I can't do that! Ipapahamak ko lang ang sarili ko pag ginawa ko 'yon.
Ezio chuckled.
"Relax. I would go easy on you, babe." sabi niya tas kinindatan niya ako.
And because of that, I kick him! And he easily managed to dodge that. Heck, how could I defeat him?
"Wait wait! Di pa start!" sabi niya tas tumatawa.
"I told you jerk there's no way I would have a duel with you!" sabi ko tas pinagpatuloy ko ang pagsipa ko sakaniya.
Ilag lang siya ng ilag.
"Then, I won't bring you to Veralta academy." sabi niya habang tumatawa pa rin.
Napatigil ako sa pagsipa sakaniya. No way. Kailangan ko siya. I need to spy before planning. Kailangan ko ng kaalaman tungkol sa mundong to bago ko ito tuluyang masira.
"Fine. Let's have a duel." saad ko. Talo na ako.
Napa-ngiti siya.
"Wag ka magalala, Morgiana. You won't die. After our duel, everything will go back to normal. Na para bang hindi tayo nag-duel. Trust me. It's just so damn boring!" pagrereklamo niya.
"And how is that going to happen?" nagtatakang tanong ko.
"That's why I bought this device," saad niya at inilabas ang rectangular device na may dalawang button. May design ito ng mga puno at araw.
"This is a device used for duel. Once the duelers clicked those buttons, they will be put into an illusion. But once na someone is knocked down, the game is over. And both of us will return in Utopia safe and sound without the scrape we had during the battle. We might feel the pain during battling but once we're done, it will all be gone. Amazing, right?" pagpapaliwanag niya.
Okay naman pala e, besides he didn't ask me to win. All I need to do is fight him.
"Sounds exciting."
"Oh. You look really excited!" sabi niya with so much full of sarcasm in his voice tapos tumawa na naman siya.
"Morgiana, there's only one rule," saad niya. I gulped.
"Win." sabi niya tas pinindot na ang isang button. Bigla siyang nawala sa harapan ko.
Napa-buntong hininga ako tapos napa lunok. Kung tutuusin, pwede akong tumakas. But the probability that someone will help me the way he did is 40 over 100. At tsaka wala namang mawawala, this also sounds fun.
Pinindot ko na ang button na naka-tapat sa'kin.
Napunta ako sa isang gubat na ma-araw. Kung tutuusin, alam kong hindi talaga siya lalaban sa'kin ng buo. Kasi nasa gubat kami, he can't use teleportation. Diba?
Naramdaman ko nalang na nilalamig ako. Napa-tingin ako sa paanan ko, at nakita kong binabalot ang buong damuhan ng yelo. Unti-unting nawala ang mga damo at napalitan ng yelo.
Napatingin ako sa likod ko, he's leaning on a tree habang naka-ngisi at nakahalukipkip.
Ghad. Parang ibang tao ang kaharap ko.
"Oh sorry about the grass, I got a little excited.... Ice beam!" agarang sabi niya at tinuro niya ako. Nagulat ako when large portions of Ice came to target me.
"Shield!" my hands immediately turned into a shield. Narinig ko ang pagkalampog ng ice sa shield ko at napa-atras ako't muntikan nang mahulog.
Nakita kong napangiti si Ezio at napaayos ng tayo.
"One thousand ice knife!" naglabas siya ng libo libong yelo sa kamay niya at halos mapuno ang gubat ng mga kutsilyong yelo. Hindi biro dahil nakita kong malapit ng mahati ang puno malapit sakin.
"Shield removed! Double k activated!" nawala ang shield ko at napalitan ng dalawang knife na ginawa mismo ni Morgan.
Iniwasan ko lahat ng knife at nagawa kong iwasan ang karamihan pero natamaan ako sa binti at sa balikat. Mayroon pang mga bumubulusok kaya hindi ako tumigil sa paggalaw. Iwinawasiwas ko ang sandata ko papunta sa mga kutsilyong tatama sakin at sinisipa ko naman ang iba. Naiiwasan ko naman pero sadyang may nakakalabas.
Natamaan nanaman ako sa pisngi. At sa kabilang balikat. At sa tiyan. At sa binti pa ulit.
"Argh!" daing ko pero hindi ako tumigil sa paggalaw at pagilag.
"What, Morgiana? Hanggang defense ka nalang ba?" nakangising saad ni Ezio tapos biglang naglaho ang mga kutsilyo.
Hinihingal na ako at duguan. Samantalang siya, hindi pa gaanong gumagalaw. The fuck is the problem of this body?!
Inilibot ko ang tingin ko. Trees. Drum. And woods. And normal things na meron sa gubat. Yun lang ang nakikita ko. Pero either way, I'll need to try anything.
Inilagay ko ang kamay ko sa likod ko. I need to stop him from commanding.
"Deactivate. Gulyze activate." I muttered. The gun I used during the battle with the wolf activated. Tumakbo ako palayo sakaniya. Muntikan akong madulas pero buti nakapunta agad ako sa damuhan.
"Morgia--"
"Paralyze!" sigaw ko habang tumatakbo palayo. Bumulusong papunta sakaniya ang bullet ni Gulyze at hindi niya yon inaasahan kaya naman nadaplisan siya nito at naparalyze pero alam kong hindi yon magtatagal dahil daplis lang yon.
"What the! I-- I..."
"Gulyze deactivate! Arbo activate!" my bow and my arrow activated.
I have a really good vision so I doubt I'll miss this even in this distance.
Tinira ko ang arrow papunta sa left eye niya.
"Aaaaargggghhhhh Morgiana you're torturing me!"
Kumuha ulit ako ng arrow at tinira papunta sa right eye niya. Nakarinig nanaman ako ng sigaw niya.
Better. Tumakbo ako papunta sa drum at binuksan ito. Napa-ngiti ako ng maamoy ko ito.
Hinila ko ang drum papunta kay Ezio at tinapon sa harapan niya ang laman nito.
"Hey what is that? Don't tell me you're planning to kill me?!"
Hindi ko siya sinagot. Kumuha ako ng woods, at ginamit ko para magkaron ng kahit konting apoy. Gumana at tinapon ko iyon sa lugar na tinapunan ko nang langis.
Kumalat ang apoy. Dun ko palang siyang nakitang gumalaw. Tinanggal niya ang arrows mula sa mga mata niya. Alam kong wala na siyang nakikita. Nagdudugo ang parehas na mata niya at tila ba umiiyak.
"Fire?!" saad niya at dahil sa reflexes niya, napagawa siya ng yelo na mag-aangat sa kaniya. Pinalilibutan na kaming dalawa ng apoy.
The thing is, gumawa siya ng bagay na ikapapahamak niya. Inangat niya ang sarili niya. And that's my cue. Tumalon ako paakyat sa yelong ginawa niya at sinipa siya.
Ako ang natirang naka-apak sa yelong ginawa niya.
Yes, he have more chances of winning than I am because of his ability, but I have my advantages since I grew up with scientists. Napa-ngisi ako. Another thing that I did for the first time.
Napa-tingin ako sa ginawa naming gulo. Ang gubat ay nasusunog na. Ang sakit din ng mga sugat kong natamo. Bawat isa ay kumikirot.
Pero nagulat ako ng isang malaking yelo ang sumaksak sakin habang naka-talikod ako. Napa-suka ako ng dugo at unti-unting humarap kay Ezio.
Ngumiti siya sa'kin habang may umaagos na dugo mula sa mga mata niya. Unti-unti akong nahulog patalikod mula sa yelong ginawa niya.
NAGULAT AKO nang bigla kaming bumalik sa isolated place na pinagdalhan sakin ni Ezio. Muntik pa akong ma-out of balance nang pagkatapak ko sa lupa.
Wala na nga ang mga natamong sugat namin mula sa labanang naganap.
"Congratulations! Player 1 won the duel!"
Yeah, and player 1 is Ezio. Napa-tingin ako sakaniya. Naka-ngiti siya sakin.
"That was a good game, Morgiana. Ang brutal mo! Talagang pinana mo ang mga mata ko! Like heck, I can't imagine a girl doing that! Tapos what you did back there was amazing.. You planned it, right? In a short period of time, you came up with an awesome plan. That was cool, also. You didn't really hold back." pagkekwento ni Ezio habang may aksyon pa.
"But still, I didn't win. I guess this is goodbye?" saad ko. Siguro nga, dapat ako nalang mismo ang tumulong ulit sa sarili ko. Without asking for someone's help.
Tumalikod ako kay Ezio at nagsimulang maglakad.
"Wait! Ang galing galing mo kanina kaya kahit natalo ka, ihahatid pa rin kita! Biro lang yung sinabi ko na dapat manalo ka. Sinabi ko yun para di ka maghold back." sabi ni Ezio tapos tumawa.
Napatigil ako maglakad at napa-ngiti. Tsh.
Naramdaman ko ang paglapit sakin ni Ezio.
"Tara na?" saad niya. Tumango naman ako.
Hinawakan niya ang kamay ko at sa isang iglap, napunta kami sa isang madilim na hallway. Tanging mga asul na ilaw sa gilid lamang ang nagsisilbing liwanag sa hallway.
Wait, where are we?
Akala ko dadalhin niya ko sa school?
Humarap sakin si Ezio.
"Goodluck, Morgiana. As for me, babalik ako sa Utopia. I still have things to do before going back to Veralta academy." nginitian ako ni Ezio at bago pa man ako makapag-tanong sakaniya, eh nawala na siya ng parang bula.
Napa-buntong hininga ako bago tumingin sa pintuan sa dulo. Unti unti akong naglakad habang pinapakiramdaman ang paligid ko. Para bang may nagmamasid sakin. Binalewala ko nalang iyon.
Kumatok ako ng tatlong beses.
Dinagdagan ko pa ng isa pa.
At isa pa.
Isa pa ulet.
Matagal akong naghintay at tumayo lang muna sa tapat ng pintuan pero walang nangyari.
Teka pano ko mabubuksan 'tong pintuan na to kung walang nagbubukas sa loob? Walang doorknob? Ni suksukan ng susi, wala.
Bakit kasi umalis kagad yung gunggong na si Ezio eh?! Tsh. Badtrip.
Lumingon ako sa kabilang dulo ng madilim na hallway, parang mahaba pa ang dulo nito kaya naglakad na ako para mapuntahan yung kabilang dulo ng hallway at baka nandun yung kasagutan sa tanong ko.
Habang papalapit ako ng papalapit pakiramdam ko pahina ako ng pahina. Parang hinihigop ang lakas ko. Lagpas na ako sa gitna ng hallway at tanaw ko na ang isa nanamang pintuan sa dulo ng hallway nang maramdaman kong nauubusan ako ng hininga.
Hinawakan ko ang dibdib ko habang bumibilis ang paghinga ko. Unti unti akong napasandal sa pader sa gilid ko nang may narinig ako.
"Ihihihihihihihihi!"
Hinanap ko kung saan nanggaling ang tunog kahit na hindi pa rin maayos ang paghinga ko. Ano bang nangyayari?!
Umuga ang sahig ng hallway dahilan ng pagkatumba ko sa sahig. Nakita ko ang unti unting pagangat at pagkasira ng sahig ng hallway at may isang babaeng lumabas.
"Papatayin kitaa!!!" mabilis na lumipad ito papunta sakin habang naka-sakay sa isang broom at may hawal na patalim kaya otomatikong nagpalit ng form ang kamay ko at naging Sica. Isang large dagger.
Bago niya pa man ako masaksak, nasapol ko na siya sa dibdib niya. Napaka-lapit ng mukha niya sakin kaya naman kitang-kita ko kung paano unti unting nadurog ang mukha niya at naging abo.
Pagkatapos nun, nakaramdam ako ng pagka-hilo. Parang unti unting hinihigop ang enerhiya ko at tuluyan na nga akong naka-tulog.
[A/N: hello sainyo! It has been a long time, isn't?
Please vote, comment and share na guys! ♥
Nagmamahal,
purpleprose14 ♡]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top