EXS #21



Ex kong nonchalant

+639-***-****-***

05-20


Cy may problema ba app ngayon?


App na?


Kanina pa ko nagbu-book
walang kumukuha ng booking ko
Gusto ko na umuwi lowbat pa ko


Bat ba?
Saan ka na naman gumala?
Lakas ng ulan, lakwatsa ka nang lakwatsa


Gago naghatid ako ng longganisa kila tita love!
Pasundo ako
magkano ba mula dyan hanggang Imus?


Imus??? Pagmomotorin mo ko mula QC
hanggang Imus ang lakas ng ulan???


Kung di pwede wag na
Hiyang hiya naman ako sayo
Nagbabakasakali lang naman
Wala nga kasing masakyan!
Pakaano eh


Oo na
send mo exact location mo
Sunduin kita
Wag kang aalis dyan
I-save mo battery mo para makakatawag ako


♥♥♥


Duday
Parang tanga to si CG!
Kabwisit

Batseng
Bat na naman?
Ano na naman pinag aawayan nyo

Duday
Nagdeliver nga kong longganisa kila tita love diba?
Sabi ko pasundo ako sa Imus
sabihin nya lang kung magkano

Batseng
Gaga ka ante!
QC pa si Cyan tas Imus??


Bogart the Third
Gusto nya magdive si Cyan sa baha hahahaha
Kinaya ba ng motor?
parang nonpassable yata bandang bacoor

Duday
YON NGA EH!
DI SYA NAKAMOTOR!
Hiniram pa nya talaga yung
ranger ni tito gabro teh!

Aircon ng Taon
Hwooooy putangina
~muliiiing ibaliiik

Duday
MAGTIGIL MGA BADENG
Si mama tuloy
ayun na naman sa dakdak nya
Nagkabalikan na daw ba kami ni CG
Hanggang bahay talaga pati pagpasok sa loob
kasi dami kong dalang basket. Sya na nagbuhat

Bogart the Third
I say yes, opo, tita confirmed po 100%

Duday
LOOOOL
ASA
Pag ex, ex na walang balikan

Batseng
Pero nagpasundo

Duday
Teh babayaran ko naman pasamahe ah

Bogart the Third
Ang tanong, binayaran mo ba?

Duday
Sya may ayaw magpabayad
Problema ko pa ba yun?
DUUUHH???

Batseng
Mahal na mahal putangina
Lord ganyan ka pala sa ibang anak mo ha

Aircon ng Taon
Nagchat lang talaga yan si duday dito para inggitin tayo
Di kame inggit hmph!

Batseng
I-seen nyo nga yan nang matahimik yan!


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top