Chapter 1
Maaga akong pinauwi ni tita dahil inutusan akong dumaan sa convenient store para bilhin ang mga kailangan na supplies sa bahay. Paggabi na rin at halos kaonting mga tao na lang ang nakikita ko sa daan.
" Magnanakaw! "
Nataranta ako nang makita kong may nagtatakbuhan papalapit saakin. Napatitig ako sa lalaking humahabol dito, para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.
Shet ang pogi!
" Ay! Ano 'to kuya! Hoi gago! " Sigaw ko doon sa isang lalaki ng may i-abot itong wallet saakin.
" You! Come with me! " Sigaw nung gwapong lalaki na ngayon ay papalapit saakin. Tinaasan ko ito ng kilay at nagsamaan kami ng tingin.
" Ayoko nga! Sino ka ba? Mamaya may balak kang masama e! " Sigaw ko dito pabalik.
" Wow, hoi miss sumama ka na lang saakin ng maayos sa presinto para walang kaladkarang magaganap and I also don't want to hold you because I don't want to be dirty. " Wika nito saakin.
Aba anong madumi dzuh, everyday safeguard ang sabon ko yung one percent germ lang natitira!
" Blah blah blah, ang dami mong sinasabi! Bakit naman ako sasama sayo sa presinto!? Wala naman akong kasalanan sayo dzuh. " Mataray kong sagot dito. Hinablot niya naman ang wallet na hawak ko kaya nanlaki ang mata ko. Umiling ako at nginitian siya.
" Let me explain— "
" No need. Here is the evidence na kasabwat mo yung magnanakaw kanina. Now come with me before I call the police to drag you. " Wika nito at hinawakan ang braso ko.
" Hep! Utot mo, asa kang papahuli ako sayo! " Sigaw ko at inuntog ko ang ulo ko dito. Napadaing ako sa sakit pero hindi ko na 'yon ininda. Sa halip ay nagmamadali akong tumakbo.
" Hoi! "
Nilingon ko ito at binelatan. Akala niya mahahabol niya ako, expert kaya ako sa takbuhan. Ikaw ba naman laging mahuli sa palengke yung illegal na pwesto niyo e. Natural bata pa lang ako sanay na ang mga binti ko at paa sa takbuhan. Napamura ako sa isip ko ng maramdaman kong may humila sa bag ko sa likod.
" Puta! "
" You think you can escape? Huh! Runner kaya ako! Ang sakit nung ginawa mo saakin! " Napataray na lang ako sa sinabi nito. Nagulat ako ng pitikin nito ang noo ko, na halos kulang na lang ay maiyak ako sa sakit. Napahawak ako doon at sinamaan ko siya ng tingin.
" Masakit 'yon ah! " Reklamo ko dito.
" Sumama ka na lang kasi saakin ng maayos. "
" Bwiset! "
Wala akong nagawa kundi sumama na lang dito sa presinto dahil napapagod na rin ako kaka-explain sa kupal na 'to na hindi nga kasama nung panget na magnanakaw na 'yon. Habang papunta kami sa presinto, sige ang paliwanag ko pero nagsalpak lang ng earphone ang gago para hindi ako marinig.
" Yes po sir, ninakaw niya po yung wallet ko. Kasabwat po siya nung magnanakaw kanina. " paliwanag nito sa pulis, napataray na lang ako.
" Totoo ba yung sinasabi niya iha? "
" Nako hindi po, pinasa lang talaga 'yan nung mukhang paa na lalaki na 'yon. Maniwala kayo sir. " Sagot ko dito.
" Bakit mo ko tinakbuhan? "
" Natakot ako sayo! Mukha ka kasing manyak! " Sigaw ko dito.
" Wow, sa gwapo kong 'to, manyak? " Gulat na tanong nito. Tinarayan ko naman siya.
Ang hangin naman, pero pogi naman talaga. Hmp
" Baka naman pinagtitripan niyo lang kami at away mag-jowa lang 'yan. Tingnan mo same kayo ng uniform. " Napalingon ako sa suot na uniform nito dahil sa sinabi ni mamang pulis, doon ko nga napansin na pareho nga kami ng suot. Kaya naman nakaisip ako ng bright idea.
" Tsk, okay. Panalo ka na babe, hindi na ako sasama doon sa pinagseselosan mo. Tama na 'tong kalokohan okay? Treat mo na lang ako gutom na ko. " Sambit ko dito at hinawakan ang kamay nito. Agad naman niya itong binawi.
" Oh magjowa nga, nako mga bata wala kaming oras sa kalokohan niyo ha. Marami pa kaming aasikasuhin. " Sambit nung mamang pulis.
" Wag po kayong maniwala dyan! Hindi ko 'yan type no! Maganda ang type ko! " Padabog naman akong tumayo.
" Sinasabi mo bang panget ako?! " Sigaw ko dito.
" Wala akong sinabi. " Nakakrus ang brasong tugon nito.
" Sumosobra ka na, you're hurting my feelings! " Nagkukunwaring sambit ko at nagwalk-out.
" Habulin mo na yung girlfriend mo, eto wallet mo. Wag niyo na ulitin 'tong kalokohan niyo kundi pareho ko kayo ikukulong! " Rinig kong sambit nung mamang pulis, kaya naman hindi ko maiwasang matawa.
Nagmamadali na akong umalis doon, hindi naman ako guilty dahil wala naman akong ginawang masama. Nagpunta na ako sa convenient store at binili ang mga inutos ni tita pero talaga namang minamalas ako, nakita ko na naman yung poging mahangin. Mabilis kong pinagdadampot ang inutos ni tita at nagtungo sa counter, pinanood kong ma-punch na lahat ng item ko bago kinakalkal ko agad ang pera ko sa bulsa, napalingon ako sa cashier na mukhang naiinip na saakin.
" Sorry ate wait lang, hindi ko kasi mahanap yung pera ko. Alam ko nandito lang yun. Nasaan na ba 'yon? " Nilingon ko ulit ang cashier na seryoso na ang tingin saakin.
" Pwede po bang balikan ko na lang? " Suhestiyon ko. " Mukha po kasing nahulog ko yung pera ko. "
" Nako miss, alam na namin yan. Marami ng ganyan dito sa panahon ngayon, kapag hindi niyo po ito nabayaran, kailangan niyo po sumama saamin sa presinto. " Wika nito.
" Wait lang, tatawag lang ako. " Sambit ko dito at kinuha ang cellphone ko pero dahil mukhang malas talaga ako ngayon ay deadbat na ang cellphone ko.
" Miss— " Pinutol agad nito ang sasabihin ko.
" Guard! " Sigaw nito at lumapit naman agad yung guard saamin.
" Babayaran ko naman e. "
" Na-punch na kasi lahat miss, sana kanina niyo pa chineck kung may pera kayo, I'm just doing my job. " Napabuntong-hininga na lang ako sa kawalan ng pag-asa. Tumakas pa ako doon kay pogi sa presinto naman pala talaga ako matutulog ngayong gabi.
Speaking of pogi....
Pinagmasdan ko itong tahimik na lumapit sa counter. Nakanguso ko lang ito tiningnan. Diretso ang mga tingin niya at seryoso.
I'm sure tinatawanan na ako nito deep inside. Lord, bakit ba ang malas ko ngayon?
Tahimik kong inaalala ang mga naging kasalanan ko nitong mga nakaraang araw para malasin ako ng sobra. Dahil ba hinila ko ang buhok ni Kyler kanina nung nakikipaghalikan siya kay Logan?
" Two hundred fifthy po sir. I received one thousand. " Malanding sambit nung cashier. Liit ng boses bigla e, parang kanina lang mas malakas pa sa speaker.
" I'll pay for her. " Napantig ang tenga ko sa narinig ko, hindi ako nilingon nito pero ginamit niya ang hintuturo niya para ituro ako. Parang nag-spark ang aking mga mata. Kung kanina may sungay ito sa paningin ko, ngayon ay bigla itong nagkaroon ng halo.
Dinaanan lang ako ni pogi matapos makuha ang binili niya. Nagmamadali ko naman inalis ang pagkakahawak saakin nung guard at kinuha ang binili ko, binelatan ko yung cashier na masama ang tingin saakin. Sinundan ko agad si pogi na naghihintay sa labas ng convenient store.
Mayaman siguro 'to, tulad nila Kyler. Baka hinihintay yung driver niya.
" Thank you pala dito, babayaran kita. " Sambit ko dito pero hindi ito sumagot.
Sungit.
" Pero bakit kita babayaran? Kasalanan mo naman kung bakit nawala pera ko. Kung hindi mo ko hinabol at inakusahang magnanakaw, edi sana nasa bahay na ako ngayon, kumakain ng paborito kong cup noodles! " Reklamo ko dito, at hinawakan ang tyan kong tumunog sa sobrang gutom.
Napalingon ako nang may tumigil na sasakyan sa harap namin. Bumukas ang bintana nito at may tinawag.
" Sir Jax, akala ko kung ano na nangyari sa inyo. " Wika nito. Nilingon-lingon ko ang paligid at hinanap ang kausap nito. Napabalik ang tingin ko sa lalaking katabi ko ng i-abot nito ang plastik na hawak niya.
" Ano 'yan? "
Hindi ito sumagot ko at tinali sa bag ko ang plastik bago sumakay sa sasakyan.
" Hoi! Ano 'to basura?! " Sigaw ko pero umalis na yung sasakyan agad. Mabilis kong tinanggal ang plastik at sinilip ang laman. Hindi ko alam pero napangiti na lang ako.
Ang pogi na nga, green flag pa. Jojowain po. Magkikita pa kaya kami?
Nakangiti akong naglakad pauwi habang kinakain ang binili nitong tinapay, iba't-ibang klaseng tinapay kaya namili na lang ako ng gusto ko at iuuwi ko na lang kay tita yung iba para hindi ako mapagalitan dahil paniguradong raratratin ako ng sermon no'n dahil anong oras na at hindi pa ako nakakauwi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top