Prologue

Prologue

" Hoy Issa, game ka ba? " Hindi ko pinansin ang tanong ni Farrah, sa halip ay inayos ko lang ang salamin ko at nagpatuloy sa pagta-type ng report ko na kailangan kong ipasa sa boss ko bukas.


" Hoy! "


" Anak ng-! " inis kong sigaw at sinamaan ng tingin si Farrah na ngayon ay tumatawa.


" Hayop ka Farrah! Hindi ko na-save 'yon! "


" Kinakausap ka kasi para kang tanga. Ano nga, game ka ba? " tanong nito saakin, napataray na lang ako habang sinasaksak ulit ang computer na pinatay ni Farrah.



" Ayoko. "


" Kj mo talaga! "



" May pasok ako sa thursday. Kailangan ko ng pera tsaka hindi ko kayo namimiss. " Sagot ko dito.



" Grabe ka talaga. Hoy, ilang get together na ng barkada ang hindi ka nakapunta. Tsaka espesyal daw ngayon kasi may magbabalik. " Natatawang wika nito, tinaasan ko naman siya ng kilay.



" Utot mo, sinong magbabalik si Jax yung ex mo? Move on din Farrah, kasal na yung tao. "


" Gago ka, nakamove on na ako.  " Inis niyang wika saakin, nginisian ko lang siya.

" Sakit ng sampal ng katotohanan no? " Natatawa kong wika dito.

" Ewan ko sa'yo basta sa ayaw at sa gusto mo susunduin kita sa trabaho! " Sigaw niya saakin bago lumabas ng apartment namin. Napailing na lang ako sa pagiging isip bata nito.




Farrah and I decide to live in a same apartment. Malapit rin kasi ito sa pinagtatrabahuhan namin.


Mabilis na lumipas ang araw, ni-hindi ko napansin na thursday na kung hindi lang ako kinaladkad ni Farrah papuntang salon para magpaayos daw kami.



" Yes sir, pasensya na po talaga. Opo sir, I'll send my report na lang po later. I'm sorry po talaga. "



" Hoy, sino ba 'yang kausap mo? Yung panot mong boss ba? " Tanong nito saakin, pinalakihan ko naman siya ng mata.


" Sige po, bye sir. " Paalam ko dito at pinatay ang tawag bago hinila ang buhok ni Farrah.

" Gaga ka talaga. "


" Hoy! Ang mahal ng paayos ng buhok ko, bwiset ka! " Reklamo niya.


" Tara na nga. Bwiset kasi bakit pa kailangan umattend parang walang gc. " Mahina kong bulong.


" Wag ka na nga magreklamo. "


Sinundo kami ni Kyler papunta sa bahay nila dahil doon gaganapin ang get together ng barkada.


" Buti nahila mo ang bruhildang 'to. " Sambit ni Kyler, tinarayan ko naman siya habang tinatanggal ko ang seatbelt ko at lumabas ng kotse ni Kyler, sumunod naman yung dalawa.



" Jusko, kung alam mo lang ilang santo ang dinasalan ko. " Natatawang sagot ni Farrah.



" Joker ka na pala ngayon, Farrah. " natigilan ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ayokong lumingon, ayokong gumalaw.



Pamilyar ang boses na 'yon, sigurado ako kung kanino galing 'yon. Boses niya lang naman ang nakakapagpatigil saakin, boses niya lang naman yung nakakapagpatibok ng puso ko ng ganito kabilis.



Pero bakit? Bakit iba na ang epekto ng mga tinig na 'yon? Bakit masakit?



" Omg? Marcus?! Ikaw na ba 'yan? Ang tagal mong nawala. Saan ka nanggaling? Bigla ka na lang naglaho! " Rinig kong sigaw ni Farrah na halatang hindi makapaniwala, hinawakan naman ako ni Kyler.

Nag-aalalang mga tingin ang ibinigay nito saakin.
Sinuklian ko lang siya ng pilit na ngiti at mahinang sinagot na okay lang ako. Mukhang nakamove-forward na ang lahat, ako na lang ang hindi.

" Let's go inside, nandoon na yung iba. " pagyaya ni Kyler at hinila ako. Nanatili lang akong nakayuko hanggang sa makalagpas ako sa mga ito.



" Naks, umattend ang ating nerd na si Klarissa! Anong teknik ang ginamit ni Farrah at nadala ka? " natatawang tanong ni Lyra at niyakap ako. Napalingon siya sa likod ko at nanlalaki ang mata sa nakita.

" Marcus? Ikaw na ba yan? "



" Gago Marcus pre! Buhay ka pa pala! " rinig kong sambit ni Logan. Tahimik lang akong umupo sa sa sofa at kinuha ang alak na nakalapag sa lamesa.



" Woah! Calm down, Issa! Baka maubusan agad tayo niyan. " natatawang wika ni Calix pero hindi ko ito pinansin.


" Si Jax, hindi ba makakapunta? " tanong ni Kyler.


" Manahimik ka Kyler. " suway ni Farrah at tinungga ang hawak n'yang baso.


" Gago, hindi ka pa rin move on? "


" Gusto mong magilitan ng leeg? " tanong ni Farrah.


" Joke lang! Upo na kayo! Laro tayo! One truth and two lie! Ganon pa rin, huhulaan niyo kung ano yung truth sa babanggitin ng isa saatin. Ang mali, bottoms up! "



The game was known to be two truths and a lie, but we got bored and changed it to one truth and two lies, and it became our own squad game through the years.



Kaniya-kaniya na silang pumwesto at unang nagsalita si Logan.



" I have a new girlfriend. Three months na kami. I still love my ex. " Wika ni Logan, dahilan para tumahimik si Kyler.



" May isang umaasa na truth yung dulo. " Pang-aasar ni Farrah dahilan para tapunan siya ng masamang tingin ni Kyler.



" Anong truth do'n? "


" One sa akin. " maikling sagot ni Kyler.



" One 'yan. Baka hindi pa sila three months. " Sagot naman ni Calix.



" Ang daya, walang nag-bottoms up. " Natatawang wika ni Logan at siya ang uminom ng alak na hawak niya.




Napalingon naman ako kay Kyler na tahimik sa tabi ko. " Tama na, may nasasaktan. " Natatawang sambit ni Farrah, minsan ang bunganga ng gagang 'to ang sarap tapalan ng tape.



" Sino next? "


" Me. " natigilan ako ng magsalita siya, hindi ko siya nilingon. Nanatili lang na kay Kyler ang tingin ko.




" O sige, tagal mo nawala, mamaya na tayo magkwentuhan tungkol sayo, game Marcus. "



" I'm engaged. She's pregnant. I have someone I want to win back. " Wika nito, tumahimik ang paligid, kahit si Farrah na kanina pa maingay ay hindi nakapagsalita.


" Woah, that's hard. " Calix awkwardly said.


" What's your bet? " natatawang tanong nito saamin.




" One. " Maikli kong sagot dahilan para mapalingon silang lahat saakin. Naramdaman ko ang tensyon sa pagitan namin ng tuluyan ko itong tingnan ng diretso sa mata.


Bakit ka pa bumalik, Marcus?


" Bottoms up, baby. " mapang-asar na wika nito saakin dahilan para matigilan ako.



How can he act like he never leave me? Like he never broke me? How can he face me after what he did to me?



" Marcus. " mahinang pagsuway ni Farrah dito pero hindi siya nilingon nito. Nanatili ang mga tingin ni Marcus saakin.



" Number three is the truth, Klarissa. " he said while looking straight to my eyes. " I have someone I want to win back. "



Parang tumahimik lalo ang paligid at siya lang ang nakikita ko. Bumalik lahat ng alaala ng sakit nung iniwan niya ako ng walang paalam.



" And it's you, Klarissa. I want you back. "

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top