Chapter 9


" Alam n'yo na ba yung balita? "



Tanong ni Lyra saamin bago ilapag ang pagkain niya sa lamesa. Hindi ako umimik, nanatili akong nakayuko habang patuloy ang pagsusulat ko ng notes. Nakikita ko pa rin ang mga ginagawa nila mula sa peripheral vision ko.



" Balita? " Nagtataka namang wika ni
Kyler habang hinihigop ang zesto apple na hawak niya.




" Si Marcus napaaway. "




Hindi ko maiwasang maiangat ang tingin ko ng marinig ko ang pangalang binanggit nito. Pag-angat ko ng ulo ko ay bumungad saakin ang tatlong pares ng matang pilit akong kinikilatis, nagbaba lang ulit ako ng tingin.



" Mukhang may interesado. " Natatawang wika ni Farrah, napasinghal na lang ako.



Sinong interesado? Tss.




" Oh? Kanino naman daw? Tsaka kanino mo naman nalaman? Legit ba 'yan? Daming fake news ngayon. " Ani ni Kyler at napatigil sa pag-inom niya ng zesto.




" Kamusta naman daw? Napuruhan ba? "



Nilingon ko si Farrah matapos niyang magtanong. Alam kong medyo masama ang loob niya kay Marcus dahil nga saakin. Ayaw na ayaw kasi ni Farrah na naiipit ako sa sitwasyon. Ayaw na ayaw niya akong nahihirapan.






" Kanina ko lang nalaman, kung hindi ko pa narinig yung mga kaibigan ni Tiffany, kaya pala tatlong araw na 'yong absent. Eto pa ha, alam niyo sinong nakaaway? "






Lumapit naman si Farrah at Kyler kay Lyra. Wala akong nagawa kundi mapailing at mapatigil sa ginagawa ko. Hindi rin naman ako makapagfocus dahil daldalan sila ng daldalan. Pinagkrus ko na lang braso ko at tinatamad ko silang pinanood.



" Yung ex ni Tiffany! Winston ba 'yon? Basta taga dito rin. "



" Edi seryoso nga si Marcus kay Tiffany? " Gulat na wika ni Kyler, naramdaman ko ang paglingon nila saakin pero tinarayan ko lang ang mga ito.






" Pinagmumukha niyo akong kawawa. " suway ko sa mga ito at kinuha ang gamit ko para ipasok sa bag. " Itigil niyo nga 'yan, hindi naman kami ni Marcus. Tsaka bakit ba kayo nagugulat? Si Tiffany ang nililigawan ni Marcus, ofcourse gagawin niya 'yon. Malamang nagselos. "





Tumayo na ako at isinukbit ang bag ko.



" Teka saan ka pupunta? "




" Music room. " Maikli kong sagot at naglakad na palayo sa mga ito. Tahimik kong tinahak ang music room, wala naman akong masyadong nadaanang mga estudyante, malamang dahil break na sa canteen pa ang mga 'yon.



Tahimik akong humiga sa gitna ng malaking music room. Sinalpak ko sa tenga ko ang earphone bago pumikit. Sa totoo lang wala naman talaga akong planong makinig ng music, gusto ko lang matulog dahil ilang araw akong hindi pinatulog ng mga sinabi ni Farrah saakin.






Nanatili lang ako nakapikit, napakunot ang noo ko ng maramdaman kong parang may kung anong humarang sa harap ko.





Dahan-dahan akong nagmulat ng tingin at hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko. May black eye ang kanang mata niya at may sugat naman ang labi niya. Tinitigan ko lang siyang maigi, ilang araw ko rin kasi siyang hindi nakita. Ayan na naman yung puso kong sa kaniya lang nagwawala.





Hindi ko alam kung sinong demonyo ang sumapi saakin at nagawa kong itaas ang kamay ko at haplusin ang sugat nito sa labi.




" Bakit ka naman nakipag-away? " Wala sa sarili kong wika dito, nagulat ako ng hawakan niya kamay ko.




" Ganon mo ba siya kagusto? " Tanong ko dito. " Na handa kang mabangasan para lang sa kaniya? "






Wala akong pake kung mukha akong nagseselos kasi sa totoo lang, nagseselos naman talaga ako. Ang gulo niya kasi, nung mga nakaraang araw nagpapahiwatig siya, samantalang nitong huli parang sinisira niya yung nararamdaman kong pag-asa.




Wala naman kasi talaga akong karapatang umasa, bobo lang 'tong puso ko.




" Ginawa ko lang yung dapat. " Sagot nito at lumayo na saakin. Nanatili siyang nakaupo sa tabi ko. Umupo na rin ako at niyakap ang mga tuhod ko. Nanatili ang katahimikan saamin, hindi ko rin naman alam kung ano bang dapat kong sabihin.




" Klarissa. "





Napalingon ako ng tawagin nito ang pangalan ko. Diretso mga tingin ang ibinigay niya saakin. Ayan na naman yung mga tingin niyang ang daming gustong sabihin.



" Is it okay to feel this way? " Wika nito habang nakatingin saakin






" At first I wasn't sure about it...pero ngayon sigurado na ako. May tiwala ka ba saakin? " Dagdag nito. Hindi ko maiwasang mapalunok sa kaba sa susunod nitong sasabihin.




Sa wakas, aaminin na ba siya saakin?




Naagaw ang atensyon niya nang tumunog ang cellphone niya. Nagbago ang ekspresyon niya bago ako hinarap.



" I'm sorry kailangan ko ng umalis. " Wika nito saakin at iniwan akong mag-isa.




Mas lalong gumulo ang utak ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa pag-aasume ko o maiinis ako dahil nga nag-asume ako.



Tss, ang labo puta.



" Ponyeta, nakakabwiset. "




" Ms. Agilez, mind telling us kung anong binubulong mo dyan? " Napaangat ang tingin ko sa teacher ko na ngayon ay matalim ang tingin saakin. Humingi akong paumanhin dito, naramdaman ko naman ang pagsiko ni Farrah saakin.



" Lutang ka? "




" Bwiset 'yang si Marcus, bahala na siya sa buhay niya. Doon siya sa Tiffany niya. " mariin kong wika, tumawa naman siya.



" Selos ka no? "




" Selos mo mukha mo, bakit ko pagseselosan 'yong si Tiffany? Di hamak na mas maganda ako doon. " sagot ko dito.




Natapos ang klase at nagpaalam na si Farrah saakin dahil meet the parents na daw ang peg niya with Jax. Si Kyler at Logan naman ay may date. Si Lyra, hindi ko alam kung saan na napunta. Si Calix naman ay bigla na lang naglaho na parang bula.





Naglakad ako ng tahimik palabas ng school. Napamura ako sa isip ko ng makita kong umuulan. Hindi pa naman ako nakapagdala ng payong. Wala akong nagawa kundi sumilong muna sa waiting shed.




" Hatid na kita. "




Napalingon ako mula sa boses na 'yon. Bakit ba lagi ko siyang nakikita kapag uwian? Nakakairita. Ayoko na nga siya makita kahit ngayon lang.




" Ihatid mo si Tiffany mo. " Napapataray kong wika dito bago binalik ang tingin sa mga sasakyan.




" Ang cute mo. " wika nito at ginulo ang buhok ko kaya inis ko siyang nilingon. Last time na pumayag akong magpahatid sa kaniya ay may bruhilidang mayaman ang umeksena. Mahirap na baka maulit.






" Tigilan mo nga ako Marcus, tsupi. Doon ka sa jowa mo. "




" Nililigawan pa nga lang. " Pagtatama nito sa sinabi ko kaya naman hindi ko maiwasang mapataray ulit.





" Baka tumirik na talaga mata mo niyan. " Natatawang pagbibiro nito.





" Funny ka na nyan? "







" Bakit hindi ba? Ako nga happiness mo. "




Hindi ako makapaniwalang napatayo, hindi ko maiwasang mapahilot sa sintido ko, habang siya tawa lang tawa habang pinapanood ako sa ginagawa ko.




" Assuming ka rin no? Baka gusto mong madagdagan bangas sa mukha mo! " Sigaw ko dito, tinawanan lang naman ako nito.




Bwiset ang pogi pa rin kahit may bangas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top