Chapter 8
" For our next performer, from Section B, Marcus Aguilera. Let's give him around of applause. "
Masayang akong pumalakpak. Rinig ko ang sigaw ni Tiffany, si Farrah naman ay hindi rin nagpapatalo. Para sa pagtatapos ng mini celebration ay naghanda ang mga teachers ng isang mini concert para sa mga estudyante at isa si Marcus sa mga napili na mag-present dahil isa siya sa mga nanalo nung nakaraang singing contest.
No one ever saw me like you do
All the things that I could add up too
I never knew just what a smile was worth
But your eyes say everything without a single word
'Cause there's somethin' in the way you look at me
Nakatitig lang ako dito habang ang ilan sa mga estudyanteng nasa paligid ay sinasabayan ang pagkanta niya. Naramdaman ko ang pagsiko ni Farrah saakin at nginuso si Marcus. Tinarayan ko lang siya, muli kong binalik ang tingin ko kay Marcus, hindi ko alam kung nag-aasume lang ako pero pakiramdam ko nakatingin siya saakin.
It's as if my heart knows you're the missing piece
You make me believe that there's nothing in this world I can't be
I never know what you see
But there's somethin' in the way you look at me
Napalingon ako kay Calix na inakbayan ako, nginitian naman ako nito at sinenyasang akbayan ko si Farrah. Napailing na lang ako bago ito sinunod. Sumabay kami sa sway ng crowd. Nakangiti lang ako nakatitig kay Marcus habang nakapikit ito.
If I could freeze a moment in my mind
It'll be the second that you touch your lips to mine
I'd like to stop the clock, make time stand still
'Cause, baby, this is just the way I always wanna feel
Hindi ko maiwasang hampasin si Calix nang kumanta ito pero mali ang lyrics na nasabi niya. Panandaliang nawala ang atensyon ko kay Marcus dahil sa kakatawa kay Calix. Napabalik lang ako ng tingin sa stage ng muli akong sikuin ni Farrah. Nagulat ako na nasa baba na si Marcus at diretsong nakatingin saakin.
I don't know how or why I feel different in your eyes
All I know is it happens every time
Napako ang tingin ko kay Marcus, hindi ko maiwasang mapangiti ng magbigay ng way ang mga estudyante sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumapit saakin, pero nawala ang ngiti ko ng itulak ako ni Tiffany pagilid. Doon ko lang naalalang nasa likod ko nga pala si Tiffany.
" Bwiset, obvious naman akong ikaw ang tinitingnan ni Marcus. " Rinig kong bulong ni Farrah.
Natapos ang mini concert at nauna ng nagpaalam si Lyra saamin dahil may pupuntahan raw siya. Sumunod naman na umalis sila Logan at Kyler. Nanatili kaming dalawa ni Calix sa labas ng gym habang hinihintay si Farrah na kinakausap pa si Jax. Napagpasyahan kasi naming kumain sa jollibee, tutal libre naman ni Calix.
" Ang tanga nung lyrics mo kanina. " Natatawang kong pang-aasar kay Calix.
" Wag mo akong inaasar, baka nakakalimutan mo marami akong pang-blackmail mo! " Pagbabanta nito saakin, tinaasan ko lang siya ng kilay.
" Ewan ko sa'yo! Pag nakita ng jowa mo 'yan mamaya pagselosan pa ako. "
Napalingon ako sa papalapit si Farrah kasama si Marcus. Nag-iwas agad ako ng tingin. Nakakahiya pa rin ang inasal ko kanina, akala ko talaga para saakin yung kanta.
Assuming ang lola niyo.
" Sasama ka saamin? Hindi mo ba kailangan ihatid si Tiffany? " Tanong ni Calix dito at nagsimula na kaming maglakad.
" Mag-aaway lang kami kapag nagkita kami, sigurado ako. " Maikling sagot nito, tahimik lang naman akong nakikinig sa kanila.
" Mag-aaway? Bakit naman? " nagtatakang wika ni Farrah, pinagbuksan ako ng pinto ni Calix. Sasakyan kasi ni Calix ang gagamitin namin, sa driver seat umupo si Calix katabi ng driver nila, pumwesto naman ako sa malapit sa bintana, pumagitna si Farrah saakin at kay Marcus. Mabuti naman at nakaramdam si Farrah na hindi ako komportable.
" Mainit ulo niya. " maikling sagot ni Marcus, ramdam ko ang pagsulyap nito saakin.
" Don't you think it's better if you take her home, syempre for you to fix your problem. I mean panget naman pre kung hahayaan mo lang siya lalo na't hindi siya okay. "
Napalingon ako kay Calix na diretso ang tingin sa unahan pero alam kong may dating ang gusto niyang sabihin. Naramdaman ko ang tensyong bumalot saamin. Si Farrah naman ay napaayos sa upo dahil sa sinabi ni Calix.
Wala nang umimik saamin pagkatapos non, mabilis kaming nakarating sa jollibee. Umorder na si Farrah at Calix, naiwan naman kaming dalawa ni Marcus.
" Maniniwala ka ba saakin kapag sinabi kong hindi ko talaga gusto si Tiffany? " Tanong nito saakin, kaya natigilan ako, kung kanina ay hindi ko ito malingon pero ngayon ay para bang kusang umangat ang tingin ko dahil sa sinabi nito.
" Kung ganon bakit mo siya nililigawan? "
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa sinabi nito. Yes, I hate Tiffany but she didn't deserve this. No one deserve to be treated like this. Pinapaasa niya lang yung tao, kitang-kita ko kung gaano siya kagusto ni Tiffany, ramdam ko 'yon.
" Binibiro lang kita, ang seryoso mo naman! Ang gago ko naman kung liligawan ko pero di ko gusto diba? " Natatawang wika nito at pinikit ang noo ko. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin.
" Muntik na akong maniwala, hindi mo naman ako ininform na artista ka pala. " Sarkastiko kong wika dito habang hinihimas ang pinitik niyang noo ko.
" Masakit ba? Patingin nga. "
Natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko at pigilan ako sa paghimas ng noo ko. Hinipan niya ang noo at hinaplos gamit ang isang kamay niya, habang yung isa naman ay hawak pa rin yung kamay ko.
" Sorry, napalakas ata. "
Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito nung dumating bigla sila Farrah. Hindi na ulit kami nakapag-usap nung dumating na yung dalawa. Panay ang kwento lang ni Farrah tungkol sa kanila ni Jax, habang ako tahimik lang.
Naglalakad na kami ni Farrah papasok sa compound. Hindi na rin kami takot dito dahil kilala na kami ng mga tao. Si Farrah ay sa likod pa ang bahay kaya medyo malayo pa ang lalakarin niya. Tumigil kami sa tapat ng bahay at hinarap ako nito.
" Nakita ko yung ginawa ni Marcus. " Panimula nito kaya natigilan ako, napabuntong-hininga na lang ako.
" Klarissa, bestfriend mo ako. Kilala kita, alam kong naguguluhan ka na. "
Napalingon ako dito, hinawakan nito ang balikat ko bago ay marahan akong hinila para ikulong sa mga bisig niya. Wala akong nagawa kundi ang hayaan kami sa ganoong posisyon.
" Gusto ko lang sabihin na hindi lang naman si Marcus ang lalaki sa mundo. Kung wala siyang bayag para linawin ang pahiwatig niya sayo, mas mabuting itigil mo na ang nararamdaman mo. Kasi babae tayo pareho e, kahit gusto kita para kay Marcus, si Tiffany ang nililigawan niya. Hindi ikaw. Kahit ayaw ko si Tiffany, hindi talaga maganda tingnan para kay Tiffany yung alam mo na. " Sambit nito saakin at tuluyan na akong pinakawalan. Marahan niyang tinapik ang balikat ko.
" Pag-isipan mo ang sinabi ko, mauna na ako. " Paalam niya at bago ako iniwan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top