Chapter 7




" Wait, Klarissa! "




Napamura na lang ako sa isip ko dahil sa dinadami ba naman ng makikita ko sa waiting shed ay si Marcus pa talaga. Nagpatuloy lang sa paglalakad, nagpanggap na hindi ko ito narinig. Wala akong nagawa kundi ang tumigil ng tuluyan nitong mahablot ang kamay ko.



" Klarissa... "




" Bakit, may sasabihin ka ba? Nagmamadali kasi ako alam mo na- "



Natigil ako sa pagsasalita ng ikulong ako nito sa mga bisig niya. Parang tumahimik ang paligid. Ni-hindi ko nga marinig ang mga sasakyan, wala akong ibang marinig kundi yung puso ko.



" Klarissa, I know you're mad. I'm sorry. " wika nito saakin, pabiro ko naman itong tinapik sa likod.




" Ang drama mo naman, bakit naman ako magagalit? " Natatawa kong sagot dito, bumitaw naman siya sa pagkakayakap saakin. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng diretsong mga tingin ang ginawad niya saakin.


" Anong trip mo Marcus? " Natatawa kong suway dito habang pinipilit iwasan ang tingin nito.




" If someone confess to you, would you give him a chance? "



Natigilan ako sa tanong nito, kunot-noo ko siyang tiningnan. Tumawa naman ako para mabawasan ang tensyon na namamagitan saamin.


" Ang weird mo na Marcus. " 





" I need your answer Klarissa, kasi kung hindi mababaliw na ako. "






Tumigil ako sa pagtawa at diretso ko siyang tiningnan. " Bakit mo ba tinatanong? "




Nag-iwas siya ng tingin saakin, narinig ko ang mahina niyang pagmura. Pinagmasdan ko lang siyang guluhin ang buhok niya. Nanatili lang akong naghihintay sa susunod niyang sasabihin.






" Marcus! Andito ka lang pala. " Napalingon ako sa likod nito at doon nakita ko si Tiffany na papalapit saamin.





" Ikaw na naman Klarissa? By the way bagay sayong maging puno. " Natatawa nitong pang-aasar saakin.





" Ang ganda ko namang puno. " Sagot ko dito dahilan para mapataray siya, hindi ko na ito pinansin, hinarap ko na si Marcus.





" Mauna na ako, kung wala ka ng sasabihin. " Paalam ko at naglakad na palayo.





Mabilis akong nakarating ng bahay, inilapag ko ang bag ko sa maliit na kahoy na upuan namin bago ko hinanap si tita, naabutan ko ito nagtatahi ito kaya naman agad ko itong nilapitan at nagmano ako.




" Nandyan ka na pala, mabuti naman. May pagkain na d'yan, dumaan si Farrah dito kanina nagdala ulam. " wika nito, tumango naman ako.





" Siya nga pala Issa, yung kaibigan mo na si Marcus, pumunta dito yun nung nakaraang gabi. Yung late ka na umuwi? Kaya lang mukhang pagod na pagod ka na kaya hindi na kita ginising. "





Hindi na lang ako umimik sa sinabi nito, tahimik ako kumain at dumiretso sa higaan ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kisame habang inaalala ang sinabi ni Marcus saakin kanina. Kung may lakas lang akong linawin kung anong gusto niyang sabihin, baka ginawa ko na. Kaya lang takot akong masira, takot akong masaktan, takot akong sumugal.





" Hoi, ano nagkausap kayo? " Tanong ni Lyra saakin, habang hila-hila ako para ikulong sa jail booth.






" Ayos ka rin no? Ano 'to sales talk? "





Tinawanan lang naman ako nito at pinasok sa kulungan. Tinatamad lang akong tumayo doon habang si Lyra naman ay patuloy ang pagtatanong saakin.




" Nagkausap, pero may mayamang sumulpot kaya ayon hindi maayos. " Napapabuntong-hininga kong sagot.





" Eksena talaga 'yang si Tiffany, akala mo naman kagandahan. " bulong ni Lyra, kung si Farrah 'to malamang sinigaw niya na 'yon. Speaking of Farrah, malamang ay kasama na naman non si Jax at lumalandi.






" Wala e, jowa. " Aniya ko naman dito.



" Sus, sila na ba? "



" Doon na rin papunta 'yon. " Kibit-balikat kong sagot habang nakasandal ako sa kulungan.







" Hindi ka ba magbabayad para makalabas? " Tanong ni Lyra saakin kaya tinarayan ko lang siya.






" Wag na, okay na ako dito. Tinatamad lang akong tumulong don sa marriage booth, kadiri. "







Nakatanggap ako ng pingot kay Lyra kaya hindi ko maiwasang mapadaing.







" A-aray! "




" Paano kami kikita niyan kung gusto mong tumambay dyan?! " Sigaw nito saakin at nakapamewang akong hinarap





" Sino ba naman kasing nagsabing hulihin mo ako? Wala naman akong kasalanan, bigla kang nanghihila dyan. "







" Mukha ka kasing kriminal. " Sagot nito saakin.



" Wow ha, nagsalita ang future adik. " Tinapunan lang ako nito ng masamang tingin. Nginisian ko lang naman ito. Asar talo.






" Kanino ko pa kayo hinahanap! Tara sa marriage booth, kinakasal si Marcus! "





Napalingon ako kay Farrah ng naghihikahos itong lumapit saamin habang hawak ang kamay ni Jax. Tiningnan ko naman 'yon, si Jax ay napapakamot na lang sa ulo niya habang pinipilit kunin ang kamay niya pero hindi 'yon binibitawan ni Farrah, natawa na lang ako.




" May ginagawa pa ako, tsaka di tayo invited don. " Sagot ni Lyra kaya nakatanggap siya ng kutos kay Farrah.





" Gaga kaibigan natin si Marcus natural invited tayo! Pakawalan mo na nga 'tong si Issa para sumigaw siya doon ng itigil ang kasal! " Sagot ni Farrah, umupo na lang ako sa sahig at hindi pinansin ang kalokohan ni Farrah.






" Hindi pwede, hindi pa siya bayad! "





" Gago ka kasi, bakit 'yan pa kasi kinulong mo e kahit nga limang piso binuburaot pa niyan! Hindi nga 'yan nagdodonate, dasal nga lang donation niya kapag may humihingi ng tulong! "





" Ang dami-daming mayaman dyan sa tabi, eto pang kaibigan mong walang pera ang hinila mo. " Reklamo ni Farrah





" Alam niyo okay lang ako dito, inaantok din naman ako. " Sagot ko sa mga ito sabay naman nila akong nilingon at sinamaan ng tingin. Tinaas ko ang kamay ko senyales na sumusuko na ako. Tiningnan ko si Jax at humingi ng tulong, napakamot lang ito sa ulo niya.




May kuto ata tong si Jax.



" Mga gaga ang tagal niyo! " Sigaw naman ni Kyler mula sa malayo.





" Pucha bayaran mo nga 'tong si Lyra, ayaw pakawalan si Issa e! " Reklamo ni Farrah.




Pinakyuhan ko naman si Calix na pinipicturan na naman ako.



" Gago Calix, may araw ka rin saakin. " Pagbabanta ko dito, nagulat ako ng hilahin ako ni Farrah palabas ng jail at kinaladkad ako papunta ng marriage booth.







" Itigil ang kasal! " Sigaw ni Farrah kaya napalingon saamin ang lahat. Halos humagalpak ako kakatawa ng makita kong ibang tao na ang kinakasal. Wala ng bakas nila Marcus at Tiffany ang naiwan.






" Sinong tumututol? " Tanong nung pekeng pari na kaklase namin.





" Si Farrah! " Sigaw ni Calix.






" A-anong ako? Hindi ah! " Sigaw nito at tumakbo palayo.




" Tanga kasi pucha. " wika ni Calix habang tinatawanan ang tumatakbong si Farrah.




" Asan na si Marcus? "



Nilibot namin ang paningin namin sa paligid at mula sa malayo natanaw namin si Marcus at Tiffany na nakapila sa horror booth.





" Lakas ng tama din nitong si Marcus, pagkatapos pakasalanan, papatayin naman sa sindak. " Natatawang sambit ni Logan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top