Chapter 3


" Hoy, kanina ka pa lutang. " sambit ni Lyra saakin, nandito kami ngayon sa canteen since break time namin.






" Oo nga, ni-hindi mo nagalaw pagkain mo. " sabat ni Calix.


" Kunwari ka pa Cal, gusto mo lang hingin. " Sagot ko dito at inabot ang pagkain ko sa kaniya.




Nilingon ko ang table ni Marcus at Tiffany na hindi kalayuan saamin. Napabuntong-hininga na lang ako bago sinamaan ng tingin si Calix.





" Oh bakit ka galit? Akala ko binigay mo na? " Tanong ni Calix saakin, tinarayan ko lang ito.







" Bakit ang sungit n'yan ni Issa ngayon? " Rinig kong bulong ni Calix kay Logan, kinontrol naman ni Logan ang ulo nito at hinarap sa isang lugar.







" Gets? "







" Ah, nagseselos. " Natatawang sambit ni Calix kaya sinipa ko siya. Hindi ko naman alam na matatapon ang vitamilk na inumin ko saakin. Agad ako napatayo sa gulat.






" Ayan, ang bilis ng karma! " Natatawang sambit ni Farrah, minura ko naman siya sa isip ko.








May tatlong subject pa bago mag-uwian, hindi ko naman dala ang p.e ko. Hindi ko alam kung ilang beses akong napamura sa isip ko habang pinupunasan ko ng map ang natapon na vitamilk ko.





" Wala ba talaga kayong extra dyan? " Tanong ko kina Calix habang naglalakad kami pabalik ng building namin.








" Wala nga. "






" Wala kayong kwenta. " Sagot ko sa mga ito.








" Kasalanan mo 'yan, nagseselos ka wala naman kayong label. " Tugon naman ni Lyra.






" Mamatay may label. " Pang-aasar ko dito, tinarayan lang naman ako nito.






" Gago, wala pa rin kayong label ni Krist? Ilang buwan mo na 'yong nililigawan ah! " Natatawang wika ni Kyler.





" Manahimik ka. " Pagbabanta naman ni Lyra, napailing na lang ako sa mga ito.








" Dito na ako. " paalam ni Lyra saamin, tinanguan naman namin siya. Tinitigan ko ang marumi kong tshirt at hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga.







" Hoi Issa! Hindi mawawala mantsa n'yan kahit ilang oras mong titigan! Pumasok ka na, baka dumating na si sir! " Sigaw ni Farrah saakin, tinarayan ko naman siya.








Papasok na sana ako ng may kamay na pumigil saakin kaya nilingon ko naman ito. " Marcus? May kailangan ka? "







He handed me a white t-shirt so I looked at it in surprise. " Anong gagawin ko dito? "






" Titigan mo hanggang sa maging black. " Sarkastiko nitong sagot, natawa naman ako.




" Thank you. " Sambit ko dito.






" Magpalit ka na, baka mag-time na. " Wika niya saakin, tumango naman ako at ngumiti. Nagpaalam na ito at tumakbo palayo.








" Hmm, I smell something fishy. " napatalon ako sa gulat ng magsalita si Farrah mula sa likod ko.







" Sarili mo lang 'yon. " Sagot ko.



" Tara na, samahan mo ako. " Sambit ko kay Farrah at hinila ito papuntang cr.







" Pero Issa, hindi mo ba naisip na umamin man lang kay Marcus. Kasi diba, since elementary tayo, crush mo na siya? " Tanong saakin ni Farrah habang nasa loob ako ng cubicle.







" Para saan? Kaysa layuan ako nung tao, mas better na ganito na lang. " Sagot ko dito.





" Sus, try lang naman e. "






" Paano kung pumalya yung try? Ayokong i-risk yung sobrang tagal na friendship. " Sagot ko at binuksan ang pinto ng cubicle, pagkatapos ay inayos ang sarili ko sa salamin.






" Naalala ko pa nga na sobrang happy mo nung first meet mo sa kaniya. Nauna ka kayang humarot sa ating dalawa. Grade five tayo, crush mo na si Marcus. Sabi mo pa nga parang nag slow mo ang paligid mo nung nakita mo siya. " Natatawang wika nito.





" Bata pa ako non, Farrah. Hindi ko pa alam kung ano yung mga mawawala saakin once I take risk for love. "







" E ngayon alam ko na. "







" Sabi mo e, pero naalala ko talaga favorite mo yung first- " Tinakpan ko na ang bibig nito dahil baka kung ano pang maalala.






" Oo na, manahimik ka na. "








" Infernes, bagay sayo. " Nakangiti nitong sambit habang tinitingnan ang suot ko tshirt.






" Baliw ka ba, natural tshirt 'to, tingin mo saakin hindi babagay ang mamahalin? " Sagot ko dito.








" Kay Marcus ba talaga 'yan?"  Tanong niya saakin, tumango naman ako.





" Bakit? "





" Wala lang, parang hindi naman niya ka-size. " Sagot nito.






" Nag-iisip ka lang masyado, may essay ka na ba? " Tanong ko dito.





" Hala putcha, ngayon ba 'yon? " Kita ko ang panic nito sa mata,  sumipol na lang ako at nauna nang lumabas ng cr.





Mabilis na natapos ang klase namin, nagpaalam na si Farrah at sila Kyler saakin. Si Calix na lang ang kasama ko naglalakad papalabas ng school.






" Sure ka ba na ayaw mo sumabay saakin? " Tanong nito, umiling naman ako.





" May dadaanan pa ako. " sagot ko dito, tumango naman siya at nakipaghandshake saakin. Yung hand shake na ginawa naming tropa.






" Ingat ka Issa! " paalam nito, kumaway naman ako. Umupo ako sa waiting shed sa labas ng school namin.







Farrah and I are both scholar since elementary here in Keira High. Nabuo ang tropa namin nung mga grade five pa lang kami. Nung naging magkaklase kaming lahat. Si Farrah at ako, pareho kaming lumaki sa mga tyahin namin. Habang si Lyra, Kyler at sila Logan, Marcus and Calix, mga laki sa pera 'yon pero they never look down on us. They treat us like their real family and I'm really happy to have them in my life, especially ang bruhilidang si Farrah na parang kapatid ko na.








" Klarissa? Bakit nandito ka pa? " Tanong ng pamilyar na boses saakin.





" Marcus, ikaw pala. Thank you pala sa tshirt, lalabhan ko na lang tapos ibabalik ko sa'yo. "





" No, it's okay. Para talaga sa'yo 'yan. " Nakangiting sagot nito at tumabi saakin.





" Ha? "





" I mean, matagal ko na 'yang binili sa'yo. Naalala mo nung lagi kang natatapunan nang juice na iniinom mo nung 3rd year tayo? Lagi ka kasi walang dalang extra non, kaya lagi kong bitbit 'yan. " Napapakamot sa ulo niyang sambit.






" Kaya lang, lagi ka ng nagdadala ng extra kaya hindi ko na naibigay pero ewan ko ba kung bakit lagi ko pa ring dala. " Natatawa nitong sagot.





" Ah, ganon ba. Thank you, Marcus. " Wika ko dito at nilingon ang mga sasakyan na dumadaan sa harap namin.





" May tanong ako. " Sambit nito kaya naman hindi ko naiwasang lingunin ulit ito. Nilingon rin ako nito kaya hindi naiwasang mag tama ang mga paningin namin.






" Is it normal to have this heartbeat fast, Klarissa? "

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top