Chapter 19
" I look stupid, why am I even crying infront of you? "s
Sambit nito habang pinupunasan ang luha niya.
" Okay lang, naiintindihan kita. Normal lang naman umiyak, kasi tao lang tayo, nasasaktan at napapagod." Sagot ko dito.
" Klarissa, siguro kung hindi tayo nagkakilala sa ganitong sitwasyon, baka magkaibigan tayo but things happen because it is supposed to happen and we cannot change that. Siguro nga tama ka dati, maybe I really envy you because you have loyal friends that would never turn their back on you, you have Marcus, you have things that I don't have. " Pilit na ngiting wika nito, hindi ko maiwasang masaktan para sa kaniya. Ngayon nagsisisi ako sa lahat ng mga nagawa at nasabi ko sa kaniya.
" Pero nabibili mo ang mga bagay na gusto mo. Hindi ka namomroblema sa pera habang kami, nahihirapan kahit maghanap lang ng pambayad ng projects o ng pambayad ng bahay na tinutuluyan namin. " Sagot ko rito, natawa naman siya.
" If you think money can buy everything that you have, I should have bought all of that but- " Nilingon niya ako habang suot pa rin ang pilit na ngiti mula sa labi niya. " Money is worthless because you can't buy genuine love from that. "
Natahimik na lang ako sa sinabi nito. Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. " Agilez, just promise me one thing, hindi mo pababayaan si Marcus, manatili ka sa tabi niya ano man ang mangyari, intindihin mo siya kahit gaano kahirap, patawarin mo siya mga pagkukulang at pagkakamali niya. I'm warning you, hindi madaling mahalin si Marcus at mauunawaan mo ako kapag ikaw na ang nasa sitwasyon. " Sambit nito, hindi ko talaga siya naiintindihan. Akala ko kilala ko na si Marcus pero mukhang mali ako.
" Mauna na ako. " Paalam nito saakin.
" Wait, kailan ang alis mo? " Tanong ko rito, nilingon niya naman ako.
" Maybe next week? I don't really know the exact date, pero before the end of this month, I'll be leaving. " Simpleng sagot nito.
" Alam ba ni Winston? "
Tinitigan naman ako nito na parang binabasa ang nasa isip ko, nag-iwas lang ako ng tingin. Tumalikod na ito mula saakin, kaya wala akong nagawa kundi pagmasdan ito.
" Does he need to know? Winston and I, we chose to be just strangers in each other's lives, and I don't think you should ever be involved with the two of us. Focus on what you need to fix, and that is the relationship between you and Marcus. Wag mong problemahin pa ang hindi mo problema. Mauna na ako. " Paalam nito at naglakad palayo.
Tahimik akong naglakad pauwi ng bahay. Binati ako ng mga ilang nag-iinuman pero tanging ngiti lang ang sinagot ko sa mga ito. Naglalayag ang utak ko sa pinag-usapan namin ni Tiffany na halos hindi ko naalala ang pagtatalong nangyari saamin ni Farrah, kung hindi ko lang ito naabutan sa kwarto ko na tahimik na naghihintay saakin.
" Nandito ka pala, may kailangan ka ba? " Tanong ko rito. Nilingon naman ako nito, malungkot ang mga mata niya, kaya hindi ko maiwasang mapailing at mapangiti dito.
" It's okay, hindi naman big deal saakin sinabi mo. Tama ka naman, gets ko naman point mo. Nasaktan lang ako kasi nga totoo e, pero magiging bestfriend ba kita kung hindi mo ako ginigising sa katotohanan? " Natatawa kong wika dito. Nagulat ako ng yakapin ako nito.
" Sorry talaga gaga, sobrang guilty ako pero buti na lang kilala mo ako. Bwisit ka, alam mo bang iyak ako ng iyak kay Jax! Ang panget ko pa naman umiyak, nakakahiya! Kasalanan mo bakit nasira image ko don! Pero buti bati na tayo. " Sambit nito habang umiiyak.
" Isip bata ka pa rin talaga. " Tugon ko dito.
" Mabuti naman at okay na kayo, si Farrah sige ang iyak nung umuwi sa bahay. Parang bata pa rin, katulad pa rin nung pag nag-aaway kayo sa isang bagay. " Napalingon ako sa pinto at nakita ko doon si tita Fresha.
" Tita kayo pala, hindi niyo naman sinabing pupunta kayo? " Wila ko dito at lumapit para magmano.
" Nagpasama 'yang bestfriend mo dahil natatakot sayo. " Sagot nito, natawa naman ako. " Oh siya mauna na kami, halika na dito bruha. Uwi na tayo. "
" Mas bruha ka tita. " Sagot ni Farrah at tumakbo palayo. " Kita na lang tayo sa school bukas! I love you! " Sigaw nito habang tumatakbo, napailing na lang ako.
" Mauna na ako, Issa. Klarea, aalis na ako! Huhulihin ko pa yung pamangkin kong maharot! " Paalam nito kay tita.
" Sige, Fresha! Mana lang naman sayo yan. " Natatawang tugon ni Tita. Napailing na lang ako sa sinabi ni tita dito habang hinuhubad ko ang uniporme ko.
" Kamusta naman ang puso? " Natigil ako sa paghuhubad ko nang tanungin 'yon ni tita saakin. We usually don't talk things like this. Si tita kasi ayaw niya pag-usapan ang mga bagay na tungkol sa kinamumuhian niya. Lumaki ako kay tita, mula nung mamatay si mama sa panganganak saakin habang yung papa ko naman hindi na talaga nagpakita nung nabuntis si mama. Si tita, hindi na siya nag-asawa, wala rin siyang anak. Kaya ako lang ang nag-iisang mayroon siya. Kaya nangako ako na I will do everything for her.
" Okay lang naman ta, bakit mo naman po natanong? " Sagot ko dito at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
" Issa, alam mo naman kung anong kayang gawin ng pag-ibig sa isang tao diba?" Tanong nito saakin dahilan para muli kong maitigil ang ginagawa ko at mapalingon ako dito. Ramdam ko ang seryoso nitong mga tingin. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot o kung dapat ba akong sumagot.
" Alam kong mabuting tao si Marcus pero hindi porket mabuti siyang tao ay tamang tao na siya para sa'yo. Nagbabago ang tao, alam mo 'yan. " Sambit nito saakin kaya mas lalo kong naramdaman ang tensyon sa paligid namin.
" Don't settle for the things that just makes you happy. Hindi porket napapasaya ka niyan ngayon ay mapapasaya na niyan sa susunod pang panahon. Huwag kang mag-settle sa feelings na gusto mo siya kaya mo siya ilalaban, kaya ka susugal, dahil hindi lahat ng bagay dapat sugalan, lalo na kung may mawawala kapag sinubukan. "
" Tita, hindi naman po masama ang sumubok diba? " Tanong ko rito, umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko. Marahan niyang dinala ang ulo ko sa balikat niya para isandal roon.
" Ayoko lang magaya ka saakin na habangbuhay na nagsisisi sa maling desisyon. Issa, gusto ko lang...pag-isipan mong mabuti kung ano yung susugalan mo, kasi alam mo namang hindi lahat nanalo sa laban ng pag-ibig. Hindi kita pinipigilan magmahal, pero gusto lang sabihin na masyado pang maaga para isiping siya na ang para sa'yo. " Sagot nito saakin.
Takot din naman akong sumugal, takot din akong matalo. Takot akong magaya kay mama, na iniwan ni papa. Takot magaya kay tita, na pinangakuan ng kasal pero iniwan at hindi na binalikan. Takot naman talaga ako sa pag-ibig, pero kung si Marcus ang usapan, handa akong subukan.
Kasi gano'n ko siya kamahal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top