Chapter 15
" Hoi Winston, sure kang safe ang buhay ko ah. Mamaya kaladkarin ako ni Tiffany dahil nagselos saatin. "
Nilingon niya naman, hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko kung sino ang date ko dahil talagang mapapatay ako ng mga 'yon. Mabait naman pala 'tong si Winston, mahal niya lang talaga si Tiffany. Tumawa naman siya sa sinabi ko.
" Don't worry, kargo kita. " Natatawa nitong sagot.
" Mahal mo talaga no? " Wala sa wisyo kong tanong habang diretsong nakatingin sa mga mata nito. Bumuntong-hininga siya at pilit na ngumiti bago nag-iwas ng tingin saakin at ibinaling ang tingin niya sa labas ng bintana ng kotse.
" Oo naman. Kaya lang duwag ako kaya siya nawala saakin. " Sagot nito, nalungkot naman ako sa sinabi nito. Mahina kong tinapik ang balikat nito pagkatapos no'n ay tuluyang nanatili ang katahimikan saamin hanggang sa makarating kami sa venue ng prom.
" Nandito na po tayo. " Sambit ng driver ni Winston. Tahimik itong lumabas ng kotse. Pinagbuksan ako nito ng pinto at inabot ang kamay niya saakin. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang kamay nito.
Bumungad saaking paningin ang nagugulat na mga mata ng kaibigan ko. Kahit naman ako nagugulat bakit ako nandito. Nilibot ko ang paningin ko sa napakagandang ayos ng venue. Lumapit si Farrah saakin at marahan akong hinila habang si Winston naman ay kinakausap ng ibang lalaki.
" Hoi, diba 'yan yung ex ni Tiffany? Anong trip mo? " Bulong nito saakin.
" Niyaya ako edi pumayag ako dzuh, kaysa naman maging single ako dito. " Tugon ko.
" Luh palusot mo, kilala kita. Pinagseselos niyo sila si Tiffany, sus wala kayong dalawa sa libro, pag kayo nagkagustuhan. " Naiiling na sambit naman ni Kyler, nakapabilog kaming tatlo.
" Tigilan niyo nga ako. Issue kayo masyado. "
" Speaking of pinagpapaselos. Ayan na yung dalawa oh. " Wika nito Farrah, napalunok naman ako. Naramdaman ko ang mabilis ng tibok ng puso ko. Natataranta ko itong nilingon.
Parang nawasak ang puso ko nung makita ko itong masayang kasama si Tiffany and what makes my heart feel more pain is when I can't accept the fact that they look good together. They look good with each other. A perfect couple indeed.
" Bagay sila. " Wala sa wisyo kong sambit habang tinitigan ang mga itong naglalakad papalapit saamin. Naramdaman ko ang paghawak nila Kyler sa balikat ko. Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Ilang beses akong bumuntong-hininga. Napaangat lang ako ng tingin ng marinig ko ang mga compliments ng mga tao sa paligid sa kanila.
" Wow, you look great together. Kailan ba kayo magiging official? " Rinig kong tanong ng mga tao sa paligid.
" Let's go inside. " Pagyaya ko sa mga ito. Lumapit si Winston saakin at inabot ang braso niya. Nginitian ko naman ito.
" Okay ka lang? " Bulong nito saakin.
" Ikaw. Okay ka lang? " Natatawa kong tanong.
" Ang panget natin, pareho tayong di okay. " Sagot nito dahilan para matawa ako.
" Sa tingin ko walang point 'tong plano natin. " Natatawang kong sambit dito.
" Edi mag enjoy na lang tayo. " Pilit ngiti nitong sagot saakin.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito sa tabi ko kaya napalingon ako sa kaniya. Seryoso ang mga tingin niya sa daan. Nanatili ang katahimikan saamin hanggang sa makarating kami sa upuan namin. Isang malaking lamesa ang nasa unahan namin at may mga upuan doon na sakto sa bilang naming magkakaibigan.
" Asan si Lyra at Calix? " Tanong ko ng mapansin ko ang dalawang bakanteng upuan.
" Wala e, hindi naman sumasagot sa gc. " Sagot ni Kyler.
" Welcome to our prom! Let's enjoy this night. I'm happy to announce to all of you that the dancefloor is already openN Let's dance together! " Sigaw ng mc dahilan para magtayuan ang mga tao.
Namatay ang ilaw at bumukas naman ang iba't ibang kulay ng ilaw na parang sa bar kasunod no'n ay ang masayang tugtog. Niyaya ako nila Kyler sa unahan pero tumanggi ako kaya sila na lang nauna doon. Napailing ako habang pinagmamasdan ko silang sumayaw.
" Sayaw tayo. " Pagyaya ni Winston saakin, umiling naman ako.
" Ayoko nga, mukha akong tanga pag nasayaw. " Sagot ko dito.
" Mukha ka naman tanga kahit hindi ka nasayaw. " Diretsong sambit nito dahilan para tarayan ko siya.
" Wow nagsalita ang totoong tanga. " Pambawi ko dito dahilan para magsamaan kami ng tingin.
" Sumayaw na lang kayo, pareho naman kayong tanga. "
Napalingon ako kay Farrah na nasa likod na pala namin kasama si Jax na tumatawa na ngayon. Napataray na lang ako sa dalawang 'to. Tumayo na kami at sumunod sa mga ito.
Napatingin ako kay Marcus na seryoso mga tingin ang iginawad saakin. Hindi ko napansin na nandito na rin pala sa dancefloor. Sabagay hindi naman kasi siya saamin umupo kundi sa lamesa nila Tiffany. Hindi ko na ito pinansin at hinarap ko na si Winston.
" Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang kanina pa tayo bumulagta dito. " Tumatawa nitong bulong saakin.
" Ikaw lang wag mo ako idamay. " Nakataas kilay kong sagot. Sasayaw na sana kami pero nag-iba ang tunog. Mula sa malakas na ingay ay napalitan itong ng kantang the only exception from paramore. Hinarap ko naman si Winston na ngayon ay napapakamot na sa ulo.
" Balik na tayo? " Tanong ko dito.
" Nandito na naman tayo, sayang naman kung niyaya kita tapos di kita masasayaw. Tsaka malay mo magselos na sila. " Natatawa nitong biro.
When I was younger
I saw my daddy cry
And curse at the wind
He broke his own heart
And I watched
As he tried to reassemble it
" Ewan ko sayo Winston, nandadamay ka pa e. "
" So may I have this dance, Ms. Agilez. " Tanong nito at inabot ang kamay niya saakin.
" Ayoko nga, pilitin mo muna ako. " Natatawa kong pagbibiro dito dahilan para matawa rin ito. Inabot ko ang kamay nito at nagsimula na kaming sumayaw.
And my momma swore
That she would never let herself forget
And that was the day that I promised
I'd never sing of love
If it does not exist, but darlin'
Marahan ang pagsayaw namin habang nakangiti kami sa isa't isa pero deep inside we both wishes that we are dancing with someone we both like. Ang malas lang because we both know na imposible 'yon.
You are, the only exception
You are, the only exception
You are, the only exception
You are, the only exception
" Marcus! " Napabitaw ako kay Winston ng marinig kong sumigaw si Tiffany at paglingon ko ay nasa harap ko na si Marcus at hinila ako nito palayo.
" Teka bitawan mo nga ako! " Sigaw ko dito pero parang hindi ako nito narinig. Binitawan niya lang ako ng nasa harap na kami ng puno. Tanging mahinang liwanag lang mula sa buwan ang nagsilbi naming ilaw.
" Ano bang problema mo? " Inis kong tanong dito.
" F*ck! Hindi ba obvious?! Nagseselos ako Klarissa! Mamamatay na ako sa selos! " Sigaw nito saakin dahilan para matawa ako.
" Nagseselos ka Marcus.... " Hindi makapaniwalang tanong ko.
"...bakit ano ba tayo? "
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top