Chapter 11



" Klarissa Cravia Agilez! "


Napatalon ako sa gulat ng sumigaw s Farrah mula sa tabi ko. Hindi ko alam na nililipad na naman pala ang utak ko. Napapakamot akong napabuntong-hininga bago ito hinarap.


" Ano ulit 'yon? " Tanong ko dito at kunwaring nilinis ang tenga ko dahil siguradong papaulanin na naman ako ng mga tanong nito dahil sa kinikilos ko and I'm not in the mood to answer questions that even me, myself didn't know the answer.




" Sino ka 'ko ang magrereport? " Tanong niya saakin, tinuro ko naman siya at nagpatuloy na sa paglalakad.




" Luh ako na naman?! Ako na kaya nung nakaraan. " Reklamo nito saakin, I rolled my eyes because of what she said. Tumigil ako sa paglalakad at nakapamewang na hinarap ito.





" Hindi ka naman kasi umattend nung ginawa namin 'to. Lumandi ka remember? " Nakataas kilay kong sagot dito, nginitian naman ako nito at bago napapakamot na tumango. Napailing na lang ako bago nagpatuloy ulit sa paglalakad.





" Bakit lutang ka na naman? " Tanong naman ni Kyler saakin. Napapataray ko itong nilingon at pabalang na sinagot.







" Wala, naisip ko lang hindi pala kayo bagay ni Logan. "



Nakatanggap ako ng matalim na tingin mula kay Kyler kaya hindi ko maiwasang matawa. Palaging asar talo 'tong mga 'to saakin. Kay Farrah lang ata ako hindi nananalo. Sabagay mahirap talaga kalaban ang kapwa mo demonyo.




" Aray! " Napadaing ako sa sakit ng makatanggap ako ng malakas na tumama sa ulo ko.




" Pucha! " sigaw ni Farrah.





Nanatili akong nakapikit dahil pakiramdam ko nahilo ako dahil do'n. Mas mariin kong naipikit ang mga mata ko ng mangibabaw ang mahinang tawa ni Tiffany kasama ang mga kaibigan niya. Huminga ako ng malalim at hindi ko maiwasang maitago ang inis na bumalot saakin. I try to calm myself before facing them. I tried to calm myself down before facing them. I gave them a glare but I only got a raised eyebrows in return.


" Opx, sorry, sadya e. " wika nito nang makalapit siya saamin.




" Ano bang problema mo saamin ha!? Bakit ba ang init ng ulo mo sa mga tropa ko! "



Hinawakan ko si Kyler para pigilan itong sugurin si Tiffany. Naiinis niya naman akong nilingon, umiling lang ako dito. 4th year na kami, panget kung magkakarecord pa kami sa guidance.



" Gusto mong malaman? I hate everything. Lalo na 'tong cheap niyong nerd na kaibigan. " Mariing wika nito at binigyan ako ng masamang tingin.




Umayos ako ng pagkakatayo at hinarap ito. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko bago ito nginisian.


" Do you know that when you hate someone it means you are envy of them. I wonder, ano bang kinaiingitan mo saakin? " Wika ko dito dahilan para tumawa ito ng malakas na parang hindi makapaniwala sa narinig niya saakin.




" Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ako? Maiinggit sa cheap na katulad mo? No fucking way. "




Nginitian ko naman ito dahil sa sinagot niya. " Ikaw na rin ang nagsabi na cheap ako, kaya walang mapapala ang galit mo saakin. Sinasayang mo lang ang oras mo. "



Lumapit ito saakin at tinulak-tulak ako braso ko gamit ang daliri niya. Hinawakan naman ako nila Kyler at tinapik ang kamay nito palayo saakin.




" Tumigil ka na Tiffany bago pa ako hindi makagpigil sayo. Etong kaibigan ko kaya nitong magtimpi ng milyong beses, gano'n kahaba ang pasensya niya. " Rinig kong seryosong wika ni Farrah. " Pero ako...yung pasensya ko kasing ikli lang ng kilay mo. "



Napansin ko ang pagkurba na inis mula sa labi ni Tiffany. Niyaya ko na sila Farrah at Kyler na iwan si Tiffany. Habang naglalakad kami ay nakangiti kong inabot ang kamay ko sa dalawa at nakipag-apir.



" Gago, ang angas mo do'n. Sayo na ang korona. " Proud na proud na wika ni Farrah at inabot ang invisible na korona saakin.




" Ikaw din naman. " Natatawang tugon ko.






" Naiinggit lang sa'yo 'yon si Tiffany, paano siya yung nililigawan pero parang ikaw. " Wika ni Kyler saakin, buntong-hininga lang sinagot ko dito.







" Gala tayo, birthday ni Logan sa sabado ah. " Napalingon ako kay Calix na bigla na lang sumulpot kung saan. Nasa tabi niya si Lyra at Marcus, habang si Logan ay nasa likod ng mga ito.






" Resort niyo na Calix, libre. " Suhestiyon ni Farrah.






" Bakit saamin? Si Logan may birthday. " Reklamo nito, kaya nakatanggap siya ng kutos kay Logan.





" Bobo ka pala, ikaw kaya nag-aya. Kung makaaya ka kasi akala mo birthday mo. "




Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi ni Logan dito. Tumaray naman si Calix kaya mas lalong naging maingay ang tawanan saamin. Ngayon lang din kasi kami nakumpleto ulit sa break time, kaya iba yung saya.


" Pass tayo sa resort namin, gago ba kayo? Galit pa rin si Dad saakin dahil sa ginawa natin noong last na punta natin don. "






" Kung hindi ba naman kayo gago, pinalitan niyo lang naman yung kulay ng pool. Sa dami-dami ng kulay! Red pa talaga! " Dagdag nito kaya sunod-sunod na hampas naman ang natanggap ko kay Farrah dahil sa kakatawa nito.







" Aray, ponyeta bugbog sarado ako. "






Tumayo na lang ako sa kinauupuan ko, hindi ko napansin na nasa likod ko pala si Marcus kaya naman muntik na akong matumba sa gulat. Mabuti na lang at nasalo ako nito, tumahimik ang paligid. Kahit sila Farrah na maingay ay napatingin saamin.





" Ayos ka lang? Bakit kasi hindi ka nag-iingat? " Nag-aalala nitong tanong, agad akong umayos ng tayo.





" Ehem, parang kailangan na nating umalis. " Wika ni Farrah habang nakatingin sa likod namin.




" Talagang ginagalit mo ako no? "




Napadaing ako sa sakit ng marahas na hablutin ni Tiffany ang kamay ko. " Aray! Ano bang problema mo? "



" Ikaw! Ikaw ang problema ko! Akala mo hindi ko napapansin? Hindi ako tanga! May gusto ka kay Marcus! " Sigaw nito saakin dahilan para matahimik ako. Ni-hindi ko magawang lingunin si Marcus na nasa tabi ko. Nagkumpulan na ang mga estudyante sa paligid namin.






" Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Kaibigan ko lang si Marcus. " Mahinahon kong wika dito.






" Oh come on, hindi mo ako maloloko. The way you look at him, it's different from the way you look at your other friends! " Sigaw nito saakin at mas diniinan ang pagkakahawak sa braso ko kaya napadaing ako.





Tumahimik ang bulungan ng hilahin ni Marcus ang kamay ni Tiffany na nakakapit saakin.





" Nakakasakit ka na. " Seryosong wika ni Marcus dahilan para tumawa si Tiffany. " Bakit ka ba nagkakaganyan? "






" Tinatanong mo ko kung bakit ako nagkakaganito? Hindi mo talaga alam? " Hindi makapaniwalang sambit nito, naramdaman ko ang paghila saakin ni Farrah palapit sa kaniya.



" Are you okay? " Bulong nito saakin, tumango lang naman ako.




" Dahil mas sinasamahan mo pa 'yang babaeng cheap na 'yan kaysa saaking nililigawan mo! Ni-hindi ko nga alam na nakabalik ka na sa school! The last time that I check on you, ang sabi mo nagpapagaling ka pa! " Sigaw ni Tiffany.





" Aminin mo nga saakin, Marcus. Ako ba talaga ang nililigawan mo o siya? Kasi hindi na ako sigurado. " Dagdag nito at tuluyan kaming iniwan.





" Oh ano pang tinitingin-tingin niyo dyan? Tsupi! Etong mga mayayaman na 'to, napaka-chismosa. " Rinig kong sambit ni Farrah pero nanatili lang ang tingin ko kay Marcus na ngayon ay parang naestatwa sa kinatatayuan niya.




" Marcus...okay ka lang? "





Hindi ako nakakuha ng sagot dito, sa halip ay nagmamadali itong nagtungo kung saan pumunta si Tiffany. Mahina lang akong tinapik nila Lyra sa balikat, wala akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga.



Bakit naman naging ganito kakomplikado lahat?



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top