Chapter 10





" Pumunta ka pala dito nung gabi na hindi mo akong nahatid. "



Wika ko kay Marcus, nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Hindi na rin ako tumanggi sa alok nitong ihatid ako dahil wala naman ako choice, hindi rin agad kasi tumila ang ulan. Wala naman akong payong, kaysa umuwi akong basang-basa, pumayag na ako.



Hindi dahil marupok ako.





" Oo, nag-aalala ko nung nalaman ko sa guard na umuwi kang mag-isa, kaya pumunta ako dito to make sure na nakauwi ka. "




Napangiti naman ako sa sinabi nito. " Salamat pala sa paghatid. "





" Sus, wala 'yon. Pambawi na rin kasi hindi kita nabalikan agad no'n. Hindi kasi ako pinaalis agad ni Tiffany kaya hindi kita agad napuntahan. " Napapakamot sa ulong paliwanag nito.





" It's okay, hindi mo naman kailangan magpaliwanag. "





" Issa, nandyan ka na pala! Hindi mo man lang ba papapasukin 'yang si Marcus? " Rinig kong sigaw ni tita, nagkatinginan naman kami ni Marcus at sabay kaming natawa.







" Tita gabi na rin po, uuwi na siya. " Sagot ko dito, lumabas naman ito sa bahay at lumapit kay Marcus. Kaya hindi ko maiwasang mapailing.






" Ay nako, patilahin mo muna ang ulan. " Sambit nito at inaya si Marcus papasok ng bahay. Wala naman akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga bago sumunod sa mga ito.





" Nako, basang-basa kayo. Sabi ko naman kasi sa'yo Issa, palagi kang magdala ng payong. " Nakapamewang na wika nito saakin kaya napakamot naman ako sa ulo ko.



" Hindi ko naman po alam na uulan. " Depensa ko sa sarili ko kaya nakatanggap ako ng kurot sa tagiliran ko.





" Be independent woman! Wag kang umasa lagi na may lalaking magpapasilong sayo sa payong niya. Wala tayo sa fairytale. "




Napatawa na lang ako sa sinabi nito bago pumasok sa kwarto para magpalit ng damit. Paglabas ko ay naabutan kong nagkukwentuhan si Marcus at Tita.





" Mukhang nag-eenjoy kayo ah. " Pabiro kong wika sa mga ito at tumabi kay Tita.




" Pinag-uusapan namin yung nahulog ka sa kanal nung grade six ka, tapos ayaw mo pa ngang umuwi dito kung hindi ka hinatid ni Marcus. " Sagot ni tita, matalim na tingin naman ang iginawad ko kay Marcus na ngayon ay tumatawa na.




" Wazzup Tita Klarea! "





Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang malakas na boses ni Farrah. Sinamqan ko naman ito ng tingin. May bitbit itong tupperware, malamang ay bigay na ulam na naman 'yon ni Tita Fresha.



" Anak ka ng palaka, Farrah! " Sigaw ni Tita dahilan para magtawanan kaming lahat.





" Oh Marcus, umaakyat ka ng ligaw? "



Tinapunan ko ng masamang tingin si Farrah pero hindi ako pinansin nito. Sa halip ay binigyan niya lang ng nakakalokong ngiti si Marcus. Wala akong nagawa kundi sipain ito dahilan para mapadaing ito. Minura ko siya ng mahina, binelatan niya lang naman ako.




" May gusto ka kay Issa? " Agad akong napalingon kay tita ng tanungin niya 'yon kay Marcus. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Farrah.




" P-po? "




" Ah tita, binibiro lang po kayo ni Farrah. Si Marcus, may nililigawan po 'yan. " Paliwanag ko dito.





" Ganon ba? O sige, ano ba 'yang dala mong ulam Farrah? Magsikain na tayo, kumain ka na rin dito Marcus. " Pagyaya ni tita dito, nagkatinginan naman kami ni Farrah.






" Paborito mo 'to tita! Ginataang sitaw na may kaonting baboy! "





Napailing na lang ako sa sinabi nito habang si Marcus ay tawa lang ng tawa. Nilingon ko naman ito, hindi ko alam na saakin pala ito nakatingin kaya nagtama ang paningin namin. Nginitian ko lang ito at ako na ang nag-iwas ng tingin.





" Hoi, una na ako ah. Kwento mo na lang saakin kung magkaka-bed scene. " Bulong ni Farrah kaya nakatanggap siya ng kotong saakin. Kahit kailan talaga, akala mo di ako pinangaralan nung nakaraan.




" Gago ka, uuwi rin 'yan. " Bulong ko pabalik dito " Ikaw, umuwi ka na! Sermonan ka sana ni tita! "





Binelatan lang ako nito bago nagpaalam na kay tita at kay Marcus. Napapailing ko na lang itong sinundan ng tingin. Muli ko namang nilingon si Marcus nang tumunog ang cellphone nito. Tumila na rin ang ulan kaya pwede na siyang makauwi.





" Tita, mauna na po ako. " Paalam nito kaya lumapit na ako dito.





" Ganon ba? Hatid mo siya kahit hanggang gate lang Issa. " Wika ni tita saakin.






" Tita hinatid nga ako tapos ipapahatid mo saakin. " Natawa naman si Marcus sa sinabi ko.




" Wag ka na mag-inarte, baka mapagtripan 'yang kaibigan mo dito. " Sambit nito at hinila kami palabas ni Marcus.



" Luh, kilala na naman siya dito. " Mahina kong bulong pero wala rin akong nagawa kundi sundin si tita kaysa masermonan pa ako.




Tahimik lang kaming naglakad papuntang gate, sige lang ang hi saamin ng mga nag-iinuman. Panay ang biro din saamin na bagay kami, wala naman akong magawa kundi tanguan na lang at tawanan ang mga sinasabi nito. Si Marcus naman din kasi ay sinasakyan ang biro.



" Ang weird nito. "


Napalingon ako kay Marcus dahil sa sinabi niya. Nagtataka ko itong tiningnan at hinintay ang sunod niyang sasabihin. Nakarating na kami sa tapat ng gate kaya hinarap ko na siya para magpaalam sana pero muli ito nagsalita.




" Ang weird kasi nasa bucket list ko 'to. "



" Bucket List? Alin yung makauwi ka ng ganito kagabi? " Natatawa kong sagot dito, natigilan ako sa pagtawa nung mapansin kong seryoso ito. Mas lalong tumigil ang mundo ko nung hawakan niya ang kamay ko.



" Hindi. "



" Edi ano? Ang seryoso mo naman. " Pabiro kong wika dito.




" To walk with you under the moon. "



Tumahimik lalo ang paligid nung binitawan niya ang mga salitang 'yon. Minsan si Marcus biglaan ang mga banat, hindi kinakaya ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top