Chapter 1


" Klarissa, puro ka aral! Mag-ayos ka naman kaya hindi ka napapansin ni Marcus e. "




Wika ni Farrah habang sinusubukang hilahin ang notebook ko palayo saakin, hindi ko naman ito binitawan kaya wala s'yang nagawa kundi sumuko sa paghila nito. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko habang si Farrah naman ay nakikita kong nakabusangot mula sa peripheral vision ko.




" Tigilan mo ako Farrah, gusto mo lang mangopya. "






" Dali na kasi, may date na naman si Marcus dun sa malanding si Tiffany. Bakit ba baliw na baliw siya don? Hindi hamak na mas malaki hinaharap mo don ah. "







Napailing na lang ako sa kabastusan ng bunganga nito. " Nasaan pala sila Lyra at Kyler? " tanong ko dito.






" Si Lyra? Ka-date yung varsity player na si Krist. Si Kyler baka nakikipagmake-out kay Logan. " Kibit-balikat na sagot nito saakin. Napabuntong-hininga na lang ako at napataray sa narinig kong sagot nito.




" Ang landi n'yo, bakit ko ba kayo naging kaibigan? " Wika ko dito at hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga habang nakatingin ng diretso dito.






" Turuan kitang lumandi? " natatawa nitong suhestiyon. Tinarayan ko lang naman siya.







" Speaking of malandi. " Napapataray na wika ni Farrah at nakatingin mula sa malayo. Nilingon ko naman sino ang tinitingnan nito. Nakita si Marcus at Tiffany na naglalakad papalapit saamin.







" Naiirita talaga ako sa babaeng 'yan. " Bulong nito saakin, siniko ko lang siya.






" Duh, mas maganda ka kaya sa kaniya. "





" Manahimik ka na lang. " Suway ko rito at pinanlakihan siya ng mata.





" Hi mga cheap na friend ni bebe Marcus ko. " pagbati saamin ni Tiffany. Nginitian ko naman ito pero sa loob-loob ko ay napapataray na lang ako.






" Aba't sinong cheap? Mas mukha kang cheap. Peke naman 'yang boobs mo! " Sagot ni Farrah.






" Omg, did you just insult me? You heard it right, Marcus? This cheap girl, insult my boobs. " Maarteng wika nito, napataray na lang ako.





" Iba ang nang-iinsulto sa nagsasabi ng totoo, girl. " sagot naman ni Farrah.





" Farrah, tumigil ka na nga, tara na. Marcus mamaya na lang " Wika ko, tumango naman ito at humingi ng pasensya.




" Aray, bakit mo naman ako hinila! Nakakairita talaga 'yon, akala mo kung sino, palibhasa mayaman. "




" Tumigil ka nga kakaaway don kay Tiffany, hindi mo 'yon ka-level. " Suway ko dito habang naglalakad kami.





" So anong ibig mong sabihin? Tinatanggap mo talaga na cheap tayo? " mataray nitong tanong saakin, tinarayan ko rin naman siya.






" So anong mali sa pagiging cheap? Ano naman kung hindi kagandahan ang bag natin? Kung sa tyangge lang ang sapatos natin at mura lang natin nabili? Hindi naman doon mababase yung katauhan ng tao. "




" Sometimes it's okay to be cheap than to be expensive. Kasi anong silbi ng mga mamahalin mong gamit kung ang baho naman ng ugali mo. " dagdag ko dito dahilan para pabiro akong hampasin nito sa balikat.






" Wow, palaban naman pala. " Natatawang wika ni Farrah, kibit-balikat lang ang sinagot ko dito.



Hinila ni Farrah ang buhok ni Kyler ng maabutan naming nakikipaghalikan ito kay Logan sa hallway papuntang cr ng girls.





" Aray naman! " Reklamo ni Kyler.





" Kababuyan mong bruhilida ka! Isa ka pa, Logan! Hanapin mo si Calix, gago mag-iistart na klase! " Sigaw ni Farrah kay wala akong nagawa kundi ang mapailing sa mga ito. Tinarayan naman kami ni Kyler bago muling humarap kay Logan.






" Bye hon." malanding paalam ni Logan, hindi ko naman maiwasang masuka. Nagpaalam na si Logan saamin at naglakad na palayo.







" Arte mo, palibhasa NBSB. " Wika ni Kyler saakin.





" Kyler, kapag kayo nahuli na naman ng guidance sa ginagawa niyo! Sinasabi ko sayo, bahala ka na! Hindi na kita pagtatakpan sa mommy mo! " Sigaw ni Farrah.






" Grabe naman Farrah, last year na natin 'to as a highschool student. Why can't we just enjoy things. Enjoy some guys lips. " Nakangisi nitong wika dahilan para mapataray ako.






" Ewan ko sa inyo, pupunta na akong room. " Paalam ko sa mga ito bago sila iniwan. Narinig ko pa ang pagtatalo nila bago tuluyang sumunod saakin.





Tahimik akong pumasok sa room at pumwesto sa upuan. Sunod-sunod na dumating ang mga kaklase ko pati sila Farrah. Si Lyra at Marcus ay sa ibang section.



Nagsimula ng mag-discuss ang teacher namin, tahimik lang akong nakinig at nag take-down notes.





" Okay, for your assignment, I want you to write an essay about our topic with 500 words. Class dismissed. " wika nito at lumabas.





" Gago, essay na naman? " rinig kong reklamo ni Farrah.





" Wala ng bago. Buti na lang ang hon ko ay magaling don. " wika ni Logan at niyakap si Kyler na ngayon ay kilig na kilig.




" Papagawa ka lang kay Kyler, kunwari ka pa. " sagot ni Farrah at tumaray.




" Una na ako. " paalam ko sa mga ito at sinukbit ang bag ko.




" Saan ka punta? "




" Excuse, representative niyo ako sa singing contest diba? Ponyeta ka kasalanan mo 'to. " inis kong wika, natawa naman sila Kyler.




" Sige, kanta well! " natatawang paalam ni Farrah, tinarayan ko lang siya.





Binuksan ko ang music room at isang tao lang ang bumungad saakin. Tahimik niyang iniistrum ang hawak niyang gitara habang nakapikit. Nakangiti akong lumapit dito at tahimik na tumabi sa kaniya. Kumanta ako at sinabayan ko ang tinutugtog niya.





" O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan "





Napamulat siya at nakangiti akong nilingon. Parang tumigil ang oras at sa kaniya lang nakapokus ang paningin ko. Siya lang ang nakikita ko.



" Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan...Nating dalawa....
Nating dalawa " Pagtatapos niya ng kanta.




" I really like your voice. " Makangiti nitong wika saakin. " Ang sweet ng boses mo, dinadala ako papalayo sa mundo. "





Nagulat ako ng tumayo ito at hinawakan ang kamay ko. Narinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko. " Tara! " Pagyaya nito saakin.




" T-teka? Saan mo ko dadalhin? "





" Samahan mo ako, takasan natin ang mundo Klarissa. Siguro pag ikaw ang kasama ko, hindi malungkot. "






Tinitigan ko lang ang mga ngiti niya saakin at ang mga titig niya na nakakatunaw.




" Baliw. " Natatawa kong wika at binawi ang kamay ko sa kaniya bago umupo ulit.





" Sasama ka ba saakin, Klarissa kung sakaling gustuhin kong umalis? " Tanong nito saakin, napalingon naman ako dito.





" Bakit saan ka pupunta? " Tanong ko rito.





" Wala, gusto lang sa malayo. Malayo sa mundong kinokontrol ako. "






" Oo, basta libre mo. " natatawa kong sagot, ginulo niya naman ang buhok ko.



" Ang cute mo talaga. "





Baliw 'tong lalaking 'to, pero mahal ko 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top