Chapter 9

SALVATION

UMUPO AKO sa aking kama at napabuntong hininga. Because of my excitement about the training and the slaying of vampires, I can't sleep peacefully.

Damn, is this happiness? Or is this anxiety?

Tumayo ako at napatingin sa kutsilyong bumaon sa pader. Kinuha ko ito at pinagmasdan.

Hindi ito ordinaryong kutsilyo na makikita sa kusina o yung mga pangmilitar. Mayroon pala itong mga kaliskis na parang sa lagari. Ito ba ang ginagamit nila sa pagpaslang ng mga bampira?

Napasulyap ako sa bintana habang hawak hawak ang kutsilyo. Lumiliwanag na ang paligid. Ibig sabihin ay madaling araw na o sa ibang salita, matatapos na ang araw ng mga bampira.

"The humans here have amazing body clocks," sambit ko sa aking sarili.

Sa Python's ay walang araw o gabi sapagkat kahit anong oras ay pwedeng pagsilbihan ang mga bampira ngunit dito sa Herald's ay parang naramdaman kong muli ang dating mundo kung saan may nakalaang oras upang matulog at kumayod.

Napatingin muli ako sa baba at tulad ng inaasahan ko ay walang tao ang makikita.

Siguro ay tulog na ang mga ito dahil mamayang gabi ay panibagong kalbaryo na naman ang kanilang mararanasan.

Napapikit ako.

"Kung gayon ay kailangan kong mag-adjust," para na akong baliw dito na kinakausap ang aking sarili.

Hindi ko alam ngunit tumalikod ako sa bintana at tinungo ang pinto kung saan daglian ko itong pinihit.

Napatingala ako nang makalabas ako sa kwartong pinagtulugan ko. May kataasan ang dingding at ang mga pader ay may lumang mga disenyo. Marami ang ilaw ngunit isa o dalawa lamang ang nakasindi.

Ngayon ko lang napagtanto na isang luma ngunit malaking bahay pala kami nakasilid ngayon. Hindi ko agad ito napagtanto dahil ang mga armas sa mga pader lamang ang kumuha ng atensyon ko kanina.

"Gising ka na pala," napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na ito at nakita ko si Raia na walang suot na kapa at may hawak na kape.

Nagulat ako dahil nakakuha sa atensyon ko ang kaniyang magandang pigura na maari ng pang-pageant at ang katangkaran rin nito. Tila isang modelo ang kaharap ko ngayon isama pa ang kaniyang mukha. Hindi ko agad mapapansin na isa siyang vampire slayer dahil sa kaniyang itsura.

"Raia," iyan lang ang aking nasabi.

Umalis ang tingin nito sa akin at saka nito tinahak ang hagdan pababa na sa tingin ko ay patungong ground floor.

Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa hapag-kainan.

"Let's have breakfast while we talk," nagulat nman ako sa sinabi niya.

Talk, huh. Nakaramdaman ako ng kakaibang sensasyon sa katawan siguro ay dala ng pagkasabik.

Kumuha ako ng isang tinapay at nagulat ako nang may nakahanda na palang kape. Siguro ay naalala ni Raia na iba ang body clock naming tatlo nina Sen at Lycan.

"How many days have you been here?"

Napatingin naman ako kay Raia nang magtanong ito. Ngayon na lang akong kumain muli ng mapayapa kaya hindi ko agad ito sinagot at lumamon muna.

"A day but I travelled for two days so fundamentally it's been three days since I left Python's," paliwanag ko at saka itinuon muli ang atensyon sa pagkain.

"What a destiny. Nakilala mo kaagad ang dalawang lalaking iyon. Maswerte ka at may kasama ka," tugon naman ni Raia.

Napakunot noo ako. "What do you mean?"

"This court, it must've been the most organized and the capital city of the vampires but this is also the most cruel court."

Napatigil ako sa pagkagat ng tinapay at humarap sa kaniya.

"All courts are cruel though," kibit balikat ko nang maalala ko ang mga napuntahan kong court maliban sa Python's.

Mananatiling sariwa sa aking isipan ang mga pinagdaanan ko mula sa pagkupkop sa akin ng isang matanda na kalauna'y namuhay rin akong mag-isa nang mamatay ito hanggang sa framed up na organisasyon kung saan bampira pala ang nangangasiwa. (See Chapter 2)

"Yes, but his court is different," inangat ko ang aking tingin muli sa kaniya at ngayon ay ibinaba na ang panglimang tinapay na kakainin ko dapat.

"Herald, huh."

There is no doubt that my step brother is cruel as he can nonchalantly betray the whole mankind... and our family.

"This court has wasted so many lives. There must have been a contractual relationship law to make things organize but because of this law, many humans have suffered. Ang batas na ito ay ang dahilan kung bakit walang karapatan ang taong bayan laban sa mga bampira. May mga kaso kung saan sa isang tao ay dalawa o higit pa ang partner nitong bampira kaya nasisira ang kalusugan nito. Maraming kaso na rin ang pagwalay ng mga magkakapamilya at ang iba ay hindi nabibigyan ng hustisya. Walang pakialam si Herald sa mga tao. Kung hindi lamang ito naiimpluwensyahan ng iba pang matataas na bampira ay siguro wala ng tao ngayon dito sa court na 'to."

Nakita ko ang galit at poot sa mga mata ni Raia habang sinasabi niya ito. Nakakuyom rin ang kaniyang kamao.

Samantalang ako, pagkatapos kong marinig ang mga ito ay hindi nagbigay ng reaksyon. Hindi ko alam kung ito ay dahil wala na akong tiwala kay Herald o dahil sigurado akong kailangan kong baguhin ang sistema anuman ang sitwasyon basta tao ang nasa itaas at mawawala ang mga bampira.

"Vampires should rotten to hell. They are a disgrace," nagulat naman ako sa aking sariling bibig dahil sa nasambit ko.

Isang impit na tunog ang pumukaw sa atensyon ko at pagtingin ko sa may pintuan ay nakatayo roon ngayon si Azriela.

Napatingin ako sa kaniyang hawak. Hindi ako nagkakamaling isang lata ng inuman pala ang tumunog dahil sa pagkayupi nito.

"Azri?"

Lumingon si Raia kay Azriela na siya namang nakikipagtitigan sa akin. Ang kaniyang mga mata ay taimtim na nakatuon sa akin at hindi ko na lang maiwasang mapalunok dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa kaniyang mga tingin.

"Azri?" Pag-uulit ni Raia kaya lumipat na ang tingin nito kay Raia samantalang nanatili akong nakatingin sa kaniya.

Hindi ko maiwasang mapakunot noo dahil sa reaksyon niya.

Does she really hate me?

"Good morning, Raia. I'm just here to have a breakfast too," nakangiting bati nito kay Raia at hindi man lang ako binati rin.

"Tapos na ang iyong ronda? How is it?" Tanong ni Raia.

Ronda?

"Yeah. Nothing much in the South," kibit balikat ni Azriela habang nagtitimpla ng sariling kape.

"Ronda? Only her?" Hindi ko maiwasang itanong kay Raia.

"Yes. She's raiding somewhere in the South on her own. Azriela is a very capable kid, she doesn't need a company but she'll get three now," nangingiting sabi ni Raia.

Lumingon sa kaniya si Azriela with her confused look.

"Huh?"

Ngumiti si Raia ng tuluyan. "The purpose of the training of these three lost kids is for you to get comrades. I know you can stand on your own ngunit hindi natin alam kung ano ang mangyayari, Azriela. Matagal ko nang gustong bigyan ka ng kasama but I can't choose any since Wade is with me. These three are the only suited for you," mahabang paliwanag ni Raia.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain.

Napatigil naman ako nang marinig ko ang malakas na pagbubuntong hininga ni Azriela.

"If Raia says so," malungkot na sabi nito bago umupo at kumuha ng pagkain.

Napasulyap naman ako kay Raia nang ngumiti ito at nabigla ako nang tumingin muli ito sa akin.

"By the way, Theta. Who's that brown-haired boy with you and Sen? He looks familiar. And he looks like from a noble family," seryoso ang mukha ni Raia habang nagtatanong.

Napalunok ako.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na sa pamilya ni Lycan ang kompanyang nagpasimuno ng lahat ng ito at sabihin sa kaniya na ang mga magulang ko ay dawit din dito.

"He's Lycan, I just happened to ran at him while escaping a hungry vampire. He was hiding from his abusive contractor," sagot ko.

Hindi ko pa kayang ipagtapat sa kaniya ang katotohanan dahil may posibilidad na itakwil kami ni Raia sapagkat ang mga pamilya namin ang pasimuno sa lahat. And even Sen, he doesn't need to know a thing that will make us separate.

"Lycan," lumipat naman ang tingin ko kay Azriela nang sabihin niya ito kasabay ang pagkalansing nang ginamit nitong kubyertos sa paghalo sa kape.

"U-uhmm..."

Napalingon ako sa pintuan nang makarinig kami nang malambing na tinig ng isang lalaki.

"Lycan," tawag ko sa kaniya na nagkukusot pa ng mga mata na parang batang kagigising lang sa umaga.

"Oh, Lycan! Come over here! We are having breakfast," masiglang bati naman ni Raia na halatang ikinabigla ni Lycan.

Nag-aalangang nagtungo si Lycan sa katabi kong upuan.

"What's this?"

Napatingin ulit ako sa pintuan at ngayon naman isang half-naked na lalaki ang ibinungad nito.

His hair was messy just like Lycan. I bet he just woke up.

"And our Sen is also here. Great. We can have a nice talk then," masayang sabi ni Raia at napapangiti sa aming tatlo nina Sen at Lycan.

"Hey, Raia, if you don't mind I'm going to bed," napahinto ako sa pag-iisip nang biglang tumayo si Azriela.

Tapos na siya?

Tumango lang si Raia sa kaniya kaya naman naglakad na ito papuntang pintuan at nang nasa harap na ito ay bigla siyang tumigil.

"You, three, 16 o'clock at the south balcony. Force yourselves to sleep because you won't get any tonight," mabilis na pahayag ni Azriela na ikinatigil ko sabay kunot-noo.

Eh?

xxx

Napapikit ako nang makaramdam ako ng malamig na hangin sa aking balat at ang paghawi nito sa aking buhok.

"The sky's dark," napalingon naman ako sa direksyon ng nagsalita at bumungad sa akin si Lycan na papunta ngayon dito sa balcony kung nasaan rin ako.

"Yeah. I'm sure vampires are out there, abusing and degrading the humans," matigas na saad ko.

"You really hate vampires..."

Natawa ako nang mahina sa komento ni Lycan.

Yes. I despise them.

"Well, that's something normal right, Sen?" Nilingon ko si Sen na kakarating lang din dito sa napag-usapang tagpuan.

Hindi ako sinagot ni Sen at dire-diretso lang itong naglakad papunta sa rail ng balkunahe.

"She's late," ani Sen.

Napakurap naman ako nang bigla nitong tinukoy si Azriela dahil bigla kong naalala ang pag-uusap namin ni Raia kasama sina Sen at Lycan.

Nang makalabas na si Azriela ay malakas na napabuntong hininga si Raia.

"Pagpasensyahan niyo na si Azriela. She is really hard to approach because of some trauma," pagpapahayag nito.

"What trauma?" Direktang tanong ko sa kaniya.

Raia sighed again. "She was an orphan. She said her parents wanted to sell her to a vampire. She's got an awful family. She was told to sell herself to vampires for her family to be financially stable."

Nanatili akong nakatitig ky Raia, humahangad ng iba pang impormasyon.

"I have met her two years ago. She was a naughty kid, a thief even. She tried to steal my guns and when I asked her why she wanted my gun. Guess what her answer is?" Ngumisi si Raia ngunit hindi ito yung nakakatuwa bagkus malungkot ang ekspresyon nito.

"'I'll kill my parents,' that's her answer. Hindi ako nakakilos kaagad kaya naman dinukot niya ang baril ko. Luckily, I was fast enough to catch her. At noong binawi ko na ang baril, she cried. She cried but not a cry of sadness but a cry of hatred."

Nagulat ako sa sinabi ni Raia at umayos ng upo.

"That kid was very desperate to kill her family and I just cannot let her kill her own family, her comrades, that's why I adopted her, kidnapped rather," tumawa ito ng mahina.

"Hanggang ngayon, alam kong hindi pa rin nito napapatawad ang kaniyang mga magulang. At hangga't hindi ito nagpapatawad, hindi huhupa ang galit niya sa mga tao. It was actually ironic when I invited her to my troop ngunit may tiwala ako kay Azriela. Hindi siya magtatakwil sa tao dahil tao pa rin ang tumulong sa kaniya which is ako," ngumiti ng tipid si Raia.

So, even she have a hidden agenda.

"And finally, the day has come when I can make her pure, loving human," nagtama ang tingin namin nang inangat nito ang kaniyang ulo.

"Huh?" Kunot noong tanong ko.

Raia smiled. "You, three, will change her. That's your first mission as part of my team."

Nalaman ko na galit si Azriela sa mga tao. It wasn't something that I've expected. And what is even more unexpected is the mission given to us.

Napakurap muli ako nang makarinig ako nang kaluskos at nang lumingon ako sa may rail ay nandoon ay isang babaeng nakasuot ng kapa at face mask ang nakatayo. Si Azriela.

"Let's go."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top