Chapter 6
VICIOUS CRIME
"Theta, are you really serious?"
Napalingon ako kay Lycan nang makitang nasa tabi ko na siya. Kanina pa nito tinatanong kung sigurado ba ako sa gagawin ko.
"Lycan if you don't want to get involve, don't come," matalim ang ibinigay kong tingin sa kaniya.
Napaiwas lamang siya ng tingin at hindi na nagsalita pa.
Nahagilap naman ng paningin ko si Sen na nakatingin lang sa shop na tatangkain naming pagnakawan.
"What exactly do we need here?" Nagulat ako nang mapatingin ito sa akin kaya di ko naiwasang umiwas ng tingin.
"Clothes. We need clothes especially yours," I flinched as I look over his naked upper body.
"I don't need it," he shrugged that left my mouth hung open.
Napahinto ako at humarap sa kaniya.
"You do. Having someone naked with you is very eye catching, dude," umirap ako but in a not-so-offensive way.
"Okay," yun lang ang sinabi niya.
Tumigil na ako sa paglalakad ng ilang hakbang na lang ang layo ko sa boutique.
Alam kong head-on ang ginagawa kong pagnanakaw ngunit sa mga oras na 'to kailangan na namin maisagawa ang unang misyon.
Hindi na ako makapaghintay na humalo sa mga mamamayan ng court na 'to.
"Is there any surveillance cam?" Tanong ko kay Lycan na siyang nagsusuri ng paligid.
"Fortunately, there is nothing suspicious," he sighed in relief.
"Let's go," sinimulan ko ng maglakad hanggang sa makarating na ako sa pinto.
"Sen, stay here," madiing saad ko na sinunod naman ni Sen.
He's the most suspicious among us and perhaps he is a known criminal. We only need him when a vampire charges on us.
"Lycan, do you know this shop?" Napatingin ako kay Lycan dahil bigla kong naalala na normal pala siyang mamamayan ng court na 'to dahil mayroon siyang ka-kontrata.
"No," tugon niya sabay ng pag-iling ng kaniyang ulo.
Hindi na ako sumagot pa dahil nang makapasok na kami ay napatingin na ako sa unahan.
Sumalubong sa amin ang mga kumikinang sa linis at ayos na mga damit. Nakasabit ang mga ito sa mga rack na parang mga sundalo pagkat nakapila ang mga ito.
Inilibot ko ang aking paningin at nang masilayan ko ang counter ay agad akong napahinto.
Walang tao o bampira.
"Lycan," bulong ko sa kaniya na nakatulala.
Bumaling ang tingin niya sa akin.
Ibinaling ko ang aking ulo sa direksyon ng Men's Apparel. Mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong iparating kaya naman naghiwalay na kami ng landas.
Tumingin tingin muna ako ng mga damit at napapapoker face na lang dahil halos lahat ay napaka-feminine. Karamihan sa mga ito ay bestida o di kaya naman ay mga long gown.
Ganito ang mga suot nila sa pang-araw-araw?
Hindi ko alam kung ilang lakad ang ginawa ko bago ako tumigil sa harap ng mga jacket.
Huminga muna ako nang maluwag bago ako kumuha ng dalawang leather jacket at isang pull-over. Nang mapatingin ako sa kaliwa ay nakita ko naman ang mga shirt. Kumuha naman ako ng lima at nang sa kaliwa pa noon ay mga pambaba naman ay kumuha din ako.
Napakagat labi ako dahil hindi na nagkasya sa bag ko ang mga kinuha ko. Napansin ko pa ang undies section, daglian akong humakot nito. One of the most important thing to have is, of course, undergarments.
Habang iniisip kung pupunta ba ako sa counter para kumuha ng paper bag, napatingin ako sa Accesories. Napangisi ako at kumuha ng isang sunglasses at isang eyeglasses pati na ang isang baseball cap na kulay black. Napatingin din ako sa mga bandana at kumuha ako ng tatlong kulay pula.
Napakagat labi ako bago napagpasyahang pumunta na sa counter, umaasang walang tao o bampira na nakatayo.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong walang nagbabantay at napansing papunta rin sa harapan si Lycan.
Napanganga ako nang makita ang mga dala niya. Tila ba hinakot na niya lahat ng pwedeng kunin dahil halos hindi na niya mabuhat ang mga ito sa dami.
Napansin niya ang di maipaliwanag kong ekspresyon sa mukha dahil ako ay talagang nagulat sa kanya.
"If we are gonna be criminals, lubus-lubusin na natin ang paglabag sa batas," malungkot niyang sabi na ikinatawa ko naman.
Poor Stavanger. He is so innocent that even I don't want him become a bad guy.
"Great idea," napangisi naman ako nang may bigla akong maisip dahil sa sinabi niya.
Lubos-lubusin, huh.
Mabilis kong inilatag ang mga kinuha ko sa counter at saka nagtungo sa pinto nito upang buksan.
Nang mabuksan ko na ay mabilis akong nagtungo sa mga malalaking paper bag. Nang maibigay ko na lahat kay Lycan ay napatitig na ako sa may monitor.
Napansin ko ang pagtitig din ni Lycan sa akin na kasalukuyang inilalagay ang mga bagay sa mga paper bag.
"Theta?" Nakita ko na naman ang pagkalito sa kaniyang mukha.
Ngumisi ako, hindi sinagot ang nalilitong lalaki sa harap ko.
Hinawakan ko ang malamig na bakal sa ilalim ng kompyuter. Mas lalo akong napangisi nang makitang hindi ito naka-lock at saka mabilis na hinila ang metal.
Bumungad sa akin ang mga papel na nakahilera atmnakaayos.
"Jackpot," bulong ko bago mabilisang kumuha ng mga pera at saka inilagay sa aking bag.
"H-hey," napansin ko ang pag-awat sa akin ni Lycan ngunit ngumiti lang ako sa kaniya.
Nang makuntento na ako ay lumingon muli ako sa kaniya at saka napabuntong hininga.
"If we are gonna be criminals, lubus-lubusin na natin ang paglabag sa batas," panggagaya ko sa sinabi niya kanina saka tumawa nang mahina nang makita ko ang priceless niyang mukha.
Nawala naman ang ngiti ko nang may mahagip na isang pigura ang gilid ng paningin ko.
May gumagalang isang babaeng napakaputla ng balat sa labas. May kalayuan ito sa shop kung nasaan kami ngunit palagay ko ay dito siya papunta.
"Shit," I silently cussed na mukhang napansin naman ni Lycan dahil napakunot ang noo nito.
"We gotta go. Someone's coming this way," mahina ang pagkakasabi ko nito.
Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Lycan at ang pag-alala nito.
Napakunot ang noo ko sa ibinigay niyang ekspresyon. Titig na titig siya sa kamay ko at doon ko lang napagtanto na nangangamba pala siya dahil sa sugatang kamay ko.
Di hamak na malakas ang pang-amoy ng mga bampira lalo na sa dugo kaya naman kailangan naming magdoble ingat sa pagtakas sa babae na mukhang ilang araw ng hindi nakakainom ng dugo. Siguro ay inubos niya ang dugo ng kanyang partner.
Napasinghap ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at mabilis na tumingin sa bintana. Nandoon pa rin ang babaeng bampira, mabagal na naglalakad.
Napabuntong hininga naman ako sabay sulyap sa pumasok.
Si Sen pala ang pumasok akala ko ay natunugan na kami ng bampira. Naglakad ito papunta sa amin habang ang paningin ay iginagala sa paligid.
"A rotten vampire is coming this way. She must have smelled your blood. We have to go," nagulat naman ako sa sinabi niya.
Rotten?
Kumunot ang noo ko at bago pa ako magtanong ay inunahan na niyang sagutin ito.
"Rotten vampires look a bit different from normal ones: paler and greyish skin, deep eyes and thin. These vampires are the lowest class here in Herald's. They are, in the social pyramid of vampires, are considered to be peasants who can't get a contract with a human due to lack of capability or it could be their lifetime punishment," pagpapaliwanag nito.
Mas lalo lang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What?"
"Herald's Court is a monarchial government. Vampires are basically the highest class but if a vampire is lacking of power (a/n: vampires have unique supernatural powers) they get degraded and shamed in front of humans that's why they don't get human partners. Because of that, they get unhealthy and rotten," napatingin naman ako kay Lycan nang siya ang sumagot sa tanong ko.
Napansin ko ang pagsulyap nito sa bintana kung saan parang zombie na naglalakad ang babae. Sumunod din ang tingin ko sa babae at napapikit.
"So a vampire also suffers?" Napatawa ako sa sinabi ko.
No, even if they suffer, they still suck our blood. They are still monsters.
"Let's go," hindi pinansin ni Sen ang sinabi ko at tumalikod na ito upang maglakad.
"Wait!" Napatakip naman ako ng bibig nang napalakas ata ang sabi ko rito.
"Have this shirt on first," malalim ang boses ko at mahina sa pagkakasabi bago ako kumuha ng isang tshirt sa hawak ni Lycan na paper bag at saka ito inihagis kay Sen.
"Fine," namangha naman ako nang makita kong napairap si Sen sabay salo ng damit.
Another expression revealed.
Tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad palabas ng counter area nang makaramdam ako nang malapot na tekstura sa sahig.
Pagtingin ko dito ay napakagat labi ako, napapikit at napakuyom na lang sa kamay.
Mabuti at naiwasan kong mapasigaw.
"Theta?" Tawag sa akin ni Lycan kaya mabilis akong napamulat at saka hinayaan na lang ang naapakan kong dugo.
I'm sure a human was killed here. It must have been the owner. I want to search for the body but we don't have time. I feel sorry but...
Damn it.
Ikiniskis ko ang mga sapatos ko sa sahig para maalis ang kumapit na likido sa mga ito.
Mabilis na akong naglakad papuntang pinto kung saan naghihintay si Lycan.
"Let's go," there was a sigh when I blurted that out.
I don't like ignoring those who may have needed help but today, I ignored one.
Napahinto ako nang paglabas namin sa pinto ay ang pag-ihip naman ng hangin at ang biglang pagbugso ng ulan.
"Luckily, the scent of rain is mixing with your blood's," komento ni Lycan habang naglalakad kami lihis sa direksyon ng babaeng bampira.
Napansin ko ang pagtigil ni Sen at ang pagpikit ng kaniyang mga mata na para bang nagpipigil ito sa gusto niyang gawin.
"Rotten vampires are not my type. Let's hurry," sabi nito pagkalampas sa akin.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Rotten vampires are not his type? What does he mean by that?
Nilingon ko na lang muli ang likod at nanlaki pa ang mga mata ko nang makita kong malapit ng makalampas ang bampira sa shop at maabutan na niya kami.
Napatakbo ako ng wala sa oras at ganoon din sina Lycan at Sen.
Napansin ko ang pagtigil ni Lycan kaya napahinto din kami.
Napakagat labi ako ng makarinig ako/kami ng kaluskos at kitang kita ko din sa kanila ang paghahanda kung may bampira man kaming makakasalubong dahil sa mga kaluskos.
"Meow."
Mas lalo akong napatigil nang makarinig ako ng matinis na tinig. Sa lakas ng ulan ay hindi ko masyadong marinig ang ibang tunog at huni sa paligid.
"Meow."
Napaatras ako nang malinaw na aking narinig ang isang huni ng hayop. Pusa.
Napanganga na lang ako at nang mapatingin ako kina Lycan at Sen ay ganoon din ang reaksyon nila.
"It's better to have a cat finding us," Sen tried to play off our epic escapade.
Bumalot nang katahimikan sa paligid, tanging pagpatak lang ng ulan at pagdagundong ng mga kulog ang maririnig.
Sandali kaming natulala dahil sa nangyari. Because of paranoia, even a cat was suspected to be an enemy.
What the fuck?
Napalingon ako sa kanan at tumama ang tingin ko sa mga mata ni Lycan. After a few epic seconds of silence, we started to burst out laughing until our eyes shed tears. Sen was not an exception. We were able to make him laugh because of our stupidity.
Sa gitna ng kalsada, tatlong tao ang nagtatampisaw sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.
Walang pakialam kung may makakita man sa amin. Takbo lang ng takbo at tawa ng tawa. Bawat sandali ay iniingatan dahil hindi namin alam kung kailan pa muli magkakaroon ng tyansa para kami ay sumaya.
Hindi ko na alam kung ilang minuto kaming naghahabulan at nagtatawanan sa ilalim ng ulan. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako kundi lamang ako tinapik ni Lycan sa balikat.
"Looks like you are having fun now. That's good, Theta," nakangiting mukha ni Lycan ang bumungad sa akin nang humarap ako sa kaniya.
Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya at napalitan ito ng ngisi.
"There's no time for fun. We're going to war," madiin ang pagkakasabi ko nito at napansin ko ang pagpungay ng kaniyang mga mata na tila ba nalulungkot.
"Don't be too hasty, lady. Before that, we have to dry ourselves and the clothes we stole," napaatras naman ako nang may tumabi sa gilid ko at sinabi ang katagang iyon.
"Yeah, yeah, got it, Sen," I shrugged my shoulders before I started to walk not minding which direction am I going.
Our first mission: robbery in a shop controlled by vampires was a success. It was actually a piece of cake.
But I didn't know that surviving that, will lead to a more vicious crime.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top