Chapter 5
INHUMANE
Agad akong napamulat and there I saw as the vampire holding me collapsed, a half naked man with a long metal blade stands in front of me.
Ngunit bigla rin akong napatalikod dahil naalala ko bigla si Lycan.
"Lycan!" tawag ko rito nang makita nakaupo na siya sa sahig at ang apat na bampira ay wala na sa harap niya.
Mabilis akong lumapit dito. Pinagmasdan siya at nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang hindi pa siya kinakagat.
"What'd just happened?" Nalilitong tanong nito.
Napakunot din ang noo ko at napalingon sa lalaking walang pantaas na saplot at pinagmasdan siya dahil sa hawak na espada.
Napatayo naman ako nang makitang tumalikod na siya sa amin.
"Wait!" Natatarantang sabi ko.
Napatigil ito.
"Thank...you," mahina ang pagkakasabi ko dahil pinagmamasdan ko ang kaniyang hitsura.
Katulad ko ay kayumanggi ang kaniyang balat at napansin ko ang mga galos nito sa katawan na mas malala pa kaysa sa mga kagat sa balikat ni Lycan.
Mukhang mas marami pa itong pinagdaanan kaysa sa akin.
Tumango lang siya at nagsimulang maglakad kaya nataranta na naman ako.
"Wait!" Ulit ko.
Ngayon napatagilid na ang tingin niya. Kitang kita ko ang kaniyang mukhang may matangos na ilong, mahahabang pilik mata at ang mga taling na parang freckes niya sa mukha. Hindi ko rin maiwasang mapatingin sa kaniyang kayumangging balat... he looks really warm.
"You are human, right? What are you doing here? And... who are you?" Sunod-sunod na tanong ko.
Napansin ko naman na nasa gilid ko na si Lycan kaya napatingin ako sa kaniya. Mukhang alam na niya ang ibig kong sabihin.
Hindi sumagot ang lalaki kaya naman nagsalita ulit ako.
"Are you not also in contract with a vampire?"
Hindi ulit siya sumagot.
"Come with us. We are searching for comrades to rebuild the reputation of humans," diretsahang pagpapahayag ko na sa kaniya dahil mukhang ito lang ang magpapatigil sa kaniya at hindi ako nagkamali.
Humarap siya sa amin ni Lycan.
His face did not show any emotion at all as if he was not surprised nor enlightened. Cold stares from a warm body, huh.
"Are you sure you want me to join you? Don't you recognize my face?" Malamig ang kaniyang boses.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"You..."
Napalingon ako kay Lycan nang magsalita siya. Gulat na gulat ito habang nakatingin sa lalaki.
"Lycan?"
Lumingon sa akin si Lycan.
"Theta, this guy is a criminal! He's one of the most wanted criminals of this land. He is called the vampire slayer," pagpapaliwanag ni Lycan sa akin habang salitan ang tingin niya sa akin at nung lalaki.
Napaawang naman ang bibig ko.
A vampire slayer?
Unti-unti kumurba ang aking mga labi.
Sinulyapan ko ang lalaki saka ako naglakad papunta sa kaniya.
It doesn't matter if he is a criminal of this land when in fact he is killing the real villains.
Inilahad ko ang aking kanang kamay.
"I'm Theta Cartagena. Yes, I'm sure I want you. A vampire slayer is someone we need. Can you join us?"
Nagtama ang mga mata namin. His grey orbs are making my brown ones melt. He looked straight into my eyes and so did I.
"I can't say no to someone who has the will to change this fucked up world," seryoso pa rin ang pagkakasabi niya nito.
Hindi ko naiwasang mapangiti. "Good. Thank you for saving us and joining us as well," ako na mismo ang kumuha ng kaniyang kamay para sa pakikipagkamay.
Nakatingin lang siya sa akin. Malamig pa rin ito. Yun lang ba ang ekpresyon niya?
Napalingon naman ako kay Lycan na nakaawang ang mga labi nang makitang kinamayan ko ang lalaki.
I chuckled before I released the man's hand and walks towards Lycan.
"He's a comrade Lycan," I made a closed lip smile as I pull his shirt towards the boy.
"This is Lycan Stavanger---"
"I know. His partner is one of those hellish vampires chasing me," pagpuputol sa akin nung lalaki.
Nagulat naman ako sa sinabi niya at napatingin kay Lycan.
"He's right. Veska even used me as a bait just to capture him but he had escaped the woman just by a slash of his sword," tugon naman ni Lycan.
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Are you a swordsman?" Curious kong tanong at saka napatingin sa hawak nitong mahabang metal na armas dahil parang ngayon lang ako nakakilala ng ganon sa panahong ito.
"Oo, a swordsmith to be exact," walang gana niyang sagot at napansin ko ang paglingon niya sa likod ko.
"Kailangan na nating umalis dito. Nagsisimula ng magregenerate ang mga bampira," matigas na sabi nito bago tumalikod at nagsimulang maglakad.
Hindi man lang kami hinintay na sumang-ayon.
Sumunod na lamang kami sa kaniya nang bigla akong may naalala.
"By the way, what's your name?" Seryosong tanong ko sa kaniya habang nasa kalagitnaan kami ng pagtakbo palabas ng abadonadog lugar na ito.
"Hindi mo talaga ako kilala?" Napansin ko ang pagtataka sa boses nito.
"No. I'm a migrant, from Python's Court," tugon ko.
"Python, huh," rinig kong bulong nito.
Napakunot noo naman ako. "Huh?"
"My name is Sen. Sen Aragon," napansin ko ang pagbaling ng kaniyang ulo sa kaliwa na para bang umiiwas siya sa akin. Napansin ko rin na hindi niya sinagot ang tanong ko.
Anong alam niya tungkol kay Python?
Magsasalita na sana ako kaso napasulyap ako kay Lycan na nakatingin lang ng diretso sa harapan.
Medyo nagulat ako dahil napagtanto ko na ang lamig ng kanyang aura. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan, hindi maamo bagkus ito ay parang nagyeyelo sa lamig ng tingin.
Hindi na lang ako nagsalita dahil parang wala ito sa mood. It's quite shocking too see Lycan like that because all I know is that he is a soft-hearted person.
"Sen, paano mo pala kami nakita?" Baling ko na lang kay Sen na diretso pa rin ang tingin sa unahan.
"Rogue vampires lurk around this sector. At dito rin ang dating lugar namin," napansin ko ang pag-igting ng mga panga niya at napasulyap sa kamay niyang nakakuyom.
"So you are still living here even if everything's been ruined?" Pagkaka-intriga ko.
Sa aking pag-oobserba, napansin ko na ordinaryo lang ang lugar na 'to kung saan ang mababang uri ng tao ang nakatira. Ngunit ngayon, parang binagyo na ito tulad ng mga nasasalanta tuwing hahagupit ang isang bagyo.
Nakatira pa rin siya rito kahit halos wala nang maayos na parte ng bahay o alinmang pwedeng titirhan?
"Hindi pero minsan dito ako nagpupunta. Wala akong permanenteng lugar dahil isa nga akong criminal sa mata ng ibang tao at ibang bampira," simpleng sagot nito at napansin ko ang pagsulyap niya kay Lycan kaya napabaling din ang tingin ko kay Lycan.
Ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Lycan. Malamig na parang nagyeyelo ang paligid niya sa lamig ng kanyang presensya.
"W-why? Bakit pati ang mga tao ay kinikilala kang criminal? Should not they be grateful because someone stands for them?" Nalilitong tanong ko habang napapasulyap ng tingin kay Lycan.
Nakita ko ang pag-igting ng mga panga niya.
"No. Perhaps because I used to kill humans too."
Napahinto ako sa pagtakbo.
Parang tumigil ang mundo ko sa kaniyang sinabi.
What?
He used to kill humans?
"What do you mean by you kill humans too?" Malalim ang aking boses sa pagkakasambit ng mga katagang ito, seryoso at punong-puno ng awtoridad.
"Some humans get attached to their vampire partners and some are used as bait. Pinapatay ko ang mga taong napapalapit sa mga bampira dahil sila ay disgrasya sa lahi natin at ang mga ginawang bait ay pinapatay ko kung walang choice. If I get the urge to kill the vampire, I must kill his/her partner in order to lure him/her," mahabang paliwanag ni Sen ngunit tila iisa lang ang ibig sabihin nito sa akin.
"You're a murderer... of your own kind," mabilis kong sabi at saka humarap sa kaniya.
Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko mabasa ang mga ito ngunit alam kong nababasa niya ang akin.
May pagkadisgusto ang aking nararamdaman ngayon.
Naiintindihan ko na nakakagalit kapag ang tao ay napalapit sa bampira dahil una sa lahat, ang mga bampira ang umagaw sa aming katayuan sa lipunan ngunit mali naman ata na patayin ang mga ito. Ako mismo ay galit sa mga taong ganoon ngunit hinding hindi ako papatay ng tao.
At isa pa, how can he use humans and even kill them just to lure vampires?
"I know. That was me a year ago. You don't have to worry. I don't kill anymore, not even vampires," nagulat naman ako sa biglang pagbabago ng ekspresyon niya. His features softened, and eyes showed guilt.
"Why?"
Iyon lang ang nasabi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na pumapatay siya ng tao man o bampira ngunit na-iintriga ako kung bakit hindi na ngayon. Isa pa, we need vampires dead to win the world which means we need his power.
"Theta, look," bumaling naman ang atensyon ko kay Lycan nang may nilingon ito sa kaliwang direksyon.
"A district?" pagtataka ko dahil sa kabila ng nasalantang baryo na 'to ay may isang eskinita na patungo sa malinis at maayos na distrito.
Nanlaki ang mga mata ko dahil napansin ko na parang ganito rin ang distrito na pinanggalingan namin ni Lycan.
"Sen, where are we?" Tawag ko kay Sen habang unti-unti papalapit sa eskinita.
May alam siya sa lugar na ito kaya mas mainam na tanungin ko siya kung nasaan kami. Alam kong sinagot na niya ito kanina ngunit ang tinatanong ko ngayon ay kung anong pangalan ng lugar na 'to.
"Rigel Sector o dating Divisoria kung tawagin," napasinghap ako sa sinabi niya.
Gumala ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Hindi lang pala isa ang kanto dito. Ngunit nakakapanibago lang na may nasalantang parte ng Divisoria ngunit sa pinanggalingan namin ni Lycan ay napakaayos at napakalinis tulad ng nasa harapan namin ngayon.
"Is this also a shopping district?" Tanong ko habang naglalakad papasok sa eskinita.
Hindi ako natatakot kung may makasalamuha kaming bampira. Ang mahalaga sa akin ay makita ang kalagayan ng mga tao.
"No. This is a residence town. Sa katunayan, ang pinanggalingan nating lugar ay ipinagbabawal ng gobyerno kaya ito naging lipon ng mga kriminal na bampira. The real Herald's court starts here," napatigil naman ako sa sinagot niya.
The real Herald's Court starts here.
Tumingin ako sa paligid.
Hindi ko aakalaing divisoria ito noon dahil sa pagkakaalala ko, ang divisoria ay puno ng mga tao at ang mga gusali ay nag-iitim na dahil sa karumihan o dahil sa sinapit na pagkasunog.
Ngayon, ang mga establisimyento ay marangya ang pagkakagawa. Parang katulad ito sa mga estruktura ng mga bahay sa Europa. Magkakadikit ang mga gusali at mayroong tigta-tatlong palapag na napansin ko dahil sa balkunahe ng mga ito.
Napansin ko sa harap ng mga ito ang iilang ibang estruktura. Mga restaurant, iba't ibang shops at may mall pa.
Hindi ko nakilala na divisoria ito dati.
Napahinto ako nang mapabaling ang ulo ko sa isang direksyon.
Sa tabi ng U-turn road ay may isang shop ang nakakuha ng aking pansin. Isa itong fashion boutique na nakabukas ang mga ilaw.
Sabi ni Lycan ay parang gabi ang araw dito kaya nakapagtataka na may bukas na shop kahit pa sabihin nating panahon na ng tag-ulan dahil mukhang wala pa rin namang lumalabas na mga tao o bampira sa ganitong oras. Ang aking pagkahinuha ay ito ay iniwan ng may-ari o di kaya naman ay wala nang nagmamay-ari.
Napangisi ako nang biglang pumasok sa isip ko ang isang bagay na muntik ko nang makalimutan kanina.
"Theta?" Lumingon ako kay Lycan nang tawagin niya ako.
Wala na ang malamig na ekspresyon niya sa mukha na ipinagtaka ko ngunit hindi ko na lang pinansin.
"Let's do our first mission, now," I smirked.
"Anong misyon?" Walang emosyong tanong ni Sen.
"Robbery," I chuckled before I walked towards the shop that we are going to rob.
I know Sen is a killer, a murderer of humans but I don't have a choice but to trust him. He's a great force for rebuilding the human's reputation.
He may be a killer but it's no different if we, Lycan and I become criminals too.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top