Chapter 4
IN THE OUTSKIRTS
BAKIT may parte pa rin sa akin na gusto kong magalit at sisihin 'tong kasama kong lalaki ngayon na tahimik lang na nagmamanman sa paligid?
Why are you like that, Theta?
Both me and Lycan just happened to be relatives of the ones responsible to this mess. We are not the source but we can be the solution.
Huminga ako ng malalim kasabay nang pagpikit ng aking mga mata. Kailangan kong kumalma at mag-isip ng positibo. Alam kong pareho kami ng sitwasyon ni Lycan kaya hindi dapat ako magtanim ng galit sa kaniya dahil lang sa rason na isa siyang Stavanger.
"Theta?" Nataranta naman akong napatayo nang bigla niya akong tinawag.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha nito bago bumaling ang tingin niya sa kamay ko. Ikinagulat ko ang paglapit niya sa akin at ang paghawak niya sa nakabendang kamay.
"Alam kong hindi malalim ang sugat mo pero mas maiging umalis na rin tayo kaagad baka mahanap pa tayo ni Veska," napansin ko ang pag-igting ng kaniyang mga panga at at ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Sino ba yung Veska?" Pagtataka ko dahil kanina pa niya binabanggit iyon.
Alam kong sa bampirang ito siya nakakontrata pero malabo pa rin sa akin ang mga sinasabi niya.
Huminga muna siya nang malalim bago binitawan ang kamay ko. Sumunod lamang ang tingin ko sa kaniya nang umupo siya sa gilid ng pader.
"Manila---no, this court, the Court of Herald is the most logical yet the most dangerous court of all courts across the country. Herald Cartagena---"
Nagtangis naman ang mga bagang ko nang marinig ang isang salita na hindi ata kayang i-proseso ng utak ko.
"Don't call him a Cartagena," pagpuputol ko sa pahayag niya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito.
"Oh, sorry. Herald, the Vampire King, is a very effective leader. The vampires hail him wholeheartedly especially the vampires in this city but those vampires may be just ordinary ones but they are not. The vampires in this city are the nobles. They said that they can conquer this court if they want but because they owe Herald for the world change, they did not. Veska, is one of those noble vampires. In this city, there is a contractual relationship between humans and vampires. A human resident should have a vampire contractor. Lahat dapat ay mayroon dahil kung walang kakontrata ay ihahain bilang sacrificial man sa palasyo ni Herald o sa ibang salita made-drain ang dugo nito hanggang sa mamatay na. And Veska is trying to make me a sacrificial man. She is a crazy bitch," napasulyap ako sa kamay niyang napakuyom ng mahigpit.
"She thinks that if she can offer him a sacrificial man, she can stay by his side. She is ending her contract with me just because of that. I'll become a sacrifice just like what she have done to my family. It's so terrifying ngunit nang magkaraoon ako ng tyansa na tumakas ay ginawa ko na. I'm really glad that I met you," isang mumunting ngiti ang ibinigay niya nang mapatingin siya sa direksyon ko.
"Why... would Herald want a sacrificial man?"
Hindi ko maisip na magagawa iyon ni Herald. Alam kong masama siya pero hindi ito gagamit ng paraan na kailangan pa niyang maghintay upang makuha bagkus siya ang tipo na puwersang kukunin ang isang bagay kung gusto niya.
"May sabi sabi na hindi si Herald ang nagpatupad ng batas na iyon. May konseho sa palasyo ni Herald at paniguradong sila ang nag-usap-usap tungkol dito. Thanks to that law, everyone is with vampires. Thanks to that law, no one can escape from this hellbound city," napayuko ito.
Herald, how far have you gone?
"Ngayong tumakas ka na sa contractor mo, anong mangyayari sayo?" pagtatanong ko nang maalala na tumakas nga pala si Lycan mula sa contractor niya na may pangalang Veska.
"Same to you. You still don't have a contractor, right?" inosente ang kaniyang mukha nang tinanong niya ito.
Napatawa ako sa tanong niya.
"I'll never look for one. Besides, there's a mission I have to do," kibit balikat ko bago tumalikod upang kuhanin ang bag ko.
"Right. You won't. That's why I'll be coming with you," napabaling ulit ang tingin ko sa kaniya dahil sa tugon nito.
Ngumisi lang ako.
"Then be ready for adventures, Mr. Stavanger. Now that I knew the humans' state in this court, I can say that the mission will be even more dangerous. We are going to violate the contractual relationship law which means we can become sacrifices," napabuntong hininga ako nang masabi ko ito.
"Yeah, I know. For the sake of humanity, I'm willing to put my life at stake," tumayo na si Lycan.
Ngayon ko lang napansin na wala itong dala ni isang bag o damit. Napaisip tuloy ako kung ano ang unang hakbang sa misyon namin.
"Lycan," tawag ko dito na mukhang abala sa pag-oobserba sa paligid.
Lumingon ito sa akin.
"Alam ko na ang dapat nating unang gawin," napangisi ako habang ibinaba ang paningin.
Nakasapatos si Lycan na mukhang bagong bago pa, hindi man lang dumanas sa hirap maliban na lamang sa gilid gilid nito na may karumihan. At ang kaniyang itim na itim na pantalon ay may kaunting bahid lang ng buhangin. Ang kaniyang pangtaas ay isang brown na t-shirt. Ito ay malinis ngunit napansin ko ang ilang punit punit. At sa kaniyang mukhang masyadong maaliwas at dahil sa pagkaputi at pagkaputla nito ay tiyak na pansing-pansin ang kaniyang presensya.
Samantalang ako, sa aking kayumangging balat at ang may kalumaang jacket sa ibabaw ng puti na nagkukulay kapeng damit at ripped jeans isama na din ang pinaglumaang sapatos lang ang mga suot ko. Halatang marami ng pinagdaanan ang katawang ito.
"Ano?" Mahina niyang tanong na may inosenteng reaksyon. Gusto ko tuloy matawa dahil ang inosente ng kaniyang mukha.
"Let's get our perfect disguise," I grinned as I started walking out of the abandoned building.
"Huh?" Rinig ko pang tanong nito kaya napatawa na lang ako ng mahina.
"You need to look more ordinary or look like a commoner. Masyadong halata na mayaman ka. Samantalang ako, kailangan kong magmukhang malinis dahil mukha akong galing sa giyera na totoo naman talaga," sabi ko rito nang maramdaman kong sumabay na siya sa paglalakad sa akin.
"Paano?" Diretsahan niyang tanong.
"Rob," simpleng sagot ko.
"Huh?"
"We are going to rob a shop, particularly a boutique," paliwanag ko na dahilan kung bakit ito napahinto sa paglalakad.
"Huh? Theta... are you serious?" He asked with a priceless face.
"Of course. This mission requires dangerous stunts. Remember, what we are gonna do is to go against vampires. But before doing a revolution, first we have to blend with them," seryosong humarap ako sa kaniya with my eyes looking intently at his shocked ones.
"O-Okay," napayuko ito.
Di ko maiwasang magtaas ng kilay dahil hindi man lang siya umangal. Masyadong inosente ang Stavanger na ito.
Tahimik kaming naglalakad, pinagmamasdan ang paligid dahil baka may bigla na lang sumulpot na bampira.
"Is this contractual relationship law the reason why no one is around the streets?" Curious kong tanong.
"Yeah, sorta but the main reason is it's because it's daytime," napalingon ulit ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"What do you mean by daytime?"
"Noon, tao pa lamang ang naghahari sa mundo, sa araw madalas na lumalabas ang mga tao. Ngayong nasa vampire era na tayo, ang araw ay naging gabi kung saan walang mga tao ang dapat na gumagala at ang gabi ay naging araw kung saan naghahalo ang mga bampira at tao sa lansangan."
Hindi ko naiwasang mapakuyom ang kamao.
Nag-iiba na talaga ang takbo ng buhay sa mundo. Kung magpapatuloy ang pag-iimpluwensya ng mga bampira sa tao, ang mga bagong henerasyon ay makakalimutan na ang tunay na mundo kung saan wala silang takot na nadarama sa pang-araw araw at walang maglalaho na lang sa piling nila. All because of a vampire, Herald, the forerunner of the Vampire Invasion.
"Then are we supposed to hide?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko kay Lycan. Sasagot na sana siya nang makarinig ako ng kaluskos.
Shit.
"Lycan, let's go there," napahawak ako sa manggas ng kaniyang damit at ibinulong ito sa kaniya.
Nagtataka man ngunit nagpahila na lang si Lycan sa akin.
Hindi ko alam kung ano nga ba yung sinabi ko kung saan kami pupunta. Basta napansin ko na lang na dinala kami ng mga paa ko sa isang sector na parang binagyo at mistulang ghost town. Hindi ko alam kung tama bang nagpunta kami dito o hindi.
"Theta, where are we?" Tanong ni Lycan nang mabitawan ko na rin ang pagkakahawak sa kaniyang damit.
"I have no idea. I heard some noise earlier, sa tingin ko ay nasundan na tayo ng mga bampira. Hindi ko alam na makakarating tayo sa isang ghost town," napayuko ako.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil ghost town ang napuntahan namin dahil ibig sabihin nito ay kami lang ang tao. O hindi ako dapat matuwa dahil baka lugar pala ito ng mga bampirang kriminal o ang mga bampira na kumukuha ng dugo ng mga tao sa ilegal na paraan. Ngayong sila na ang naghahari sa mundo, hindi ko aakalaing ang mga tagong bampira noong panahon ng tao ay may tinatago palang bayolenteng mga katangian.
Nakakatawa dahil noong tao pa ang namumuno, ang mga tao ang abusado. Abusado sa kalikasan, sa kapangyarihan at sa ibang nilalang o sa mga hayop.
Ngayong panahon na ng mga bampira, ang tao na ang naaabuso. Minsan napapaisip ako kung karma ba ng tao ang mga nangyayari ngayon dahil hindi ko maitatanggi na masama talaga ang tao.
Pero sa kabila ng lahat ng hinanaing ko sa mga tao, gusto ko pa ring ilagay muli sa taas ang uri namin. Tao ang nararapat sa mundong ito. Kami ang nararapat sa mundong ito.
"Maglibot-libot muna tayo. Remember, our first mission is to blend with them," pagyakag ko kay Lycan nang ma-obserbahan ko na ng maigi ang lugar.
"Okay," mahinang sagot niya bago namin sinimulang hatakin ang daan.
Tahimik ang paligid, tanging sapatos lang namin ang maririnig. Napapabalikwalas naman ako kapag kumakaluskos ang hangin. Hindi ko maiwasang maging alerto dahil sa lakas ng hangin ay alam kong kumakalat ang amoy ng dugo ko mula sa aking sugat sa kamay.
Habang naglalakad ay napapaisip pa rin ako kung paano kami napunta rito. Kanina, tila ba awtomatikong gumalaw ang mga paa ko kaya napadpad kami sa lugar na 'to na mukhang di rin alam ni Lycan kahit na siya ay residente ng court na 'to.
Parang may mali.
"Hinto!" Bigla ko na lamang nasabi kaya napahinto kami kaagad ni Lycan sa aming kinatatayuan.
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Lycan at siguradong maski ako ay may gulat na ekspresyon sa mukha.
Mabilis na bumaling ang tingin ko sa bintana ng isang wasak na bahay sa aking kaliwa at nakitang may itim na pigura ang dumaan. Sobrang bilis nito na hindi ko na maaninag ang mukha.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong mayroon pang isang black figure na nasa kanan naman at pagtingin ko sa likod ay nanigas na lamang ako sa aking kinatatayuan.
I knew it. This is a trap. The vampire from the restaurant has come for me with four more vampires wearing black capes.
Vampire criminals.
Shit. Is this actually their sanctuary?!
"Theta!" I snapped back when I felt a strong hold of a hand and I just felt my body getting swayed by a man.
Ang taong hinihila ko kanina ay hinihila na ako ngayon.
"You can't escape, my dear human," napasinghap ako nang makaramdam ako ng malamig sa aking mukha. Pagtingin ko ay nasa harapan ko na ang bampirang sumunod sa amin at ang kaniyang isang kamay ay nakahawak sa aking pisngi.
"Your fragrance is overwhelming. It makes me want you more," inilapit niya ang mukha niya sa aking leeg.
Hindi pa rin ako gumagalaw sa aking pwesto ngunit nang makita ko si Lycan na pilit na kumakawala sa apat na bampirang pumapalibot sa kaniya ay tila kumulo ang dugo ko.
"Stop touching me, you bloodsucking monster!" I yelled in disgust as I pushed him off me.
I took the opportunity to go towards Lycan when I saw that the vampire was strucked for a moment.
"Lycan!"
Napatingin sa akin si Lycan at bigla na lamang siyang tumigil sa paglaban sa mga bampira. Magtataka pa lamang ako nang maramdaman ko na lang na may bumaong malalamig na kuko sa aking braso na nagpahinto sa akin.
"Don't run, my meal."
Nanlaki ang mga mata ko at nanigas na lamang sa kinatatayuan.
"Theta!"
I looked at Lycan who is being approached by the four vampires now na mukhang hindi rin makakaligtas.
We have just started the mission.
I have just started to move.
I have not change the world yet.
Nothing has changed yet.
Pero ngayon, mamatay na ako?
Really? I've gone through twelve years tapos sa ghost town pa talaga ako mamatay?
Napasinghal ako at napapikit na lang, hinihintay ang pagkagat ng bampira sa akin.
Ngunit wala pang isang segundo ay narinig ko na lang ang isang tunog na hindi ko pa naririnig ni minsan ngunit alam ko kung ano ito.
Agad akong napamulat and there I saw as the vampire holding me collapsed, a half naked man with a long metal blade stands in front of me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top