Chapter 3
MAN OF RESPONSIBILITY
MALIWANAG ang paligid, hindi tulad sa Python's na madilim na madilim ang kalangitan. Ang amoy ng ulan ay kumakapit sa aking ilong.
It soothes me. I didn't know that the polluted Manila would become something soothing. Hindi ko na nga makilala ito.
Ang dating nagsisiksikan na mga gusali ay nawala at pinalitan ng mga glass building na tulad sa mga karaniwang gusali sa ibang bansa. Ngunit ang mga gusali dito ay higit pang mas maganda ang pagkakagawa dahil napansin ko ang nagtataasang mga skyscraper at tower na ngayon ko lang nakita. Walang wala ito sa mga gusali noong panahong tao pa ang namumuno.
Nagsimula akong maglakad. Hindi alam kung saan ang patutunguhan.
Di tulad ng pangkaraniwang siyudad o kapital, ang lungsod na ito ay parang walang mga mamamayan. Walang ni isa ang gumagala o naglalakad. Akala ko, dahil ako ay nasa kapital kahit papaano ay marami pa ring tao ang gumagala sa paligid. Pero katulad ng ibang lugar na aking napuntahan, mukhang nauubos na talaga ang mga tao.
Hindi ko maiwasang maikuyom ang aking kamao.
"No, we don't kill humans. If we do, our supply will also decrease."
Pag-alala ko sa sinabi ni Python nang nagsagawa siya ng isang festival. A "Trade Festival" kung saan sa bawat pagbibigay ng 200 ml na red blood cells (PRBC) katumbas ito ng 1 000 pesos o sa panahon ngayon ay 100 mave.
Mukhang ang teritoryo lang ata ni Python ang may konsiderasyon. Hindi ko mawari na ganito pala si Herald. O siguro sadyang takot na ang mga taong gumala dahil aminin ko man o hindi, makapangyarihan si Herald. Ngayong siya ang namumuno sa lugar na ito, mukhang mahihirapan ako sa paghahanap ng kasama.
Inilibot ko lang ang aking mga mata sa paligid. Di tulad ng dating Manila na parang habambuhay na ang traffic sa kalsada, ngayon halos walang sasakyan ang makikita sa daan.
Naging alerto naman ako nang may marinig akong kaluskos sa bandang kanan. Pagtingin ko rito ay isang pusa pala.
Dahil hindi ko din naman alam kung saan pupunta, sinundan ko na lamang ang pusa.
Hindi ko maiwasang tumingin sa paligid nang mapansing papasok kami sa isang commercial district. Ang mga shop ay bukas! Hindi ako makapaniwalang may mga tindahan pang magbubukas sa panahong ito.
Medyo napatigil ako nang may makitang isang bata na sumisilip sa bintana ng isang bakery. Nagulat ako nang may isang babae na bumuhat rito at nang tumama ang aming mga mata ay napahinto na talaga ako. Kulay pula ang mga mata ng babae. Gusto kong magpanic dahil paano kung may gawin siya sa bata?
Kaso napaiwas na lang ako at tuloy tuloy na naglakad. Nakayuko habang pilit na kinakalma ang sarili.
Kung sumugod ako sa babaeng bampira ng walang kalaban laban, parehas lang kaming mamamatay nung bata. Oo, selfish na kung tawagin ngunit kailangan ko pang mabuhay sapagkat may misyon akong dapat gawin.
Napansin ko pa na may isang matandang lalaki ang lumabas mula sa isang restaurant. Halatang halata sa mukha niya ang pagkatakot.
"Hija, gusto mo bang mamalagi muna dito?" Nanginginig ang kanyang boses.
Napakunot ang noo ko dahil napaisip din ako sapagkat wala akong pagpipirmihan. Sasagot na sana ako nang may biglang sumulpot sa pagitan namin ng matanda na isang lalaki na may kulay kapeng buhok.
"Oh, such a delicacy. Come to my restaurant, dear human," nanigas ako sa aking kinatatayuan nang hawakan niya ang aking mukha at inilapit ito sa kaniya.
Kitang kita ko ang pagkapula ng mga mata nito. Punong- puno ng kulay pula ang pupil ng kaniyang mga mata.
Napalunok ako. Ang bampirang ito ay nakasipsip na ng maraming dugo. Ngayon alam ko na kung bakit takot na takot si lolo.
"I... I'm working in some cafe. I'm sorry, I can't accept your offer," pagpaplusot ko dahil napansin ko na puro naman ccommercial ang mga gusali rito.
Bahagya akong umatras upang maghanda ng tumakbo at tumakas sa nilalang na nasa harap ko.
"Oh, is that so? How sad. Gusto ko pa naman ang iyong dugo. Napakabango," lumapit siyang muli sa akin at suminghot singhot ito.
Fuck. I need to escape! This is dangerous!
"Y-yes. I'm sorry. If you excuse me," tumalikod na ako at nagsimulang humakbang ng malalaki. Hindi naman gumalaw yung bampira sa kaniyang kinatatayuan ngunit alerto pa rin ako dahil mabilis niya pa rin akong mahahabol dahil sa sadyang mabilis silang gumalaw.
Nang nasa siguro ay sampung metro na ang layo ko, nagpintig ang mga tainga ko nang makarinig ng kaluskos.
Napatakbo na ako dahil paniguradong ang bampirang iyon ay hahabol sa akin. Sutil ang mga bampira. Porket mabilis ang mga kilos nila, okay lang sa kanila 'pag nauna ang tao sa marathon dahil nakakasabay pa rin sila.
Mabuti na lang at masasabi kong mabilis naman akong tumakbo. Siguro ay dulot na rin ito ng marami kong karanasan sa loob ng labindalawang taon.
"You are fast, but not as fast as me," nanlaki ang mga mata ko nang nasa harapan ko na ang bampira.
Isa lang ang nararapat kong gawin ngayon.
Mabilis akong dumukot ng spray sa bulsa ng aking pantalon at in-spray ito sa kaniyang mukha.
"Aaah!" Tulad ng inaasahan ko, siya ay napasigaw.
I sprayed a modified salicylic acid that I made that is somehow similar to sunlight's properties.
Anak ako ng dalawang mahuhusay na syentista kaya kahit papaano ay marunong din akong mag-eksperimento.
Ginamit ko ang pagkakataong napayuko ito dahil sa pagkasunog ng mukha upang makalampas sa kaniya.
"Fucking human!" I heard him cussed.
Hindi ko ito inintindi bagkus ay pinagpatuloy lamang ang pagtakbo. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nakarinig na naman ako ng kaluskos. Nakarecover siya sa burn na iyon?
"Ouch!" Daing ko nang maramdaman ko ang matigas at magaspang na sahig sa aking puwetan. Sino ang bumangga sa akin?
Shit. May gasgas sa kamay ko at nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng dugo.
"Sorry, miss!" Mabilis naman akong napatingala dahil sa isang lalaki na may light brown na buhok at maputlang balat. Nakita ko ang kulay light brown niya ring mga mata na halata ang takot.
Tao siya.
Nataranta ako nang makita kong paalis na siya at ngayon ko lang napansin na nagkabanggaan kami dahil nang palabas na siya sa eskinita ay ang pagsalubong ko naman. Mukhang hinahabol din ito.
"Wait! I'm a human!" Sigaw ko rito kaya napatigil siya at bahagyang umawang ang kaniyang bibig.
Iniabot ko ang kamay ko na may dugo. Noong una ay nag-aalangan siya ngunit tinanggap niya rin ito at tinulungan akong tumayo.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang palakas na palakas na tunog ng mga yabag ng paa.
"Tara!"
Ako na ang humila sa kaniya dahil parang kinain na siya ng takot at nanigas na lamang sa kinatatayuan.
Mukhang natauhan naman siya at sabay kaming tumakbo sa pinakamabilis naming paraan habang magkahawak pa rin ang kamay.
Hindi ko alam kung ilang kanto ang aming nadaanan bago kami napahinto sa harap ng isang maliit na abandonadong gusali.
Base sa hitsura nito, mukhang gusali ito na hindi pa nagagalaw o sa ibang salita, gusaling ginawa labindalawang taon na ang nakalipas.
Hingal na hingal kaming napasandal sa unang pader na aming nakita.
Napabitaw na din ako sa kamay ng hinila kong lalaki at hinayaang magpadausdos hanggang sa makaupo.
"Your hand. It's bleeding," napatingala naman ako sa kaniya nang magsalita ito sa pagitan ng paghahabol niya ng hininga.
"Ah," iyon lang ang nasabi ko bago tiningnan ang dumudugo kong palad.
Kumuha ako ng panyo sa aking bag at pinulupot dito. Hindi naman ito malala ngunit kailangan kong i-supress ang sugat dahil hamak na malakas ang pang-amoy ng mga bampira lalong lalo na sa dugo.
Napatingin ulit ako sa kaniya nang umupo na rin siya sa tabi ko.
"Why are you being chased?" Napasinghap naman ako nang sabay naming tinanong ang isa't isa.
"Go ahead," sabi ng lalaki at napaiwas ng tingin.
Napansin ko na nakabrown ito ng damit at halos walang bahid ng dumi ang kaniyang kasuotan. Malinis ito ngunit sa bandang kanan ng kaniyang leeg ay puno ng mga kagat.
"I am from Python's court. Napadpad lamang ako dito sa Herald's at sa pinakamalas pang encounter. I met an old man and a hungry vampire," napabuntong hininga ako pagkatapos kong magpaliwanag.
Napansin ko ang bahagyang pagtingin niya sa akin at ang gulat na ekspresyon sa kaniyang mukha.
Ang hinuha ko sa lalaking ito ay siya yung tipo na hindi brusko; tulad ni Daddy.
"Why did you leave? I heard that court is the most peaceful one," he replied back with a confused look.
Napangiti lang ako ng tipid.
"It was."
Napatingala na naman ako. Hobby ko na ata ang pagtitingala lalo na kapag ako ay may naaalala.
I have met Python. In the Trade Festival, he was my first client. Hindi ako pumayag noon sa festival na ito ngunit dahil wala rin naman akong magagawa ay sumali na ako. Hindi ko inakala na siya ang una kong bibigyan ng aking dugo.
Two years ago, I remember that I was sick. The junk shop was my home and it's no wonder that I'd get ill because of the bacteria and such. There was a time when I can't even lift a finger. And the weather was also bad at that time. It was rainy and I had nothing but some rags to protect my body from the cold when a man with long silver hair lifted me on his arms. I was hesitant when I saw his red eyes but I had no strength to resist.
He was a fine vampire, I must say. Hindi niya ako sapilitang kinuhanan ng dugo bagkus nagkaroon kami ng negotiation. Siguro ako ang unang kalahok sa Trade Festival dahil ako ang unang trader at si Python pa na namumuno ng court na iyon ang aking ka-trade.
"Ngunit nitong mga nakaraang araw, bali-balita na wala na si Python sa court na iyon kaya nawawalan na rin ng kaayusan. That court is just another usual court of vampires," kibit balikat ko. Ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin.
"Ikaw? Why are you being chased?"
Napaiwas kaagad ito ng tingin nang sulyapan ko ang mga kagat niya sa leeg.
"Veska, a vampire woman, she's my contractor," panimula niya. Napataas naman ang kilay ko. Contractor?
"In here, humans are forced to pair up with vampires with a contract. I am from the family of Stavangers, the company that led the vampire blood cure project and I had the privilege to choose a contractor. I chose Veska because I thought she is kind but---"
Agad akong napatayo nang mapagtanto ko ang sinabi niya. Napansin kong napatigil din siya.
"You... you are a Stavanger?" malamig ang pagkakasabi ko nito.
Hindi ko inakalang makakakilala ako ng isang Stavanger. Sila ang pasimuno ng lahat ng ito. Sa kompanyang iyon, sa pagtulong ng Mommy at Daddy ko, nagsimula ang lahat ng ito.
Nakita ko ang pag-aalangan sa kaniyang mukha at ang pagkalito.
"Yes, I am. I am the heir, to be exact," napabuntong hininga siya habang ako ay napasinghap naman.
Magsasalita na sana ako ngunit hindi natuloy dahil nag-aalangan ako.
Gusto kong magalit sa kaniya dahil kung hindi dahil sa kompanya nila walang mga bampira. Kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging ganito ang sitwasyon. Kung hindi dahil sa kanila, buhay pa sana ang mga magulang ko.
Pero hindi ko nagawang isumbat ang mga ito dahil wala akong karapatan. Heir lang siya, hindi siya ang nagsimula. Parang natulad na rin ako sa mga nanghusga sa akin.
Ang nararapat naming gawin ay hindi magsisihan kundi ibalik ang sitwasyon o gawing mas maganda pa. At ito ay sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa mga bampira.
"Nice. I am Theta Cartagena, daughter of the two scientists who have worked in your company to create the vampire project. Just like me, are you also feeling responsible of this mess?" I offer my hand with a closed lip smile.
Kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang mga nanlalaking mga mata at ang pag-awang ng kaniyang bibig.
Napalunok ito bago tinanggap ang kamay ko.
"Yes. I am deeply feeling responsible. I may not be strong but if I have to, I will," bakas ang sinseridad sa kaniyang mukha.
Napangisi tuloy ako.
"Great. Then will you join me in the journey to fix this? Will you come with me to fight against the vampires?"
"Yes. Even if it means to lose a limb, senses or blood or even my life. If there is something I can do for humanity, I will," humigpit ang pagkahawak nito sa aking kamay. Hindi ko na talaga naiwasang ngumiti.
"Great then, let's destroy them..." nanliit ang mga mata ko at mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.
"Lycan. Lycan Stavanger," isang ngiti ang ibinigay niya bago ito tumayo sa tulong ng kamay kong nakahawak sa kaniya.
My first day here at Manila, I have already met a comrade.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top